On that day, nagpaalam ako kay Daddy na kailangan kong pumunta sa planta. Ipinagbabawal niya kasing lumabas ako ngayong araw sa bahay dahil kailangan naming maghanda para sa salo-salo. Dahil makulit ako napapayag ko rin siya. Ngunit kailangan kong pasamahin sa akin si Mang Rico.
"Saan ba tayo pupunta, Ma'am? Kanina pa tayo paikot-ikot sa planta." Pagtataka ni Manong Rico.
"May hinahanap akong tao, Manong. Kailangan ko siyang makausap," wika ko pa sabay palinga-linga sa bawat barn house na makikita namin sa daanan. Naka sampung barn house na yata kami, hindi ko pa rin nakita ang taong hinahanap ko.
Sa pinakadulo ng barn house kung saan hindi pa namin nadadaanan mula pa kanina. Nakakita ako ng isang pigura ng lalaki na kalalabas lang ng barn. He is wearing a black t-shirt and a black maong, he's wearing a clean black shoes. He look so attractive kahit sa kalayuan ko pa lang siya tiningnan.
"Dito na, Manong. Kailangan ko lang kausapin si Lucas. Hintayin niyo lang ako rito." I said excitedly.
Hininto ni Manong Rico ang kotse sa may hindi kalayuan ng barn. Nilakad ko na lang ang layu ni Lucas na kung saan na papansin niya agad ang pagbaba ko ng kotse kanina. Now, he's looking at me directly, while waiting for me. Nakalibot ang kanyang noo.
I am not wearing my heels right now kaya mabilis ang yapak ko sa lupain. This time, sinunod ko ang utos niya na magsuot ng tsinelas. I am wearing a simple shorts and a t-shirt. Wala namang trabaho ngayon sa planta kaya hindi na ako nagsuot ng pants.
"Hi, Lucas!" Winagayway ko ang kamay sa ere para makita niyang palapit ako sa kanya. I was smiling too big.
Walang mababakas na emosyon sa kanyang tingin. Hindi ito bumati pa balik. Naglakad siya sa may kahoy at doon ako hinintay. Sumandal siya sa puno. Naka-cross leg siya habang diretso ang tingin sa akin. He still waiting me patiently.
Nang malapit na ako sa kanyang kinatatayuan. Huminga ako ng malalim nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa. I saw how he shifted his weight when he saw, what I was wearing. It's a simple shirt, nothing special but the way he looked at me. He seems amazed. Naninibago yata sa itsura ko ngayon lalo na't naka t-shirt na ako.
"Hi, Lucas! I'm glad.. I finally see you. Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala," magiliw akong tumawa.
"Bakit nandito ka, Ms.Villamonte? Hindi ba sinabi sa'yo ng ama mo na wala tayong trabaho ngayon?"
Agad naman akong nagtaka. Kinunutan ko siya ng noo.
"Bakit mo alam na umuwi si Daddy? Iyon nga sana ang sasabihin ko."
Umayos siya sa pagkakasandal sa kahoy sabay namulsa. Magulo ang kanyang buhok dahil sa malamig na hangin. He looks uneasy when I asked those. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
"Maraming trabahador ang nagsabi sa akin na umuwi si Don Mathias sa hacienda niyo... Bakit ka nga nandito?"
Sa puntong ito Medyo dumilim na ang tingin niya sa akin. He looked at me again, wearing my slippers and my t-shirt na itim rin kagaya ng kanyang suot. I saw how his eyes sparked for a bit, and he turn his gaze away from me.
Bigla siyang hindi mapakali.
"Hinahanap kita dahil gusto kong imbitahan ka sa salo-salo mamaya. Pumunta ka, ipakilala ako ni Daddy na ako ang tagapagmana ng hacienda," proud kong wika.
Bigla siyang bumaling sa akin. Nagkasalubong ang kanyang kilay ngunit kumalma rin agad. Umigting ang kanyang panga ng panandalian habang tumatango.
"Ganoon ba... Marami ng makilala sa'yo kung ganoon?" He seems not happy the way he said it.
"Yup! So, I want you in there tonight? Deal?" Nginisihan ko ulit siya. Pinagpagan ko ang atmosphere naming dalawa lalo na't hindi siya halos makatingin sa mga mata ko.
"Hindi ako puwede... Marami akong gagawin."
Umahon siya sa pagkakasandal sa kahoy para lapitan ako. Ngumuso ako dahil panay titig siya sa suot ko ngayon. Hindi tuloy ako mapakali, but still, I pretend I didn't notice his stare at my body.
Agad akong nakaramdam ng pagka dismaya.
"Iyan din ang sinabi ni Martin kay Daddy, marami raw siyang gagawin. Iniisip ko tuloy kung ikaw ba si Marti—"
"Malapit ng mag gabi, Ms.Villamonte, kailangan mo ng umuwi baka hinahanap ka na sa inyo," pagputol niya sa sinasabi ko.
Napaawang ang aking labi. Mabilis kong iniling ang ulo. Naglakad ako palapit sa kanya. He stiff for a brief moment dahil konti na lang magkakadikit na kami. Pilit kong hinuhuli ang mga mata niya pero nag-iwas na naman siya ng tingin.
Tinitigan ko ang mga mata niya na sa ibang direksyon nakatuon, hanggang sa kanyang ilong pababa ng kanyang labi. He suddenly turn his gaze at me, nahuli niya akong nakamasid sa kanyang pagmumukha. Bahagya siyang nagulat nang magkatinginan kaming dalawa. Ang bango niya sa malapitan. Ngayon ko lang na pansin na mabango pala siya. It's a manly perfume.
"Bakit mo ako tinitigan ng ganyan?" He asked using his cold tone.
Ngumisi ako para maibsan ang kahihiyan. I need to act like I never smell him.
"Naisip kong pareho kayo ni Martin pero ngayon ko lang na pagtanto na malaki ang pinagkaiba niyong dalawa. Mabango ka, si Martin naman, walang amoy... Gwapo ka, siya mukhang takot makita ang pagmumukha. I think he's ugl—"
"Tama na. Kailangan mo ng umuwi sa inyo. Hinihintay ka na ng driver mo."
Umatras siya palayo sa akin. His dark eyes darted at me, giving me a cold warning. Halata ang iritasyon sa kanyang mga tingin sa akin. Malakas rin ang kanyang paghinga. Did I say something bad? Hindi ba siya natutuwa na pinuri ko siya.
"Hindi ako uuwi hangga't hindi ka papayag na pumunta ka sa salo-salo mamayang gabi." Pag-iiba ko sa usapan nang sa ganoon mawala na sa isipan ko ang pagkompara nilang dalawa ni Martin.
He took a loud deep sighed, he shoked his head in disbelief.
"Pasensiya na pero hindi talaga ako makakapunta." He can't looked at me.
"Pero katiwala ka ni Daddy, you should come in our house. Maraming pagkain doon, magluluto raw ng lechon." Pinalawak ko ang ngiti nang sa ganoon hindi awkward sa akin na pilitin siya lalo.
Namewang ako sa kanyang harapan.
"Hindi ko alam kung bakit ginagawa mo ito, Ms. Villamonte." Nagkasalubong ang kanyang kilay.
"Trabahante ka ni Daddy... Isa pa, wala akong ka close sa mga trabahador na dadalo sa Hacienda. Ikaw lang ang kilala ko simula noong makarating ako rito, except kay Manang Carmen."
Madiin niya pa rin akong tiningnan. Walang pagbabago sa kanyang emosyon. Ramdam ko na hirap na hirap siyang sumagot sa bawat sinasabi ko. Tinagilid niya ang ulo para mas lalo akong tinitigan.
"Kung pupunta ba ako? Kakausapin mo ba ako kagaya ng pagka usap mo sa akin ngayon? Lalapitan mo ba ako?"
"What do you mean? Of course kakausapin kita. Mas lalong lalapitan rin kita...I told you, ikaw lang ang close ko sa hacienda. So, I will give more attention to you. Siguro sa'yo na rin ako tatabi after the introduction," I said confidently.
Nakakapagtaka ang mga tinatanong niya ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang iyon. All I want is his presence.
He walks towards me. He lick his lower lips. Pinatunog ang bibig. He seems annoyed. Hindi naniwala.
"Tatratuhin mo pa ba ako ng tama pagkatapos ng salo-salo, Ms.Villamonte?"
Mahina ang kanyang pagkakatanong, sakto lang na marinig ko. He was being hopeless ngunit nawala rin agad ang kanyang panghihina nang makita niyang hindi ako makasagot. Ilang beses akong tumunganga sa kanyang harapan. Iniisip kung ano ang pinunto niya.
"Siguro magbabago na ang tingin mo sa akin pagkatapos nun, hindi ba? Hindi na lang ako pupunta kung ganoon." Nag-iwas siya ng tingin. He step backwards. Huminga ng malalim.
"Wait? Wait! Why are you asking me like that? Hindi ko maintindihan?" Natataranta na ako he was walking to passed by me. Handa na akong iwan.
"Hindi ako pupunta, Ms.Villamonte."
Lalagpasan niya sana ako ngunit mabilis kong hinawakan ang kanyang braso.
"I will treat you the same like this. Walang magbabago pagkatapos ng salo-salo. I looked at you as Lucas. Nothing change, so you'd better go in our house tonight. Hihintayin kita roon. Kapag hindi ka pupunta, hindi kita papansin sa susunod nating pagkikita," pagbabanta ko pa.
Tumingin siya sa akin. Hinarap ko naman siya. Sobrang seryoso ng kanyang pagmumukha. He suddenly hold my waist na ikatigil ko. Hinaplos niya ako roon. Yumuko siya kaunti para bumulong sa aking tenga.
"Gusto ko ang suot mo ngayon. Bumagay sa'yo. . ." He sighed loudly. He softly chucked in my ear. "Hindi ko mapigilang tingnan ka ng matagal. Pero hindi ko gusto ang lumalabas sa bibig mo. Mukhang pinapapili mo ako. Grace. Nahihirapan ako. Ang hirap mong tanggihan." He sounds problematically and kind of exhausted.
Bigla akong kinilabutan sa paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko. It's the first time that he called me using my name. Iba ang hatid nito sa pandinig ko dahilan para hindi ako maka-imik agad.
Lumayo ako sa kanya. Pagod niyang binitawan ang bewang ko. Taas noo ko naman siyang tiningnan. I smiled. Hindi pinakita na tensyonado ako bigla sa simpleng paghawak niya lang sa aking bewang.
"You are right, pinapapili kita. You choose... Iyang mga gawian mo? O ang salo-salo? Pumunta ka mamayang gabi kung gusto mong pansin pa kita, Lucas!."
And then I leave him because the dark is coming. I need to prepare for myself for tonight. Hindi ko na rin mapigil itong puso ko sa pagtibok. Parang ang sarap marinig ulit kung paano niya ako bulungan. He's so sexy the way he chuckled in my ear. Iyon na yata ang pinakamagandang tawa na narinig ko.
Nang makauwi ako sa bahay. Nagtanong agad si Daddy kung saan ako pumunta. I just told him, naglilibot lang sa hacienda to gather some air. He believes what I said. I hope he will not asked Manong Rico where I go. He just nodded and then tell me to prepare because the visitors will come so soon.
Kaharap ang salamin, naglagay ako ng mapulang lipstick sa labi. I usually put some light lipstick, kulay pink ang kadalasang ginagamit ko pero ngayong gabi. May nagtulak sa akin na maglagay ng pula na medyo dark color lipstick. The way, I looked at my face. Nagmumukha na akong matured sa mapula kong labi, naglagay rin ako ng pink blush on sa pisnge saka highlighter sa ilong at mata para tumingkad pa lalo ang ka putian ko. Mas tumangos ang aking ilong dahil sa nilagay.
At the age of 16 marunong na akong mag make-up. Many of my friends tell me that I should put some foundation in my face dahil masiyado raw akng maputi. I need some color too in my lips dahil maputla ako lagi. So I really did what they say. At first, I put pink lipstick hanggang sa nahumaling na akong bumili ng iba't-iba pampaganda. But, I usually put light make up. Nilagyan ko rin ng pilikmata ang aking bilogang mata nang sa ganoon magkaroon ako ng cat eye dahil sa eyelashes. I almost ready.
After preparing my face. Kinuha ko na ang isang dress na hapit sa aking katawan. Isang kulay maroon, the cloth is silk ang shinny. It's a spaghetti straps. Nakikita ang likod ko. Above the knee ang haba. Pinaresan ko ng node color heels. Nilugay ko lang ang brownish kong buhok na masiyadong straight dahil sa pagka rebond. Hanggang braso ko ang haba nito. I brushed it gently. And I am ready. Lastly, I put my gold earing with a diamond on it.
"I am ready!" I said cheering to myself.
Hindi naman ako ganito ka excited at tensiyodo sa tuwing may dadaluhan kami ni Daddy na event. Mayamang tao pa nga ang makikilala ko roon pero balewala lang sa akin. Ngunit sa gabing ito, hindi ako mapakali. Kahit mahihirap ang makakasalamuha ko ngayon. Nangingibabaw ang halo-halong naramdaman. Nanginginig ako bigla at nenerbyos ng wala sa oras. I was really tense.
May maliit na balcony itong kuwarto ko. Makikita ko lang kung sisilipin ko ang nangyayari sa labas ng bahay. Makikita ko lang kung sino ang dumating. Narinig kong maingay na rin ang lahat. They were laughing, gossiping in excitement.
Sinilip ko muna ang labasan, I can't help my smile when I saw all the workers, the hacienda Villamonte villagers, isa-isa ng nag si datingan sa labas ng bahay. Maraming naka hilerang table sa labas, meroong tig pito na upuan ang nakalibot sa round table, I think nasa 30 tables ang nandoon para sa mga bisita.
Pinapalibutan rin ng maliliit na bombilya ang buong paligid nang sa ganoon magsilbing ilaw sa mga panauhin na dumalo. Iba't-iba ang kulay nito dahilan para mas lalong gumanda at maaliwalas ang labasan. Ang lahat ring pagkain ay nasa sulok, nakalagay sa mahabang lamesa. Nakita ko pa ang apat na lechon sa lamesa naka display. And the 10 side dishes.
Ang salo-salo ay masiyadong simple pero ang sasaya ng mga taong dumating sa tuwing sinasalubong nila si Daddy at binabati ang pagdating nila.. I saw familiar faces of all the man in the factory na nagpapakila sa akin doon. Kung saan doon ako na dapa. I saw them talking with their co-workers.
Wala kang makikitang kotse na dala ang mga panauhin. Naglakad lang sila, nakasuot silang lahat ng tsinelas, ang iba ay sandals. Ang iba naka botas pa. Hindi man kagandahan ang mga damit pero disente at malinis tingnan. Nagkakatuwaan na rin sa ibaba dahil sa music na mukhang nagugustuhan ng mga matanda. May sumasayaw pa sa gitna sabay tawanan. Napangiwi tulog ako. So, this is how the simple celebration looks like.
"Madame! Tinawag na kayo ni ser Mathias. Bumaba na raw kayo! Dumarami na ang mga bisita." Biglang katok ni Manang Carmen dahilan para lumayo ako sa balconahe.
"Lalabas na rin ako. Hindi pa ako tapos mag-ayos." Tiningnan ko ang sarili sa malaking salamin. I looked prety with my diamond necklace and earrings.
"Okay, Ma'am. Huwag po kayong magtatagal sa kuwarto. Kanina pa kayo pinapababa ni ser!"
Narinig ko ang mga yapak ni Manang Carmen palayo ng pintuan. Ilang beses akong huminga. Muli akong sumilip sa balconahe para hanapin ang taong kanina ko pa hinihintay. I was hoping Lucas to come. Sana talaga hindi niya ako bibiguin. I want his presence. Kanina pa siya hindi mawala sa isipan ko simula noong huling usapan namin sa barn. Until now, his touched never faid in my waist.
I keep on looking at him. I feel weak, I couldn't catch his height. Of all the crowd I don't see his appearance. Matangkad siya kaya alam kong makikita ko siya agad mula sa ibaba. But, I don't see him. Nagsimula na akong manlumo. Kung sa bagay sino ba ako para puntahan niya.
Bakit naman siya masisindak o natakot kung hindi ko siya papansin? Sino ba ako? Baka mas gugustuhin niya rin talaga ang ganoong set-up, walang pansinan.
"Ma'am! Pinapababa na kayo sa labas ng bahay. Magsimula na po ang salo-salo, kayo na lang ang hinintay."
Napatuwid ako sa pagkakaupo nang tinawag na naman ako ni Manang. Kanina pa ako rito sa balconahe sinisilip pa rin ang mga taong dumadating. I was still hoping that Lucas will come. But, I can't see him. Mas dumami lang lalo ang mga tao at nagtatawanan na sila sa kanilang mga lamesa. Hindi pa naman nagsimula ang kainan pero tuwang-tuwa na sila.
Lumayo na ako sa balconahe. Inayos ang wala sa mood na pagmumukha. Either he will come or not, I need to face all of the people outside. Híndi ako puwedeng magpadala sa lalaking 'yun. Hindi siya kawalan para masira itong salo-salo.
Binuksan ko ang pintuan. Bumungad sa akin si Manang Carmen na natulala sa itsura ko ngayon. She looked at me from head to toe. Gulat na gulat.
"Tara na, Manang. Bumababa na tayo," wika ko pa.
"Ang ganda-ganda niyo, Ma'am. Halos hindi ko kayo nakilala." Humagikik siya. Nginitian ko lang ito sabay iling.
Bumababa na nga kaming dalawa at sabi niya'y hintayin niya raw na tawagin ako ni Daddy bago ako lumabas. Ipapaalam niya muna rito na nandito na ako sa ibaba.
Tumango ako, iniwan na ako ni Manang para lapitan niya si Daddy sa labas. Ilang sandali pa narinig ko ang pagtahimik ng music. Tumahimik rin ang mga tao at pinakinggan ang sasabihin ni Daddy.
"Magandang gabi sa lahat, ikakagalak ko kayong makita rito sa aking hacienda para sa simpleng salo-salo nating lahat. Alam niyo naman na ito talaga ang tradisyon natin sa tuwing pumupunta ako rito. May handaan at kasiyahan..."
Nagpalakpakan ang lahat. Bigla akong nakaramdam ng kaba habang naghihintay na tawagin ako ni Daddy. He said his speech of gratitude.
"Magiging especial sa akin ang ganitong tradisyon na pakainin ko lahat ang mga trabahante ko at ang mga tumitira sa buong Hacienda ng Casa De Villamonte. Ngunit kakaiba ang kasiyahan ngayong gabi. Ang salo-salo na ito ay hinanda ko para sa aking especial na anak. Gusto kong makilala niyo siya bilang bagong tagapagmana ng Hacienda Villamonte."
Malakas na namang nagpalakpakan ang lahat kasabay ng music na tumugtog. Kalaunan ay natigil rin ito. At nagpatuloy naman si Daddy sa pagsasalita doon sa teresita kung saan ginawa niyang stage para makita siya ng lahat.
"Ipakikilala ko sa inyo ang aking unica iha.... Gracelyn Annastashia Villamonte!"
I breath deeply. Naglakad na ako pa labas ng bahay. Una kong narinig ang isang sipol hanggang sa mas umingay sila nang makalabas na ako. Maraming nagbulungan, nag-uusap tungkol sa akin habang panay palakpakan ang lahat. Hindi humuhupa.
"Hi dad," I greeted when I am beside him.
Nginitian ko si Daddy saka niyakap. Hinalikan naman niya ako sa noo.
"You're so beautiful, iha."
"Thanks."
I looked at the crowd, and posture myself in front of them while waving my hand. Marami akong narinig na pumuri sa akin. May narinig pa akong nagsabi na. Hindi nila inaasahan na may anak ang kanilang Don Mathias.
Ang daming tao sa garahe or should I say sa labas ng bahay. Nakatingala silang lahat rito sa teresita namin kung saan kaming dalawa lang ni Daddy ang nakatayo. Nasa sulok naman si Manong Rico nagmamasid sa mga tao. Si Manang naman nakikisali sa tao sa ibaba. May katabi siyang bata na sa tingin ko anak niya.
Nilibot ko ang paningin sa bawat taong nakatingin sa akin. Hinahanap pa rin ang taong kanina ko pa inaasahang pumunta, But I don't see his presence. I felt really disappointed.
"Simula ngayon, ang anak ko na ang magiging boss niyo sa loob ng dalawang buwan rito sa planta. Habang wala ako, siya ang ipagkakatiwala ko sa lahat ng negosyo. Siya ang kasama niyo sa hacienda kaya sana ay respetuhin niyo ang anak ko at igalang kagaya ng pag galang niyo sa akin."
Malakas na sumang-ayon ang mga tao. Hindi humuhupa ang palakpak sa kanila. Mahahalata sa kanilang mukha ang kaligayahan. Nandito lang talaga ako sa tabi ni Daddy, hindi umiimik. Nakatayo lang ako habang panay ngiti sa lahat.
Napatingin ako kay Mang Rico nang may binulong siya kay Daddy. Pagkatapos tinanguan lang niya ito, kalaunan naman ay nagsalita ulit si Dad. Mukhang tuwang-tuwa sa binulong ni Mang Rico sa kanya na hindi ko rinig.
"May tao rin pala akong ipakilala sa inyo ngayong gabi. Alam kong lahat sa hacienda, matrabahador man o nakatira sa aking lupain, kilala na ang batang ito. Sobrang sipag, halos hindi na natutulog sa pagtatrabaho.... Isa sa pinagkatiwalaan ko sa Hacienda na buong tiwala kong binigay sa kanya at ipinagkaloob na parangalan siya bilang mabait na binata at maasahan."
Tumingin ako kay Daddy. Ngumingiti siya sa lahat. Bawat segundong naghihintay sa kanyang sasabihin, mas lalong tumahimik ang lahat. I was being hopeless too. I was being nervous the way he described all the aspect of that person he wants to introduce.
"Isa rin siya sa gusto kong magturo sa anak ko sa mga gawain sa planta dahil siya ay may mas alam sa buong lupain. Mula pagka bata hanggang nag binata dito na siya nagtatrabaho sa planta. At sa kauna-unahang pagkakataon dumalo rin siya sa ating salo-salo.... Iho, gusto rin kitang ipakilala bilang tagataguyod ng buong planta. Umakyat ka rito at huwag kang magtago sa sulok."
Sinundan namin ng tingin ang tiningnan ni Daddy. He was calling someone in the dark. Lahat kami na pa singhap nang makakita kami ng isang anino sa ilalim ng puno ng kahoy. Hindi siya nasisinagan ng ilaw, madilim na sa parteng iyon. Kung hindi lang nagsasalita si Daddy tungkol sa taong iyon. Hindi namin malalaman na may nagmamasid pala sa amin sa kadiliman ng gabi.
"Lumabas ka, iho. Pumunta ka rito sa tabi namin. Alam kong ayaw mong ipakilala ka pero proud ako at ikaw ang nagdala sa buong planta sa tuwing wala ako. Malaki ang na itulong mo sa Casa De Villamonte."
Binalingan ko si Daddy. Kumunot ang aking noo. Gusto kong magtanong sa kanya ngunit na bato na ako nang paglingon ko sa taong tinatawag niya, dahan-dahang naglakad ang itim na pigura palapit sa mga taong na nasa ibaba kung saan may ilaw.
Lahat kami naghihintay sa kanyang paglabas. At nang masinagan na siya ng iliwanag. I saw a white t-shirt he is wearing. He was so serious habang nakapamulsa. Magulo ang buhok.
Nagsinghanap ang lahat. Pati na rin ako nang makita ko ang pagmumukha nito na klarong-klaro sa paningin namin kung sino ang lalaking iyon. Unti-unti akong na pa ngiti nang mapagtano ko kung sino siya. He came!
Halo-halong pangalan ang narinig ko ngunit ang malinaw lang sa aking pandinig ang pag banggit ni Daddy sa kanyang pangalan.
"Siya si Lucas..." Daddy said. 'Umakyat ka rito, iho."
Nagpalakpakan na naman ang lahat. Including myself. Hindi pa rin mawala ang ngiti ko sa sobrang saya. Akala ko hindi siya dadating. But, he's here. Nagtatago lang pala siya sa sulok. Bigla akong nanginig nang maglakad na ito palapit sa teresita kung saan kami nakatayo ngayon ni Daddy. Walang emosyon ang kanyang mukha. Nasa akin lang din ang kanyang atensyon.
Maraming sigawan na "Lucas" at may isa pa akong narinig na may tumawag rin sa kanya sa ibang pangalan ngunit natatabunan na iyon. Hindi na klaro sa pandinig ko. Masiyado na akong nasisiyahan. All I think is his presence.
When he come up. Agad siyang nakipagkamayan kay Daddy. Tinapik naman siya nito sa balikat. Hindi mawala ang ngiti ko habang nakatitig sa kanya. Sumulyap siya sa akin. Ngunit tinanguan niya lang ako pagkatapos humarap na sa mga tao. Nawala ang aking ngiti. He was ignoring me.
Parang tumigil ang lahat sa akin habang nakikita ko siya ngayon na nasa tabi ko, pinapagitnaan nila ako ni Daddy. He wasn't smiling to everyone. He was so serious and looking tense. I can't help my eyea looking at his posture. As usual his wearing his black shoes and a pants. He looks so stunning and clean right now. His hair was dump and messy. Yet, he is still handsome.
Ang mga sumusunod na narinig ko kay Daddy ang nagpapawindag sa akin.
"Alam niyo na siguro ang kakayahan ni Lucas. Halos lahat ng trabaho inaako na ng batang ito. Kaya proud ako sa kasipagan niya. Lahat gagawin para sa kanyang pamilya. Ang pagtatanim ng palay, ang pagdala ng negosyo ko. At ang hindi inaasahang trabaho na papasukin niya ay ang maging isang kargador sa palengke at maging basurero."
I was stunned for a brief moment. Realizing of what I heard about him.
Wait... Did I hear it right? Maging basurero at kargador?
Gulat kong tiningnan si Daddy. Ang lakas ng pintig ng puso ko. I was so shocked.
"Siya si Lucas Martin Salazar. Ang isa sa katiwala ng buong planta....Ang aking ina anak."
Halos gumuho ang mundo ko sa narinig nitong pangalan. Lucas Martin Salazar? Is that his full name?
Nakumpira ko ito nang marinig ko sa mga taong taga pakinig ang mga sinisigaw nila. Doon ko lang din narinig sa mga tao na halo-halo ang pagtawag nila sa lalaking katabi ko. They we're cheering his name.
"Iba ka na talaga Martin! Ang laki ng tiwala ni Don Mathias sa'yo!" Someone shouted.
"Naku, Lucas! Huwag mong sayangin ang tiwala ni sir Mathias!"
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang narinig bawat sigaw ng mga tao. Halos mabuwal ako sa panlalambot.
He is Lucas?
He is Martin too?
I looked at him. Nakatitig na pala siya sa akin. Ang hirap basahin ng kanyang mga mata. Ilang beses akong kumurap. Masuyo niya akong tiningnan. Namungay ang kanyang mga mata.
"Ms.Villamonte..." tawag niya. I was just staring at him blankly.
Umawang ang bibig ko. Ilang beses akong kumurap. Nawindag pa rin sa katauhan niya. Napahawak ako sa kanyang damit sa likuran para manguha ng lakas. He looked at my hands in his shirt. Walang sinabi, pasimple niyang tinago ang kamay ko na nahawak sa kanyang likod nang mariin. Mas lumapit siya sa akin. Para hindi makita ng mga tao kung gaano ka higpit ang kapit ko sa kanyang suot.
When I regain my senses. I speak shakingly.
"I-ikaw si Lucas... I-ikaw si Martin... Iisa?"
Mahina ang pagkasabi ko nun. My dad was still keep on talking on the microphone habang may sariling mundo naman kaming dalawa. Kaming dalawa lang ang nakakarinig sa bawat bulong ko sa kanya.
"Grace..." He called so worried about my reaction.
"A-answer me?"
I closed my eyes. When I opened it up. He was just there watching me with emotionaless eyes. May pag-alala sa kanyang mga tingin ngunit agad rin namang nawala. Dahan-dahan siyang tumango. Dinilaan niya ang pang-ibabang labi bago siya sumagot.
"Iyan ang pangalan ko... Lucas Martin... Salazar."