CHAPTER 10

1372 Words
CHAPTER 10 Ken’s PoV “Ibibigay ko lahat ng pangangailangan niyo. . . Pero kailangan niyong sundin ang lahat ng sabihin ko.” Ano naman kaya ang gustong ipagawa ni Mr. Bantug sa gaya namin ni Marianette? Maglinis ng mansyon niya? Eh hindi naman marunong maglinis si Nette, ni hindi nga siya pinapahawakan ng walis ni Tita Nella. At isa pa, sa laki ng bahay niya, kawawa naman kami ni Marianette. At saka, ang daming tauhan ni Mr. Bantug, mukhang sobra- sobra pa nga ang mga tagapagsilbi niya. Wala talaga akong ideya kung ano ang ipapagawa ni Mr. Bantug sa amin. “Sir…” sabat ni Nette. Ramdam ko ang hiya at kaba niya. HIndi nga naman namin kilala ang kumupkop sa amin kaya nauunawaan ko kung ano man ang nararamdaman niya. Hinayaan naman siya ni Mr. Bantug. “Sir, siguro hindi nakaligtas ang Mama at Papa ko kaya mo kami inampon pero bakit po? S-sino ang gusto pumatay sa’min? B-bakit?” Nanginginig ang kanyang tinig. “Pwede ko po ba sila makita kahit sa huling pagkakataon?” Nagkibit-balikat si Mr. Bantug. Hindi ko mabatid sa ekspresyon ng kanyang mukha ang ano mang emosyon. “Patay na ang mga magulang mo, hija. Wala na sila. You have to move on.” Biglang tumulo ang luha ni Nette. Pinipilit niyang maging matatag pero paano nga naman? Napakasaya ng kanyang pamilya kahit na nag-iisa lang siyang anak at walang kapatid. Mapagmahal sina Tita Nella at Don Romeo. Paano sila malilimot ni Marianette? Biglang lumungkot ang mukha ni Mr. Bantug. May puso at pakiramdam din naman pala siya, nakakaramdam din ng awa. Tinapik-tapik ko ang balikat ni Nette.Gusto ko sana siyang yakapin pero huwag naman sa harap ni Mr. Bantug. Hindi ko kasi maintindihan kung anong nararamdaman ko sa taong ito- kung galit ba o tuwa. Kung totoong siya ang aking lolo, nakakagalit isipin na pinabayaan niya ako. Paano niya naatim na ang kanyang apo ay mawalay sa kanya at puro pasakit ang naranasan sa buhay? Ganun pa man, kung may puwang na tuwa sa puso ko nang makita ko siya, marahil ito na ang sinasabi nilang “lukso ng dugo”. Magpapasalamat ba ako kung sa wakas ay hinanap niya rin ako at kinupkop? Ang dami kong stong sabihin sa kanya at isumbat pero ano naman ang magagawa ko kundi maging sunud-sunuran. Pinawi ni Nette ang mga luha na bumabasa sa kanyang pisngi. Kinuyom ang mga kamao at nagngingitngit ang kanyang mga ngipin. Ang kanyang mga mata ay tila may apoy na umaalab. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Marahil matinding poot ang nararamdaman niya sa kanyang puso. Sa isang iglap, nawala ang masaya niyang pamilya. “Hahanapin ko sila. Gaganti ako. Pagbabayarin ko silang lahat…” “That’s it. Find them. Bring them to hell and let them taste your fury,” sabi ni Mr. Bantug na tila inuudyok pa niya si Nette na magalit. “Welcome to the underworld.” Underworld? Hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi. Ibabaon niya ba kami sa lupa? Sandaling tumindig ang mga balahibo ko nang marinig ang salitang underworld. Nakakatakot pakinggan, parang tunog “kamatayan”. Simula nang malaman kong isa lang pala akong ampon, ang daming agam-agam ang nawala sa puso ko. HIndi na ako takot mawalan ng kahit ano dahil sa umpisa pa lang ay walang-wala na ako. Isa na lang ang kinakatakutan ko, ang mamatay. Nang nasa bingit na kami ng kamatayan ni Nette, doon ko naramdaman ang matinding takot. Doon ko napatunayan na ayoko pang mamatay. Kahit anong mangyari, ilalaban ko ang aking buhay. “Iyan po ba ang gusto niyong ipagawa sa amin?” tanong ko kay Mr. Bantug at napatingin siya sa akin na tila hinihintay pa ang susunod kong sasabihin. “Yung underworld. Diyan mo ba kami dadalhin?” Ngumisi lang siya at nagseryoso. “Binabalik lang kita kung saan ka nababagay. Doon ka binuo, doon ka mananatili. Hopefully, hindi ka doon mamamatay.” Hindi ko talaga maunawaan ang mga pinagsasabi niya pero parang may liwanag na akong naaaninag. Masasagot na rin ang mga katanungan na bmabagabag sa aking isipan. Isang matalim na titig ang ipinukol ni Mr. Bantug sa akin bago niya sambitin ang malalalim na katagang abambuhay yatang tatatak sa puso’t isipan ko, at buo kong pagkatao,“it runs in your blood. Tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para ibalik ka kung saan ka nararapat– sa underground.” - - - - - - - - - Hindi na rin kami nagtagal sa office ni Mr. Bantug. Sa totoo lang wala akong maunawaan sa pina-usapan namin. Masyadong malalim at matalinghaga ang mga sinabi niya. Isa siyang busy na tao kaya agad din niya kaming pinakawalan. May isang babae na may edad na, ang umalalay sa amin ni Marianette. Manang Emeng ang pangalan niya. Puti na ang kanyang buhok, kulubot na ang balat. Para siyang tipikal na lola sa probinsya na maaalalahanin at mapagmahal. Dinala niya kami sa magiging kwarto namin. Magkatabi lang ang kwarto na pinagdalhan sa amin. “Ako ang pansamantalang mahalaga sa inyo. Huwag kayong mahihiya na humiling sa akin dahil iyon ang bilin ni Mr. Bantug,” ang sabi ni Manang Emeng bago niya kami iwan ni Marianette. Pansamantala ang sabi niya. Ibig sabihin ba hindi kami magtatagal dito sa mansyon? Ah bahala na. Mukhang ligtas naman kami rito at iyon ang mahalaga. Pumasok na kami ni Nette sa kanya-kanya naming kwarto. Napakalawak nito, inaasahan ko naman iyon pero hindi ko akalain na ganito kalaki at kagara. O sadyang nasanay na ako sa barong-barong kaya ganito na lang ako namangha sa bago kong tutuluyan. Sinulit ko ang pag higa sa malambot na kama. Masarap pala pero bakit ilang saglit lang ay hinahanap ko na ang matigas kong papag. Umidlip ako saglit dahil napagod ang isip ko sa bilis ng mga pangyayari. Kalahating oras ang itinulog ko at agad ding bumangon para makita si Marianette. Kumatok ako sa kanyang kwarto ng paulit-ulit ngunit hindi niya sinasagot. Kusa ko nang binuksan ang pinto at pagpasok ko ay wala naman siya rito. Saan naman kaya siya nagpunta? O di kaya’y dinala na siya sa underground? Bumilis bigla ang tib0k ng puso ko. Bakit naman iniwan ako? Hinanap ko si Nette kung saan-saan. Sa laki at lawak ng mansyon ni Mr. Bantug, hindi ko na alam kung saan mag-uumpisa maghanap. Baka naligaw na si Marianette kaya kanina ko pa hindi nakikita. Sa mahigit dalawang oras kong paghahanap, nakita ko siya sa pinakadulo ng hardin, naka-upo sa ilalim ng isang puno, tahimik na umiiyak. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siya. Halos hindi ko siya makilala sa bigat ng kalungkutan na bumabalot sa kanya. Parang ibang tao siya, ang masayahin at malambing kong kaibigan na tinuturing ko nang kapatid, ngayon ay tila napakabigat ng dala sa puso. Lumapit ako nang dahan-dahan, halos hindi ko alam kung paano siya lalapitan. Naramdaman kong kailangan niya ng kasama, pero ano bang masasabi ko sa ganitong klaseng kalungkutan? Pinatay ang mga magulang ni Marianette, ganun din naman ang akin. Paano ko siya dadamayan kung ako mismo ay nagluluksa rin? "Nette..." mahinang tawag ko. Hindi siya tumingin, pero ramdam kong alam niyang nariyan ako. Naupo ako sa tabi niya, tahimik lang din, pinapakinggan ang bawat hikbi niya. Hindi ko alam kung anong gagawin, pero alam kong kahit papaano, gusto kong ipaalam na hindi siya nag-iisa. “Wala na tayong magagawa Nette. Maswerte na rin tayo at may kumupkop sa atin.” Tumigil na siya sa pag iyak at sinandig ang ulo niya sa aking balikat. Pinilit kong ngumiti kahit na gusto ko rin magmukmok na lang. May dahilan pa para mabuhay. Sa araw na ito, ipinapangako ko na ipaglalaban ko ang dahilan ko kaya pa ako nabubuhay- si Marianette. “Ken—” Kapwa kami napa-igtad ni Marianette sa aming kinauupuan nang marinig namin ang tinig ni Kuya Roland. “Pinapatawag ka ni Mr. Bantug, may mahalaga daw siyang sasabihin sa’yo. Handa mo na sarili mo.” Bigla na namang dumagundong ang dibdib ko. Ano na naman kayang mahalaga ang sasabihin niya sa akin? - - - - - - - - - - - - - - - - - - TO BE CONTINUED . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD