PROLOGUE pt.7

1345 Words
PROLOGUE pt.7 Ken’s PoV Matapos naming ma-execute ng matagumpay ang misyon namin ni Marianette, at ma-secure ang hostage, agad kaming bumalik ng barracks para doon magkita ni Secretary Magtibay. Bahala na ang NBI sa mga natitirang myembro ng notorious kidnapping group na ‘yon. Naghihintay na si Sec sa barracks. Doon kasi ay walang naghihinala sa amin na kuta pala iyon ng mga assassin. Isang dormitoryo kasi ang pagkaka-alam ng lahat sa compound namin. Malapit kasi to sa isang university. Sa university na ‘yon, doon kami nag- aral ng high school at college ni Nette. Doon din namin naging kaklase ang kapatid ni Doc Enzo na si Verena na naging matalik na kaibigan ni Nette. Kung titignan mo ang barracks namin hindi mo iisipin na isa itong training ground, bahay ng mga professional htman, at takbuhan ng mga tycoon, pulitiko, at ng gobyerno kung may gusto silang ipaligpit. “Huwag ka nang matakot, bata. Magkikita na kayo ng tatay mo,’ sabi ko sa anak ni Sec Magtibay nang ipinarada ko na ang sasakyan sa parking lot ng barracks. Kanina pa siya iyak nang iyak at nanginginig sa kaba. Mabuti nga at tumahan siya nang ni-loud speak ko ang pag-uusap namin ng tatay niya kaya kahit papaano ay hikbi na lang ang maririnig sa kanya. Nakapiring pa rin ang mga mata niya at nakatali ang mga kamay sa likod. Binalutan ko siya ng jacket dahil naka sando at panty lang siya. Mukhang ginalaw na siya ng leader. Nakaka-habag, paniguradong habambuhay niyang dadalhin ang masamang yugtong ito ng kanyang buhay. Ito ang iniiwasan ko na mangyari kay Marianette kaya pilit akong nanghihimasok sa buhay niya. Hindi ko rin siya masisi kung sinuway niya ako ngayon. Umiiral na naman ang kanyang emosyon. Naalala niya marahil sina Lenlen at Tinay. Kung mag liligtas siya ng mga biktima ng sx trafficking at kidnapping, pakiwari niya ay nakamit niya na ang hustisya nila Lenlen at Tinay. Nasa living room pa lang kami ay sinalubong na kami ni Sec. Agad na niyakap niya ang anak niya. “Salamat. Hindi ako nagkamali na kunin kayo at ipagkatiwala ang buhay ng anak ko,’ lumuluhang sabi ni Sec. Magtibay habang yakap ng mahigpit ang dalagita niyang anak na sa wakas ay tumigil na sa panginginig ang buong katawan sa takot. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at taos pusong nagpasalamat. Pagkatapos ay sunod niyang kinamayan si Nette. Ngunit tumanggi ito na tanggapin ang pasasalamat ni Secretary. “You don’t have to thank me, sir. Pumalpak ako sa misyon. Hindi rin ako ang nagligtas sa anak mo,” sabi ni Marianette. Hindi niya matitigan sa mata si Sec. I know how frustrating it is for her to think that she failed her solo misyon. Lahat ‘yon dahil sa pangingialam ko. “Kukunin ko lang po sa kwarto ko ang perang binayad niyo. Isasauli ko–” “No. No please. I’ve cause you so much time and trouble. Kung hindi matanggap ng ego mo ang pera na ‘yon, just give it to Wolf,” sabi ni Sec at tumingin sa akin. Isang matamis na ngiti ang handog niya sa akin. “Sec, I told you that my service is free basta—” “No, please. I insist. No amount of money could ever repay your service. Niligtas mo ang anak ko, I am forever in debt, and am grateful.” Nakakuyom ang mga kamao ni Nette, alam kong sinisisi niya ang sarili dahil hindi siya ang nagligtas sa anak ni Sec. Napansin din siya ni Sec Magtibay kaya tinapik-tapik ang kanyang balikat. “Ah no. Don’t feel bad, Foxy. Sobrang linis ng plano mo, it’s just that . . . there are bad guys out there who get on our way na gusto tayong pabagsakin. . . and sh1t happens. Ano bang magagawa natin kundi ang bumangon at tayo naman ang mandudurog. Gaya ng kasabihan ng Rabidkill- hihimlay, babangon. So cheer up, sweetheart.” Ibang-iba ang tono ng pananalita ni Sec, not the usual professional and military voice. Punong-puno ng galak ang puso niya na parang nabunutan ng tinik ang dibdib dahil ligtas na ang anak niya. Hindi na nagtagal si Sec at ang anak niya, alam kong pagod na sila kaya umalis na rin sila ng barracks. Tahimik lang si Marianette na umakyat sa kanyang kwarto pero bagsak ang kanyang balkat at mabigat ang bawat hakbang. Agad nang pumasok si Marianette sa kanyang kwarto. Bago pa niya tuluyang isara ang pinto, agad kong pinigilan ang pag-sara nito. Hinablot ko ang braso niya at mahigpit na kumapit. “We have to talk, Nette. You can’t get away from me this time. Kailangan mo ng magtanda. Ilang beses ko na bang niligtas ang buhay mo? Maniningil na ‘ko.” Lumapit siya sa kanyang vanity table at binuksan ang vault na nasa ilalim. Nilabas niya ang envelop na naglaman ng bayad sa kanya ni Sec. Sinundan ko siya at bago pa niya isara ang vault ay hinablot ko mula sa kanyang kamay ang envelop at muling ibinalik ito sa loob ng vault at sinara ang lock nito. Hindi naman siya makapalag dahil nakakulong siya sa mga bisig ko. Niyakap ko siya mula sa likod, mahigpit, nanggigigil. “Are you insulting me? Pera lang ang katubas ng ilang taon kong pag bantay at pagligtas sa’yo?” bulong ko sa tenga niya. “A-ano bang gusto mong ibayad ko?” nauutal niyang tanong. “Ikaw,” sagot ko at lalo pang hinigpitan ang yakap sa kanya. “Ikaw lang ang gusto ko Nette. Matagal na tayong nakikipag laban sa buhay. Hindi ka pa ba pagod? Ayaw mo bang magka-anak? Tumakas na tayo Nette. Iwan na natin ang magulong buhay na ‘to at bumuo na tayo ng pamilya natin—” Hindi ko na matapos ang susunod kong sasabihin. Biglang tumulo ang luha ko. Tangina. Pilit siyang kumawala sa mga bisig ko at hinarap ako. Ayoko man ipakita na umiiyak ako pero nandito na kami. Ito na ang tamang panahon at pagkakataon para pag-usapan ang magiging tadhana namin. “Hindi ko pa nakakamit ang hustisya. Hindi matatahimik ang buong kaluluwa ko hanggat hindi ko pa nakikilala ang pumatay sa nanay at tatay ko. Si Lenlen, si Tinay. . . Si Verena! Hanggat hindi ko pa sila naipag hihiganti, wala akong karapatang tumakas at maging payapa—” “Yan ba talaga ang dahilan!” pasigaw kong tanong at mahigpit na hinawakan ang braso niya. Nangigigil talaga ako. Nahimasmasan lang ako nang nakita ko na nasasaktan na siya. “Bakit ba? Ano pa bang iniisip mo?” “Si Vicenzo.” Nanlaki ang mga mata niya. “Si Doc Enzo ba ‘yan? Bakit naman siya nadamay–” “Siya ‘di ba? Dinadahilan mo lang si Verena. Wala kang kasalanan sa pagkamatay niya. Pero dahil sa doktor na ‘yon, pinipilit mong magkaroon ng puwang sa puso niya–” “Ken! Anong pinagsasabi mo?” halos pasigaw na rin ang sagot niya sa’kin. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa braso niya. Ayaw niyang pag-usapan si Enzo. “Sagutin mo ‘ko. Bakit hindi mo na lang ako sagutin?” sigaw ko. Sa sobrang galit ko ay napa-atras siya at napa upo sa ibabaw ng vanity table. “Si Enzo?” Tumitig siya sa mga mata ko na parang iiyak na. “Gusto ko talaga siya. . .” Biglang tumulo ang luha niya at yumuko. “Pero hindi ako nararapat sa kanya.” Gusto ko siyang yakapin para i-comfort. Pero mas kailangan ko yata ng comfort. Ang sakit palang marinig mismo mula sa kanyang bibig na may ibang lalaki siyang gusto. Sana pala hindi ko na lang tinanong. Binitawan ko na siya at umalis na lang. Bigla akong nakaramdam ng pagod. Magpapa hinga na ako. Pagtalikod ko ay naririnig ko na ang pag iyak niya. Pag labas ko ng kwarto niya ay nagulat ako sa aking nakita. - - - - - - - - - - - - - - - - - - - TO BE CONTINUED . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD