"Mister, inisip ko lang kasi na baka kailangan mo ng makakasama rito sa bahay. 'Yung maglilinis at mag aasikaso ng pagkain at mga pangangailangan mo. Sige na, pumayag ka nang magtagal pa ako rito. Kung pampasweldo sa akin ang iniisip mo ay 'wag mo ng alalahanin 'yon. Kahit hindi mo ako bayaran sa serbisyo ko ang importante lang sa akin ay may libreng pagkain at matitirhan. Huwag kang mag alala, masipag ako, alam ko ang lahat ng mga gawaing bahay." Abo't-abo't ang kaba ni Lara habang nakikiusap kay Draco.
"I'm used of being alone and I don’t need help from anyone!" matigas na tugon nito.
Nanlumong napayuko na lamang ang dalaga. Parang nawalan na siya ng pag-asa na mapapayag pa ang aboridong lalake sa kaniyang harapan.
"Ang totoo niyan wala na akong ibang mapupuntahan, hindi na ako pwedeng bumalik sa amin dahil siguradong mapapahamak lang ako do'n kapag umuwi pa 'ko. Sana nga hindi na lang ako nakaligtas ng mahulog ang balsang sinasakyan ko sa talon ng sa gan'on ay hindi ko na kailangan pang magmaka-awa sa 'yo na patirahin ako rito sa bahay mo. Ayoko namang magpagala-gala sa labas dahil baka makita ako ni Mang Pablo at subukan na naman niya 'kong pagsamantalahan," halos pabulong lang na sabi niya ngunit malinaw na narinig ni Draco ang lahat nang iyon.
Huminga ito nang malalim.
"All right. You can stay here until you find another place to live. But, in one condition, don't you dare interfere with my life," parang napipilitan lang na sabi nito.
Napaangat ang ulo ni Lara at tiningala ang binata. Sa taas nitong siguro ay aabot sa anim na talampakan ay talaga namang titingalain niya.
Hindi siya makapaniwala na napapayag niya ang masungit na lalake na manatili siya sa bahay nito. "Talaga, Mister? Naku, maraming salamat!" tuwang sabi niya. Gusto niyang maiyak sa sobrang saya. Malaking problema niya ang na-solusyunan sa pagpayag nito kaya naman ang gaan-gaan ng pakiramdam niya ngayon.
Walang reaksiyong tiningnan lang siya ng binata. Nilagpasan siya nito, naglakad ito at dumiretso sa nakasaradong pinto na naroon din sa kusina, binuksan nito ang pintong iyon at pumasok sa loob.
Humakbang si Lara para sundan ito. Naintriga siyang sumilip para malaman kung ano ang nasa loob ng silid na iyon. Napaawang ang bibig niya nang makita ang napakaraming bote ng iba't-ibang klase ng mga imported na alak. Ito lang ang bukod tanging lugar sa bahay na iyon na malinis at maayos. May mga estante ang alak at maganda ang pagkakasalansan ng mga iyon. Nakita niyang kumuha ng isang bote ang lalake. Napatda siya sa kaniyang kinatatayuan at hindi na naman siya makakilos nang biglang pumihit paharap si Draco para lumabas nang silid na iyon ngunit, natigilan ito. Nagsalubong ang mga kilay ng binata nang makita si Lara na nakasilip sa pinto na para bang nakikiusyoso.
"What do you want?" iritadong tanong niya sa dalaga.
"Ah-eh, mag aalmusal na tayo 'diba, bakit may dala kang alak, iinumin mo ba 'yan? Masyado pang maaga para mag inom," alanganing sagot ni Lara.
"I don't want to eat! I told you, if you want to stay long in this house don't question what I am doing. Just clean the house, that's your only job here."Dire-diretsong lumabas na ito ng kusina at iniwan ang dalaga. Hindi pa ito nakakalayo ay binuksan na nito ang takip ng hawak na alak at agad iyong tinungga.
"Huh! Ang aga-aga alak ang inilalaman sa sikmura. Anong klaseng tao 'yon? Tao nga ba siya? Bakit hindi siya kumakain? Sayang, nagkabulukan na lang ang mga pagkain dito,"himutok ni Lara na ang sarili lang naman ang kausap.
Nakita niya kung paano lagukin ng binata ang alak ng sundan niya ito ng tingin, ni hindi man lang napaitan, akala mo ay tubig lang ang iniinom.
Bumalik na lamang siya sa lamesa at kumain na mag-isa. Dahil ngayon na lang siya uli nakakain ng kanin ay halos maubos niya ang laman ng rice cooker. Sinadya niya ring kumain ng marami para may enerhiya siya sa paglilinis, hindi pa siya tapos puliduhin ang kusina. Balak niyang maghukay sa likod bahay para ibaon doon ang mga nabulok na pagkain galing sa nilinis niyang refrigerator. Ang mga expired na delata at iba pa ay inilagay na niya sa malaking sako at pinagsama-sama sa garahe.
_
Kasalukuyang nasa terrace si Draco at nakatanaw sa malawak niyang lupain habang patuloy na umiinom ng alak. Nakita niya mula sa ibaba kung paanong naghihirap sa pagbubungkal ng lupa si Lara. Hindi niya alam kung para saan ang binubungkal nito. Pinanuod lamang niya ang dalaga hanggang sa makagawa ito nang malalim na hukay. Maya-maya ay umalis ito at pagbalik ay may hila-hila nang sako na puno ng laman. Inihulog nito ang sako sa hukay at saka nito muling tinapunan ng lupa. Kita niya ang pagod sa dalaga habang nagpupunas ito ng pawis sa manggas ng suot nitong malaking t-shirt. Napansin niyang ilang araw na nitong suot ang damit na iyon.
Pawisan si Lara ng bumalik sa kusina. Napalundag siya sa gulat nang makita si Draco na nakasandal sa pintuan ng ref.
"Huh! Mister ginulat mo naman ako!" bulalas niya na sapo-sapo pa ang dibdib dahil sa hindi na normal ang pagtibok nito. Nabaling din tuloy ang tingin ng binata sa dibdib niya.
Alam ni Draco na walang suot na bra ang dalaga dahil siya mismo ang nagpalit ng damit dito at wala naman talaga itong suot na bra ng mapulot niya sa dagat. Bakat na bakat ang nanunulis na u***g nito. Bigla tuloy siyang pinagpawisan sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan. Agad niyang binawi ang tingin sa dibdib nito at ibinaling sa iba ang mga mata, hindi niya ipinahalata sa dalaga na nababagabag siya sa kasuotan nito.
"Kakain ka na ba? Magluluto pa lang ako ng hapunan," sabi ni Lara na walang kamalay-malay sa nararamdaman ngayon ng binata.
"I'm not hungry!" singhal nito.
Hala! wala namang masama sa tanong ko, bakit ba siya naninigaw?
Napabuntunghininga nang malalim ang dalaga. Pakiramdam niya ay hindi magtatagal magkakaroon siya ng sakit sa puso dahil sa lalaking ito na wala nang ginawa kung hindi ang sindakin siya. Lagi na lang kasi itong galit at nakasinghal.
"Take a look at that box, you might find something to wear in there." Itinuro nito ang malaking karton sa ibabaw ng dining table na ngayon lang niya nakita dahil kanina ay wala namang karton doon.
"Ma_"
May sasabihin pa sana siya kaya lang ay walang pasabing nilyasan na siya ng binata.
"Tsk! Kung gusto mong magtagal dito, Lara, kailangan mo nang mahabang pasensiya. Mahirap pakisamahan ang lalake na 'yon at hindi mo alam ang mga trip n'ya. Gawin mo na lang kung ano'ng trabaho mo at hayaan mo na siya sa buhay niya tutal naman malaki na siya." Pagpapalubag loob niya sa kaniyang sarili.
Nilapitan niya ang karton at walang pag iingat na binuksan iyon. Tinanggal niya ito sa pagkaka- sealed ng packaging tape.
Awtomatikong napaawang ang bibig niya nang makita ang nilalaman ng box. Mga damit pambabae na halos lahat ay bago pa, ang iba nga ay naka-plastic pa at may etiketa pang kasama. May nakuha siyang isang dosenang panty na nakalagay sa magandang box. Nagningning ang mga mata niya sa tuwa at nayakap niya ang box. Kanina pa kasi siya nag iisip kung paano siya makakapagpalit ng panty gayong nag iisa lang ang suot niya ngayon. Nilabhan lang niya ito at pinatuyo, nakita niya iyon sa sahig noong naglilinis siya ng kuwarto. Nakaipit ito sa suot niyang duster noong bago siya mapadpad sa bahay na ito, kaya lang isinama narin niya sa mga basura ang duster kasi sira-sira na 'yon at hindi na mapapakinabangan pa.
Mamahalin ang lahat ng damit, lilibuhin ang mga presyong nakalagay sa etiketa ng sipatin niya. Hindi naman pwedeng gawing pambahay ang mga ito dahil siguradong hindi siya magiging komportable. Para kasing sa mga espesyal na okasyon lang pwedeng isuot ang mga iyon.
Sa kakahalukay niya ay may dalawang summer dress na hanggang tuhod lang ang haba ang kaniyang nakita. Pareho ng desenyo kaya lang ay magkaiba ng kulay. Itinabi na niya ang mga iyon. Sa lahat ng naroon ang mga ito lang ang sa tingin niya ang maari niyang maisuot dahil bukod sa malambot at bagsak ang tela ay komportable pa sa katawan.
May tatlong bra rin siyang nakita na nakalagay sa iisang lalagyang plastic, kinuha niya rin iyon kahit hindi niya sigurado kung kakasya sa kaniya. Nang wala ng mapiga sa mga naroon ay isinara na niya ang box at ipinasok ito sa bodega.
Nanghinayang siya sa mga damit ngunit, wala naman siyang maisip na paggagamitan ng mga iyon.
Pumasok siya sa kaniyang silid, may sariling banyo iyon, naligo siya para maalis ang mga dumi at mabahong amoy ng mga basura na kumapit na sa kaniyang katawan.
Habang nagsasabon ng sarili ay napapaisip siya kung bakit may mga damit pang babae na naitatago ang lalaking iyon samantalang wala naman itong kasama sa bahay, nag iisa lamang ito.
Hmm...hindi kaya sa asawa niya 'yon kaya lang naghiwalay na sila?
Sa huli ay binalewala na lamang niya ang isiping iyon at ipinagpatuloy ang paliligo. Nang matapos siya at makapagbihis ay nakaramdam siya ng ginhawa. Sakto ang damit sa kaniya na para bang isinukat, ang panty ay ganuon din kaya lang ang bra ay masikip ngunit pwede ng pagtiyagaan.
Pababa na sana siya ng mapagawi ang tingin niya sa terrace, nakita niyang maraming bote ng alak na wala ng laman ang nakakalat doon kaya binitbit niya pababa ang kaya lang niyang buhatin. Sa totoo lang ay marami na siyang naipong bote ng alak na walang laman kahit saang lugar sa bahay ay mayroon siyang nakikita. Mga anim na sako na yata ang napuno niya. Nagtataka nga siya dahil sa rami ng alak na iyon at kung ang lalaking iyon ang uminom nang lahat ng iyon ay kung bakit hindi pa nasusunog ang bituka nito? Hindi na niya nahanap ang lalake sa kabuuan ng bahay kaya naman naisip niyang nasa kuwarto na niya ito at nakatulog na siguro dala ng kalasingan.
Kahit sinabi nito na hindi ito nagugutom at ayaw nitong kumain ay isinali parin niya ito sa
kaniyang pagluluto.
Sa mga sandaling ito iniisip niya kung hinahanap kaya siya ng nanay niya? Nag aalala kaya ito sa kaniya?
May namuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata ngunit pinigilan niyang bumagsak ang mga iyon sa pamamagitang ng pagtingala. Kung babalik kaya siya sa kanila at magsusumbong sa kaniyang ina sa ginawang pagtatangkang paggahasa sa kaniya ng kinakasama nito ay paniniwalaan kaya siya ng kaniyang ina?