"Hmm... May kakaibang napapansin ako sa 'yo. Umamin ka nga ha, Lara. In love ka ba? Iba yung awra mo eh, tapos ang ganda-ganda pa ng ngiti mo. Huhulaan ko kung kanino ka in love, dun sa Marcus na 'yon hindi ba? Sa guest mo na naging constant chatmate mo na," pambubuska ni Wanda. Pinanlakihan ng mga mata ni Lara ang kaibigan. "Ano ba'ng in love ang pinagsasabi mo d'yan?" kunwari ay inis na tanong niya. Umirap ito na para bang hindi nagustuhan ang pagmamaang-maangan niya. "Huh! Huwag ka na nga mag-deny. Madalas kitang nakikitang ka-chat ang lalaking 'yon. Tapos pag may live ka nagbabagsak agad ng maraming diamonds para mawala ka na sa live stream. Sa tingin ko in love rin ang lalaking 'yon sa 'yo. Gagastos ba 'yon ng malaki kung hindi?" pahayag pa nito. Natahimik si Lara. Wala naman silan