Nagising si Lara nang may marinig na yabag ng mga paa na palayo. Bumangon siya sa kaniyang kinahihigaan at lumabas ng silid. Nakita niyang nakabukas ang pintuan ng kwarto ni Draco. Nagmamadaling sumilip siya sa hagdan at nakita niya ang binata na pababa. May nag udyok sa kaniya na sundan ito kaya naman dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan. Maingat ang kaniyang mga hakbang upang hindi siya mapansin ni Draco. Lumabas ito ng bahay kaya sumunod siya rito. Nang tinungo nito ang gate at lumabas doon ay sumunod pa rin ang dalaga. Sa tantiya niya ay nasa alas dose y medya na ng madaling araw. Nakabuntot lang siya sa likod ng binata habang naglalakad ito patungo sa masukal na daan. Nakaramdam siya ng takot, hindi niya alam kung saan ito pupunta at ano ang gagawin nito sa lugar na iyon? Ang matin