Nagising si Lara sa ingay na para bang may nagpupukpok. Papungas-pungas na bumangon ang dalaga para alamin kung saan ba nanggagaling ang tunog na iyon. Sinundan niya ang ingay at dinala siya ng kaniyang mga paa sa pinakaibabang bahagi ng bahay. May hagdan doon pababa at may nakasaradong pinto sa dulo ng mahabang pasilyo. Ngayon lang niya narating ang lugar na iyon. Hindi niya akalaing may basement pala ang bahay na ito. Lumapit siya sa nakasaradong pinto at idinikit ang tenga niya rito. Napakislot siya ng muli na namang magsimula ang pagpukpok. Naging curious siya kung ano ang nangyayari sa loob. Hinawakan niya ang seradura ng pinto at pinihit ito. Napangiti siya ng malamang hindi pala iyon naka-lock. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, ingat na ingat siya na huwag marinig ng kung sin