Nanginginig ang mga kamay ni Draco habang hinahaplos ang mukha ni Lara. Madilim ang lugar ngunit dala ng matinding kalasingan ang paningin niya sa dalaga ay ang kaniyang nobya na si Vivienne. Si Lara naman ay pikit matang hinayaan lamang ang binata sa kung ano ang nais nitong gawin. Dama niya ang matinding pangungulila nito. Ilang saglit pa ay naramdaman na lamang niya ang labi ni Draco na dumampi sa labi niya. Para siyang isang tuod na hindi makakilos. Hindi niya alam kung paano matutugunan ang halik na iyon. Sa edad na bente uno ay hindi pa siya nagkakaroon ng nobyo at kahit minsan ay hindi pa niya naranasan na mahalikan ng kahit na sinong lalaki maliban kay Draco. Parang binabayo ang kaniyang dibdib sa lakas ng pintig ng puso niya. Bahagyang napaawang ang kaniyang bibig ng gumalaw ang