Maagang nagising si Draco. Nakapag-dilig na siya ng halaman sa labas at ngayon naman ay sinusubukan niyang magluto ng almusal. Alas siyete y medya na at hindi pa lumalabas si Lara sa silid nito. Hindi alam ng binata kung tulog pa rin ba ang dalaga o sadyang ayaw lang nitong magpakita sa kaniya? "Oh, s**t! This is crazy!" bulalas niya. Agad na binuksan ang gripo at isinahod ang duguang daliri sa tubig. Naghihiwa siya ng kamatis para sana isama sa palaman ng ginawa niyang sandwich nang dumaplis ang talim ng kutsilyo sa kanang hintuturo niya. Dama niya ang hapdi at kirot na dulot niyon. "Tsh. Why am I doing this? Why do I need to please her? Why is it that women are so hard to understand? They make everything complicated," bubulong-bulong na tanong nito habang patuloy lang sa pag sahod ng d