Chapter 4: Nahihiya

3333 Words
Hindi ko lubos akalain na ang taong magtuturo sa akin sa mga gawain sa planta ay isang striktong lalaki pala. Ang hirap niyang pakisamahan. Hindi mo rin alam kung ano ba talaga ang iniisip niya tungkol sa akin. Hindi ko rin makuha bakit palagi itong naiinis sa presensiya ko. Dapat nga siyang matuwa dahil binibigyan ko siya ng pansin. Iyong ibang lalaki nga halos maghabol na para lang mapansin ko. Tapos ang Lucas na iyon? May gana pa akong insultuhin. Kinabukasan nagising na naman ako sa malakas na pukpok ng martilyo sa ibabang palapag. Nagtatrabaho na naman sina Mang Manuel sa bahay. Mukhang sila na yata ang magiging alarm clock ko simula ngayon. Alas otso na akong nagising. Masiyado na akong nagmamadali dahil late na kami sa usapan ni Lucas. Meroon pa naman siyang pahabol kahapon bago kami naghiwalay ng landas. "Huwag kang mali-late bukas. Ayaw kong pinaghihintay. Seven, thirty nandito na ako sa planta. Medyo malayo ang byahe bukas, puntahan natin ang malaking factory ng Daddy mo kaya dapat nating agahan. Nagkakaintindihan ba tayo, Ms.Villamonte?" sobrang pormal ng pagkakasabi niya nun. Ang seryoso niya rin. Agad na lang akong tumango. Iyon ang eksaktong sinabi niya kahapon bago niya pinaharurot ng mabilis ang kotse. Iniwan niya talaga ako roon sa barn house na walang ka tao-tao. Nakaramdam nga ako ng takot kahit maliwanag pa naman. Dumating rin naman agad si Mang Rico kalaunan para i-uwi na ako. Sana lang talaga hindi iyon magalit sa akin lalo na't late na ako masiyado. Ang sungit pa naman nun. Wala rin talaga siyang ka galang-galang sa akin. Kung tratuhin niya ako parang hindi ako anak ni Daddy Mathias. Pinapasweldohan lang naman siya ng ama ko. Kung umasta akala mo talaga siya ang anak ng may-ari ng Kompanya. Naisip ko pa lang na magkikita na naman kami ngayon. Hindi na naman ako mapakali. Sesermonan na naman ako ng lalaking 'yon dahil ang tagal kong dumating sa tagpuan. Namili ako ng susuotin na hindi masiyadong kita ang dibdib. Ngunit bigo akong makahanap. Ang sabi ni Lucas dapat raw balot na balot ako ngayon. Ano'ng akala niya sa akin? Turon? Malakas na lang akong nagbuntong hininga. Iniisip kung ano ang magandang suotin. Isa pa wala akong t-shirt rito. Wala ring jeans, minsan naiinitan akong magsuot ng mga ganoong style kaya hindi ako nagdadala. Dahil mahilig ako sa croptop na damit, iyon pa rin ang pinili ko. Bahala na't may masasabi siya. Wala rin naman akong choice. Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi ko naisipang bumili ng de braso na damit. Isang hapit na croptop at high waisted shorts ang sinuot ko. Nakikita pa rin ang puson ko. Masiyado ring madikit sa aking bewang ang shorts. "Okay naman siguro ito?" pagtatanong ko sa sarili. Mahahaba ang binti ko kaya para sa akin bagay ang suot kong high waist. Kahit menor de edad pa lang ako, matangkad na ang height ko, nagmana ako kay Mommy na isang modelo. Pero kung magkaharap na kami ni Lucas, sobrang tangkad niya. Hindi ko siya mapapantayan kahit nakasuot pa ako ng 6 inches heels. Pinatungan ko ng makapal na blazier ang suot kong croptop nang sa ganoon hindi masiyadong kita ang puwetan ko pati kili-kili. Para na rin may pangtakip ako sa aking tiyan kung sakali mangsisitahin ako ng lalaking 'yun. Masiyado na yata akong concerned sa iisipin niya sa suot ko. Noon naman walang nagdidikta sa akin. Kung meroon man, hindi ako sumusunod. Iba talaga ang hatak ni Lucas sa akin kahit sa unang araw pa lang namin na pagkikita. Palagi na siyang laman ng isip ko. Lalo na ang mga mata nito na palaging galit kong tumitig sa akin. Natapos ako sa pamimili ng susuotin sa loob ng isang oras. Ilang beses kasi akong papalit-palit, iyong bagay sa akin. At magmukha akong mature nang sa ganoon hindi ako tatawagin ni Lucas na bata. Naiinis talaga ako kapag naisip kong ganoon ang tingin niya sa akin. Aalis na sana ako sa kuwarto nang maalala ko, gusto pala ni Lucas na magsuot ako ng tsinelas ngayon. Ngunit wala rin akong tsinelas na dala sa bagahe kaya no choice kundi magsuot ulit ng heels. Naisip ko na puwede naman akong manghingi kay Daddy ng tsinelas kapag nakapunta na siya rito sa province. Sa ngayon, hindi ko siya ma-contact dahil walang signal. Hindi ko rin kasi alam kung kailan siya susunod sa akin sa hacienda. Ang sabi niya ako na muna raw ang mamahala rito habang wala siya. Kung hindi raw ako susunod sa utos ko, grounded ako at dito na talaga ako sa province manirahan. Iyon ang huling sabi niya sa akin bago ako lumuwas rito sa probinsiya. Natakot naman ako sa kapalit nito kaya pagbubutihin ko na matuto rito sa lupain niya at kung ano ang kanyang pinagkakaabalahang negosyo. "Madame, ang tagal mo yatang nagising. Hindi ba't maaga ka ngayon sa planta niyo?" bungad ni Manang Carmen sa akin nang makababa ako. Sumulyap muna ako sa tatlong trabahante na binabati ako. Narinig ko pa ang pagsipol ni Jonas sa akin dahil ang ganda ko raw. Sinapak naman siya ni toytoy para matigil ito. "Kaya nga, Manang, e! Nakalimutan kong mag-set ng alarm. Mabuti na lang maingay sila Manong Manuel rito kaya nagising agad ako," ngisi ko pa. "Ay sus, Ma'am. Gusto ka raw gisingin ni Jonas tuwing umaga!" pagbibiro ni Totoy. "Heh! Manahimik kayo riyan! Ayusin niyo ang trabaho sa kusina!" sita ni Mang Carmen. "Ang init talaga ng ulo mo, Manang... Kaya ka madaling tumanda e!" Hagalpak na tawa ni Jonas. Natawa na rin ako dahil na ibsan nila ang kaba ko ngayon. Pasado alas nuebe na wala pa ako sa planta. Ang usapan pa naman namin alas syete 'y media ay nandoon na ako. "Aalis na po ako, Manang Carmen. Hindi na ako kakain. Baka naghihintay na sa akin ang magtuturo sa akin sa gawain." "Ganoon ba, iha. O siya sige mag-ingat ka. Ay teka muna!" Mabilis na nagtatakbo si Manang papasok sa kusina, pagka balik niya may dala na siyang lunch box na nakalagay pa isang basket. "Ano 'yan, Manang?" "Dalhin mo ito. Baka mahabang araw nandoon ka sa planta. Kailangan mong magbaon. Ang sabi ni sir Mathias hindi ka puwedeng malipasan ng gutom. Nandiyan na lahat ng kakainin mo." Binigay niya sa akin ang basket na may lamang dalawang lunch box at mga snacks, may juice rin, biscuit at iba't-iba pang kakanin. "Ang dami nito, Manang. Hindi ko mauubos." "Bigyan mo ang kasama mo.... Para sa inyong dalawa iyan. Sige na, iha... Kailangan mo ng umalis." Hinatid ako ni Manang pa labas ng bahay. Saktong naghihintay na rin sa akin si Mang Rico para ihatid ako sa destinasyon. "Magandang umaga, Ma'am. Nahuli yata kayo sa paggising?" wika niya. Ngumiti lang ako sabay tango. "Okay lang 'yan, Manong. Tara na po." Pinasok muna ni Manong Rico ang basket na hinanda sa akin ni Manang Carmen sa backseat pagkatapos bumayahe na kami sa malapad na kalsada kung saan ang mga tanawin ay puro palayan. Nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang maalala ko ang inutos ko kay Manong Rico kahapon. "Nakabili po ba kayo ng kariton?" Sinulyapan niya ako sa harapang salamin. "Oo, Ma'am... Nandoon po sa likod ng bahay. Nilagay ko roon." "Ganoon ba, salamat, Manong." "Ano po bang gagawin niyo sa kariton, Ma'am? Ibibigay niyo ba sa lalaking na bangga ko noong nakaraang araw?" Bigla akong nanlamig. Hindi alam ang isasagot kay Manong. Nakakahiya namang umamin na sa lalaking iyon nga ang pagbibigyan ko ng kariton. Ewan ko ba bigla akong na guilty sa nangyari lalo na't nagsusumikap din pala ang lalaking iyon. Pinagsasalitaan ko pa ng masama. Kung naabutan ko lang siya kaninang umaga na kumukuha ng basura sa hacienda. Ibibigay ko sana pero dahil matagal akong nagising hindi ko na naabutan. "Maam? Ibibigay niyo ba kay Martin ang na kariton? Puwede ako ang magbibigay." Mabilis akong umiling. "Hindi po sa kanya 'yun. Gagamitin ko sa farm," kibit balikat ko. Hindi na nagtanong si Manong. Mukhang naniwala naman siya sa sinagot ko. Tumango lang ito at nagpatuloy na sa pagmamaneho ng kotse. Napapatanong ako sa sarili kung bakit nag-abala pa akong bumili ng kariton? Hindi ko rin maintindihan. Siguro gusto kong humingi ng paumanhin sa pagiging bastos ko. "Manong? Kilala niyo pala siya?" tanong ko pa nang maalala kong alam ni Manong Rico ang pangalan noong lalaki. "Hindi masiyado, Ma'am...Pangalan lang ang alam ko sa batang iyon. Minsan ko lang din iyon nakikita sa planta. Minsan nga hindi iyon dumadalo kapag may salo-salo sa bahay. Nahihiya siguro." "Tuwing uuwi si Daddy rito sa probinsiya may salo-salo ba talagang magaganap?" kuryuso kong tanong. "Opo, meroon. Mahilig si sir magbigay ng kasiyahan sa mga trabahador niya at sa mga taong nakatira sa kanyang lupain kapag uuwi siya rito." "Eh, yung basurerong lalaki po? Ano'ng alam mo sa kanya? Hindi ko pa kasi nakita ang pagmumukha nito. Palaging may takip na tela ang ilong at bibig." "Hindi ko rin nakita ang pagmumukha niya, Ma'am kaya wala ako masiyadong alam. Basta sa pagkakaalam ko. Lupa ng Daddy mo ang tinatayuan ng kanilang bahay. Nagtatrabaho din ang mga magulang niya sa farm at sa palayan. Siya naman nagde-deliver ng mga gulay sa palengke." Kaya pala may kariton siyang dala nun. Gamit na gamit nga talaga niya sa paghahanap-buhay. "Sa tingin mo Manong, pupunta kaya iyong si Martin kapag nagkaroon ng salo-salo sa bahay, kung uuwi na si Daddy?" Sa puntong ito nagtaka na masiyado si Manong Rico sa mga tanong ko lalo na't bukambibig ko iyong Martin na isang basurero sa hacienda. "Panay tanong yata kayo sa kanya, Ma'am? Gusto mo ba siyang makilala?" ngisi niya. "Naku, hindi po! Baka may maitulong lang ako sa kanya. Alam mo na, may kasalanan tayo. Kailangan kong mag-check ng background niya. Baka kasi masamang tao siya." "Kung sa bagay, Ma'am... Huwag kayomg mag-alala. Mabait talaga si Martin kaya nga naawa ako noong nasira ang kariton niya. Dahil isa iyon sa hanap buhay ng tao. Pero kung tinatanong niyo kung pupunta ba ang batang iyon sa salo-salo? Mukhang malabong mangyari 'yun, Ma'am. Hindi pa yata nakadalo maski isang beses si Martin. Kung meroon mang dadalo siguro ang mga kapatid niya at magulang lang nito." Nag-iwas ako ng tingin. Nagkunwaring busy sa pagtingin sa labas, kahit ang totoo ang lakas ng t***k ng puso ko. Mailap pala sa tao ang Martin na iyon. Kailan ko kaya makikita ang pagmumukha nito lalo na't magkapero sila ng mata ni Lucas, pati kilay. Iisa lang kaya sila? Pero impossibleng si Lucas ay magiging si Martin, dahil ang lalaking pinagkatiwala ni Daddy para matulungan ako sa trabaho rito sa planta may magagarang kotse at presentable kong manamit, kahit hindi halata sa kutis niya na mayaman siya sa pagkat moreno ito, bumawi naman sa pagmumukha. Guwapo ito, makisig, malinis ang damit. Maganda ang sapatos. Masungit nga lang. Kung ikokompara siya kay Martin, hindi malinis ang lalaking iyon. Iyong damit niya punit-punit, madumi pa ang katawan, palaging pawisan. Walang maayos na tsinelas. Kaya para sa akin impossibleng siya si Martin. Pareho lang sila ng tikas ng katawan at tangkad, pero kung ako ang pipiliin mas gugustuhin ko si Lucas na malinis kay kay Martin na isang basurero at tagatulak ng kariton sa palengke. Pagkarating namin sa tagpuan. Nandoon na agad ang sasakyan ni Lucas. Hindi niya dala ang ginamit niyang kotse kahapon . Isa na naman itong raptor car. This time, meroon ng bubong, may pintuan na rin. Ang dami naman yata niyang kotse? Ang gaganda pa. Nakasandal siya sa kanyang raptor truck. Diretso ang tingin sa sinasakyan ko. Nakapamulsa siya roon. Walang ekspresyon ang pagmumukha. Ngunit makikita sa kanyang bagang na galit at iritado na siya sa paghihintay sa akin. Inayos ko muna ang suot ko ngayon. Medyo binababa ko ang shorts kahit alam kong hindi pa rin ito hahaba. Inayos ko rin ang blazer na suot. Ramdam ko ang tension sa aking katawan habang pababa ng kotse. I'm so late.... Nauna ng bumaba si Manong Rico para kuhanin ang dala kong basket. Nilipat niya ito sa kotse ni Lucas. Tinanguan lang siya ni Manong pagkatapos nag-usap sila sandali. Nakuha niya ang atensyon ko nang maglakad na ako palapit sa kanya. Iniwan na rin siya ni Manong Rico para bumalik na sa kanyang minamaneho g kotse. "Salamat, Manong. Kunin niyo ako mamayang hapon." "Sige, Ma'am. Mag-ingat kayo! Nandoon na po ang pagkain niyo sa kotse ni Lucas!" Nilagpasan na ako ni Manong. Ramdam ko pa lalo ang tensyon dahil naghihintay pa rin si Lucas sa akin kung kailan ako makakalapit sa kanyang harapan. Nakakapaso ang mga tingin nito, sinusundan niya bawat hakbang ko. Umayos siya sa pagkakasandal habang sinusuri ang kabuuan ko ngayon. Huminga ako ng malalim nang marinig ko ang kotse na dala ni Manong Rico na umaalis palayo sa amin. Pagkarating ko sa harapan ni Lucas. Sinubukan ko siyang nginitian. "Sorry na late ako..."pangungunang sabi ko nang hindi ito umimik. Panay titig lang siya sa suot ko ngayon. "Hindi ka ba nakinig sa sinabi ko kahapon?!" Halos maigtad ako sa sindak nitong boses. Nanlaki ang mata kong nakatitig sa kanya. Hindi inaasahan na pagalitan niya ako bigla. "Matagal akong na gising. Sorry kung na-late ako. Hindi ko naman sinasadya—" "Maong pants saka t-shirt ang susuotin mo? Bakit ganyan na naman? Plano mo bang mang akit ng lalaki? Kay bata-bata mo pa. Maging disenti ka naman sa suot mo." Napalunok ako nang mapagtanto ko na sa suot ko siya mas na bahala. Wala siyang pakialam kung late na ako ang mas inaalala niya ang postura ko ngayon. Hindi ko talaga mababasa ang tumatakbo sa isipan niya. "W-wala akong t-shirt at maong na dala rito sa hacienda... Ano bang mali sa suot ko? Bakit naakit ka ba?" paghahamon ko sa kanya para maibsan lang ang kahihiyan. Natahimik siya. Matalim na tingin ang ginawad niya sa akin pagkatapos nag-iwas ng tingin. "Sakay!" iritado niyang utos. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse. Hindi ko alam kung sa sakay ba ako sa kanya. Bigla akong natakot sa madilim na awra nito. Mukhang wala siya sa mood. Malakas akong nagbuntong hininga. Tinaasan ko siya ng kilay. "Sabihin mo lang kung naakit ka sa suot ko. Huwag mong idaan sa pasigaw. Hindi ako sanay na pinapagalitan ng ibang tao." Tinagilid niya ang ulo. Hindi makapaniwala niya akong tinitigan. Nanaliksik ang kanyang mga mata. He looked at me from head to toe. "Kaya ka siguro spoiled na bata. Hinahayaan ka sa mga damit na hindi naman bagay sa'yo." Umawang ang bibig ko. Parang may pumitik sa puso ko, nasaktan ako bigla. Hindi bagay sa akin? Wala pang nakapagsabi sa akin na hindi bagay ang mga suot ko. Mostly, sa kakilala ko naiinggit sila dahil ang gaganda raw ng damit ko, pero pagdating sa kanya. Hindi niya gusto? Hindi raw bagay? Taas noo ko siyang hinarap. Kahit nanlambot na ako ngayon. Takot akong ipakita sa kanya baka mas lalo niya lang akong laiitin. "Ang sabihin mo. Naakit ka lang sa akin. Aminin mo na lang, Lucas. Isa pa, huwag mo akong pag sabihan na bata. Seventeen na ako, malapit na akong maging legal age. Isa pa, hindi ikaw si Daddy para utusan ako at sigawan." Nagmadali akong pumasok sa kotse. Hindi inaalintana kung magagalit siya sa sinabi ko. Masiyado na kasi siyang strikto. Si Daddy nga hindi nangingialam sa susuotin ko tapos siya? Kung maka-alburuto siya diyan animo'y boyfriend ko kung magalit. Agad akong namula sa na isip. Hindi pa ako nagkaroon ng boyfriend, maraming manliligaw pero hindi ko na gustuhan. Pero bakit ngayon? Naisip ko agad na kung umasta siya ay daig pa ang boyfriend? Nahihibang na ba ako para 'yon agad ang maisip? Pinilig ko ang ulo. Tinanggal sa isipan ang ganoong bagay. Pumasok na siya sa loob ng kotse. Diretso ang tingin niya sa harapan. Ilang beses akong sumulyap sa kanya kung may sasabihin ba siya pero tahimik niya lang pinaandar ang kotse. Hindi maipinta ang pagmumukha. Gusto kong ngumisi dahil nagwagi ako na supalpalin siya. Malakas ang loob ko na baka naakit nga siya sa akin kaya dinadaan na lang niya sa panalalait. Hindi ko na lang siya pinagtuonan ng pansin. Baka mas lalo lang lumalala ang kanyang inis sa akin. Sakto lang ang pagpapatakbo niya. Hindi katulad kahapon kulang na lang lalabas ang puso ko sa kaba sa tuwing tumatalon ang kotse dahil sa mabatong daanan. Ngayon, normal lang ang dinadaanan namin. Panay hawak nga ako sa inuupuan baka kasi matamaan na naman ako ng dashboard. Mabuti na lang hindi ganoon ang nangyari ngayon. "May pagkain nga pala sa basket. Kung gutom ka kumuha ka lang riyan." Tikhim ko nang wala talagang nagsasalita sa aming dalawa. Mga nasa thirty minutes na yata ang byahe namin. Hindi pa rin kami humihinto. Feeling ko tuloy mapapanis lang ang laway ko kung hindi ko siya kakausapin. Ngunit, sino ba ang niloloko ko? Kailan pa siya naging pala salita? Hindi pa rin siya umiimik sa kanyang upan. Sinulyapan ko siya. Mahigpit ang kapit niya sa manobela. Ngayon ko lang din na pansin na naka blue t-shirt siya, walang printa. Pagkatapos isang maong pants. Simpleng lalaki lang talaga siya kung manamit. Hindi niya pinapakita na mayaman siya. Ang lakas pa rin ng kanyang dating. Nahihiya rin naman akong magtanong kung taga-saan siya. Ano'ng stado niya sa buhay. Mayaman ba siya? May mga lupain din kaya siya kagaya ko? Ngunit sa isip ko na lang iyon tinatanong. Baka mapahiya lang ako at hindi niya rin sasagutin. Pagkarating namin sa isang factory na sobrang laki. Gawa sa stainless steel bawat lugar. Marami ring mga lalaki sa labas na may kanya-kanyang ginagawa. Naka-safety gear silang suo sa ulo. Nakuha ang atensyon ng mga lalaki nang makita nila ang sinasakyan naming kotse ni Lucas ay nasa harapan nila huminto. Ilang beses akong na palunok nang makita kong nasa trenta yata na lalaki ang nandito sa labas ng bodega kasalukuyang nagpapahinga. Ang iba ay busy sa pagpuputol ng mga malalaking kahoy. Ang iba may pinapasan na yero at bakal. Tumingin ako kay Lucas nang bumukas ang kanyang pintuan. Hudyat na lalabas na siya. Bago pa siya makababa sa kanyang upuan mabilis kong hinila ang kanyang t-shirt para patigilin ito. Nakakakunot noo naman niya akong binalingan. Nagtatanong ang mga tingin niya. Halata kasi ang takot sa hitsura ko. "A-ano kasi... B-Bakit tayo nandito?" Titig na titig ako sa kanyang mukha. Nagtaas naman siya ng kilay. Para siguro akong timang sa tanong ko. Kahit halata naman kung bakit kami nandito. "Magtatrabaho ka." "E-eh? Bakit hindi mo sinabi sa akin na marami pa lang lalaki sa pupuntahan natin?" Agad akong namutla. Tiningnan niya ang suot ko. Ang kinatatakutan ko pa naman iyong mag-isa lang akong babae tapos maraming lalaki. Kagaya na lang ngayon. "Ito ang malaking construction hardware ng daddy mo. Malamang puro lalaki ang nagtatrabaho rito," pagbabara niya sa akin. Bigla akong na tuod. Inayos ko ang sarili. Pakiramdam ko namamawis bigla ang noo ko. Hinila ko pababa ang high waist saka tinakip ko ang blazer na suot sa aking hita. Hindi ako makatingin sa kanya. Ang tulis ng titig niya sa akin. "Tinatanong mo ako, kung nahumaling ba ako sa suot mo?" Pinatunog niya ang bibig bilang pang-iinsulto. Iniling niya ang ulo. “Ngayon, alam mo na kung bakit gusto kong magsuot ka ng jeans at t-shirt. Maraming lalaki rito. Ito ba ang gusto mo? Pagpyestahan ka nila?" Parang kulog ang boses nito na paulit-ulit nag-echo sa aking tenga. He looked at me disgusted. He closed the door. Sinundan ko na lang ang pagsarado niya sa pintuan ng kotse. Iniwan ako rito sa loob, hindi ko alam kung lalabas ba ako o hindi. Wala akong mukhang maihaharap lalo na't alam kong mali ako sa hinala ko na nahumaling siya sa akin, when in fact pinoprotektahan niya lang ako sa mga lalaking nasa labas ng bodega na naghihintay sa paglabas ko ng kotse. I was really wrong. Ang confident ko pa kanina iyon pala... Mapapahamak lang din ako sa bandang huli. Ako lang din ang nahihiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD