"Tang ina! Natakasan pa'ko ng babaeng 'yon, ah!" Galit na galit si Pablo ng makitang malayo na ang balsa na sinasakyan ni Lara.
Nasuntok pa niya nang malakas ang puno ng saging sa kaniyang tabi dahilan para mayanig ito ngunit, sa kabutihang palad ay hindi naman tumumba. Hindi niya nagawa ang planong angkinin ang dalaga kaya naman hinayang na hinayang siya.
"May araw ka rin sa aking babae ka! Hahanapin kita, hindi ako titigil hangga't hindi kita nakikita. Mapapasa akin din ang ipininagdadamot mong katawan at kapag nangyari iyon ay hinding-hindi kita bibigyan ng pagkakataon na makapagpahinga. Uubusin ko ang lakas mo sa kama, Lara!" pagbabanta nito habang nakatanaw sa malawak na karagatan.
Wala ng pag-asa pa na mahabol niya ito dahil wala naman siyang masasakyan na bangka o balsa man lang para sumugod sa gitna ng karagatan. Oo nga at humaling na humaling siya sa anak na iyon ng kaniyang kinakasama ngunit mas mahal parin niya ang kaniyang buhay. Hindi niya gagawing suungin ang madilim na karagatan para lang habulin ito. Wala namang ibang mapupuntahan ang babaeng iyon kung hindi sa kabilang isla lamang, sa Isla San Vicencio.
Mabibigat ang mga hakbang na lumakad ito pabalik ng bahay at doon ay nag isip siya ng magandang plano. Inayos pa muna niya ang mga nagulong kagamitan sa loob dahil sa panlalaban ni Lara. Napangisi siya ng matagpuan ang bra nito na nagawa niyang tanggalin dito kanina.
"Hmm... May iniwan karin naman palang remembrance," sabi nito habang parang asong sininghot-singhot ang bra ni Lara. In-imagine niya na ang malulusog at mapuputing s**o ng dalaga ang kaniyang sinisimsim ngayon.
Samantalang, ilang oras nang nagpalutang-lutang sa dagat ang walang malay na dalaga. Itinutulak ito ng alon hanggang sa anurin sa pampang.
_
Alas tres ng madaling araw, maalinsangan ang panahon, hindi dalawin ng antok si Draco. Paulit-ulit lang na bumabalik sa alaala niya ang nakaraan kapag ipinipikit na niya ang kaniyang mga mata. Hindi siya uminom ng alak ngayong gabi kagaya ng nakagawian niya kaya naman ito ang naging epekto sa kaniya. Tanging alak lamang ang tumutulong sa kaniya para makatulog ng mapayapa.
Naisipan niyang lumabas sa kaniyang lungga at magpahangin sa dalampasigan. Bitbit ang hindi kalakihang flashlight na magsisilbing liwanag sa kaniyang dinaraanan ay tinahak niya ang mabatong daan patungo sa baybayin ng dagat.
Nanunuot sa kaniyang balat ang lamig ng simoy ng hangin. Napakapayapa ng dagat at napakadilim na sa buong paligid. Nakita niya ang malaking tipak ng bato na madalas niyang pagtambayan. Inakyat niya iyon at narating ang dulo, kinapa niya ang magaspang na bato at humanap ng magandang pwesto na mauupuan. Madalas ganitong oras lamang kung siya lumabas. Umiiwas siya sa mga tao, ayaw na ayaw niyang may nakakakita sa kaniya. Matagal na panahon narin simula ng talikuran niya ang mundo at mamuhay ng mag isa.
Nakatanaw lamang siya sa kawalan habang dinarama ang mamasa-masang hangin na dumadampi sa kaniyang mabalahibong mukha. Halos isang oras din siya roon bago niya minabuting bumaba na sa batuhan at bumalik na sa kaniyang malapalasyong tahanan. Kailangan niyang makauwi bago pa sumikat ang araw.
Habang naglalakad ay nagulat na lamang siya ng mapatid sa kung anong bagay na nakaharang sa kaniyang dinaraanan. Sa dalas niyang paglabas-labas sa kailaliman ng gabi ang buong akala niya ay kabisado na niya ang mga daan dito kahit na nakapikit pa siya, kaya naman hindi na niya ginawa pang gamitin ang kaniyang flashlight ngunit, sa pagkakataong ito ay ninais niyang pailawin iyon upang malaman kung saan siya napatid? Sigurado siyang hindi sa malaking bato o sa kahoy dahil hindi naman matigas ang bagay na iyon. Minabuti na niyang buksan ang flashlight at itinapat ang ilaw niyon sa bandang ibaba. Nabigla siya ng tamaan ng liwanag ang bulto ng isang babae na nakadapa sa buhanginan na para bang walang malay. Gula-gulanit ang damit nito at maraming galos sa katawan. Lumapit siya rito at naupo sa tabi nito. Itinulak niya patihaya ang babae. Hinawakan niya ito sa leeg at pinulsuhan, sinigurado niya kung may buhay pa ito. May pulso pa ang babae kaya hindi na siya nagdalawang isip, pinangko niya ito at binuhat. Nilakad niya ang daan pabalik sa kaniyang bahay kasama ang sugatang babae.
Hindi siya sanay sa liwanag ngunit kinailangan niyang buksan ang ilaw sa kaniyang sala. Kumalat ang liwanag sa buong paligid, nanibago ang kaniyang mga mata, nakaramdam siya ng pagka-silaw, ilang saglit din siyang nahirapang dumilat. Nang makapag-adjust na ang kaniyang mga mata sa liwanag ay inilapag niya ang buhat na babae sa mahabang sofa. Sinipat niya ang itsura nito, halos mawarak na ang suot nitong bulaklaking duster, nakalabas na ang mapuputing hita nito at halos lumuwa naman ang malulusog na dibdib nito, napansin niyang wala itong suot na bra.
Napalunok siya ng sunod-sunod, sa tagal ng panahon ay ngayon na lang uli siya nakakita ng babae. Biglang may kumislot sa ibabang bahagi ng suot niyang pantalon. Nanigas ang kaniyang alaga at bigla na lang itong nagwala. Isang magandang babae ang nasa kaniyang harapan ngayon na para bang isang nakakatakam na putahe sa lamesa na masarap lantakan. Ipinilig niya ang kaniyang ulo at pilit iwinaksi ang nasa kaniyang maruming isipan. Tinalikuran niya ito at tinungo ang hagdan upang umakyat sa itaas, dumiretso siya sa kaniyang silid at naghanap ng damit na maaaring ipasuot dito. Oversized T-shirt na puti lamang ang kaniyang nakita. Kumuha rin siya ng kumot sa aparador at dinala ang mga iyon sa kabilang silid, muli siyang bumaba at binuhat ang walang malay paring babae. Ipinasok niya ito sa bakanteng kuwarto at inilapag sa kama.
Narinig niyang umungol ito, nadama niyang mainit ang babae at para bang inaapoy ito ng lagnat. Kahit kailan ay hindi niya nagawang mag alala para sa iba ngunit sa pagkakataong iyon ay naisip niyang kailangan nito ang tulong niya. Kumuha siya ng malinis na bimpo, tubig at planggana. Basa ang damit nito at kailanga nang mapalitan. Hindi niya alam kung sino ito at kung ano ang nangyari rito? Ang tanging alam lamang niya ay nasa peligro ito ngayon. Pilit niyang pinaglabanan ang matinding damdamin na lumulukob sa kaniya, nagawa niyang hubaran ang babae maging sa kahuli-hulihan nitong saplot. Itinabi niya sa isang sulok ang mga iyon. Binasa niya ang bimpo mula sa plangganang may tubig. Nanginginig ang mga kamay niya na idinampi ang basang tela na iyon sa hubad na katawan ng babae. Butil-butil na ang kaniyang pawis, may isang bahagi ng utak niya ang nag uutos sa kaniya na himasin ang makinis nitong mga binti paakyat sa hugis trianggulong iyon na may manipis na buhok. Ang dalawang matayog na bundok nito ay tila ba naghahanap ng kalinga.
Pilit niyang pinaglabanan ang tukso.
Huminga siya ng malalim at mabilis na tinapos ang kaniyang ginagawa. Isinuot niya ang t-shirt sa babae at kinumutan ito. Iniligpit ang kaniyang mga ginamit bago ito iniwan at tumuloy na sa sarili niyang silid.
Sa tindi ng init na kaniyang nadarama ay minabuti niyang maligo upang mapawi ng lamig na nanggagaling sa dutsa ang init na iyon. Tayong-tayo ang kaniyang alaga, hinimas-himas niya ito habang ini-imagine ang kahubaran ng babae. Nagtaas baba ang kaniyang kamay sa kaniyang sandata. Sa una ay mabagal lamang hanggang sa pabilis nang pabilis ang kaniyang pagtaas baba ng kamay niya. Napasigaw siya sa sarap na halos ikinatirik na ng kaniyang mga mata. Nagpakawala siya ng masaganang katas. Nairaos niya ang matinding pagnanasa sa pamamagitan ng pagpapaligaya sa sarili. Minadali na niya ang paliligo. Unti-unti nang sumisilip ang liwanag. Pinatuyo muna ng tuwalya ang basang buhok at saka nahiga sa kama. Ginawa niyang unan ang kaniyang braso, tumatagos sa kisame ang kaniyang mga tingin. Hindi niya namalayan na unti-unti na siyang nilalamon ng antok hanggang sa siya ay tuluyang makatulog.
Ilang oras din siyang tulog, kahit makapal ang kurtina sa kaniyang silid ay may sumisilip paring liwanag na nanggagaling sa salaming bintana. Dali-dali siyang bumangon at bumaba, tinungo niya ang kaniyang mini bar at kumuha ng isang boteng alak, binuksan iyon at sinalinan ng laman ang baso at halos mapuno iyon. Mabilis na tinungga ito na para bang uhaw na uhaw, sinaid niya ang laman niyon. Ang almusal, tanghalian at hapunan niya ay alak. Ito na ang nakasanayan niyang pamumuhay sa loob ng matagal na panahon.
Nakaramdam siya ng kaginhawaan, sa araw-araw ay tanging alak lamang ang kaniyang karamay. Nakailang salin pa siya sa baso at lagok ng biglang may maalala. Agad siyang tumayo at muli ay umakyat sa itaas. Pinasok niya ang silid ng babae na kaniyang tinulungan upang malaman kung naroon pa ito.
Nakaramdam siya ng kapanatagan ng makita ito sa kama kung saan niya ito huling iniwan. Nanatili paring walang malay ang babae. Lumapit siya rito at inilapat ang likod ng kaniyang palad sa leeg at noo nito para alamin kung mainit parin ito. Humupa na ang lagnat nito at normal na ang temperatura ngunit nanatili parin itong walang malay. Namumula ang mga galos at sugat nito sa katawan. Kumuha siya ng bulak at alcohol upang linisin ang mga iyon ng sa gayon ay hindi ma-impeksiyon. Bawat dampi niya ng bulak na may alcohol sa mga sugat nito ay nakikita niyang nag iiba ang reaksiyon ng mukha nito. Napapangiwi ito na para bang nasasaktan. Nagtataka siya kung bakit hindi parin ito nagigising kahit na nakakaramdam naman ito.
"Oh, f**k! Why am I doing all of these? I don't know you," aniya. Itinapon ang hawak na bulak at saka tumayo.
Kailangan na ba niyang i-report sa mga pulis ang nangyari rito?
Paano kung sa kaniya ibintang ang sinapit nito?
Mainit ang dugo sa kaniya ng mga tao sa Isla Bernardo, halimaw ang tingin sa kaniya ng mga naninirahan dito at hindi malayong isipin nila na ginawan niya ng masama ang babaeng ito.
Ngunit, paano kung hindi na ito gumising?
Paano kung tuluyan na itong mamatay?
Mas lalo lamang siyang mapapahamak.
Pinagsisihan niya ang ginawang pagtulong dito dahil sa isipin na baka lumabas pang siya ang masama.
Muli siyang bumalik sa bar at nagpakalango sa alak. Marami na siyang iniisip para dumagdag pa ang babaeng iyon sa isipin niya.