bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

book_age18+
11.0K
FOLLOW
84.3K
READ
billionaire
revenge
friends to lovers
arranged marriage
playboy
dominant
CEO
drama
heavy
highschool
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa pagiging spoiled brat ni Grace na pilitan ang ama nito na ipadala siya sa probinsiya para pagtrabahuin sa kanilang malaking Hacienda para doon turuan ng leksyon.

Ayaw ni Grace sa lugar na iyon sa pagkat wala siyang kalayaan na mag-party at mamasyal. Ngunit nang makilala niya si Martin Salazar na nagtatrabaho bilang basurero at kargador sa kanilang hacienda, hindi inaasahang na hulog ang loob niya rito

Ngunit sa pagkagusto niya pala sa lalaking ito ay ang dahilan para takasan niya ang responsibilidad bilang taga pagmana ng Hacienda Villamonte sa pagkat maraming hadlang sa pagkagusto niya sa binata dahil sa magkalayo nilang antas ng pamumuhay at edad.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Gusto kong magtanan na tayo!" Kinagat ko ang pang-ibabang labi sabay yuko. Mariin kong kinuyom ang mga kamao. Ilang beses ko itong pinag-iisipan kung maganda ba ang desisyon kong ito. Ngayong malakas na ang loob ko. Hindi na ako nag-alinlangan na sabihin sa kanya ang gusto kong mangyari. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib habang naghintay sa kanyang sagot. "Ano'ng sabi mo?" kalmado niyang tanong. Kinagat ko nang mariin ang pang-ibabang labi sabay hinga ng malalim. I am really tense everytime I opened up my mouth. "G-gusto ko ng sumama sa'yo. Dalhin mo ako sa malayong lugar," nangangatal kong sabi. Narinig ko ang mabibigat niyang paghinga. Hindi ako makatingin sa kanya. I am sure, mababasa niya ang nasa isipan ko ngayon kapag makipagtitigan ako. "Hindi puwede. Ang bata mo pa, Grace," he said almost whispered. Inangat ko ang tingin sa kanya. Nagkatinginan kami. Walang emosyon ang kanyang mga mata. Umawang naman ang labi ko. Did he just rejected me? Namula ang pisnge ko. Napahiya bigla sa kanyang harapan. "A-ano ngayon kung bata pa ako? Hindi ba puwedeng makasama ka?" Nangingilid na ang luha ko. Pansin ko ang pagtutol nito sa aking desisyon na sumama sa kanya. Nagkasalubong ang kanyang noo. "Huwag kang magbiro ng ganyan. Hindi nakakatuwa, pati ang Daddy mo. Hindi niya magugustuhan ang sinasabi mo ngayon," pag-iling niya sabay namulsa. "Hindi ka ba nahihiya sa mga sinasabi mo ngayon? Inalok mo akong magtanan? Ganyan na ba mag-isip ang mga batang kagaya mo?" I felt insulted. Pakiramdam ko nanliit ako ngayon. He looked at me like a little girl begging for a candy. Tiningala ko siya nang maigi. Kinurap ko ang mga mata. Para akong nagmumukhang katatawanan sa kanyang harapan. "Hindi na ako bata!" irita kong sigaw. Nag-iwas siya ng tingin. Pinakalma ko ang sarili habang nagmamasid sa kanyang postura, hanggang balikat niya lang ang tangkad ko. He's really tall, moreno ang balat. May mapupula siyang labi na ang sarap palaging halikan. Ang kanyang maypagka-chinito nitong mga mata ay walang gana kung tumingin sa akin. Madilim ang maitim nitong mga mata. He's always like this... Parang palaging mysteryoso. Hindi mo mahuhulaan ang kanyang iniisip. Ang matured ng kanyang mukha sa tuwing magkalapit kami ng ganito. Para ka ring na hypnotismo sa kanyang itim na mata. Ang hirap mag-iwas ng tingin lalo na't seryoso siya ngayon. "Ayaw ko na sa hacienda ni Daddy... Masiyado na siyang mahigpit sa akin. Pinapalayo ka na niya sa akin. Ilang araw na tayong walang pansinan. Hindi ko na kaya." Naluluha na ulit ako. Kahit ayaw kong ipakita sa kanya ang kahinaan ko. Hindi ko mapigilan. Kahit alam ko para sa kanya nagbibiro lang ako ngunit puno senseridad ang boses ko ngayon. He gaze on me. He tried to read what's in my mind. "Ano'ng gusto mong gawin ko kung ganoon?" Umigting ang kanyang panga. Bigla akong nakaramdam ng takot sa paraan ng pagtitig niya sa akin ng malalim. Hinila ko ang laylayan ng kanyang damit. Tiningnan ko siya gamit ang nagmamakaawa kong tingin. "Gumawa ka naman ng paraan, oh? para magkasama tayo... Gusto ko ng sumama sa'yo. Takot na takot akong mawala ka sa akin. Hindi ko kayang ang ganito. Nag-iiwasan tayong dalawa dahil pareho tayong takot kay Daddy." Nagkasalubong lalo ang kanyang kilay sabay hinga ng malalim. Halatang hindi niya kinaya ang mga lumalabas sa bibig ko. "Hindi ako takot sa daddy mo. Ayaw ko lang madamay sa mga binabalak mo. Masiyado pang maaga para makipag live in ka sa akin. Umuwi ka na. Hinahanap ka na sa inyo." Nalaglag ang balikat ko nang dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanyang damit. "Pero mahal kita—" "Tama na, Grace. Kung gagawin ko iyan. Magagalit sa akin ang Daddy mo. Hindi niya magugustuhan kung magtanan tayo. Huwag mo akong pahirapan magdesisyon." Iniling nito ang ulo. Kulang na lang ipaglandakan niya sa akin na wala na akong delikadesa. Pansin kong hindi siya makatingin sa akin. Mabilis kong sinakop ang dalawang pisnge niya para matingnan niya ako ng diretso sa mga mata. "Seryoso ako, Martin! Gusto ko ng lumayo sa hacienda namin. Ayaw ko ng ganito. Ang hirap magtago ng relasyon natin. Ngayong na laman ni Daddy... Gusto niyang maghiwalay tayo... Ayaw kong mangyari 'yun." Nagmumukha na akong desperada sa kanyang harapan. Masiyado ng sarado ang isipan ko para making sa kanyang mga dahilan. Kahit ilang beses na niya akong pinagtabuyan ayaw ko pa rin sumuko. Natuod siya ng ilang segundo sa kanyang kinatatayuan. Hindi makapaniwala sa pagkat sa mura kong edad ay nasabi ko sa kanya ang mga ganitong bagay. "Umuwi ka na!" malamig niyang sabi. Nagpatakan na ang luha ko. Parang hindi siya apektado sa nakikitang pagmamakaawa ko sa kanya. Kampante lang siyang nakasandal sa dingding. But he seems frustrated everytime I open up my mouth. Everytime I asked him to escape. "Hindi ako aalis rito hangga't hindi ka papayag na magsama na tayo." I looked at his chest. Hindi ko ipagkakailang ang guwapo niya sa suot nitong puting t-shirt. Kahit putikan ang kanyang tsinelas. Hindi nababawasan ang kanyang kakisigan. I can still remember how I praised him the first time I saw him in the market. Pushing his cart. Hindi ko man nakita ang mukha niya noon alam kong hindi normal ang pagtibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya. "Martin... Please!" Humigpit ang kapit ko sa kanyang kamay. Tumingala siya nang ilang saglit. Pinikit niya ang mga mata. Narinig ko ang mahina niyang pagmumura sa kawalan. Tuliro niya akong tiningnan. "Eighteen ka pa lang. Ang bata mo pa. Our gap is four years. Mas matanda ako sa'yo. Pwede akong kasuhan ng daddy mo ng child abuse kung itatanan kita ngayon." Umigting ang kanyang panga. "Pero mahal kita, Martin. Ayaw kong hahadlangan tayo ni Daddy. Totoo ang nararamdaman ko sa'yo. Kahit bata pa ako, alam ko na ang ginagawa ko. Isa pa... Eighteen is a legal age. Puwede na akong magdesisyon sa kahit ano'ng gusto ko." "Ito ang naisip mo? Gusto mong magrebelde sa Daddy mo? Paano ang pag-aaral mo? Ang dami mong pangarap kapag nakatapos ka na ng pag-aaral. Paano na lang 'yun? Lalo na ang ipapamana niya sayo na hacienda? Ikaw ang magmamana sa mga—" "Hindi ako interesadong maging haciendera ng mga lupain ni Daddy. Ang gusto ko lang ang makasama ka. Ayaw kong maghiwalay tayo dahil lang tutol si Daddy sa atin. Aanhin ko ang lahat ng iyan kung hindi ikaw ang makakasama ko? Titigil na ako sa pag-aaral. Sasama ako sa'yo..." Natahimik siya. Hindi makapagsalita sa mga sinasabi ko. Sobrang seryoso ng mukha ko ngayon. Ang lakas din ng pintig ng puso ko. Hindi ko akalain na masasabi ko sa kanya ang ganito. Ang tapang ko masiyado para ipaglandakan sa kanya ang nararamdaman ko. "Noong una pa lang alam ko ng mangyayari ito. Tumigil ka na... Alam mong hindi ako ang gusto ng daddy mo. Ayaw niya sa isang katulad ko lalo na't mahirap lang ako... Mayaman ka. Hindi tayo bagay magsama." "Ano ngayon? Balewala na sa akin ang agwat ng pamumuhay nating dalawa. Can't you see? Ako na ang nagmamakaawa sa'yo." Galit ang kanyang ekspresyon sa akin. Iritado rin siya. Hindi ko alam kung ano'ng mali sa mga sinasabi ko. Alam kong hindi niya gusto bawat pangungulit ko sa kanya ngayon. Ngunit ano'ng magagawa ko kung puso ko na ang nagdikta. "Tingnan mo ako, Grace? Isang hamak lang akong tagapulot ng basura sa garahe niyo. Isa lang akong basurero. Sasama ka sa lalaking katulad kong walang pinag-aralan. Sa tingin mo ano ang ipapakain ko sa'yo? Pera sa basura ba? Iyong pagtutulak ko ng kariton sa palengke? Na magkano lang ang kitaan. Gumising ka nga. Wala kang future sa akin kung sasama ka sa katulad kong walang naabot sa sarili!" Niyogyog niya ang balikat ko. "Please tama na ang pagmamakaawa. Umalis ka na. Hindi ko kayang marinig na nagmamakaawa ka sa akin ng ganito." Gusto niya talagang magbago ang desisyon ko na mahalin siya. Pero buo pa rin ang desisyon ko. Kahit ano'ng sabihin niya... "That's fine with me, I want a simple life!" pagmamatigas ko pa rin. "Kahit ano'ng trabaho ang meroon ka. Okay na ako roon. Handa kong talikuran ang lahat para sa'yo. Kahit maghirap tayong dalawa. Sasamahan pa rin kita." Nagtaas-baba ang kanyang dibdib. Pumikit siya nang mariin. Kahit sa mga tingin niya sa akin nang ganito parang nalulusaw ang puso ko. Mahal na mahal ko siya sa kabila ng agwat ng edad namin. Maski mahirap siya at mayaman kami. Tiningnan ko siya bilang pantay. Ang tingin niya sa akin ngayon ay isang batang musmusin lamang na walang alam sa mga nangyayari sa paligid. Hindi niya alam na totoo ako sa lahat ng mga sinasabi. "Hindi kita mabibigyan ng magandang pamumuhay. Wala pa akong kakayahang gawin iyon. Hindi pa ngayon," malumanay nitong sabi nang makita niyang panay iyak na lang ako sa kanyang harapan. Natikom ko ang bibig. Huminga ako ng malalim. Mas lalo akong naluha sa pagkat pinapakita niya ngayon na hindi niya ako kayang ipaglaban kay Daddy. Gusto niya akong sukuan dahil lang sa stado ng buhay namin na magkasalungat sa gusto ni Daddy na mapapangasawa ko. Ano'ng magagawa ko kung sa katulad niya ako nagkagusto. Hindi kailanman ako nagmahal ng isang lalaki... Sa kanya ko lang naramdaman ang mabaliw ng ganito. Kahit sa simpleng gawin niya agad akong nahuhumaling, I really appreciate of what he's doing. Pero ngayong nakikita ko kung gaano lang kadali sa kanya na bitawan ako ng basta-basta sobrang sakit. "I told you...K-kaya ko naman manirahan kahit sa mahirap na pamumuhay... Gagawin ko ang lahat... Hindi ako maging pa bigat sa'yo. Basta ilayo mo lang ako kay Daddy." Mabilis siyang umiling. Hindi ko mabasa ang mga tingin niya sa akin. Blangko ito. "Mayaman ka na, Grace. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo na sumama sa akin. Lahat ng gusto mo makukuha mo. Pero kapag magiging suwail ka. Mawawala ang lahat ng iyon. Kung sasama ka sa katulad ko na walang ipagmamalaki. Ikaw ang kawawa." "Huwag mo akong pangunahan sa desisyon ko, Martin...Kung na bahala ka dahil wala akong alam sa mga gawain, sa paglalaba, matutunan ko rin iyon. Sa paghuhugas kaya kong gawin turuan mo lang ako, kahit sa paglilinis magpupurisige akong matuto. Basta makasama lang kita, sapat na iyon sa akin. Kahit hindi na ako matutulog sa malambot na kama, titiisin ko lahat." Kinuha ko ang kamay niya. Hinawakan ko nang mariin. Walang kabuhay-buhay ang mga tingin niya sa akin. Bigla akong natakot sa pagkat balewala lang sa kanya kahit kulang na lang lumuhod ako sa kanyang harapan para lang masunod ang gusto ko. Ngunit nalaglag ang balikat ko nang tinanggal niya ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa kanya. Tinagilid niya ang ulo hudyat na hindi niya nagustuhan ang naging desisyon ko. "Mag-focus ka muna sa pag-aaral mo... Tama ang Daddy mo. Siguro maghiwalay na muna tayo. Hindi ako nakakabuti sa'yo. Hadlang lang ako sa magiging kinabuksan mo." Parang nawasak ang mundo ko sa huling sinabi niya. Tumingala ako sa kalangitan para hindi niya makita ang pagluha ko nang sunod-sunod. Para akong sinasaksak ng maraming kutsilyo. Ang hirap huminga. Hindi ko namalayan na tulala na pala ako sa harapan niya. "B-Bakit ang dali lang sa'yo na magbitaw ng ganyan? Hindi mo ba ako minahal ng totoo? Mula noong una pala? Ako lang ang naghahabol sa'yo? Hindi pala totoo ang pinapakita mo? Ang sabi mo gusto mo ako? Pero bakit hindi ko iyon ramdam?" Pinahid ko ang luha. "Pinagtutulakan mo ako palayo sa'yo." Umigting ang kanyang panga. Tiningnan niya ako nang diretso. Pumikit na naman siya nang mariin. Sa pagbukas ng kanyang mga mata. Doon mas nakita ko kung ano'ng totoo niyang nararamdaman sa akin. "Dahil lang naman sa pangungulit mo at pagtapon mo sa sarili sa akin kaya pakiramdam mo may relasyon tayong dalawa. Bata ka pa... Masiyado ka pang bata para makaramdam ng pagmamahal. Hindi mo ba na pansin? Pinaglalaruan lang kita. Ang bilis mo namang maniwala." Ngumisi siya ng nakakainsutlo sa akin. Sampal na naman sa akin ang mga sinasabi niya. Nanghina ang mga tuhod ko. This is my first heart break. Ang sakit pala....Na reject ako... Akala ko totoo na ang lahat pero laro lang pala sa kanya ang nararamdaman ko. Pinagtatawanan niya lang ang pagmamakaawa ko sa kanya. "S-sabi mo g-gusto m-mo a-ako?" Sa puntong ito hindi na ako makatingin sa kanya. Nangangatal ang boses ko. Nahihiya ako sa sarili ko dahil ngayon ko lang na realize na ako lang pala ang habol nang habol sa kanya habang siya...sinasakyan lang lahat ng gusto ko. Nagkunwari lang siya. "Gusto kita bilang nakakabatang kapatid. Wala ng iba pa... Bata ka pa rin talaga, Grace. Walang alam. Mabilis maloko." Umawang ang aking bibig. Kilala ko siya kapag nagsisinungaling pero sa puntong ito, nakita ko kung gaano siya ka sensiridad sa mga lumalabas sa kanyang bibig. "H-hindi totoo iyan!" sigaw ko sabay hagulhol. Tinakip ko ang kamay sa aking pagmumukha para lang hindi niya makita ang panghihina ko ngayon. "Ipinagkakatiwala ka sa daddy mo sa akin. At ayaw kong biguin iyon... Dahil lang sa pagiging spoiled mo. Masira ko ang tiwala niya. Huwag ka ng magrebelde. Sundin mo ang gusto ng daddy mo." Tinalikuran ko na siya. Hirap na hirap akong dalhin ang mga nalalaman ko ngayon. Sobrang bigat sa dibdibd na pinagtatabuyan niya lang ako at pinamukha sa akin kung ano'ng klaseng babae lang ako sa paningin niya. "K-kung ganoon... Pinagkaisahan niyo ako ni Daddy? Ginawa niyo akong tanga!" "Isa kang spoiled na bata. Hindi mo masisi ang daddy mo kung bakit gusto ka niyang pa bantayan sa akin. Kaya sundin mo ang gusto niya, iyon ang mas nakakabuti sa'yo." Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Nanatili akong nakatalikod. Naghihintay akong manghingi siya ng paumanhin pero hindi niya ginawa. "Fine... Maghiwalay na tayo. Gusto mong sundin ko si Daddy dahil iyon ang nakakabuti sa akin, hindi ba?" "Gusto kong gawin mo iyon at kalimutan mo na ako... Magagawa mo ba?" tanong niya gamit ang malamig na boses. Panay hinga ako ng malalim. "Kung ganoon... Magpapakasal na lang ako sa lalaking nagugustuhan ni Daddy para sa akin. Para makalimutan na kita. Hindi ba't gusto mong sundin ko siya. Edi gawin ko na lang ang pagpapakasal. Sabi mo e!" Mahabang katahimikan na naman ang bumalot sa aming dalawa. Hindi ko alam kung meroon ba siyang alam sa mga plano ni Daddy sa akin. Pero sa tingin ko... Wala rin siyang idea sa nangyayari sa akin. Ang alam niya lang ang wasakin ang damdamin ko na totoong naghahabol sa kanya. He doesn't treasure what I feel towards him, that's it's easy for him to dump me. "That's good for you... Pupunta ako sa magiging kasa—" "Hindi mo ba naisip kung bakit gusto kong magtanan tayo? Kung bakit nagmamakaawa ako sa'yo na ilayo mo kay Daddy?" I stop for a moment. I tried to breath. "Nagpaplano siyang ipapakasal ako sa ibang lalaki na hindi ko gusto. At mangyayari na iyon sa susunod na linggo. At kapag nangyaring ikakasal ako sa iba... Iyon na rin ang araw na hindi mo na ako makikita." Hinakbang ko na palayo ang mga paa palayo sa kanya. Sobrang bigat bawat hakbang ko. Sinadya kong hinaan ang paglalakad dahil naghihintay akong tawagin niya ako at magbabago pa ang kanyang desisyon. Gusto kong bawiin niya ang mga sinasabi niya pero hindi nangyari. Wala akong narinig na pagtutol sa kanya. Hinayaan niya akong makaalis roon habang nasasaktan ang damdamin. I will never forget how he treated me like a trash. How he disposed my feelings to him. Ang sakit. Maybe... I am chasing to a wrong person. Labag sa loob niya ang pagtakas sa akin dahil pinaglalaruan niya lang ang damdamin ko. Hindi niya ako gusto. iisa lang naman ang hangad ko. I just want to ESCAPE AS A BILLIONAIRE'S HEIR.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

Broken Angel

read
4.7K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
52.4K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
64.6K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
260.7K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
601.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook