Hindi ko na alam kung paano ko siya kakausapin ulit lalo na't hindi ito nagsasalita. Ayaw niya yata sa presensiya ko. Ako na ang nahihiya sa pangungulit ko sa kanya. Malaki pa rin kaya ang galit ng Martin na iyon sa akin?
Malamang, Grace! Pinagsabihan mo ng masasama iyong tao na iyon!
Ilang beses akong naglabas ng hininga habang sakay ang sasakyan na minamaneho ni Mang Rico. Hindi ko pa kasi siya pinapaalis dahil gusto ko may driver ako rito sa probinsiya. Hindi ako marunong mag-drive at ipinagbabawal din ni Daddy lalo na't minor pa lang ako. Pumayag naman si Manong Rico na mag-stay muna siya sa hacienda ng dalawang buwan pero dapat raw ako na ang magpaliwanag kay Daddy.
Katabi ko sa backseat si Mang Carmen. Nagpapasama ako ngayon papuntang bayan para mamili ng tsinelas saka t-shirt para may magamit ako bukas.
Lunes na bukas, kailangan ko ng maayos na damit nang sa ganoon hindi na naman ako mapapahiya sa mga trabahador na makikita sa amin ni Lucas bukas na puro pa sexy ang suot.
Medyo na trauma na ako sa nangyari kaya kailangan ko ng disenteng masusuot sa planta. Palagi na lang akong nasisita ni Lucas sa tuwing magsuot ako ng 'di naayon sa pupuntahan. Ayaw ko na rin maging pabigat sa kanya lalo na't ramdam ko na may galit talaga siya sa akin. I don't know why, and how? Until now, I can't figure out kung saan kami nagkakilala ng lalaking iyon.
Hindi ko ma-recall sa aking isipan kung nakakita na ba ako nang ganoon kakisig na lalaki. He's a hunk and almost perfect. Kahit paiba-iba ang ugali nito, minsan hindi ko maintindihan kung mabait ba siya o may binabalak na masama. But still, ang pinoproblema niya sa akin ang mga sinusuot ko. Masiyado pa raw akong bata para magsuot ng sexy na damit kaya ngayon bibili ako.
"Nandito na tayo sa bayan, Ma'am!" masiglang sabi ni Manang Carmen.
Pareho kaming tumingin sa labas, maraming tao ang namimili ng mga bibilhin. Ang ingay rin nila. Masiyadong crowded. Hindi pa ako nakakapunta sa ganitong lugar. Hindi ko ma-imagine ang sarili na bumili ng damit sa ganitong lugar. Wala din akong alam kung paano bibili. Nasa tabi-tabi lang ang mga paninda. Mukhang madumi rin dahil sa paligid.
"Wala bang malls rito Manang Carmen? Baka meroon sa malapit. Doon na lang tayo," wika ko pa nang maisip kong baka mangati ang katawan ko kung sa tabi-tabi lang ako bibili ng damit.
"Naku, Ma'am sobrang layo po ng mall rito. Mga anim na oras pa ang byahe. Magaganda naman ang damintan rito, makakamura pa tayo."
Napalunok ako sa nalaman. Wala na nga akong magawa kundi pumayag na lang na dito kami sa bayan mamili ng mga damit na bibilhin ko. Nakasunod lang ako kay Manang, minsan hinahawakan niya pa ako sa braso para hindi ako mawala lalo na't maraming tumitingin sa akin. Marami kaming nasasalubong na tao. Iniiwasan kong madikit sa kanila. Naiwan naman si Manong Rico sa sasakyan, doon raw siya maghihintay dahil baka raw mapano ang kotse lalo na't nasa bayan kami.
Maraming mga nakatayong tent sa tabi ng kalsada, marami ring damit akong nakita na naka-hanger. Maraming mga display na damit. Malinis naman iyon tingnan. Si Manang Carmen na ang namili ng tindahan kung saan raw ako makakabili ng magagandang damit.
"Mamili ka lang riyan, iha. Dito lang ako sa likod mo," sabi ni Manang sa akin.
Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Nakatitig lang ako sa mga damit na tig 300, 500 pesos ang pinakamahal na presyo which is nagulat pa ako dahil may ganitong damit pala. May nakita pa along fake gucci dress and bags. Kadalasang binibili kong damit umabot ng 5,000 pesos ang pinakamura tapos rito may 1,000 ka ang dami mo ng mabili.
Tinulungan na lang ako ni Manang na maghanap ng damit na kakasya sa akin nang makita niyang nalula pa rin ako sa presyo na nakikita. It's so cheap and affordable.
"Iyong may manggas po," sabi ko kay Manang nang binigyan niya ako ng kadalasang style na sinusuot ko sa bahay.
"Ay ganoon ba, iha? Ayaw mo ba sa ganitong style?"
Umiling lang ako. Sinabi ko sa kanya na gagamitin ko sa pagtatrabaho sa planta. Bumili nga ako sa malaking tent na iyon ng mga labing tatlong damit. Iniisip ko kasi kailangan ko rin ng mga pantalon kaya dinagdagan ko na rin ng mga labing dalawa. Nagtaka si Manang kung bakit raw ang dami kong binili e dalawang buwan lang naman raw ako sa hacienda.
"Stock ko na lang ito, Manang. Sa susunod na balik ko, hindi na ako magdadala ng bagahe."
Napakabit-balikat na lang siya saka tumango. Binilhan ko rin si Manang ng masusuot niya. Tuwang-tuwa pa nga iyong tindera dahil marami siyang benta dahil sa akin. Pansin kong maraming naiinggit sa mga tindera na katabi niya dahil kanina pa raw sila roon pero walang bumili sa tent nila nang kagaya sa pinamili ko.
"Dapat may tawad ang binili namin ngayon, Susan. Ang dami nito, oh. Umabot rin ng sampung libo." Kilala pala ni Manang Carmen itong binilhan namin ng damit. Isa siyang matanda.
Medyo napakunot ang aking noo, hindi maintindihan kung bakit tumatawad pa sa buong halagang presyo e ang mumura lang naman ng tinda kay sa mamahaling branded na binili ko tuwing nag-shoshopping ako doon sa siyudad. Umabot ng million mga nasa sampung item lang iyon, pero ito, ten thousand lang tapos naka fifty items yata kami o sobra pa.
"Sige, siyam na libo na lang para sa'yo. Kundi lang kita kilala... Naku." Pailing-iling ng tindera. Napatingin ito sa akin. Ngumisi siya. "Kay gandang bata ng kasama mo, Carmen. Ang puti at mukhang mayaman. Sino ba iyan?"
"Anak iyan ni Don Mathias, bumista rito sa probinsiya... O heto ang bayad." Nag-abot nga ng siyam na libo si Manang sa tindera na halata ang kaligayahan.
"Salamat at naubos niyo halos ang paninda ko... Nga pala, anak siya ni Don Mathias... Ang ganda naman pala ng dalaga niya."
Nginitian ko na lang ang matanda.
Hindi ako makasingit sa usapan nila dahil nagkukuwentuhan na sila nang kung ano-ano. Maski nga sa pagbayad ni Aling Carmen hindi ko na lang inaalintana kung malaki ang tawad niya roon sa tindera. Hinayaan ko na lang ito kahit nakakagulat ay meroon pa lang tawad sa ganitong lugar.
I can't do that sa mall, maybe may discount but mostly hindi ako nag-avail sa ganoon kaya na pamahal ang mga binibili ko. Pero sa lugar na ito, ang dami mo ng mabili kahit magdala ka lang ng 500 pesos, may nakita pa nga ako na tig bente lang na damit. Sabi ni Manang Carmen ukay-ukay raw iyon, hindi bagong gawa. Ginamit na raw iyon sa namatay na tao. Napangiwi pa nga ako. Really? Puwede pa lang ibenta ang damit sa murang halaga kapag patay ka na? Ngayon ko lang din nalaman.
Umalis rin kami kalaunan sa tent na iyon pagkatapos naglakad ulit kami ni Manang para bumili ng tsinelas, bumili na rin ako ng botas para iwas sa maputik doon sa planta. I buy a pair of sleepers, medyo na attract ako sa pang lalaking tsinelas kaya bumili na rin ako. Iniisip kong magkasya kaya ito kay Lucas?
I can't believe na isipan ko pa siyang bigyan lalo na't maayos naman ang sapatos nitong suot. In the end binili ko pa rin iyon.
Akala ko babalik na kami sa kotse pagkatapos naming bilhin ang mga kakailanganin ko ngunit sabi ni Manang may bibilhin daw siyang mga karne at gulay pati prutas sa palengke kaya dadaan muna kami roon. Hindi naman raw ito kalayuan sa binilhan namin ng mga damit.
Masiyadong maraming tinda ang naka-display sa tabi ng kalsada. Nakita ko pa ang mga nakalapag na basket sa tabi-tabi na may lamang mga gulay at prutas. Ang ingay rin sa paligid, panay sigaw sila ng presyo.
Nakakita rin ako ng isang lalaking nagtutulak ng kariton habang may maraming sakay na gulay ang ibabaw nito. Bigla ko tuloy naalala iyong basurero, dito yata namin siya na bangga. Sa lugar na ito kung saan ako nakatayo.
"Ate pahinging piso." Biglang may lumapit sa aking dalawang batang musmusin. Ang dumi ng kanilang mukha. Nakalahad ang palad niya sa harapan ko. Bigla akong nanlamig. Hindi alam ang gagawin. Nakaramdam ako ng awa.
Wala akong pera na dala. Pinahawak ko kay Manang, sabi niya marami raw mangdurukot rito kaya mas safe kung nasa kanya ang pera ko.
"Alis kayo! Wala kaming piso!" Napatingin ako kay Manang nang binugaw niya ang dalawang bata na nasa harapan ko.
Hinila na ako ni Manang palayo roon. Ang mga mata ko naiwan sa bata na mukhang gutom na gutom. Sa ibang tao sila humingi ng pera na agad rin silang iniiwasan at hindi binigyan.
"Meroon talagang ganoong tao, iha. Iniwan sila ng ina nila kay nagmamalimos na lang."
Huminto na kami ni Manang sa paglalakad. Napatango na lang ako, iniisip pa rin ang dalawang bata. Ngunit nawala rin nang maaliw ako kay Manang.
Hinahayaan ko si Manang Carmen na mamili ng mga bibilhin. Narinig ko pa na panay tawad pa rin siya sa presyo. Minsan naaliw pa ako kung paano niya biruin ang mga tindera para lang makakamura siya. I can't believe this is how palengke will be.
I've never been buying foods or do the groceries so I didn't know puwede pa lang tumawad sa ganitong lugar. Mukhang fresh din ang paninda nila. Nasa likod lang talaga ako ni Manang Carmen, panay tanong sa kanya ang mga tindera kung sino ba raw ako. Sinabihan naman niya na anak ako ni Don Mathias kaya ang iba nahihiya sa akin pero panay puri.
"Last na lang, iha. Bibili lang ako ng mangga. Diyan ka lang sa likod ko."
Hinila naman ako ni Manang Carmen sa nagtitinda ng mangga. Panay linga ako sa paligid. Hindi ko alam kung sino ang hinahanap ko lalo na't marami akong nakikitang nagtutulak ng kariton sa kalsada. Kadalasan mapapayat, meroong matataba na walang damit pang-itaas. I was looking for a man who has a good built. I was imagining if I saw him half naked. Hindi kaya ako mandidiri?
"Manang Carmen? Kayo pala!"
Napatingin ako sa babaeng mas matanda sa akin ng kaunti. Malaki ang ngiti niya sa akin. Morena siya, matangos ang ilong. Maitim ang mahahaba nitong buhok. Nakasuot siya ng isang apron na may malalaking bulsa sa harapan. Bumagay sa kanya ang panyo na ginawa niyang headband sa kanyang ulo, tinali niya ito na parang totoong headband talaga. Malaki ang ngisi niya kay Manang.
"Pabili ng mangga, Joanna!"
"Sure, ilang kilo ba?" Hindi pa rin mawala ang ngiti ng babae. Nagsimula na siyang maglagay doon sa kilohan ng mangga.
"Tatlong kilo lang. Hingi ako ng dalawang free," pagtawad naman ni Manang na tinawanan lang ng babae.
Agad namang tumalima ang babae. Tinanguan na lang si Manang.
"Ang hilig niyo talagang tumawad sa mga paninda, Manang!" natawa ito.
Napatingin siya bigla sa akin nang mapansin nitong hindi maalis ang titig ko sa kanya. Hindi ko alam pero parang namukhaan ko siya. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita. Para ring narinig ko na ang kanyang pangalan. Joanna?
"Mag-aaral ka ba ng kolehiyo ngayong pasukan, Joanna?" tanong ni Mang Carmen nang malihis na ang usapan tungkol sa pagiging kuripot raw ni Manang.
"Opo! Mag-aaral ako..."
Nagpatuloy ang usapan nila. Panay ngiti si Joanna. Sumusulypa rin siya sa akin paminminsan. Iniwas ko ang tingin sa kanila at napatingin sa mga naka display pang paninda. Hanggang sa mahagip ko ang isang lalaki sa may hindi kalayuan kung saan ako nakatayo ngayon.
Kalalabas niya lang sa isang crossing na kalsada tulak-tulak ang isang kariton na puno ng mga gulay. Halos hindi ko na siya nakita sa taas ng naka-compile na gulay na maayos na nakalubid para hindi mahulog.
Pansin kong maraming bumabati sa kanyang tindera. Nagtutulakan pa ang mga ito sabay biro sa kanya na inilingan lang nito. Tinatanguan niya ang mga tumatawag sa kanya habang tulak pa rin ang kariton. Napansin kong sira ang gulong ng kanyang kariton. Suminghap ako sa kawalan.
Parang tumigil ang mundo ko habang pinagmasdan ko siya ngayon. Kahit bilad siya sa araw at pawisan, hindi pa rin nawawala ang awra nito. Malakas pa rin ang karisma kahit may takip ang kanyang kalahating mukha ng tela.
Martin is here! I still couldn't believe that I saw him right now. Parang kanina lang iniisip ko pa siya, and now he's here.
Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Hindi niya pa ako nakikita dahil may tumabi sa aking ginang para bumili ng prutas sa katabing tindahan. It was so closed.
"Tara na, Grace..." Narinig kong tawag ni Manang sa akin.
Binalingan ko siya sandali pagkatapos tumingin ulit sa taong iyon na palapit na sa kung saan ako nakatayo. He never sees me because I was covered by the woman. But I can clearly see him. His whole appearance.
Magulo ang kanyang buhok. Nakasuot siya ngayon ng isang sleeveless t-shirt na sinadyang pinunit ang magkabilang gilid nito pati manggas sa braso. Nakikita lang din ang kanyang matipunong katawan kahit may tela naman siyang suot pero dahil malaki ang hiwa nito sa tagiliran makikita pa rin ang kanyang mabato na tiyan, he has an abs, a great muscles, pati kili-kili niya nakikita. Siya lang yata ang nakikita ko na hindi nakakadiring tingnan kung maghubad man siya ng pang-itaas.
I saw his abs sa tuwing tinutulak niya ang kariton. Lumalawlaw ang kanyang damit dahil sa malaking punit nito na sinandya talaga. His arm are flexible again. His veins are so dramatic the way his muscles move everytime he pushed the cart. Ilang beses tumigil ang mundo ko sa katitig ko sa kanya. Hindi ko namalayan tinatawag na ako ni Manang para makaalis.
"Sino ba iyang tinitingnan mo, iha? Kanina mo pa ako hindi pinansin?"
Napakurap ako sa narinig na wika ni Manang dahil hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan. Bago niya pa ako mahuling nakatingin sa lalaking iyon. Mabilis ko siyang binalingan para ngitian..
"Wala, Manang... Nagtitingin lang ako ng mga prutas.... Uh gusto ko ito?!" Hindi ko na alam ang tinuturo ko. Masiyadong okupado ang isipan ko sa lalaking nasa unahan.
Tumingin ulit ako sa kung saan si Martin. Huminto ito sa pagtutulak dahil may kumausap sa kanya na pareho niya rin may dalang kariton. Pansin ko ang mga kababaihan na nilalagpasan siya halos mabali ang leeg ng mga ito katitig sa kanya. Tawag atensyon talaga ang pagiging matangkad niya. Kahit madumi siyang tingnan, but he has this charm na mapatingin ka talaga sa kanya.
"Saan dito, iha?"
Binalingan ko ulit si Manong pagkatapos namili ng isang prutas.
"Ito sampong kilo nito?" I said without thinking what I was pointing.
"Kumakain ka pala ng durian?"
Nalaglag ang panga ko. Hindi ko namalayan turo lang ako ng turo habang sinusulyapan si Martin sa unahan na busy sa pagkausap sa kanyang kakilala. Kalaunan ay nagpatuloy rin siya sa pagtutulak. Bigla siyang tumingin sa gawi ko, mabilis naman akong tumalikod para hindi niya ako makita.
"Iyan na lang, Manang. Kakainin ko 'yan." Natataranta kong sabi.
Naguguluhan man si Manang pero tumango lang ito pagkatapos nagpakilo na sa durian.
Nahuli ako noong Joanna na nakatitig kay Martin. Sobrang seryoso ng kanyang mukha pero kalaunan ay ngumiti rin ito sa akin. Kinakabahan ako bigla.
Nagsimula ng magkilo iyong Joanna sa durian. Panay sulyap pa rin siya sa akin. Siguro na windag sa pagkat tinitingnan ko ang isang kargador. Nginitian ko na lang ng hilaw.
May gulat rin sa mga tingin niya sa akin. Sampung kilong durian ba naman ang binili ko. Ngunit natigil siya nang mapatingin siya sa aking likuran. Lumawak ang ngiti nito.
"Martin? Ang daming gulay naman niyan! Kanino mo ihahatid iyan!?" She's so happy while asking those.
Nanlamig ako bigla. He's really here. Kilala din pala siya ng babaeng ito? Kung sa bagay ang mga tindera nga rito binabait si Martin at kilala siya, malamang kilala niya talaga si Martin.
Naghihintay ako sa sagot ng lalaki. I was trying so hard not to face him. I was wondering. Bakit ba ako nagtatago sa kanya? Wala naman akong kasalanan. Nagkikita lang naman kami sa hacienda pero hindi niya ako kinakausap.
"Doon kay Franco, kailangan ko itong ihatid para sa karenderya niya."
Mas lalo akong napatuwid sa pagkakatayo when he answered using his soft baritone voice. Nasa likod ko lang siya. Ang lapit lang pala namin, mabuti na lang nakatalikod ako ngayon. Buo ang kanyang boses. Hindi ko masiyadong klaro sa pandinig ko sa pagkat ang lakas ng pagtibok ng aking dibdib.
Sinulyapan ko si Joanna na hindi pa rin matanggal ang ngiti nito doon sa lalaki. Kasalukuyan pa rin siyang nagtitimbang ng durian. Humina rin ang kanyang galaw.
"Iho! Ikaw pala iyan?"
Nanlaki ang mata ko nang tinawag pa talaga ni Manang Carmen si Martin.
"Magandang tanghali, Nanay Carmen. Ang dami niyong dala? Tulungan ko na kayo?" magalang namang bati nito.
I was almost collapse on that moment. His voice are familiar to me. But it's impossible right? Sobrang layo talaga nila kay Lucas... That man has always mad at me and has a strict voice, and this guy at my back was so smooth the way he speak. Sobrang magalang rin. Magka boses lang sila pero hindi sila pareho ng tono ng pananalita.
Masiyadong mabait si Martin sa ibang tao pero pagdating sa akin. Halos ayaw akong imikan noong kinakausap ko siya sa garahe. I remember how I tried to talk to him but he always ignores me.
Nakatitig lang ako kay Manang. Naghihintay na sabihing aalis na kami pero mukhang mahaba pa ang usapan ng dalawa.
"Huwag na iho. Kasama ko nga pala ang anak ni Don Mathias, namimili kami ng mga damit niya. Bumili na rin kami ng prutas at karne kaya kami na parito. Meroon namang driver sa unahan, siya na ang kukuha ng pinamili namin."
Si Manang Carmen lang ang pinabitbit ko sa mga pinamili namin. Hindi rin ako nag-alok na magdala. Aniya'y trabaho niya raw na pagsilbihan ako.
Ilang segundong tahimik ang lalaki sa aking likuran. Siguro, ngayon niya lang na pagtanto na may kasama si Manang. I heard him cleared his throat.
"Malayo yata ang sasakyan. Ihahatid ko na kayo patungo roon. Ang bibigat ng dala niyo. Ikaw lang ang mag-isa kahit dalawa kayong magkasama. Iiwan ko na lang muna itong kariton dito."
Hindi ko alam kung nagpaparinig ba siya sa akin. His voice are firm. Masiyadong buo at maowtoridad. Ngunit may pagka marahan pa rin sa paraan ng pagka usap niya kay Manang.
I can't really face him. Hindi ko rin siya matingnan lalo na't nakakahiya ang huling pagkikita namin, he never pay attention of what I said.
"Hindi ko puwedeng padalhin itong alaga ko. Alam mo na, hindi sanay sa mahihirap. Pero kung gusto mo talagang tumulong. Ay, laking tuwa ko kung ganoon. Tama ka at malayo pa ang kotse." Malaki ang ngisi ni Manang sa akin.
Naramdaman ko ang presensiya ni Martin na dumaan sa aking tabi. Nasagi niya pa ang balikat ko ngunit mabilis lang iyon pero napahakbang ako ng isang beses para hindi mabuwal sa kinatatayuan.
Really, huh? Sinadya niya bang banggain ako? Hindi na lang ako nagreklamo. I just keep on looking at his broad shoulders.
"Ako na ang magbantay sa kariton mo, Martin." Biglang imik ni Joanna. Hindi pa rin nawala ang malaki niyang ngiti sa labi. Pansin ko ang pagsulyap niya sa akin ngunit agad rin siyang nag-iwas ng tingin. Nahihiya bigla dahil kinunutan ko siya ng noo.
"Hintayin mo ako rito. Ililibre kita ng bananaque pagbalik ko." Martin said.
Likod niya pa rin ang nakikita ko. Kinuha na niya ang mga dala ni Manang Carmen na mga nasa sampung plastic. I don't know how he carry those plastic na walang kahirap-hirap. His muscles flex.
"Sure. Punta ka ulit sa bahay namin mamayang hapon. Ipagluluto ka ni Mama." Biglang namula si Joanna.
"Tingnan ko kung walang maraming trabaho, pupunta ako."
Pabaling-baling ang ulo ko sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung ano'ng meroon sa kanila pero may kakaibang tingin si Joanna kay Martin. Tingin na may paghanga.
Habang tinitigan ko ngayon ang babae, bigla ko ng naalala kung saan ko siya nakita. Siya nga pala iyong babaeng yumakap kay Martin at hinalikan siya ng lalaki sa noo iyong araw na nasagasaan namin siya. It was her who was very worried.
"O siya tama na ang ligawan. Kailangan na nating umalis, iho." Si Manang Carmen na agad tinanguan ni Martin.
Nasa likod lang ako ni Martin nakasunod habang naglakad na kami patungo sa kotse. Hindi niya rin ako binalingan pero alam kong kilala niya ako. Kausap niya si Manang Carmen sa kanyang tabi. Malabo na sa pandinig ko ang usapan nila dahil okupado ang isipan ko doon sa babaeng nililigawan ni Martin.
May gusto pala siyang babae? Hindi ko akalain na nasingit niya pa sa isipan na magakaroon ng girlfriend kay sa unahin ang pagtatrabaho. Mahirap na nga sila ay nagdagdag pa siya ng gastos para sa babaeng gusto niya.
Really huh? Kakain sila ng bananaque pagkabalik niya roon? Ano kayang lasa ng ganoon? Pagkatapos libre niya pa ito. Hindi lang iyan, pumupunta din siya sa bahay ni Joanna para doon umakyat ng ligaw, dinadaan lang sa pagkain ng haponan? Ganyan ba ang ligawan rito sa bukid? Kakain ng bananaque tapos kakain sa bahay ng babae? How cheap?
Napailing ako ng ulo. Tiningnan ko ang tangkad ni Martin sa harapan ko. Ang laki ng pangangatawan niya kapag walang de braso ang kanyang suot. Nakita ko rin ang kanyang sugat noong na bundol siya ni Manong Rico, unti-unti nang naghilom. Nasa may balikat iyon. Medyo malaki-laki rin pero kung magsuot siya ng t-shirt na may manggas hindi naman kita.
"Salamat, iho. Nandito ang kotse," wika ni Manang.
Hindi ko man lang namalayan na nandito na kami sa kotse. Parang ang bilis lang naming nakarating habang pinagmasdan ko si Martin mula sa likuran. Ganoon na ba ka okupado ang isipan ko para hindi mapansin?
"Tutulungan ko na kayo sa paglagay ng mga pinamili sa likod ng kotse," anito. Hindi pa rin umaalis kahit sinasabi ni Manang na nakakaabala na siya kay Martin. "Ayos lang, Manang."
Lumabas si Manong Rico pagkatapos tinulungan niya si Martin sa paglagay ng
mga pinamili sa likod ng kotse. Nauna ng pumasok si Manang sa loob. Nagpaiwan naman ako sa labas. Sinisilip ko si Martin kung kailan siya matapos sa paglagay ng mga plastic sa likuran. Nang makita kong tapos na siya at naiwan na lang si Manong Rico sa likod. Naglakad na ito palapit sa akin.
Pansin ko ang pagtitig niya nang mariin sa akin. Sumandal ako sa kotse, tiningnan ko rin siya pa balik. I tried to smile but his eyebrows went raised. Lalagpasan niya sana ako nang hinarang ko ang kamay at paa sa kanyang harapan. Hindi naman siya kumibo. Nakatayo lang siya sa harapan ko.
"So... Hindi mo ako papansinin?" I crossed my arm and said that in disbelief.
His sideview face was all I've been facing. Pansin ko ang paghinga niya ng malalim. Binalingan ko muna si Manong sa likod ng kotse, busy pa rin ito sa pag-aayos ng mga pinamili. He can't hear us since nasa likod nga siya ng kotse.
"Martin...right?" I asked.
I waited for him to talk but he still keep on silent. Wala din siyang imik. Ang sungit talaga.
"You know what... Familiar ang boses mo—"
"Ano'ng kailangan mo, Miss?"
Bigla akong sumighap nang humarap siya sa akin. Nagtitigan kaming dalawa, kita ko ang namumuo niyang pawis sa gilid ng noo. Ang mga mata niya ay masiyadong seryoso. He looks so tired and bored the way he looked at me.
Bigla akong natameme sa mga oras na iyon. Nakatitig na lang sa kanya, biglang na blangko ang isipan. He was just waiting for me to talk. But I remain silent while looking at his emotionless eyes.
"Kung wala kang sasabihin sa akin. Puwede na bang makadaan. Nagmamadali ako." He said in irritation.
Sinundan ko ng tingin ang paa na nakaharang pa rin sa kanyang dinaanan. I get my toes, sabay humalukipkip lalo. I looked at him from head to toe.
"Napansin kong nasira ang gulong ng kariton mo. Gusto ko sanang palitan iyon. Bumili ako ng bago para may magamit ka. Kunin mo sa bahay bukas ng umaga." Nag-iwas ako ng tingin. Walang gana ang boses ko habang sinasabi iyon. I keep my posture cool, kahit distracted na masiyado sa kanyang presensiya.
Ilang segundo siyang tahimik. Bawat numerong paghihintay ko sa kanyang sagot. Hindi ako mapakali. I looked at my toes. And suddenly, I saw his feet wearing his favorite sleepers. I saw, it was tearing up. Nasira rin. Pati tsinelas hindi makabili ng bago. He really needs my help.
"Hindi ko kailangan ng panibagong kariton. Meron pa akong magagamit." He took a loud sigh.
"Sira na ito? Are you sure na puwede pa iyon? Kunin mo na ang bago kong bili," I insisted. Nagmumukha akong mayabang sa boses ko.
He just simply nodded his head without looking at me.
"Nasira lang ito, kaya pang ayusin. Hindi ko kailangan ng bago.".
Nabato ako sa sagot nito. Umawang ang aking labi. Lalagpasan niya sana ako nang mahawakan ko ang kanyang braso.
"You need a new one. Nagkaroon kami ng kasalanan sa'yo. Gusto ko sanang ibalik ang pagtulong—"
"Para masabihan mo akong kumakalam ang sikmura naming mahihirap? Huwag ka ng tumulong, Miss kung lalaitin mo lang din ako." Bumaling siya sa akin. He stare at me angrily. Hanggang sa naging iritado na ito. "Maiwan na kita. Huling pangungulit mo na sana ito. Ayaw kong kinukulit ng isang batang kagaya mo na masiyadong mata pobre."
Dahan-dahan ko siyang na binitawan. Nalaglag ang panga ko sa prangka nitong pagkasabi. He walked far away from me. Uminit bigla ang sikmura ko pataas sa aking batok hanggang pisnge. It's hard to breathe. Bigla akong na sampal sa mga pinagsasabi ko nun sa kanya.