Chapter 3°- Masamang Balak

1675 Words
Ilang gabi ng puyat at hindi makatulog nang maayos si Lara. Nasa sarili siyang pamamahay ngunit ang pakiramdam niya ay parang mas ligtas pa kung sa lansangan siya matutulog. Lagi niyang pinakikiramdaman ang paligid. Madalas kasi ay nagigising na lamang siya na para bang may humihimas sa kaniyang mga binti at kapag iminulat naman niya ang kaniyang mga mata ay wala siyang nakikitang tao sa paligid. Hindi niya alam kung imahinasyon nga lamang ba niya iyon bunga ng matinding takot sa kinakasama ng kanyang ina o totoo talaga itong nangyayari? Sa tuwing makikita niya si Mang Pablo ay talaga namang kinikilabutan siya sa mala demonyong ngisi nito at ang mga tingin nito sa kaniya na puno nang pagnanasa kahit pa balot na balot na ang katawan niya ay talagang nakakapanindig balahibo. Naka pajamang terno siya na long sleeve ang pang itaas, kapag natutulog. Pati ang mga paa niya ay binabalutan niya ng medyas, tinitiis niya ang init huwag lang may sumilip na kahit konting balat sa kanyang katawan ngunit ganuon pa man ay kung tingnan siya ni Mang Pablo ay para bang nakahubad siya. Nag aapoy sa pagnanasa ang mga mata nito para sa kaniya. Alas onse nang gabi ng siya ay makauwi sa kanilang bahay. Pinabantayan muli ni Attorney Sanchez ang anak nito sa kanya at hinintay pa niyang makabalik ang mag asawang abogado bago makauwi kaya inabot na siya nang dilim. Alam niyang sa mga oras na ito ay kasalukuyang nasa beer house ang kaniyang ina at nagtatrabaho, gayundin si Mang Pablo dahil bouncer ito sa club na pinapasukan ng kanyang ina. Malaking tao si Mang Pablo at may malaking pangangatawan kaya naman bagay rito ang ganuong klase ng trabaho. Ang totoo ay takot na takot si Lara rito kaya sa tuwing natutulog siya ay hindi nawawala ang kutsilyo sa ilalim ng kaniyang unan. Inihahanda niya iyon bilang pangprotekta sa kaniyang sarili. Pagpasok sa bahay ay dumiretso agad siya sa kaniyang kabinet na nagsisilbing debisyon ng sala at kusina, kumuha siya rito ng damit na maisusuot. Kampante siyang kumilos dahil alam niyang mag-isa lamang siya sa bahay, siguradong umaga na uuwi ang kayang ina at si Pablo. Hinubad ni Lara ang suot na damit at iniwan lamang ang kaniyang panty at bra, nagtapi siya ng tuwalya at dumiretso na sa banyo para mag-half bath. Napaigtad siya at malakas na napasigaw nang biglang sumulpot sa kanyang harapan si Mang Pablo. Napakapit siya ng husto sa suot na tuwalya at pilit itinatago ang sarili sa kaniyang amain. "Ba-bakit po kayo narito, hindi ba dapat nasa trabaho kayo ngayon?" tarantang tanong niya. Hindi siya sinagot ni Pablo, lumakad pa ito papalapit sa kanya, napaatras naman siya at lalo pang hinigpitan ang hawak sa suot na tuwalya. "Bakit itinatago mo pa 'yang katawan mo sa akin? Nakita ko nang lahat 'yan kanina," nakangising sabi nito. Natigilan si Lara. "A-ano'ng ibig mong sabihin?" maang na tanong niya. Ngumisi na naman ito na parang isang demonyo. "Simple lang, kanina pa kita hinihintay at ng dumating ka ay nagtago lang ako diyan sa sulok." Itinuro nito ang plywood na ginagawa ni Lara na pangharang sa kusina kapag siya ay natutulog. Sinadya ni Pablo ang umuwi ng maaga, nagdahilan ito sa may ari ng club at kay Elena na masama ang kanyang pakiramdam kaya pinayagan itong mag-under time. Ginawa niya ang kasinungalingang iyon dahil may pinaplano siyang isakatuparan ngayong gabi. "Nabitin ako sa ginawa mo. Bakit nagtira ka pa? Dapat hinubad mo na rin ang bra at panty mo. Pero, okay lang makikita ko rin naman lahat ng iyan mamaya. Napaka sexy mo pala at makinis. Ang sarap mo, Lara! Ngayon pa lang ay naglalaway na ako sa 'yo. Ilang araw na kitang pinagpapantasyahan at hindi ako makapapayag na hindi kita maangkin ngayong gabi. Hindi kita pagsasawaang paligayahin." Nagtayuan ang lahat ng balahibo ni Lara sa buong katawan. Kinalabutan siya at natakot ng husto.Sinubukan pa niyang umatras muli ngunit sa malas ay wala na siyang maatrasan, nakorner na siya ni Pablo at sumagad na ang likod niya sa lawanit na dingding. "Mang Pablo, huwag po!" pakiusap niya ng lumapit ito sa kanya ng tuluyan. Amoy na amoy niya ang mabahong hininga nito at parang gustong bumaliktad ng sikmura niya ng tangkain ng amain na ilapit ang labi nito sa labi niya. Mabilis niyang iniwas ang kanyang mukha kaya tumama ang nguso nito sa kaniyang buhok. "Hmm... ang bango mo, sigurado akong mabango rin ang kepyas mo!" mahalay na sabi nito. "Pakiusap, huwag niyo pong gawin sa akin ang binabalak n'yo!" pagsusumamo ni Lara, butil-butil na ang kaniyang pawis at nag uunahan ng magbagsakan ang luha sa kanyang mga mata. "Tsk! Huwag kang matakot, hindi naman nakakatakot ang gagawin ko sa 'yo. Ang totoo niyan ay masasarapan ka pa nga, mararating mo ang rurok ng kaligayahan. Wala kang dapat ipag alala, malaki ang alaga ko, hindi ka mabibitin at saka malapad at matulis itong dila ko, hahalinghing ka at titirik ang mga mata mo sa sarap kapag inumpisahan na kitang kainin. Masarap akong kumain, Lara!" Inilabas pa nito ang dila at pinatulis para patunayan sa dalaga na totoo ang kaniyang sinasabi. "Hindi... ayoko!" mariing tanggi ni Lara panay ang iwas ng mukha niya kay Pablo. Nagulat na lamang siya at napayakap sa sarili ng bigla nitong hatakin ng malakas ang suot niyang tuwalya at itinapon ito sa kung saan. "Huwag mo akong hahawakan, isusumbong kita kay Inay!" banta niya rito ng tangkain nitong dakmain ang kaliwa niyang dibdib. Mabilis siyang umupo at niyakap ang kaniyang tuhod para maitago ang halos hubad ng katawan. "Huh! Tinatakot mo ba ako? Hindi ako natatakot sa banta mo.Gusto mo pagsabayin ko pa kayo ng nanay mo eh," paghahamon nito. "Demonyo ka! Ang bastos mo!" sigaw niya rito. Ngunit humalakhak lamang ito. Inabot nito ang kanang kamay ni Lara at marahas na inalis sa pagkakapit sa kanyang tuhod. Napangiwi sa sakit ang dalaga, parang napilipit ang kamay niya sa ginawa nito. Masyadong malakas si Pablo at wala siyang laban dito. Hinatak siya nito patayo, kinaladkad at inihagis sa sofa. Napahiyaw sa sakit ang dalaga ng tumama ang balakang niya sa kanto ng kawayan na upuan. Nagpupumiglas siya nang dumagan sa ibabaw niya si Pablo, pilit nitong tinatanggal sa pagkaka-hook ang kanyang bra. Ginawa niya ang lahat para hindi iyon mahubad ni Pablo, pinaghahampas niya ito sa dibdib at pinagkakalmot sa mga braso. Isang malakas na sampal ang ibinigay nito sa kanya na yumanig sa buo niyang pagkatao. Sa laki at bigat ng kamay nito ay nakaramdam siya ng matinding pagkahilo. "Kung nakikisama ka na lang at sumusunod sa gusto kong mangyari ay hindi ka masasaktan," sabi nito. Nanghihina na siya at parang naubusan na ng lakas kaya naman kahit anong piglas niya ay napagtagumpayan ni Pablo na matanggal ang suot niyang bra, walang pag iingat na itinapon nito ang tangi niyang kasuotan. "Wow! Tayong-tayo at ang lulusog. Mukhang masarap lamasin at susuhin!" humahangang sabi nito at napadila pa. Itinakip ni Lara ang mga palad sa kaniyang dibdib. Nag isip siyang maigi kung paano niya matatakasan si Pablo? Hindi siya makakapayag na magtagumpay ito sa gusto nitong gawin sa kanya. Hindi ang isang katulad lang nito ang makakakuha ng pinakaiingatan niyang p********e. Bago pa tuluyang sumubsob sa dibdib niya si Pablo ay ubod lakas niya itong itinulak. Hindi nito inaasahan iyon at nawalan ito ng balanse bumagsak ito sa sahig at agad namang bumangon si Lara. Akmang tatakbo na siya nang hatakin nito ang mga paa niya kaya naman natumba siya at bumagsak din sa sahig. Pinagsisipa niya si Pablo at hindi niya hinayaang makalapit ito sa kaniya ng tangkain nitong tumayo at sana'y dadagan muli sa kanya ay ubod lakas niyang tinadyakan ang pagitan ng mga hita nito. Binayagan niya si Pablo dahilan para mapalundag ito sa sakit, sinamantala niya ang pagkakataong iyon para tumakas. Nagmamadaling tumakbo siya palabas, dumaan siya sa likod bahay na may kasiguraduhan sa bawat kilos. Mabato at masukal ang paligid, malayo pa ang kapitbahay nila at pag ganitong oras na alas onse na ng gabi ay nagsisipagsarado na ang mga ito ng bahay dahil sa mga gumagalang magnanakaw na talamak sa kanilang lugar. Narinig niya pa ang kahulan ng mga aso. Hindi niya ininda ang sakit sa paa, marami na siyang natapakan na matatalim na bato ngunit patuloy parin ang kanyang pagtakbo. Nakakita siya ng mga damit sa sampayan ng kanilang kapitbahay. Humatak siya ng isang duster at agad na isinuot iyon ng hindi tumitigil sa pagtakbo. Malayo-layo na siya at nilingon niya ang kanilang bahay, nakita niya si Pablo na palabas na at humahangos na tumatakbo at humahabol sa kanya. Nataranta siya hindi niya alam kung saan siya magtatago, tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa makarating siya sa dagat. Napakadilim na at halos wala siyang makita. Tahimik at payapa ang tubig, ginapang niya ang pababa sa mabatong daan. Inilinga niya ang mga mata sa paligid, may nakita siyang balsa sa may pangpang. Nagtatakbo siya papalapit doon, natanawan pa niya si Pablo na pababa narin sana ngunit hinabol ito ng mga aso kaya hindi makasunod sa kanya. Sinamantala niya iyon, itinulak niya ang balsa sa dagat at sumakay roon, nagsagwan siya nang nagsagwan. Kahit pagod na ang kanyang katawan ay hindi niya iyon tinigilan hanggang hindi siya nakakaalis sa lugar na iyon. Nakahinga siya nang maluwag ng masigurado niyang malayo na siya ngunit, panandalian lamang pala ang kanyang pagiging kampante dahil may nakita siyang bangka sa hindi kalayuan at sa bulto ng taong nakasakay roon ay alam niyang si Pablo iyon. Nataranta siya at lalo pang binilisan ang pagsagwan, madilim ang paligid at hindi niya nakita ang bangin, hinahatak ang balsa niya papunta roon, hindi na niya magawang mapigilan dahil malakas ang agos nito. Takot na takot siya at wala ng magawa kung hindi ang manalangin na sana ay makaligtas pa siya dahil tuluyan ng nilamon ang kanyang sinasakyan at kasama niya itong nahulog. Sumigaw siya nang ubod lakas.Habang siya ay inaanod at nilalamon nang malakas na agos ay bigla na lamang nagdilim ang kanyang paligid at naging blangko na ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD