Chapter 6

1311 Words
CHAPTER 6 Ken’s PoV Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang ay dumating sina Marianette dito sa Buhay na Bato at parang kahapon lang din nang nalaman kong ampon ako. Isang taon na agad ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano nangyari sa mga magulang ko. Kung bakit maaga nila akong iniwan. Hindi naman ako nagrereklamo, lalo pa at inaasikaso ako ng mabuti ni Tita Nella. Para ng tunay na anak ang turing niya sa akin. Pati si Don Romeo ay hindi na iba ang turing sa akin. Pag uwi niya ay tinatawag niya kami ni Marianette at uupo na siya sa kanyang paboritong upuan at doon ay isasandal niya na ang pagod niyang katawan, pipikit at magpapahinga habang binubunutan siya ni Marianette ng puting buhok at ako naman ay minamasahe ang kanyang paa. Masaya na ako sa ganitong buhay. Kuntento na ang puso ko. - - - - - - - - - Payapa ang buhay namin ni Marianette, tipikal na estudyante na pumapasok sa eskwela. Sabay na naglalakad pauwi. Pagkatapos ng klase, gaya ng lagi, naglalakad kami sa daan. Habang binabaybay namin ang malawak na daan, biglang may tatlong lalaking humarang sa amin. Kilala ko ang mga ito, sila ang mga siga sa eskwela, palaging naghahanap ng gulo. Naramdaman ko ang pagkapit ni Marianette sa braso ko. Ramdam ko ang kaba niya. “Hoy Tisoy! Big time ka na ah. Dati gusot gusot pa uniform mo ah saka butas butas pa sapatos mo. Dami ka ng pera, penge!” sabi ni Popoy. “Inggitero! Dun ka sa mama mo manghingi,” matapang na sabi ni Marianette. Napasimangot si Popoy. Nang simulan ni Popoy at ng dalwa pa niyang kasama ang pangungutya at pagtulak kay Marianette, biglang sumiklab ang init sa dibdib ko. Hindi ko kayang hayaang saktan nila si Marianette. Bago pa man ako makapag-isip, inunahan na ng katawan ko ang utak ko. Sinugod ko ang isa sa mga siga at tinamaan siya ng isang malakas na suntok sa mukha. Nabigla sila, hindi inaasahan na lalaban ako. Matagal na akong kinukutya ni Popoy at hindi ako lumalaban kahit pa sabihin niyang isa akong duwag. Pero kasama ko kasi Marianette at hindi ako makakapayag na saktan nila o asarin man lang si Nette. Nagpatuloy ako sa pakikipaglaban, nagawang bugbugin ang tatlo kahit na sila'y mas malalaki at mas maraming bilang. Sa huli, umatras ang mga bully, at tinakbo nila ang daan pabalik, iniwan kami ni Marianette. Napa-upo na lang ako sa daan dahil ngayon ko naramdaman ang pagod at sakit ng kamao. Nilahad ni Marianette ang palad niya sa harapan ko. ”Halika na Ken.” Kinuha ko ang inabot niyang palad. Ang malambot at maliit niyang kamay kay sarap hawakan. Parang biglang nawala ang pagod ko lalo na nang masilayan ko ang matamis niyang ngiti. Parang may anghel na bumaba sa lupa para ako alalayan. Tumayo na ako at hawak-kamay kaming nag lakad papuntang bahay nila na parang bahay ko na rin dahil doon na ako pinatuloy nila Tita Nella. - - - - - - - - - Pag tapos ng klase, nagmamadaling umuwi si Marianette. Sa pagmamadali niya ay basta na lang niya akong iniwan. Sinundan ko siya kahit na sa likod lang niya ako. Abot tanaw ko naman siya kaya sinundan ko na lang siya ng tingin. Hanggang sa tumigil siya sa isang eskinita at pumasok siya sa loob no’n. Syempre bilang nag-aalala at curious sa kung ano bang gusto niyang makita, sinundan ko lang siya. Ang eskinita na ‘yon ay patungo sa isang secluded area, may maliit na komunidad sa tagong lugar na ‘yon sa tabi ng dagat. May tatlong tent na nakatayo doon at ang dalawang tent ay may mahabang pila. Pila pala iyon ng mga may sakit at gustong magpa check-up. Binasa ko ang poster na nakalagay sa itaas ng tent. De Rama Medical Mission Tinitigan ko si Marianette,kung ano ba ang sadya niya rito. Habang pinagmamasdan ko siya sa malayo, napansin ko kung saan nakatuon ang focus niya. Sa isang batang lalaki, kayumanggi pero hindi naman maitim,hindi rin kaputian, medyo chubby. Mukhang anak mayaman, sigurado akong dayo lang ang batang ‘yon dahil bukod sa ngayon ko lang siya nakita ay base sa pananamit niya, hindi siya residente ng maliit na baryo na ito. Kinamayan ng batang lalaki si Marianette at nakangiti pa. Abot-langit ang ngiti ni Marianette habang nakikipag-kamay sa batang lalaki na ‘yon. Pagkatapos nilang magkamayan ay binigyan si Marianette ng isang pirasong ensaymada at juice na hindi naman niya tinanggihan. Para sa mga pasyente ang pagkain na ‘yon pero tinanggap pa rin niya. Malinaw naman kung sino ang sinadya ni Marianette sa medical mission na ‘to. Kahit pa mukhang masaya naman siya sa mga sandali na ‘yon, hindi ko alam kung bakit hindi ako natutuwa na makita siyang masaya. Lumapit ako sa kanila at bigla kong hinila ang bisig ni Marianette. “Huy, Ken!” hiyaw ni Marianette. Hindi niya inaasahan ang bigla kong pagsulpot. Ilang hakbang pa at nakalayo na rin kami sa medical mission na ‘yon. Saka ko lang binitawan ang bisig ni Marianette kahit pa kanina pa siya umaalma at gustong kumawala. “Bakit? Nakaka-inis ka! Ngayon ko lang ulit nakita si Enzo! Bakit mo ko kinakaladkad?” sigaw niya. Natahimik ako. Kilala pala niya ang batang lalaki na ‘yon na Enzo ang pangalan. Siguro kaibigan niya sa Maynila. “Madilim na, dadating na si Tita Nella at Don Romeo. Magagalit sila pag hindi tayo nadatnan sa bahay.” “Saglit lang naman eh!” Hindi pa rin humuhupa ang galit ni Marianette sa akin. Basta mabigat ang loob ko sa batang lalaki na ‘yon. Mukhang mabait si Enzo at mas matanda kaysa sa amin pero hindi ko alam kung nasasaktan ang damdamin ko. Marami naman kumakaibigan kay Marianette pero sa lahat ay iba si Enzo. Nagpatuloy ang galit ni Marianette sa akin. Hindi niya ako pinapansin. Lalo na nang kinabukasan ay wala na ang mga tent na nakatayo sa tabing-dagat. Wala na ang mahabang pila, at wala na rin si Enzo. Imbis na ma-guilty ako, lihim na natutuwa ang puso ko dahil hindi na sila ulit nagkita pa. - - - - - - - - - Isang araw, Sabado ng umaga habang kami ay nasa hapag kainan ay abot tenga ang ngiti ni Tita Nella habang naghahain ng masarap na almusal. “Pagkatapos kumain maghanda na kayo ng mga damit. Maligo tayo sa dagat. Maghahanda ako ng masarap na baon.” Ang saya ng paligid nang sinabi ‘yon ni Tita Nella. Pati si Don Romeo na seryoso sa buhay ay hindi maitago ang galak. Excited kaming lahat. Napapalakpak pa si Marianette sa tuwa. Ilang araw na akong hindi kinikibo ni Marianette pero sa araw na ‘yon ay pinansin niya na rin ako sa wakas. Madali naming tinapos ang almusal namin at gaya ng lagi, tinulungan ko si Tita Nella na magligpit at ako na ang nag hugas para mapabilis ang pag aayos niya at maaga kaming makaligo sa dagat. Masaya kaming naligo, nagkainan, at kung ano ano pa ang ginawa namin sa buong maghapon na ‘yon. Para kaming isang buong pamilya. Walang mapagsidlan ang kasiyahan ko dahil bagamat isa lang akong ampon ay naramdaman ko kung ano ang pakiramdam ng isang buong pamilya. - - - - - Gabi na nang naka-uwi na kami ng bahay. Sa kabila ng saya at halakhakan sa araw na ‘yon, isang trahedya pala ang kapalit ng masayang sandali. Pag pasok ni Don Romeo sa bahay isang galabog sa sahig ang narinig namin. “Nellaaaaa! Tumakas na kayo! Takbo!” Narinig naming sigaw ni Don Romeo. - - - - - - - - - - - - - - - - - - TO BE CONTINUED . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD