Isang hapon, walang patid ang ulan simula pa kaninang umaga. Kasalukuyang nasa terrace si Draco, tahimik at nakatanaw lamang ito sa pagbagsak ng ulan sa lupa. Namataan na ito ni Lara nang siya ay pababa ng hagdan ngunit, hinayaan lang muna niyang magmuni-muni ang binata. Nagtungo siya sa kusina upang ipaghanda ito ng meryenda. Nagprito siya ng ham para gawing palaman sa tasty bread at nilagyan niya rin ito ng mayonaise, sinamahan pa niya ng mainit na kape at dinala kay Draco. "Oh, mag-meryenda ka muna," sabi niya rito matapos ilapag ang tangang tray sa lamesa. Nilingon siya ng binata, saglit na tinapunan ng tingin ang dala niyang pagkain ngunit wala namang sinabi. "Tsk! Pwede ka ring magpasalamat sa akin para naman mas ganahan akong asikasuhin ka," nakangusong sabi niya rito, umupo siya