"Tita Beatriz!" tawag ni Draco sa pangalan ng kaniyang tiyahin. Paakyat na sana ang ginang sa hagdan ng marinig ang boses ng pamangkin. "Oh, there you are!" Sumilay ang ngiti sa labi nito at agad na sinugod ng yakap si Draco ngunit agad ding bumitiw ng maramdaman ang basang katawan ng binata. "Ooops... I'm sorry! There's no water upstairs so I took a shower in the bathroom here. Wait for me, I'll just get dressed," paalam niya sa bisita. "Okay, dear," tugon naman nito. Nagmamadaling umakyat si Draco nang hagdan ng pigilan siya ni Beatriz. "Wait! Where is Lara? Is she still living here?" tanong nito. Muntik ng makalimutan ng binata sii Lara. Naalarma siya, hindi ito maaaring makita ng kaniyang Tita Beatriz na palabas din ng banyo kung saan siya nanggaling kanina dahil baka maghinala