Dalawang araw ang nakalipas nang dumating si Beatriz ay sumama na si Draco sa tiyahin pabalik ng Maynila para asikasuhin naman ang mga negosyo nila roon. Nalungkot si Lara, lalo pa at hindi ito nagsabi sa kaniya na aalis na ito, basta nalaman na lang niya kila Sonny na nakaalis na pala ang kanilang amo. Nakadagdag pa sa kalungkutan niya nang mapatunayan na wala siyang halaga rito, na empleyado lang ang turing nito sa kaniya. "Ikaw talaga bata ka, naalala ko tuloy si Sir Draco sa'yo, bakit ba gan'yan makakunot ang noo mo?" Agad napatingin si Lara kay Aling Azon at Cayden. Tinutulungan nito ang apo na buuin ang laruang robot nito na nakalas. Hindi kasi nito maibalik iyon sa dati at nawawalan na ito ng pasensya kaya naman nakasalubong na ang mga kilay ng bata at nakakunot pa ang noo. "H