Chapter 5: Nahihirapan

3040 Words
Malaking sampal sa akin ang pagiging assuming ko kanina na baka nahumaling siya sa ka gandahan ko kaya gusto niyang ipabalot itong katawan ko. I was really wrong. In the end, I looked very stupid. Ako na naman ang na pahiya. Akala ko naalibadbaran siya sa suot ko kapag nakasuot ng croptop iyon pala maraming lalaki ang mag-aabang sa amin sa factory. Kadalasan ka edad niya pa, meroon ding mga matandang trabahante ngunit pili lang. Lucas said it's a hardware. That's why. Puro mga lalaki ang nagtatrabaho rito. He left me in the car. Neverminding to open the door for me. Sinusundan ko lang siya ng tingin mula sa labas. Kausap niya ang ibang trabahante. Binabati siya ng mga nandoon na para bang tropa niya lang ang mga ito. Nakipagkamayan, ang iba ay nakikitapik sa kanyang balikat. They were happily talking. May sinasabi siya sa mga trabahanteng lalaki pagkatapos nagtawanan sila. Hindi ko marinig ang kanilang pinag-uusapan. At sa unang pagkakataon nakita ko rin ang ngiti niya. Napasinghap ako. I saw small hollow in his check. Meroon siyang malalim na dimple sa kanyang pisnge. Ang sarap nitong pagmasdan. Ang guwapo niya rin kung tumawa. His face was darken everytime he listen even talking. Napahawak ako sa aking dibdib nang naramdaman ko ang malakas na pintig nito. Nakakita lang ako ng dimple niya iba na naman ang pakiramdam ko. Nakatulala lang ako sa kanya dito sa loob ng kotse. Aminado akong hindi niya makitang panay titig ako sa kanyang mukha na may nakaka-attractive na dimple, dahil tinted ang bintana. Ngunit, hindi pa rin ako mapakali lalo na't panay sulyap siya sa kotse. Hinihintay kung kailan ako makababa. He still laughing so hard with the worker. May nag-alok pa sa kanya ng meryenda na agad niyang inilingan. Bakit ang bilis niya lang patawanin kapag ibang tao ang kaharap. Parang ang gaan ng trato niya sa mga trabahante. Parang tropa niya lang. Pero pagdating sa akin palaging nakasimangot ang mukha niya. Hindi ngumingiti. Hindi rin siya pala salita. He is always pissed at my presence. What's with me? Nagtaka na tuloy ako kung may kasalanan ba ako sa kanya? I treated him fair. Kahit nakakainis ang pagka suplado niya. I nevermind it all. Binbaba ko lagi ang pride. But right now, seeing his beautiful laugh. Parang na pawi ang galit ko. Sana palagi kong nakikita ang kanyang tawa. So that I can see his beautiful hollow in his cheeks. The dimple was so good to see. Kung puwede lang mag-request na sana'y makita ko ang kanyang malalim na dimple. Gagawin ko ngunit hindi naman ako nahihibang para gawin iyon. Bago pa ako mabato sa loob ng raptor. Nalulusaw ko lang si Lucas katitig ko sa kanya. Baka mahuli pa ako. Bumababa na ako. Natigil naman silang lahat sa kulitan nang makita akong kababa lang. Nakarinig ako ng maraming pagsipol sabay tawag sa akin ng "Miss ganda" "Pare? Siya na ba ang bago mong girlfriend? Paano ni si Joanna niyan?" rinig kong tanong sa ka edad lang ni Lucas. Hindi ko alam ang gagawin. Nakatayo lang ako sa tabi ng kotse.Hirap akong igalaw ang paa para lapitan si Lucas. Silang lahat nakatitig na sa akin. Kahit taga siyudad ako, hindi naman ako sanay sa mga lalaki lalo na't alam kong mga ganito lang din naman. Ayaw ko rin sa crowded place. Kung iisipin sila iyong mga tambay lang na mahilig mang hunting ng mga babae. This is what I've fear. Being called with any other names. "Girlfriend mo pre? Mahilig ka na pala sa maganda ngayon. Jackpot pa, sobrang puti at ang kinis. 'Yun nga lang, bata pa yata iyan. May gatas pa sa labi," Isang lalaki na naman ang nagsabi sabay akbay niya kay Lucas. Nagtawanana sila na ikapula ng aking pisnge. Bakit bigla na lang yata nilamon ako sa kahihiyan. Nawala ang inipon kong confident sa sarili simula noong makilala ko itong si Lucas. Araw-araw na lang pinapahiya ako, kahit hindi niya pinapahalata pero ramdam ko na gusto niya talaga akong pagtawanan ng lahat. "Anak iyan ni Don Mathias! Tama ka, bata pa 'yan. Hindi puwedeng patulan." Napantig ang tenga ko sa sinabi ni Lucas sa mga kasamahan niya. Tinanggal niya ang pagkakaakbay doon sa lalaki. Tiningnan niya ako ng diretso. He was really pissed. Ang panga niya ay nagsusumigaw ng kayabangan. Hindi siya sumenyas na lapitan ko siya kaya nanatili akong nakatayo sa tabi ng kotse. Pansin ko ang pag-iling niya ng ulo. A ghost smiled painted on his lips. Nagmumukha na naman akong katatawanan para sa kanya. I don't get it why he seems so happy when I get terrified or scared. "Putangina! Anak pala iyan ni Don Mathias!" nahihiyang sabi ng mga kalalakihan na pinapalibutan si Lucas. "Tara batiin natin mga pre!" "Dapat nating igalang si Ma'am!" Naghiwayan naman ang iilang mga lalaki nang malaman kung kaninong anak ako. May iba na bumati sa akin. Nag-uunahan silang makalapit. "Magandang umaga, Ma'am. Mabuti at na pa rito kayo sa factory!" Maligayag wika ng mga ito. "Ngayon ka lang namin nakita rito. Walang sinabi si Don Mathias na may anak siyang napaka ganda." Nagulat ako nang magsilapitan silang lahat sa akin para magpakilala sa kanilang mga pangalan. Nakatitig lang ako sa kanila. Nahagip ng mata ko si Lucas na nakatingin lang sa akin ng seryoso. Walang mababakas na emosyon sa kanyang mga mata. Hindi niya rin sinita ang mga trabahante na paalisin sa harapan ko. His intense stare can make me nervouse even more. "Ako nga pala si Brian, Ma'am..." "Ako naman si Lindon." Nag-uunahan silang makuha ang atensyon ko. Naglalahad sila ng kamay ngunit nang makita nilang wala akong plano tanggapin ito nahihiya na lang itong umiling sabay tumawa. "Grace... Tawagin niyo lang ako sa ganoon," wika ko pa. Hinanap ko sa kanilang likuran si Lucas pero na hagip ko na lang ang kanyang likod na pumasok sa loob ng factory. Iniwan ako rito na nahihirapan kung paano makakaalis sa mga lalaking nakapalibot sa akin. Grabe na ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin sa mga oras na iyon kung paano makakaalis sa kanilang harapan. He just leave me hanging. Walang pakialam! "Pasensiya na po sa bastos naming pagtawag sa'yo kanina. Huwag niyo sana kaming sisantehin," one of the men pleaded. "Hindi ko gagawin iyon. Pagbutihin niyo ang trabaho rito...uh... Kailangan ko ng sundan si Lucas. May trabaho pa ako. Sa susunod ko na kayo kakausapin." Nginitian ko silang lahat. I really need to get out in that crowd. I need to be in his side lalo na't mga lalaki itong nasa factory. "Padaaanin niyo si, Ma'am... May trabaho pa raw siya rito kaya huwag ninyong istorbohin. Balik na sa trabaho para mgka sahod kayo!" May isang matandang lalaki na sumigaw sa likuran na sa tingin ko ang isa sa inaasahan ni Daddy rito. Agad silang tumalima sa sigaw ng matanda. Naghihilahan ang mga lalaki palayo sa akin. Nakahinga ako ng maluwag. Lumapit sa akin ang matanda nang magsibalikan na ang trabahador sa loob ng factory. Panay sulyap din sila sa akin, nagtatawanan sabay bulong. "Pagpasensiyahan mo na, Ma'am kung makulit ang mga trabahante rito. Minsan lang kasi silang makakita ng babae sa probinsiya," hinging paumanhin ng matanda. Ngumiti ako. "Okay lang po sa akin...Uh kailangan ko ng puntahan si Lucas." Natataranta kong sabi nang maalala kong nauna na si Lucas papasok sa loob. Iniwan ako rito. "Ganoon ba, Ma'am. Magsuot kayo ng hard hat para iwas po sa mga bumabagsak na bagay. Delikado pa naman sa loob." Binigyan niya ako ng isang puting hard hat. Tinanggap ko ito nang walang pag-alinlangan. Pagkatapos nagpaalam na ako na papasok sa loob ng factory. Sinuot ko agad ito nang makita kong puwede akong mabagsakan ng mga bakal at yero. Pagkapasok ko sa loob laking pagkamangha ko nang makakita ako ng mga makinarya, mga bakal, yero at iba't-iba pang mga materyales na gagamitin sa pagpapatayo ng bahay at malalaking building. Napukaw ko ang atensyon ng mga trabahador sa loob pagkapasok ko. Naglakad lang ako na parang hindi sila nakikita. Maingay ang suot kong heels. Nagsisi na tuloy ako kung bakit ito ang suot ko ngayon. Pasimpleng hinanahap ko si Lucas sa dagat ng mga trabahante. Nakita ko rin agad siya sa pinakadulo ng factory. May kausap siya roon na dalawang lalaki. I breath deeply. Mabilis ko lang siyang na hanap dahil siya ang pinakamatangkad sa lahat. He's wearing a hard hat too. Agad ko siyang pinuntahahan. Kahit naiinis ako sa pang-iiwan niya sa akin sa labas. Hindi ko rin kaya ang maglabas ng sama ng loob rito. Kailangan kong tiisin ang kaba. I should act normal in front of the boys who's watching me silently. Bawat trabahanteng nadadaanan ko agad nila akong binati. Sa puntong ito hindi ako makangiti. Gusto ko na talagang pumunta sa tabi ni Lucas. Pakiramdam ko safe ako kapag nasa tabi niya ako. Nang palapit na ako sa kung saan sila nakatayo, lumayo sila sa akin kung kailan malapit nako. Naglakad si Lucas papunta sa likod ng bakal at kahoy. Sumunod naman ang dalawang lalaki na kausap niya. They were so busy checking all the materials. Hindi niya ako na papansin na palapit na sa kanyang likuran ngunit sa tuwing malapit na ako sa kanilang puwesto agad rin naman itong naglakad palayo. May hawak-hawak siyang clipboard. May sinusulat siya roon. Panay tingin rin siya sa mga materyales na naka display sa kanilang dinaraanan. Gusto kong mapahilamos sa mukha. "Lucas! Wait!" mahinang tawag ko. Hindi na mapigilan. I tried not to get anyone's attention. Kapag lalakihan ko ang boses umalingawngaw ito sa loob ng factory. Ayaw ko namang tawag atensyon sa lahat ng mga lalaki na nandito. Naglakad pa ulit ako palapit sa kanya. Saktong may dumaan na lalaki. May dala siyang mga kahoy. Yumuko ako para hindi matamaan. "Pasensiya na, Ma'am," sabi nito sa akin. "Okay lang po." I tried to smile. Lumagpas na sa akin ang lalaking nagkasalubong ko. Pagkatingin ko sa puwesto ni Lucas kanina kung na saan siya nakatayo, wala na siya roon. Palinga-linga ako sa paligid. Mabilis ko lang din siyang nakita. Ang blue t-shirt nito ay masiyadong tawag atensyon dahil sa buhay nitong kulay. Medyo malayo-layo na ulit siya sa akin. Kailangan ko pang dumaan sa likod ng mga makinarya para mapuntahan siya. Nakita ko pa ang pile ng mga tubo at kahoy. I tried to step on it. I was so stressed on that day. Para akong naghahabol ng isang pusa na hindi mo mahuli. Hirap na hirap akong dumaan sa likod ng makina dahil na rin sa suot kong heels. Nang makadaan rin ako, tiningnan ko ulit kung saan ko nakita si Lucas kanina ngunit laking pagka dismaya ko nang lumipat na naman siya. Pumunta siya sa may tubuhan habang may nililista pa rin sa kanyang clipboard. "Seriously? Hindi niya ba ako hinahanap?" tanong ko sa sarili. Ilang minuto na akong sumusunod sa kanya. Palagi siyang naglakad, hindi ko siya mahabol. Bumalik ako sa dinadaanan ko. Mas mabilis akong makakalapit sa kanya kung babalik ako. Another struggle. Kamuntikan pa akong matapilok nang matapakan ko ang isang kahoy. Nakahawak naman ako sa isang makina na hindi umaandar. That's why I've never fall down. Napahawak ako sa aking dibdib. Tiningnan ko ang mga trabahante na nandito. Walang tumitingin sa akin sa pagkat busy sila sa ginagawang pagputol ng mga kahoy, mga bakal, iyong iba nagkakarga pa labas ng mga materyales. Hindi nila nakita ang kamuntikan kong pagkatumba. Ngunit may isang taong nakakita sa pagkatapilok ko. Walang iba kundi si Lucas. Wala na siyang mga kasamang lalaki. Nakatingin na siya sa akin ng diretso. Ilang hakbang pa ang lalakarin ko para lang makalapit ako sa kanya. Wala siyang sinasabi ngunit nakita ko na naman ang pag-angat ng kanyang labi. Pinagtatawanan niya ako. I was cought of guard. All this time na papansin niya ang pagsunod ko sa kanya. Hindi niya lang ito pinapahalata sa pagkat nag-enjoy siyang pinagmasdan akong nahihirapan sa pagsunod kung saan siya pupunta. Napakuyom ako sa aking kamao. Masamang tingin ang binigay ko sa lalaking nakatitig sa akin ng mataman. Gusto ko siyang murahin dahil alam kong sinasadya niyang maghahabol ako sa kanya at sinasadya niya na sa mahirap na daanan ako papuntahin habang panay sunod sa kanya. He knows from the very beginning. Mahahalata sa kanyang tingin ang kaligayahan, he likes seeing me struggled, na naghirap ngayon sa pagtapak nitong mga tubo at kahoy suot ang heels. Inayos ko ang sarili. Pinakita ko sa kanya na kaya kong dumaan dito. He was just there watching me. Not bothering to help. May lumapit sa kanyang trabahante. Nag-usap ang dalawa pero ang mga tingin niya ay nasa akin. Hinihintay kung kailan ulit ako maglakad para lapitan siya. This time he never tried to walk, he just waiting for me. May gusto sanang tumulong sa akin pero agad niyang pinigilan. Nagpupuyos na ako sa inis sa mga oras na iyon. Hindi ko gusto ang mga titig niya sa akin lalo na't nakuha ng mga lalaking trabahador ang atensyon ko. Pati sila nag-aabang kung kailan ako makakadaan sa mga tubo na naka pile. Ilang saglit pa. Ginawa ko na ang dapat kong gawin para lang makaalis na sa puwestong iyon. "Ma'am, tulungan na kitang makadaan!" tawag sa akin ng lalaki na ka edad ko lang. He tried to hold me but I refused. "H-hindi na kaya ko ito!" Nagsimula na akong maglakad. Tinapak ko ang kaliwang paa sa isang kahoy pagkatapos ang kabila naman ay sa tubo. Humawak rin ako sa mga makinarya na hindi umaandar. I don't know, bakit ang bilis kong nakadaan dito kanina habang panay sunod kay Lucas, tapos ngayong natauhan ako na delikado pala itong dinaanan ko. Agad nanginig ang aking binti. "Ma'am, mag-ingat kayo. Tutulungan ka na naming makadaan!" isang trabahante ang concern sa akin. Nakita niya yatang dahan-dahan ako sa mga galaw ko para hindi mawalan ng balanse. Tiningnan ko si Lucas sa unahan, nakahalukipkip siyang nakatingin sa akin. Nagtas siya ng kilay, naghahamon ang mga tingin niya. Sinasabi nito na hindi ko kayang maglakad ng maayos gamit ang heels. Taas noo akong tumitig sa kanya. Humalukipkip siya lalo sa isang tabi. Nanonood bawat hakbang ko sa mga paa. Madilim ang kanyang awra. Igting ang panga. "Huwag niyo na akong tulungan, kaya ko naman!" Dahil pursigido akong ipakita kay Lucas na kaya ko ang sarili. Bawat hakbang ko sa aking paa, inaayusan ko para hindi matabingi ang aking suot na takong. Nasa huling tapakanan na ako, makakaalis na ako sa mga nagkukumpulang mga kahoy at tubo nang bigla akong nawalan ng balanse. Natapilok ang suot kong heels. Nadapa ako sa mismong harapan ni Lucas at sa mga trabahador ni Daddy. My chest and kness pinned on the floor. Gusto kong maiyak sa mga panahon na iyon. Malakas ang pagka dapa ko sa semento, masiyadong maalikabok kaya na dumihan ang suot ko ngayon. "Naku, Ma'am! Sabi ko sa'yo e! Tulungan ka na namin!" Nag si lapitan ang mga lalaki sa akin para patayuin ako. Bago pa nila ako mahawakan mabilis na akong tumayo. Tinago ang kahihiyan sa sarili. "Kaya ko ang sarili ko. Huwag niyo akong hawakan! Magtrabaho na kayo!" bulyaw ko sa lahat. Sobra ang kahihiyan na naramdaman ko sa mga oras na iyon. Nagsi-alisan naman sila sa aking tabi. Natakot sa pa galit kong sigaw. Ang iba hindi alam kung ano ang uunahin, ang tingnan ba ako o magtrabaho. Pinagpagan ko ang sariling damit na nagkaroon ng dumi. Pagka angat ko ng tingin kay Lucas kung saan siya nakatayo kanina. Nandoon pa rin siya, madilim ang titig niya sa akin. There was a ghost smile on his lips which makes me felt embarrassed and anger. He seems enjoyed of what happened. What a jerk! Hindi man lang lumapit sa akin para tulungan akong makatayo! Nanonood lang siya, mukhang tuwang-tuwa pa! Sobrang nakakahiya ang pangyayari na iyon. Maraming nakakita sa pag dapa ko sa semento. Nagmumukha na rin akong batang gusgusin dahil sa dumi ng aking damit. I don't think I can work right now. Nawala ako sa huwisyo. I want to go home. Naglakad ako pa labas ng factory. Hindi ko na binalingan si Lucas. Kung iisipin wala siyang kasalanan sa pagka dapa ko. Nagmamagaling rin ako. Pero kahit na ganoon, sinisisi ko pa rin siya sa nangyari. He let me followed him even though he knows it's dangerous way. Panay tingin sa akin ang mga lalaking trabahador habang pa labas ako ng entrance. Nagbulungan ang iba. Hindi ko na ito pinakinggan. Gusto ko na talagang maglaho sa mga oras na iyon. "Ma'am? Okay ka lang ba? May sugat ka po sa tuhod at siko!" Lumapit sa akin ang matandang nakakausap ko kanina. Panay tingin siya sa postura ko ngayon. Hindi ko ramdam kung saan ako nagkaroon ng sugat. Namanhid bigla ang katawan ko dahil sa kahihiyan na natamo. Tinanggal ko muna ang suot na hard hat bago sinagot ang matanda. "O-okay lang ako, Manong—" Bago ko pa matapos ang sasabihin may bilang humila sa braso ko nang walang pa sabi-sabi. Dinala niya ako sa tabi ng raptor. "Sumakay ka na, kailangan nating magamot ang sugat mo," Lucas said while watching my knees. He even checked my arm. Nagkaroon din ng sugat ang siko ko. Ngayon ko lang din naramdaman na mahpdi pala at may dugo na tumutulo roon. Masamang tingin ang ginawad ko sa kanya. Hindi ko nakitaan na sensiridad ito sa kanyang pag-alala. Nagkasalubong ang kanyang kilay habang tinitigan pa rin ang sugat ko. His darken face itch on his face. "Stop giving me your fake concern. Parang kanina lang pinagtatawanan mo pa ako. Sinadya mo 'yon para mapahiya ako!" I shouted while shaking in anger. Kinuha ko ng padarag ang braso sa pagkakahawak niya. He looked at me with more pissed, iritado rin ito sa pagtaboy ko. "Ms.Villamonte, hindi ko kasalanan kung bakit na dapa ka roon?" "Really? Then why you're just standing in there laughing like I was a clown! You already knew that I was following you! Huwag ka ng magsinungaling na wala kang alam! Gusto mo akong mapahiya!" May mga trabahador na dumadaan, narinig ang pagsigaw ko. Mabilis akong pumasok sa kotse para pigilan ang mag-eskandalo. How dare him to do this to me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD