Ilang beses akong huminga nang malalim, pinipigilan ko ang inis. Naroon si Inay sa munti naming sala at may kasama na namang bisita. Ako ang nahihiya sa ginagawa niya, kung makalingkis sa lalaking iyon ay akala mo ahas. Ang suot nitong maiksing bestida na kapag nakaupo ay lumalabas na ang panloob, may malalim pa itong uka at halos lumuwa na ang dibdib. Daig pa ni inay ang boldstar kung makaasta.
"Lara! Matagal pa ba 'yan? Naiinip na si Pablo, bilisan mo!" pasigaw na sabi ni Inay.
Nangunot ang noo ko, kababalik ko lang galing ng tindahan. Inutusan nila akong bumili ng alak, yelo at chicharon na kanilang pulutan at pagkatapos ay mamadaliin ako.
"Sandali lang po nariyan na!" pasigaw ring sagot ko. Agad kong pinukpok ang yelo sa sementadong lababo para madurog at pagkatapos ay inilagay ko iyon sa malalim na plato. Inuna kong bitbitin ang dalawang bote ng malaking beer at ang plastik ng chicharon, pagkatapos ay umalis agad ako para isunod naman ang plato ng yelo at dalawang baso. Sinikap kong hindi lingunin ang dalawa dahil hindi ko matagalan ang itsura nila na dinaig pa ang mga teenager sa tindi nang paglalampungan. Pang limang lalake na si Mang Pablo na isinama ni Inay rito sa bahay. Nagtatrabaho si Inay bilang waitress sa isang beer house sa bayan at sa tuwing may nagkakatipo rito na customer sa kanyang pinapasukan ay iniuuwi agad nito sa aming bahay. Sa totoo lang ay nasusuka na ako at hindi ko na maatim ang pinaggagawa ni Inay. Ginagawa nilang motel ang tirahan namin na pinaghirapang ipundar ni Itay.
Simula ng mamatay si Itay dalawang taon na ang nakalipas ay malaki na ang ipinagbago ni Inay, lalo pa ng makapagtrabaho na ito sa beer house mas lumala pa ito nang husto. Inaasa na lamang nito ang buhay sa mga lalake, hinuhuthutan niya ng pera ang mga iyon at ipinanggagastos para sa kanyang mga luho at bisyo.
Malakas magsugal si Inay, ang totoo nga niyan ang kinikita ko sa paglalabada at paglilinis ng bahay kina Attorney Sanchez ay napupunta lang na pambayad sa mga kinauutangan niya. Kahit hindi maganda ang trato niya sa akin at nasa tamang edad na naman ako ay hindi ko parin siya magawang iwan.
Mahal ko si Inay kaya lang hindi ko na kaya ang pinaggagawa niya. Laman siya usap-usapan dito sa aming baranggay at hindi na ako makatingin ng diretso sa aming mga kapitbahay. Nanliliit ako dahil sa mga tsismis tungkol sa kanya na hindi ko naman masasabi na tsismis nga lang talaga dahil may katotohanan naman ang lahat ng sinasabi nila.
-
"Kung ako sa 'yo, Lara ay aalis na ako sa tirahan n'yo. Hindi ka ba natatakot, kung sino-sinong lalake ang dinadala ng nanay mo sa bahay n'yo? Mamaya niyan makursonadahan ka ng isa sa mga iyon at gawan ka pa ng masama. Sayang, may itsura ka pa naman. Bakit hindi ka na lang mag-stay in kina Attorney Sanchez? Sa tingin ko mas ligtas ka roon kaysa sa bahay n'yo," mungkahi ni Aling Badang sa akin.
Inutusan na naman kasi ako ni Inay na bumili ng sigarilyo para kay Mang Pablo kaya narito ako sa tindahan niya ngayon. Hangga't hindi natatapos ang inuman nila ay hindi ko alam kung ilang beses pa akong magpapabalik-balik sa tindahan ni Aling Badang.
"Hindi naman po siguro," sagot ko. Ngunit, ang totoo niyan ay nakakaramdam narin ako nang takot lalo pa at masama ang tingin sa akin ni Mang Pablo.
Alas onse nang gabi ng marinig ko ang kalampugan sa silid ni Inay.
"Sige pa, Pablo! Bilisan mooo... huwag kang tumigil, pakiusap!" narinig kong sabi ni Inay, panay ang ungol nito at hindi ko naman alam kung ano ang nangyayari sa kanya at kung bakit gusto niyang magmadali si Mang Pablo?
"Hindi kita talaga titigilan hangga't hindi ka nalulumpo. Ihi lang ang pahinga mo sa akin, malandi ka!" sagot naman ni Mang Pablo.
Narinig ko ang malakas na tili ni Inay na para bang kinikiliti, maya-maya ay umuungol na naman ito.
Naiiling na ipinagpatuloy ko na lang ang pagliligpit ng mga kalat nila. Dinala ko ang mga hugasan sa lababo, inipon ko ang mga basura at itinapon sa basurahan.
Habang naghuhugas ng pinggan ay inisip ko kung saan na naman ako matutulog ngayong gabi? Iisa lang ang kuwarto sa aming bahay at dapat ay sa amin 'yon ni Inay kaya lang sa dami ng lalake na dinadala niya sa silid na iyon ay hindi ko na maatim na matulog pa roon. Bukod sa nandidiri ako ay may kakaibang nakasusulasok na amoy ang hindi ko maipaliwanag kapag pumasok ka sa loob niyon. Sa huli ay naglatag na lang ako ng banig sa kusina, inusog ko ang lamesa para magkasya ako at hindi mamaluktot sa paghiga. Pabiling-biling ako sa banig, itinakip ko na ang unan sa aking tenga kaya lang ay naririnig ko parin ang mga halakhakan at ungol ng dalawa. Ala una na ay hindi parin sila tumitigil sa paglalampungan.
Siguro nga ay tama si Aling Badang, kailangan ko nang humanap ng ibang bahay na matitirahan, maliit na ang lugar na ito para sa amin ni Inay at ng mga kalaguyo niya. Kaya lang, kapag naiisip ko ang pangako ko kay Itay na hindi ko iiwan at aalagaan ko si Inay ay nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ba ang plano kong iyon.
Laking pasalamat ko ng maya-maya ay tumigil narin ang ingay. Sa wakas ay napagod din ang mga walang kasawaang iyon. Ipinikit ko na ang aking mga mata at sinimulan nang magpaantok hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
-
Kinabukasan, nagising ako sa ingay ni Inay. Dali-dali akong bumangon at iniligpit ang banig, unan at kumot na aking ginamit. Alas otso na pala ng umaga, mabuti na lang at hapon pa ang punta ko sa bahay nila Attorney Sanchez. Wala naman akong labada ngayon, pinakiusapan lang ako nito na bantayan ang kanilang anak dahil may pupuntahan silang party na mag-asawa at gagabihin daw sila ng uwi.
"Lara, ipagtimpla mo ako ng kape, masakit ang ulo ko," utos ni Inay sa akin.
Binomba ko ang kusinilya, inikot ang pihitan nito at may lumabas na gaas, sinindihan ko ito at nag-apoy. Kumuha ako ng panundot at sinundot ko pa ang butas niyon para pumantay ang apoy. Naglagay ako ng tubig sa takore at isinalang doon upang initin.
"Nay, gagabihin ako mamaya ng uwi babantayan ko kasi ang anak ni Attorney Sanchez, kayo na lang muna ang bahala sa pagkain ninyo," bilin ko kay Inay. Hinahalo ko ng kutsara ang tinimpla kong kape nito sa tasa at agad ipinatong sa lamesa.
Hindi naman pinansin ni Inay ang sinabi ko.
Kinuha nito ang tasa at dinala sa kanyang bibig, hinigop nito ang laman niyon.
"Pwe! Ang pait, wala ba 'tong asukal?" galit na tanong nito sa akin.
Agad kong kinuha ang garapon ng asukal at inabot kay Inay. "Ito po pakidagdagan n'yo na lang." sabi ko. Inismiran lang niya ako at marahas na kinuha sa kamay ko ang garapon.
Mukhang mainit na naman ang ulo niya kaya lumabas na ako ng kusina. Kumuha ako ng damit sa tokador at tinungo ang banyo para maligo.
Napasigaw ako nang malakas ng sa pagbukas ko ng banyo ay mabungaran ko ang hubo't-hubad na si Mang Pablo. Hinihimas nito ang malaki niyang alaga at mabilis na itinataas baba ang kamay. Napatakip ako sa aking mata at agad na lumabas.
Ang buong akala ko ay nakaalis na ito.
"Oh, ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ni Inay na hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin.
"Wa-wala po! May tao po pala sa banyo. Narito pa pala si Mang Pablo," sabi ko.
"Dito na siya titira. Simula ngayon ay magsasama na kami," parang balewala lang na sabi ni Inay.
Pinanghinaan ako sa ibinalita nito. Hindi ko nagustuhan iyon.
Napakislot ako nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas ang basa pang si Mang Pablo. Nakatapis lang ng tuwalya ang pang-ibabang bahagi ng katawan nito at nakangising nakatingin sa akin.
Bumalik na si Inay sa kusina at naiwan naman kami ni Mang Pablo. Natigilan ako nang lumapit ito sa kinatatayuan ko at bumulong sa aking tenga.
"Nagustuhan mo ba ang nakita mo? Ang laki hindi ba? Sa susunod gusto kong ikaw na ang humimas sa alaga ko. Nalulungkot siya, gusto niya na may magpapasaya sa kanya," makahulugang sabi nito sabay mahinang tumawa.
Kinilabutan ako, para akong tuod na nakatayo lang, hindi ko maigalaw ang katawan ko. Gusto kong paghahampasin ito at magsisigaw sa galit dahil sa kabastusan na lumalabas sa kanyang bibig ngunit hindi ko magawa iyon.Siguradong kagagalitan ako ni Inay. Naramdaman ko pa ang paghimas ni Mang Pablo sa likod ko. Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan sa sobrang kilabot.
Nakaalis na si Mang Pablo, dumiretso ito sa kusina na para bang walang nangyari samantalang, nanghihina akong napaupo. Nakaramdam ako nang matinding takot lalo pa at sinabi ni Inay na makakasama na namin sa bahay ang manyakis na lalaking iyon. Ngayon pa lang ay takot natakot na ako. Paano pa kaya kung magtagal pa ito sa bahay namin?