"Lara!" malakas na tawag ni Draco. Kanina pa siya nagpapaikot-ikot sa buong bahay ngunit hindi niya makita ang dalaga. Sinubukan niya itong hanapin sa silid nito ngunit wala rin ito roon. Malinis na nakaayos ang kama nito. Naningkit ang mga mata ng binata. "f**k! Where the hell is she?" inis na tanong niya na ang sarili lamang ang kausap. Samantalang, si Lara ng mga oras na iyon ay nasa likod bahay. Nang marinig niya ang walang tigil na pagtawag ni Draco sa kaniyang pangalan ay nataranta siya. Natakot siyang harapin ito kaya nagtago siya sa likuran ng malaking drum at pinakiramdaman ang kaniyang paligid. Ang lakas ng t***k ng puso niya at bigla na lang nanghina kaniyang mga tuhod. Alam n'yang hindi niya magagawang magtago kay Draco nang matagal, magkikita at magkikita pa rin sila. Kaya l