Habang nasa loob ng kaniyang opisina ay matamang nag iisip si Draco. Nakita niya kanina kung gaano ang takot at pag aalala ni Lara para sa anak. Hindi niya alam kung awa lang ba ang nararamdaman niya para rito? May isang bahagi sa puso niya na nakiki-simpatya sa pinagdadaanan nito. Nang masigurado niyang maayos na si Cayden ay iniwan muna niya ang mag ina sa ospital para bumalik sa site. May mga importante siyang bagay na dapat asikasuhin doon, ngunit nangako naman siya sa mga ito na babalik. Bandang hapon ng hatiran siya ng merienda ni Aling Azon, ipinaalam niya rito ang kalagayan ng apo nito. "Maayos na po si Cayden, inaalagaan siya ng mga doktor doon. It's a good thing na naagapang madala agad siya sa ospital dahil baka raw mauwi sa pneumonia ang sakit niya," pagbabalita niya sa gina