Hindi ako pinatulog kaiisip kung saan ko ba nakilala si Lucas. I was thinking kung bata pa ba ako noong nagkita kami tapos nakaaway ko siya.
Naisip ko rin baka taga siyudad siya tapos nagtatrabaho sa field ni Daddy. Gumagawi rin kasi ako sa office niya noon at nasusungitan ko ang ibang client niya lalo na kapag makulit. But he's face are not familiar. Kadalasan sa nakilala ko na ka edad niya, mapuputi ito. Hindi katulad sa kanya moreno na namumula kapag naarawan.
I really can't remember how did we meet each other. Palaisipan sa akin iyon. I wanna know where we met and what kind of encounter that we've facing before?
Tomorrow morning, hindi ako masiyadong nakatayo dahil ang sakit ilakad ng tuhod ko. Pati ang aking braso hindi ko maigalaw. Tama nga si Lucas, kailangan kong magpahinga ng ilang araw hanggang gumaling itong iniinda kong sakit. Ngayon lang yata ako nagkasugat. Simula bata ako bantay sarado sa akin si Mommy at Daddy para lang hindi ako madapa, ngayong malaki na ako saka pa nagkaganito.
Nagpahatid lang ako ni Manang Carmen ng pagkain sa aking kwarto sa araw na iyon. Kahit ano'ng gawin ko hindi talaga ako makatayo. Naalala ko pa ang pag-alala ni Manang sa akin nang makita ako kahapon na halos hindi makalakad pagkababa ko ng kotse.
"Naku, ang dungis-dungis mo, iha. Ano'ng nangyari sa'yo? Bakit may benda 'yang siko at tuhod mo?" nag-alala itong sumalubong sa akin.
Nginitian ko lang siya sabay iling ng aking ulo.
"Natapilok po ako sa suot kong heels. Okay naman po ako, ginamot na ni Lucas. Magpahinga na muna ako sa itaas."
Sinundan niya niya ako. Hindi pa rin mapalagay.
"Jusko! Ano na lang ang sasabihin ng ama mo niyan kapag nakita kang ganito. Baka sisantehin ako nun kapag nalamang hindi ka namin inaalagaan ng maayos sa hacienda." Hindi pa rin matigil si Manang.
"Huwag kayong mag-alala sa akin. Magpagaling ako, matagal pa naman yata si Daddy uuwi rito. Hindi ho kayo masisante. Maayos rin po ako, maghilom din ang sugat."
Hindi ko na sinabi kay Manang Carmen kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa araw na iyon kung bakit ako nagkaroon ng sugat sa siko at tuhod.
Sa mga susunod na araw, magaling na ako. Dalawang araw din akong nakahilata sa kama. Walang ginagawa kundi ang maglaro ng offline games sa ipad, matulog, kumain. Kung sana may wifi lang rito, nakakausap ko ang mga kaibigan ko na for sure enjoy na enjoy sa kanilang summer vacation sa Paris. This house was totally bored lalo na't wala si Daddy. I can't wait him to com so that I have someone who can talk all the things in this province.
Pagkababa ko ng hagdanan, sobrang tuwa ni Manang Carmen nang makita ako na okay na ang nga tuhod. Nandito pa rin ang paika-ika kung maglakad pero hindi naman masiyadong masakit, nakakaya ko na ngunit may pag-alala pa rin sa kanyang mukha.
"Okay ka na ba, Ma'am? Hindi na masakit ang mga sugat mo?" gulat na gulat siya. "Dapat sana'y nagpapahinga ka sa itaas."
"Hindi na, Manang. Okay na ako... Uh... Kakain na po ako ako ng agahan."
"O sige, sa labas ng terrace ka na kumain. Maalikabok rito sa loob."
Binati nila ako nina Mang Manuel at Jonas, pansin kong silang dalawa lang ang nagtatrabaho ngayong umaga, wala si Totoy na minsa'y kaasaran nila.
"Mabuti naman at maayos na ang pakiramdam niyo, Ma'am Grace?Namiss ko po kayo dahil dalawang araw din kayong nagkulong sa kuwarto niyo," ngiting aso sa akin ni Jonas. Napailing naman si Manang Carmen at Mang Manuel.
"Okay na ako, Jonas. Salamat sa pag-alala. Bakit mo naman ako namiss?" natawa kong sabi. Hindi ko na nilagyan ng malisya ang sinabi nito alam ko namang palabiro si Jonas.
"Wala kasing maganda sa umaga,Ma'am. Ang panget ng araw."
"Aba! Ayan ka na naman, Jonas! Naku magtigil ka nga!" si Mang Carmen na palagi na lang sinisita ang trabahador ng bahay sa tuwing nakikipag usap ito sa akin. Aniya'y dapat respetuhin raw ako lalo na't anak ako ni Don Mathias, ang kanilang amo sa hacienda. Para sa akin okay lang naman kung makikipag-usap ako ng normal sa mga taong nandito kahit ano'ng antas pa ng buhay nila, basta hindi lang ako mapapahamak.
Giniya na ako ni Manang pa labas ng terrace nang sa ganoon makaupo na ako sa upuan na may bilog na lamesa. Pansin kong kagigising lang din ng araw. The sunrise in the hills is so good to see while sitting in here.
"Ang aga pa, eneng. Puwede bang hintayin mo muna ako saglit? Lulutuan lang kita. Hindi pa ako nakapag handa e, akala ko matagal ka pang magigising."
"Okay lang, Manang. Maghihintay ako."
Tinanguan ko si Manang. Nagtaka man dahil hindi ko namalayan ang aga ko pa lang nagising. Medyo makulimlim pa nga ang langit. Which is weird. Ang aga ko nga talaga.
Iniwan na ako ni Manang Carmen sa labas ng terrace para asikasuhin ang pagkain ko sa kusina. Dala ko naman ang ipad kaya naglaro muna ako saglit. Napatingin din ako sa orasan, pasado alas singko pa ng umaga.
Simula talaga nang makarating ako rito sa probinsiya nasasanay na ang katawan ko na gumising ng mas maaga. Minsan ang pagpukpok nina Mang Manuel ng martilyo ang nagpapagising sa akin sa umaga. Hindi na rin ako inaantok at nakaramdam na ng gutom kaya bumababa agad ako. Sino bang mag-akala na ang aga pa pala.
Nasa kalagitnaan na ako sa aking paglalaro ng offline games nang makarinig ako ng tunog ng isang makina palapit sa garahe namin. Tinanaw ko ito sa malayo, at na pagtanto ko na palapit ang isang multicab rito sa garahe. Kung saan malapit lang din sa kung saan ako nakaupo ngayon.
Huminto ang puting multicab. Bumababa ang sakay roon. Napasinghap ako nang makita ko na naman siya. Iyong lalaking basurero. Si Martin, nakasuot siya ng maruming pantalon, may hiwa sa tuhod. Nakasuot rin siya ng pang-itaas na long sleeve shirt kulay pula ito. He's wearing a dirty sleeper. And usual, his favorite scarf. He covered it again, I can't see his fully face because of the cloth covering in his mouth and nose.
Tumingin siya sandali sa gawi ko kung saan ang terrace. Nagkatitigan kami, nagkasalubong ang kilay niya nang makita ako na nandito sa labas ng bahay pinapanood siya, pagkatapos nauna siyang mag-iwas ng tingin upang kuhanin ang bundok na basura sa tabi ng garahe.
Tinukod ko ang kamay sa round table nang sa ganoon pagmasdan pa lalo ang ginagawa niya. Kahit nasa baba lang naman siya ng terrace, hindi ipagkakailang ang tangkad niya. Sakto ang tikas ng katawan. Ang kilay niya at mga mata, he reminds me of someone.
I saw his built as a Lucas, but that's impossible right? The way he dressed up his self, sobrang layo talaga nilang dalawa, palagi siyang madumi at malinis naman si Lucas. Though, pareho sila ng mata at kilay. Iyon nga lang magulo ang buhok ni Martin, medyo natatabunan ang kaliwang mata nito kaya hindi ko klaro kung paano niya ako tingnan at kung ano'ng ekspresyon niya sa akin dahil natatabunan pa rin ang kanyang ilong at bibig ng tela. All I know, the way he turn gaze to where I was sitting, he looked pissed at me. Iritado ang mga tingin.
Is he bothering because I looked at him nonstop? Enjoying my view?
Panay sulyap siya sa gawi ko. Nahuhuli akong nakamasid sa kanya. But, I nevermind of it. I like watching him picking all the trashes. Kung si Lucas lang sana siya edi namula na ako sa hiya kung mahuli niya akong nakatitig sa kanya, but he is not Lucas... He is Martin, ang basurero ng hacienda.
Paulit-ulit ang ginawa niya, kinukuha niya ang mga bagong putol na kahoy, meroon ding iba mga giba sa bahay na tinatapon. Nilagay niya lahat iyon sa likod ng multicab.
Naghintay ako kung kailan niya ako sulyapan ulit rito sa terrace pero hindi nangyari. He just looked at me thrice, hindi na nasundan dahil siguro hindi ko siya tinantanan ng tingin kahit mahuli na niya ako. Hindi pa rin nagpatinag. Malapit na siyang matapos sa pagkuha ng mga basura. Pansin kong minadali niya rin ang ginagawa. He looks uncomfortable.
Hindi ko na hinintay na matapos siya, mabilis akong tumayo para bumababa ng terrace. Pumunta ako sa likod ng kanyang multicab para makita pa lalo ang ginagawa niya roon.
Sumulyap siya sa kung saan ako nakaupo kanina ngunit wala na ako roon. Luminga siya sa paligid. He was finding me. I smiled confidently.
"Hi..."
Mabilis siyang bumaling sa kanyang likuran. Halata ang gulat sa kanyang mga mata nang makita akong nakangiti sa kanya ng malawak. Napaatras pa siya. I saw his eyes move. He's confused and amazed when he sees me talking to him.
I can't really see his eyes clearly because his hair was covering on it. He stunned for a second, dumaan sa kanyang mata ang galit. He looked away. Hindi niya ako pinapansin, hindi rin binati, nagpatuloy ulit siya sa ginagawang pagpulot ng basura.
"Kapag tapos ka na sa ginagawa mo puwede ba kitang imbitihan sa likod ng bahay? May ibibigay ako sa'yo."
I almost forgot him. Mabuti na lang naabutan ko siya ngayon na nangunguha ng basura. Nawala sa isipan ko na may ibibigay nga pala ako sa kanya. I really need to give his new kariton. Nag-effort pa naman si Manong Rico na bilhin iyon.
"May I know your full name? Maybe I can help you... So I need to know you better."
Hindi ko na alam ang pinagsasabi ko nun. I just want to talk to him, so that it's not awkward. Uminit ang pisnge ko patungo sa aking batok nang wala siyang imik. Tumikhim ako ng ilang beses. Baka hindi niya ako kilala. Siguro nagtaka siya kung bakit ko siya kinakausap ngayon. That's why he never talk.
"Uhm... Kotse pala namin ang nakabangga sa'yo noong nakaraang linggo. Kung naalala mo pa? Hihingi sana ako ng paumanhin sa mga sinabi ko nun at gusto kong palitan ng bago ang kariton mo. Hindi ba't nasira iyon?"
Nilagay ko ang dalawang kamay sa likuran. Naghihintay sa kanyang pagsagot pero hindi pa rinito nagsasalita. Ngumuso ako. I can't believe, I really did this. Nakaramdam ako ng hiya sa sarili lalo na't hindi talaga niya ako pinansin kahit ilang minuto na akong nakatayo sa kanyang likuran.
Saktong tapos na siya sa ginagawa. He fold his long sleeves shirt, hanggang siko. Nakita ko tuloy ang pulsuhan niya na lumalabas ang ugat sa tuwing gumagalaw siya. Inaayos niya ang mga basura sa likuran para hindi ito mahulog. Nakatitig lang ako sa kanya, pilit sinisilip ang kanyang mga mata kahit hindi ko naman klaro kung ano ba talaga ang itsura nito.
The way he hold the garbages, his veins flex. Lumalabas ang ugat ng kanyang kamay hanggang pulsuhan. I was out of my world when I saw how flexible he is. Halatang sanay na siya sa pagbubuhat. Pumasok siya sa kanyang multicab , agad akong na bahala dahil aalis na siya.
Mabilis akong dumungaw sa kanyang bintana para kausapin siya. Straight ang kanyang tingin sa harapan. He started pulling the engine.
"Hey! Mamaya ka na umalis. Ibibigay ko lang sa'yo ang karit—"
Pansin ko ang galit sa kanyang mata nang pinaandar niya ang multicab pagkatapos umalis na ito. Nakatingin na lang ako sa kanyang minamaneho, hindi alam kung ano ang gagawin. I was being dumbfounded. Napahiya ako bigla. I was being ignore? Really ha? Sa isang basurero pa talaga.
Umalis lang ito na walang sinasabi. Ganoon na ba kalaki ang galit niya sa akin para hindi niya ako papansin? Ako na nga ang nag-effort siya pa itong galit at mataas ang pride. Hindi man lang niya ako binati maski tingnan ako ng diretso. Nakaramdam ako ng inis.
Saktong dumating na si Manang Carmen nagdadala ng breakfast ko. Nagtaka siya nang makitang nasa ibaba ako ng terrace nakatanaw sa papalayong multicab.
"Nagtitingin lang po ako sa mga taniman, Manang," palusot ko sabay ngiti.
"O siya kumain ka na... Teka si Martin ba iyon? Nakuha na niya ang basura sa garahe?" wika niya habang tumingin sa palayong multicab.
"Opo." Naglakad ako palapit sa lamesa.
"Sayang naman bibigyan ko sana siya ng maiinom saka snack. Hindi ko na naabutan... Iyon kasi ang ginagawa ko tuwing umaga, iha. Pasensiya na kung binibiyan ko siya ng pagkain niyo. Naawa kasi ako sa batang iyon." Ngiting hilaw ni Manang.
"Okay lang, Manang. Damihan niyo po ang pagbibigay ng pagkain sa kanya."
"Sigurado kayo,Ma'am? E tira-tira lang minsan ang binigay ko sa batang iyon. Para lang may makain."
"Sa susunod po, huwag iyong tira ang ibigay niyo. Kung ano ang meroon sa ref, ibigay niyo sa kanya."
Nagkasalubong ang aking kilay. Hindi maintindihan kung bakit ang bait ko naman yata sa kabila ng pag-ignore ng basurero na iyon sa akin.
Kinabukasan niyan maaga pa rin akong nag-aabang kay Martin na dumating. Hindi ako susuko hangga't hindi ko maibigay sa kanya ang kariton.
"Ang aga mo na naman gumising, iha. Sakto nakapagluto na ako ng agahan mo," bungad ni Manang sa akin.
"Pakihatid na lang po ng pagkain ko sa terrace. Salamat."
Lumabas na ako sa kadalasan kung puwesto sa tuwing kumakain ako. Malayo pa lang tinitingnan ko na ang multicab na minamaneho ni Martin. My heart jump while waiting for him. Kinakabahan ako sa second attempt na kausapin si Martin. I hope, I don't failed this time.
Dumating rin naman agad si Manang para ilagay ang mga pagkain sa lamesa. Nagtaka ako nang may nilagay siyang kapirasong cake saka buong mangga sa lamesa saka isang juice na may straw. Bago pa ako makapagtanong kung kanino iyon kusa na siyang nagpaliwanag.
"Maglalalaba ako ngayon kaya ikaw na rin ang magbibigay kay Martin ng kanyang agahan. Baka kasi hindi ko na naman maabutan ang batang iyon. Kung okay lang sa'yo, iha?"
Bigla akong na buhayan ng dugo dahil may dahilan na rin ako para makausap ang Martin na iyon.
"Ako na po ang bahala. Maglaba lang po kayo," I said while smiling.
Umalis na si Manang Carmen. Naiwan ako rito sa terrace. Inaliw ko muna ang sarili sa paglalaro sa ipad habang kumakain ng marahan.
Panay sulyap rin ako sa kalsada, hinihintay ang pagdating ni Martin. Kalaunan ay natanaw ko rin ang puting multicab. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kalakas ang pagkabog ng puso ko. Naghihintay sa kanyang pagdating.
Nang makarating rin ang multicab niyang dala sa harapan ng terrace kung saan ang garahe. Nakita ko agad ang pagbaba niya sa driver seat.
He still wearing a cloth on his face. Now, I understand why he always covered like that. Mabaho nga pala ang mga basura kaya malamang ganyan ang gagawin niya, tatakpan ang ilong at bibig. Minsan na curious na ako sa itsura nito pero hindi ko na lang inaalintana, ipinagsawalang bahala ko iyon sa isipan na makita pa ang kanyang itsura lalo na't na pagtanto kung mailap siya sa tao.
Ano naman ngayon kung makikita ko ang itsura niya? Wala pa ring magbago, he is still a garbage boy and a cart pusher in the market.
"Hey!" Kumuway ako sa kanya mula rito sa kinauupuan ko.
Nakuha ko agad ang kanyang atensyon. As usual, his hair was dump. I can't see clearly his eyes. Hindi pa rin siya nagsasalita. Kagaya ng kanyang ginagawa kinuha niya ang mga basura sa garahe para ilipat sa likod ng multicab.
Ngumuso ako, hindi niya talaga ako papansin. Kailangan ko na talaga siyang kausapin ngayon kahit alam kong makulit na ako simula pa kahapon. I stare at him for a meantime, checking his outfit. As usual, he is wearing his favorite pantalon, iyong may hiwa sa tuhod, this time itim na ito. Pagkatapos nakasuot na naman siya ng maruming longsleev shirt, natatakpan ang kanyang braso. This time, he is not wearing his sleepers. Nakasuot siya ng black boots.
Malalim akong huminga. Inipon ang lakas para kausapin na naman siya.
Kinuha ko ang kapirasong cake na nasa plato at saka magga at juice na hinanda ni Manang Carmen para sa kanya. Bumababa ako para lapitan siya, napasulyap siya sa akin nang mapansin niyang naglakad ako bitbit ang snack niya sa umaga. Natigil siya sandali sa ginagawa pero kalaunan nag-iwas rin siya ng tingin. He continued what he was doing. I get so nervous.
"Pinapabigay ni Manang Carmen sa'yo. Kumain ka muna," wika ko sa kanya nang makalapit ako sa kanyang harapan.
Nilagay niya muna ang mga basura sa loob ng trashbag pagkatapos nilingon niya ako. Nagkasalubong ang mga mata namin. Bahagya akong nagulat dahil nagkatitigan rin kami sa malapitan. He has his thick eye brows and a black eyes with no emotions, but I saw how he looked mad. Isang mata niya lang ang nakikita ko sa pagkat natatakpan pa rin ang isa nitong mata sa kanyang buhok. Pansin kong pawisan na rin siya.
Akala ko may sasabihin siya. But he still silent. Nag-iwas siya ng tingin. Naghubad siya ng kanyang suot na gloves pagkatapos kinuha niya ang platito kong dala pati ang mangga saka juice. Akala ko kakainin niya iyon sa harapan ko, I was hoping to see his face when he eat pero laking dismayado ko nang kumuha siya ng malinis na plastic na nasa dashboard ng multicab. Pagkatapos sinilid niya ang cake sa plastic, tinapon niya ito sa passenger seat including the juice and mango.
He give me back the small plate pagkatapos sumakay na siya ng kanyang multicab. Medyo natulala ako sa bilis ng pangyayari. Hindi ko agad naisip na may sadya pala akong ibigay sa kanya.
"Wait! Ang kariton mo—"
But I failed again to give it to him. Mabilis niyang pinaharurot ang kanyang minamaneho palayo sa akin. Tiningnan ko na lang ang platito sa kamay na may naiwang icing. I can't believe, para akong nakikipag-usap sa isang hangin. Should I try again until he speak to me? Or just giving up? I really don't know anymore.
Ang basurero na iyon may gana pang mag suplado! Arg!