Chapter 10*- Ang Bigotilyo at Balbas Saradong si Muning

1566 Words
Binalikan ni Draco ang sinabi sa kaniya ng kaniyang Tita Beatriz kanina bago ito umalis. "I'm so sorry to ask you this, Draco. Alam ko kung gaano kahirap at kasakit ang pinagdaanan mo pero hindi pa ba sapat ang apat na taon? Hindi na kaya pa ni Keith at Seth na asikasuhin ang kompanya mo dahil may kani-kaniya silang kompanya na pinamamahalaan. Your Dad is in a big trouble, bilang panganay ikaw ang inaasahan niya na makakatulong sa kaniya. Your Mom is not in good condition, sobra na ang pag aalala niya sa 'yo. You always refused her calls and even her request to see you. Your family needs you so bad. Please, bumalik ka na sa dating ikaw. We want our Draco back." Nanginginig ang mga kamay na pilit hinahawakan niya ang box ng cellphone. Gusto niyang kausapin ang kaniyang ina at kamustahin ito ngunit hindi niya kaya. Hindi niya kayang marinig ang boses nito dahil natatakot siya. He disappointed his family. He disappointed all the people around him. Dumampi ang dulo ng daliri niya sa maliit na kahon ngunit parang napapaso na agad binawi iyon. Bumaba siya sa kama at lumabas ng kaniyang silid. Nagtungo siya sa terrace at doon nanatili habang nag iisip nang malalim. May bote pa siya ng alak na naroon na hindi pa man nagagalaw. Kinuha niya ito sa ibabaw ng lamesa at binuksan ang takip. Walang ibang maririnig kung hindi ang sunod-sunod na paglunok niya. _ Sa kusina ay maganang kumakain si Lara, sarap na sarap siya sa sariling luto. Halos hindi na siya tumitigil sa pagsubo at hindi na niya nginunguya ng husto ang pagkain, nilulunok agad iyon sa sobrang pagmamadali na makakain ng mas marami. Dinamihan niya ang sinaing na kanin gayundin ang ulam. Sinadya niyang gawin iyon para matirhan si Draco. Ang layunin niya ngayon sa buhay ay mapakain ito ng totoong pagkain at patigilin na ito sa pag inom ng alak. Alam niyang imposible pero hindi siya nawawalan ng pag asa. Nagustuhan nga nito ang ginisang sardinas na niluto niya bakit hindi ang tinolang manok? Kaya lang ang problema ay kung paano niya ito aayaing kumain? Ilang beses na niyang sinubukan ngunit lagi lang siya nitong sinisinghalan o 'di kaya ay nilalayasan. Allergic si Draco sa kaniya, malayo palang kapag nakikita na siya nito ay umiiwas ng daan para hindi sila magkasalubong. Minsan napapagod narin siya sa kakaiwas nito sa kaniya. Isang beses nga inamoy niya ang sarili kung amoy putok ba siya o mabaho ba siya baka iyon kasi ang dahilan kaya iniiwasan siya ng binata. Sa kabutihang palad ay wala naman siyang naamoy na gano'n. May isang pagkakataon lang na medyo umasim siya dahil madalas siyang pinapawisan sa kakatambay sa bakanteng lote kahit tanghaling tapat. Pero para sa kaniya ay okay lang 'yon ang importante may asim pa siya. Hinugasan muna niya ang mga hugasin bago umakyat sa kaniyang silid. Natanawan niya si Draco sa terrace, as usual may hawak na naman itong bote ng alak habang nakatanaw sa malayo. Napangiti siya ng may biglang naisip. Dahan-dahan ang mga hakbang niya at ingat na ingat na huwag makagawa ng ingay, lumapit siya sa kinaroroonan ni Draco. Umarte siya na akala mo ay may hinahanap, hinawi pa niya ang binata at pinaalis sa puwesto nito, sumilip sa ilalim ng lamesa at sa mga gilid-gilid. "f**k! What do you think you're doing?" galit na tanong ni Draco. "Si Muning, nakita mo ba si Muning?" tanong niya rito. Muntik ng magpang abot ang mga kilay ng binata. "Who's, Muning?" tanong na naman nito. "Si Muning, yung kumain ng ginisang sardinas na niluto ko. Hinahanap ko siya kasi nagluto ako ng tinolang manok ngayon. Marami pa akong natira kaya ipapakain ko na lang sana sa kaniya. Sayang naman kasi baka mapanis lang. Nakita mo ba si Muning?" Umiling si Draco. "Go away! It's not here!" pagtataboy nito sa kaniya. "Ang sungit naman neto! Ah, basta kapag nakita mo si Muning sabihin mo sa akin, kawawa naman 'yon baka nagugutom na," bilin pa niya. "I don't care about that, Muning, and even if I saw it I won't tell you! Now get lost! You're so irritating!" singhal nito. "Ewan ko sa 'yo!" Inirapan ni Lara ang binata ay pamartsang umalis. Nang makapasok siya sa kaniyang silid ay tawa siya nang tawa. Paano ba naman, wala naman talagang pusa sa bahay na 'yon. Kunwari lang na meron at hinahanap niya ito, gusto lang niya na iparating kay Draco na nagluto siya ng pagkain dahil hindi niya masabi rito ng direkta. Ibinagsak niya ang katawan sa kama, napansin niya ang libro na nakapatong roon, tumalbog kasi ito at bumagsak sa sahig. Nakita niya ang libro na iyon sa loob ng box na dala ng tiyahin ni Draco. Nag iisa lang naman ang libro na iyon kaya kinuha na niya. Wala naman kasing mapaglibangan sa bahay na ito, walang tv, walang radyo o kahit na ano. Hindi siya mahilig magbasa pero wala namang mawawala kung susubukan niya baka magustuhan niya kung hindi naman ay ibibigay niya na lang iyon kay Draco tutal para sa kaniya naman siguro ang librong iyon. Pilit niyang pinulot ang libro sa sahig, hindi niya agad ito naabot dahil tinatamad siyang bumangon ngunit nadaplisan iyon ng kamay niya kaya bumukas ang libro. Napaawang ang bibig niya ng malamang hindi pala ito libro kung hindi isang diary. Sa tingin niya ay sulat kamay ng babae iyon. Isang babae ang may-ari ng diary. Agad siyang napatayo at pinulot iyon. Bumalik siya sa kama at umupo ng pa-Indian seat at pinakatitigan ng husto ang inakala niyang libro. Inilipat-lipat niya ang mga pahina. Marami na ang nakasulat doon, sa tantiya niya ay nasa dalawampung pahina na lahat nang iyon. Ibinalik niya sa unahan at pinasadahan ng basa. Maganda ang sulat kamay ng kung sino mang babae na gumawa niyon, malinaw at madaling intindihin. September 24, 2016, I'm so happy dahil sa wakas ay napansin mo rin ako. Sa loob ng ilang taong pagsunod-sunod ko sa 'yo mula noong college pa tayo ay nalaman mo na rin na nag-e-exist ako sa mundo. Mas pinili kong mag-trabaho sa kompanya mo kaysa sa sarili naming kompanya para mapalapit ako sa 'yo. Pakiramdam ko ang taas-taas mo noon at napakahirap abutin. Everybody loves you and wants to get your attention but poor me kung hindi pa ako nahulog sa upuan habang dumaraan ka ay hindi mo ako mapapansin. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon dahil iyon ang unang araw na tinapunan mo ako ng tingin. Okay lang kahit hindi mo ako sinalo at bumagsak ako sa sahig ang mahalaga tumingin ka sa akin. Iyon ang nakasulat sa unang pahina ng basahin ni Lara. Napabuga siya ng hangin. "Tsk... parang tanga lang! Sino ba kasi ang nagsulat nito? Meron pa palang gumagamit ng diary ngayon?" tanong niya sa sarili habang sinisipat ang cover ng diary pati na likuran nito ay sinipat niya rin ngunit wala naman siyang nakitang kahit na anong pangalan buhat doon. Nakaramdam siya ng antok, alas singko palang kasi ng umaga ay gising na siya. Inilagay niya ang diary sa ilalim ng kaniyang unan at nahiga. Ilang saglit lang ay nakatulog na siya. Sa tagal nang umiinom ng alak ni Draco ay parang ngayon lang siya nakaramdam ng pananawa. Hindi niya nagawang ubusin ang laman ng bote. Iniwan niya iyon sa lamesa at tinungo ang hagdan para bumaba. Medyo hilo na siya pero hindi naman masyadong lasing. Dumiretso siya sa kusina, naalala niya ang sinabi ni Lara na nagluto ito ng tinola. Simula ng maumpisahan na niyang makatikim ng kanin at ulam ay parang hinahanap-hanap na ng tiyan niya iyon. Tiningnan niya ang kaserola na nakapatong sa kalan. Nakahinga siya nang maluwag ng makita na may laman pa iyon. Ang buong akala niya ay ipinakain na iyon ni Lara sa pusa. Agad siyang kumuha ng plato at nagsandok ng kanin. Hindi na niya nagawang magsalin sa mangkok ng ulam. Binitbit niya ang buong kaserola at dinala sa lamesa kasama ng platong may lamang kanin. Mainit pa ang sabaw ng higupin niya mula sa lalagyan, muntik na nga siyang mapaso. Ang totoo ay ininit muna ni Lara ang ulam bago siya umakyat para kapag naisipan ni Draco na kumain ay mainit pa ang sabaw nito. Ganadong-ganado ang binata. Simot ang kanin sa kaldero pati ang ulam. Pinagpawisan siya nang husto sa paghigop ng mainit na sabaw. Matapos kumain ay itinambak niya ang lahat ng hugasan sa lababo. Hindi niya kasi nakasanayan na gumawa ng mga gawaing bahay. Noon kasi ay may mga taong nakasunod sa bawat galaw niya at siyang nagliligpit sa bawat ikinakalat niya. Mabuti nang isipin muli ni Lara na ang pusa ang umubos ng pagkain. Paniwalang-paniwala nga ito na masyadong matalino ang pusa na naligaw sa bahay niya dahil marunong itong gumamit ng plato, kutsara at tinidor. Kapag hinugasan pa niya ang pinagkainan niya ay baka hindi na maniwala si Lara na pati paghuhugas ng pinggan ay alam ng pusa. Hayaan na lang niyang ang pusa ang pagbintangan nito sa pag ubos ng pakain para lagi siyang makakakain ng mga luto nito nang hindi ito naghihinala. Alas kuwatro ng hapon paggising ni Lara ay excited na siyang bumaba para i-check ang kusina. "Yesss!" hiyaw niya, tuwang-tuwa siya dahil nagtagumpay siya. Nakita niya ang mga hugasin sa lababo, ibig sabihin lang no'n ay kumain ang bigotilyo at balbas saradong si Muning.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD