Mata pobre?
That's how he discibe me. Iyan ba ang pagturing ko sa mga tao na nakatira sa Hacienda? Masiyado na ba akong mapag-mata sa mga mahihirap na kagaya niya?
Iyang mga kataga ang hindi ko makalimutang sinabi ni Martin sa akin. Alam kong totoo ang sinabi niya ngunit hindi ko mapigilang matulala. And he called me, bata? Just like Lucas told me na masiyado pa raw akong bata. They are the same thoughts na bata pa raw talaga ako. Which it makes my heart hurt thinking how they looked at me.
Hindi na ako bata! I'm seventeen, edad ko lang ang minor pero kung mag-isip ako alam ko sa sarili na matanda na ako. I'm grown woman not a child who cried like a baby. I can even stand on my own.
I still keep on pursuing myself that I am not a child. I'm a grown woman.
"Ano'ng pinag-uusapan niyo ni Martin kanina, Ma'am? Mukhang galit yata ang batang iyon sa'yo?"
Napakurap ako sa biglaang tanong ni Manang Carmen sa akin.
Napatuwid ako sa pagkakaupo. Sinulyapan ko si Manong Rico sa driver seat dahil tumitingin siya sa amin rito sa likuran. Pauwi na kami sa hacienda. My mind was still occupied. I was being silent for the whole trip.
"Narinig niyo ba ang pinag-uusapan namin?" Paglunok ko pa.
"Hindi ko kayo narinig pero nakita ko sa tingin ni Martin sa'yo, mukhang iritado. May nagawa ka ba? Tungkol pa rin ba 'yan sa pagbangga niyo sa kanya kaya nasira ang kanyang kariton?"
May pagka chismosa din pala itong si Manang Carmen. Mabilis lang makakuha ng iniisip ng tao, but of course I won't admit what were taking earlier.
"Hindi po. Nagpapasalamat lang po ako sa kanya dahil tinulungan niya tayo sa pagbitbit ng mga pinamili, iyon lang po. Hindi kami nag-aaway." Nag-iwas ako ng tingin kay Manang.
Mabuti na lang hindi na ito naging makulit. Mapayapa ang byahe kahit itong isip ko ay nandoon pa rin sa pag-uusap namin ni Martin kanina. I felt like a lost puppy in the desert, hindi alam kung ano'ng gagawin.
I understand why he doesn't like me, because of my attitude, but the thing is... Iyong pangmaliit sa mga mahihirap lang ang mga nasasabi ko sa kanya pero abot sa kasukdulan ang galit niya. Ginawa ko na nga ang lahat para mapatawad niya ako pero siya itong nagmamatigas.
Sa tingin niya ba? Kakausapin ko pa siya? I will never do that again. Masiyado na akong napapahiya sa kanyang harapan. Ayaw ko ng mapagsabihan niya. And he wants me to distance, so I will do it. Bahala na siya! Iyon na ang huling beses na kulitin ko pa siya. Siguro itatapon ko na lang iyong kariton.
Hmp!
I was so angry while thinking about him. It makes me frustrated even more, lalo na't hindi ako naka ganti sa sinabi nito na bata pa raw ako. It bothers me so much.
"Manang! Nandito si Daddy! Iyong kotse niya nasa labas!"
Hindi mapalagay ang puso ko pagkakita ko sa pulang kotse sa nasa labas ng bahay. Hindi ako nagkakamali, si Daddy nga nandito. I didn't expect this, na palitan ng kaligayahan ang puso ko ang kanina'y bugnutin.
"Oo nga, ano? Akala ko matatagalan pa ang pag-uwi niya rito." Si Manang Carmen na naguguluhan rin.
Akala ko rin matagal pa si Daddy ngunit one week pa lang ako rito sa hacienda ay sumunod rin agad siya sa akin rito.
Pagkahinto ng kotse, hinayaan ko si Mang Rico at Manang Carmen na kuhanin ang mga pinamili namin sa bayan. Iniwan ko na sila sa kotse at excited na naglakad papasok sa bahay.
Nasa hambahan pa lang ako ng terrace nang makita ko si Daddy sa loob ng bahay na kausap sila Mang Manuel, Jonas at si Totoy. Nagtatawanan pa sila.
"Daddy! You're here!" magiliw kong tawag sa kanyang atensyon.
Napatingin si Daddy sa gawi ko. Mas lumawak ang ngiti niya. Mabilis naman siyang lumapit sa akin pagkatapos binuksan ang dalawang kamay para salubungin ako ng yakap.
"My unica ija! I miss you!"
Niyakap niya ako nang mahigpit, halata ang tuwa sa kanya. Pati ako ay natutuwa na rin dahil nakita ko rin siya after a long weekend, makakasama ko na rin siya rito sa hacienda. I hugged him so tight. I couldn't help my smile when we parted away.
"I'm glad you're here, dad. Masiyado ng bored rito sa hacienda. I can't contact you. Unlike sa City... You know... Iba pa rin ang buhay ko doon." Hindi ko na sinabi ang gusto kong ipahiwatig sa kanya dahil umiling ang kanyang ulo. Binabalaan niya ako na huwag magsalita tungkol sa nararanasan kong karangyaan sa siyudad. Alam niya ang pinagkaiba rito at roon sa nakasanayan kong lugar.
Whenever I opened up about the lifestyle in the City. Bumabalik lang yata sa isipan niya kung paano ako magwaldas ng pera roon.
Pagkatapos ng usapan tungkol sa nangyari rito sa hacienda. He suddenly looked at my wound.
"How are you, iha? You look not okay? What happened to your knees and arm? Bakit may sugat? May nangyari ba habang wala ako?"
Hindi ko akalain mabilis niyang na pansin ang sugat ko. Ngumuso ako at sinabi sa kanya na natapilok ako sa aking suot na heels habang nasa planta. Napailing siya ng ulo. Halata ang pagkaawa.
"That's why bumili na lang ako ng mga flat sandals saka tsinelas. Nagpasama ako kay Manang mamili sa bayan. I need those new shirts for my work."
Saktong kapapasok lang din ni Manang Carmen at Manong Rico sa bahay bitbit ang mga plastic na sobrang dami. Binati rin naman agad siya ng mga kasamahan ko, Si Manang Carmen at Rico, agad niya ring binati pabalik pagkatapos hinarap niya ako ulit. Napaawang ang bibig ni Daddy.
"Pati ba naman rito? Nag-shopping ka ng napaka dami?" hindi makapaniwa nitong saad. He seems angry just like the last time we've talked.
Inikotan ko siya ng mata. "Dad, hindi naman iyan kamahalan. Gumastos lang ako ng ten thousand sa mga susuotin ko. It's not hundreds anymore like I used to spend." I said in annoyance.
Napatitig si Daddy sa akin. Nawala ang kunot ng kanyang noo. Nakahinga ng malalim dahil gumastos lang ako ng maliit.
"Pero malaki pa rin iyon. Next time, I won't allow you to spend thousands of money. Ang sabi mo nga gagamitin mo sa planta ang mga pinamili mo ngayon, I will consider this time. Alright? Ayaw ko ring nahihirapan ka sa suot mo."
Tumango naman ako pagkatapos niyakap siya ulit. Nagkamustahan lang si Daddy at Manang Carmen pati si Manong Rico sa bahay. Magiliw ang pagdating ni Daddy sa pagkat malaki pa ang sahod na binigay niya kina mang Manuel bago ito umalis.
Katatapos ko lang maligo nang mapagpasyahan kong bumaba. When I heard my father talking to Mang Manuel.
"Manuel, bukas ng gabi, tawagin mo lahat ng trabahador sa hacienda pati iyong mga nakatira sa lupain ko, papuntahin niyo sa bahay para magsalo-salo tayong lahat. Naghanda ako ng maraming pagkain at may mga regalo akong dala para sa kanila," Narinig kong sabi ni Daddy nang pababa na ako ng hagdan galing itaas. Palubog na ang araw kaya tapos na ang trabaho nila mang Manuel.
"Sige Don Mathias ako na ang magsasabi sa kanila na papuntahin rito. Maraming salamat." Hindi mawala ang ngiti ni Mang Manuel.
"Huwag na muna kayong magtrabaho bukas. Iba ang gagawin niyo, mga hapon puntahan niyo ako rito kayo ang magluluto sa lechon."
"Maraming salamat talaga Don Mathias. Pangako babalik kami. Walang problema sa amin 'yan!"
Umalis na nga si Mang Manuel na may ngiti sa kanyang labi. Bumaba na rin ako ng tuluyan sa hagdanan para kausapin si Daddy.
"Dad? May salo-salo bukas ng gabi?" Nagkasalubong ang aking kilay.
Kahit narinig ko ng malinaw ang sinabi niya kay Mang Manuel gusto ko pa rin kumpirmahin ito.
"Oo, iha... Iyon ang palagi kong gawain sa tuwing pumarito ako... Kumain na tayo, naghanda na si Carmen ng haponan nating lahat. Sabay-sabay na tayong lahat sa pagkain sa teresita."
Ngumiti si Daddy sa akin pagkatapos lumabas na siya ng bahay para puntahan ang terrace kung saan nandoon na rin sina Manang Carmen at si Mang Rico sa mahabang hapag. This night, hindi ako mag-iisang kumain. Kasama ko si Daddy at ang dalawang katiwala ni Daddy na naghihintay din pala sa akin.
"Umupo ka rito, iha." Pinaghila ako ng upuan ni Daddy sa pinakadulo na agad ko namang nilapitan.
"Thanks dad," I said gracefully.
Umupo na rin si Daddy sa kasalungat kong upuan. Nasa harapan ko siya at nasa gilid naman ng lamesa si Mang Manuel at Manang Carmen. Maraming pagkain ang nakahanda sa lamesa.
"Kumain ka ng marami, Madame." Nilagyan ni Manang ang plato ko na agad ko namang tinanguan.
"Thanks po," I said.
While we're eating. Nag-usap si Mang Manuel tungkol sa kalagayan ko rito. Until I enterupt. Hindi pa rin ako mapalagay sa magaganap na pagsalo-salo bukas rito sa bahay kaya nagtanong pa ulit ako.
"Ano'ng gagawin sa salo-salo, Dad? Marami bang tao rito bukas ng gabi?"
"Marami, iha. Mga nasa 200 plus na tao ang makikilala mo bukas, mga trabahador natin sa hacienda. Dapat makilala ka nila na anak kita. Kailangan iyon."
"Ipakilala niyo ako?" Nilunok ko ang bumabara sa lalamunan.
Tumango lang siya ng marahan. Pansin ko ang pagsulyap ni Manang Carmen sa akin pero wala naman siyang sinasabi.
"Iyan ang pinunta ko rito, Grace. Wala pang nakilala sa'yo na anak kita. Ang huli kong pakilala ko sa'yo noong unang beses kang pumunta rito, sampung taong gulang ka pa yata nun. Marami ng nakalimot na may anak ako. Ngayong dalaga ka na, kailangan ka na nilang makilala ulit."
"Kailangan pa ba iyon? Puwede namang magsalo-salo na lang sa kainan. No need for introduction of myself. Makilala rin nila ako, sumatotal, dito na rin naman ako magtatrabaho." I said in disbelief.
"Ikaw ang tagapagmana ng Casa De Villamonte kaya dapat lang talaga na ipakilala ka. Hindi ka basta-bastang trabahante lang rito, nandito ka sa hacienda para matuto sa gagawin at kung ano'ng pamamalakad ko rito sa negosyo ko. Oo nga pala, matanong ko lang, iha... Sa isang linggo mo rito, may natutunan ka ba sa pinagkatiwalaan kong tauhan? Did he teach you well?"
Uminom muna ako ng tubig bago sumagot.
"You mean kay, Lucas? Nope... Two days lang ang pagpunta namin sa planta dahil nagkaroon ako ng sugat sa Factory. Nagpahinga muna ako para magpagaling sa sugat. Next week, we will come back again sa trabaho. I will work hard, dad. Just like you said. Don't worry."
"I see, marami pa namang araw para pag-aralan mo ang planta. Sa ngayon ipakilala muna kita sa lahat ng trabahador rito sa hacienda bago ka magsimula ulit sa pagtatrabaho."
Ganoon ang naging gabi ko. Pinaliwanag sa akin ni Daddy kung ano'ng mangyari sa salo-salo bukas ng gabi. Hindi naman ako mapakali kung ano ang susuotin ko. I find my closet a good dresses to wear. Kahit hindi social gathering ang mangyayari. I really need to looked presentable in front the people living in our hacienda.
Hindi ko lubos akalain na tama nga si Mang Rico, may salo-salong magaganap sa buong hacienda kapag uuwi rito si Daddy. It makes me excited though, this is my first time meeting the people in province. I was thinking what it looks like? Nasasanay ako sa mga events ng mayayaman na magaganda. I also met many fake people during the event, social ang damit. But this time, this is just a simple party or what you called salo-salo. Simpleng kainan para sa mga trabahador at naninirahan sa lupain ni Dad. It's not special but I can't help myself, gusto kong maging maayos ako sa lahat ng dadalo.
Daddy said... Mga trabahador niya ang pupunta bukas ng gabi? I wonder kung si Martin ay pupunta sa salo-salo, ang sabi pa naman ni Mang Rico, hindi iyon pupunta, tanging pamilya niya lang ang dadalo. But still, umaasa ako na pupunta siya. Do I need to convince him to come?
For what, Grace? Bakit ka umaasa sa presensiya niya? Hindi ba't sinabihan ka niya na tumigil na sa pangungulit?! You should stop chasing him around. Nagmumukha ka lang katawa-tawa sa kanyang harapan kung ipagpatuloy mo ang kahibangan na papuntahin siya sa kainan. Don't convince him, kung may delikadesa ka pa.
Kinakalaban ko ang sariling kaisipan. Ngunit na baling rin ang isip ko kay Lucas. What about him? Pupunta rin kaya siya sa salo-salo? Siya ang katiwala ni Daddy sa Hacienda, he should come too. Am I right? Pupuntahan ko ba siya para kausapin? Maybe he didn't know yet.
Kinabukasan niyan maaga pa lang nag-aabang na ako kay Martin sa teresita upang abangan ang pagkuha niya ng basura sa garahe.
Todo deny pa ako sa sarili na huwag siyang kulitin ulit pero heto ako sa labas. Naghihintay kung kailan siya dadating. I promised to myself that this is the last time na kulitin siya. I don't want to do it again when he declined or rejecting me again.
Sa kalagitnaan ng aking paghihintay. Naabutan naman ako ni Daddy na nakahalumbaba sa upuan habang malayo ang tingin.
"May hinihintay ka ba, iha?"
Gulat ko siyang binalingan. Naglakad siya papunta sa kaharap kong upuan. Natatabunan naman ang view ko sa kalsada kung saan makikita ko ang pagdating ni Martin dala ang puting multicab nito nang makaupo ito.
Umayos ako sa pagkakaupo sabay iling ng ulo.
"Wala dad, iniisip ko lang ang magaganap na salo-salo mamayang gabi. Kinakabahan akong makilala silang lahat." Pagsisinungaling ko pa, half of it was true. Iniisip ko rin kung paano ko sila babatiin lalo na't may nakakahiya ng pangyayari doon sa factory hardware. Nadapa ako roon at maraming nakakita. It was so embarrassing. And now, I will meet them tonight. How can I face them?
My dad chuckled and pat my head.
"Huwag kang kabahan, Grace. Dapat ka ng masanay mula ngayon. This is our hacienda. There's no reason to be scared..."
"I can't help it dad." I sigh
"You can do it, iha... Nga pala, pagkatapos ng mangyayari mamayang gabi. Bukas din niyan kailangan kong bumalik sa siyudad. May project pa akong hindi natatapos. Iniwan ko lang para rito."
Napasinghap ako sa wika nito. Nakaramdam ng pagkalungkot dahil maiiwan na naman ako rito sa hacienda.
"Kailan ka ulit babalik sa Hacienda kung ganoon?"
"Isang buwan pa yata, anak. Hintayin mo lang ako, babalik din ako rito. After that, I can stay here until your vacation is done."
"That's too long dad. Isang buwan kitang hindi makakausap. I get bored in here," reklamo ko pa sabay nagbuntong hininga .
"Don't worry, iha. Safe ka naman dito. Hindi bale, maghahanap ako ng ibang tao na magbantay sa'yo rito para kapag wala ako. Magiging safe ka lang parati. Siya rin ang magsasabi sa akin kung ano'ng ginagawa mo sa trabaho rito sa planta. So, you must behave."
Nanlaki ang mata ko.
"What? Maghahanap ka ng taga-bantay ko. I don't need that. All I want is you in here. Ayaw ko ng may magbantay sa akin."
"It's for your own protection, iha. I am not around, mas magandang may magsasabi sa akin kung ano'ng mga ginagawa mo rito. At kung safe ka ba. Mas mabuti ng makakasiguro."
"I can't contact you, dad. Please, I need wifi here so that I can call you. Iyon ang gusto ko sa ngayon. Hindi ko kailangan ng taga bantay. I can talk to you and report everything I do with myself. I don't need someone to company me."
Nagsimula na akong mainis. Naisip ko pa lang na bantay sarado bawat galaw ko. Hindi ko na kaya iyon, mas lalong wala akong kalayaan.
"My mind is fix, iha. You need a bodyguard."
Napahilamos na lang ako sa pagmumukha. I gasp of air. I can't even talk right now. I was being escpechless thinking that I will be having a chaperone.
Sa kalayuan nakita ko ang multicab ni Martin na parating sa garahe. He's here... But, I am not in the mood to face him.
I get so mad... Biglang nagbago ang isipan ko na kausapin siya tungkol sa magaganap na salo-salo mamayang gabi lalo na't nandito si Daddy sa harapan ko pinapainit ang aking ulo. I don't have time to convince him.
"Kung ganoon? Kailan iyon?" I asked problematically.
"One of this days. May bodyguard ka ng kasa-kasama."
"Gosh! I can't believe this. I need to take a rest, dad. I can't talk to you right now."
Napatayo na lang ako para iwan si Daddy sa terrace. Napasulyap pa ako kay Martin sa garahe na kababa lang ng multicab. Agad siyang tumingin sa gawi ko. His darken eyes looking at me. He's serious. He's stealing glances while picking all the trash. Inikotan ko siya ng mata, trying to ignore his presence, pagkatapos tumalikod na ako papasok ng bahay.
I need to stop myself. I don't have the time to talk and convince him right now, because I am still pissed thinking that I have my own bodyguards one of these days.
Nakakairita lang. Bakit ngayon niya pa na isipan na nagkaroon ako ng taga bantay? He said, I am safe in here pero bakit kailangan pang may mag-report sa kanya kung ano'ng ginagawa ko sa buong bakasyon na ito? Did he not trust me that much?
"Martin! Buti at na pa aga ka ngayon! May kainan mamayang gabi pumunta ka rito sa bahay?"
Natigil ako sa mga paa papasok sa hambahan ng pinto nang marinig ko si Daddy na kinakausap si Martin mula sa terrace. Nakatalikod na ako. I can't see his reaction.
"Magandang umaga po, Don Mathias... Pasensiya na po, hindi ako makakapunta. Marami akong gagawin. Kailangan kong magtrabaho."
Trabaho? Really? Baka iyong Joanna ang pinagkakaabalahan niya kaya ayaw pumunta. Dinadahilan lang ang pag tatrabaho. Balak yata na doon pa rin kumain sa kanyang nililigawang babae ng haponan.
I don't know why I became pissed more. Nadagdagan ang galit ko dahil sa pagbalewala niya sa sinabi ni Daddy. He should come! Why he keep on declining? Ayaw niya nun? Kakain siya ng masarap na pagkain. Mas masarap ang luto namin kay sa doon sa bahay ni Joanna.
"Ipagpaliban mo muna ang trabaho mo. Ikaw pa naman ang pinagkatiwalaan sa hacienda, dapat kang dumalo mamayang gabi para sa ating hapunan. Hindi ka pa pumupunta sa salo-salo kahit isang beses. Nakakatampo ka na, iho... Dalhin mo ang pamilya mo kung maari."
Right... Nagtatrabaho siya rito sa hacienda. Dapat nandito siya mamayang gabi!
"Pasensiya na Don Mathias... Sila lang po siguro ang makakapunta..."
Pumasok na ako ng tuluyan sa bahay. Nagpapadyak sa inis. Hindi na pinakinggan ang pag-uusap ng dalawa. Mahahalata naman sa sagot nito na wala talaga siyang balak pumunta sa salo-salo mamayang gabi. Masiyadong pakipot. Dahil ba nandito ako sa Hacienda kaya ayaw niyang pumunta? Naiinis ba siya sa itsura ko?
O baka mas gugustuhin niyang makasama ang Joanna na kanyang nililigawan? Hindi ko mapagtanto sa sarili kung bakit iyon ang naisip ko. I don't know... Nakaka galit lalo.
Bahala na nga siya. Kung hindi siya pupunta, ano naman ngayon? Ipakilala lang naman ako ni Daddy bilang anak niya. Walang especial na mangyari. His presence is not important anyway!