"Lara, nag-aya ng dinner sila Nadeck ngayong gabi, treat daw nila. Sumama ka ha? Ang gusto ng mga boys ay kumpleto tayo, um-okay na si Wanda, huwag ka ng tumanggi." Kasalukuyang nag lalaba ang dalaga ng kaniyang mga panty at bra sa banyo na nasa loob din ng kaniyang silid ng pumasok ang kaibigang si Claudia. May tagalaba naman sila ng maruming damit kaya lang ang mga underwears ay hindi na niya isinasama sa pinalalabhan lalo na ang kaniyang mga panty. Pagdating kasi don ay maselan siya, gusto niyang makasigurado na malinis ang pagkakalaba. "Kayo na lang, bakit kailangan pa akong sumama? Gusto ko sana'ng matulog ng maaga," hindi interesadong sabi niya habang patuloy ang ginagawang pag-kusot. Nagpapadyak si Claudia. "Ito naman napaka kj! Sumama ka na, saglit lang naman tayo, dinner lan