CHAPTER 2: Kariton

2644 Words
Pagkarating namin sa lupain ni Daddy. Binuksan na agad ang malaking gate. Mahaba pa ang lalakbayin ng byahe mula sa gate. Pero nakikita ko na ang buong tanawin sa planta. May mga tao kaming nadadaanan, busy ang lahat sa kanilang pagsasaka ng palay sa tabi ng kalsada. Nakikita ko bawat tingin nila sa kotse na sinasakyan ko. Agad silang nag-uusap at mukhang tuwang-tuwa. Dahilan para magtaka ako sa biglaang kasiyahan ng mga trabahador sa hacienda Villamonte. "Manong, Rico? Bakit masaya yata ang mga trabahador ni Dad kapag nadadaanan natin sila? What's going on?" kuryuso kong tanong. "Akala nila Ma'am dumalaw rito si sir. Itong kotse din kasi ang palaging ginagamit ni Don Mathias kapag pupunta siya rito sa probinsiya. May mga pasalubong kasi ang daddy mo sa kanila kapag nandito iyon. May pa salo-salo rin kaya maasaya silang lahat." "Ganoon ba... Kaya pala." Tumango-tango ako. Sa totoo lang hindi ko ipagkakailang maaliwalas ang buong planta ni daddy. Mula doon sa gate na pinasukan namin. Pagmamay-ari iyon ni Daddy hanggang sa likod pa ng bahay. Noong unang beses akong pumunta rito hindi pa ganito karami ang mga palay. Siguro 10 years old pa lang ako noong huling punta ko rito. Malawak ang lupain kaya para sa akin hindi malulugi si Daddy kung magwawaldas ako ng pera sa pagbibili ng mga kung ano-ano para sa sarili ko. Hindi ko nga makuha bakit pinagtitipid niya ako. Marami naman kaming pera. Isa pa... Unica ija niya ako. Dapat sana ibigay niya lahat ng gusto ko. Pagkarating namin sa harapan ng bahay na may dalawang palapag. Nagulat ako sa pagkat ang daming ring nagbago, maraming napa-renovate si Daddy mula sa labas kaya mas bumago ang kulay nito. From white color turn into a cream and wooden. Ang huling punta ko rito, bata pa lang ako nun. Hindi pa ganito ka buhay ang bahay. Pero pansin kong meroon pang hindi natapos. Ang bubong nito na sira na ang double wall pati yero. Nagkaroon na rin ng butas. Bumababa ako ng kotse, agad may sumalubong sa aking matanda na sakto lang din ang katandaan nito. Wala pang kulubot. Malaki ang ngiti nito sa akin. "Magandang tanghali, Ma'am Grace. Ang laki niyo na po. Huling punta niyo rito musmusin pa lang kayo..." Tumawa siya. Nakatingin lang ako sa kanya. "Ako po ang katulong niyo rito. Kung may gusto kayong e utos sabihin niyo lang sa akin. Ako nga pala si Carmen." Naglahad siya ng kamay. Tiningnan ko lang ito. Nang makita niyang wala akong balak tanggapin ang kamay niya. Napahiya itong binababa ang kamay. "Madumi nga pala ang kamay ko. Kagagaling ko lang sa kusina, Madame. Nagluluto ako ng paborito niyo. Sabi kasi ng ama mo uuwi ka ngayong araw kaya naghanda ako—" "Salamat, Manang. Pakilagay na lang sa closet ng kuwarto ko ang mga damit na nasa bagahe. Magpapahinga lang ako." Ngumiti ako sa kanya ng pilit. Nilagpasan ko na iyong ginang. Humakbang na sa hagdanan para makapasok na sa loob. "Masusunod, Madame!" rinig kong wika nito pagkatapos tinulungan na si Manong Rico sa pagkuha ng mga dala kong gamit. Bago ka makapasok sa loob ng entrance door. Madadaanan mo muna sa labas ang malawak na terrace kung saan ang view makikita lang ang garahe at ang garden mula rito. Iniisip ko agad na dito ako ang magpapahinga tuwing umaga o iinom ng gatas pag dapit hapon. It's a good view anyway. makikita mo rin ang malawak na planta sa unahan na may maraming mga trabahador na nagtatanim. Mahangin rin dito sa terrace. Pagkapasok ko sa loob may tatlong lalaki ang bumungad sa akin. Nagulat pa sila nang makita ako. May kanya-kanya silang ginagawa sa bahay. "Sino sila, Manang?" pagtataka ko. "Ay, Madame! Nagpapa-renovate pala ng buong bahay si ser Mathias kaya nandito iyan sila, Manuel, Jonas at Totoy. Sila ang mag-aayos rito," sabi ni Manang Carmen sa aking likuran. Kumunot ang noo ko. Hindi pa naman ako sanay na may kasamang lalaki sa loob ng bahay. Siguro kailangan ko ng masanay ngayon. Hindi rin naman puwedeng patigilin sila sa pag-aayos rito lalo na't ang dami pang kailangan ayusin. Utos rin ni Daddy. "Magandang tanghali, Ma'am!" bati ng tatlong lalaki. Kagaya ni Manang Carmen malaki rin ang tuwa sa kanilang mga ekspresyon nang makita ako. Tinanguan ko lang sila. "Tama na iyan! Magpapahinga ako sa itaas. Ayaw ko ng ingay, bukas na lang kayo babalik rito." Utos ko gamit ang naiiritang boses. I'm not really in the mood to talk to them properly. Mula pa sa byahe wala na talaga ako sa huwisyo. Sila pa tuloy ang napagbuntungan ko ng inis. "Okay, Ma'am. Babalik na lang kami bukas. Magpahinga na muna kayo." Ngumiti sila sa akin pero hindi ko na kayang ngumiti pa balk. Dumiretso na ako sa itaas. So far malinis na rito. Walang alikabok, walang sira. "Maayos na po rito, Ma'am. Sa ibaba lang talaga ang problema pati doon sa terrace ang kailangan ng renovation," sabi naman ni manang Carmen na nakasunod pa rin sa akin. Pinili kong manahimik na lang. Hinayaan ko si Manang Carmen na ayusin ang mga gamit ko. Dumiretso na agad ako sa shower para maligo. Napagod ako sa byahe. Unang araw ko pa lang rito sa probinsiya puno na ako ng malas, noong una may nabunggo kaming lalaki sa bayan, pagkatapos rito sa bahay ang dami pang problema. Sumasakit na ang ulo ko sa pagkat hindi talaga naisip ni Daddy na ipagawa muna ang bahay na ito bago niya ako pinapunta rito. Kailangan ko pang tiisin ang mga kasama ko sa bahay na nagpupokpok ng martilyo. Kung may signal lang sana rito kanina ko pa iyon tinawagan para magreklamo. Wala akong magagawa kundi tiisin na lang itong kinikimkim kong sama ng loob. Kinabukasan alas syete pa lang ng umaga naririnig ko na ang ingay sa ibaba. May nagpupokpok na ng semento. Gusto kong magalit sa pagkat inaantok pa ako pero kailangan kong bumangon ng maaga. My dad said I need to work early. Kahit unang pangalawang araw ko pa lang rito kailangan ko na talagang magtrabaho sa hacienda. Usually nagigising ako doon sa City tuwing alas dyes o minsan tanghali na kapag walang pasok pero rito. Mapipilitan kang bumangon dahil sa ingay ng buong bahay. Maaga na lang akong naligo para puntahan ang planta. Ang sabi ni Daddy doon raw ako pupunta para sa unang trabaho ko. May magtuturo daw sa akin doon kung ano'ng mga gagawin ko. Which is, wala rin akong idea. Pagkatapos kong maligo, nagbihis naman ako ng susuotin ko. Dahil sanay naman ako sa isang spaghetti strap at isang shorts. Iyon ang sinuot ko. Namili rin ako ng heels. Naghanap nga ako ng flats pero nakalimutang kong magdala. I'm sure mahihirapan ako nitong maglakad sa buong planta. Wala pa namang kalsada kundi puro lupa ang matatapakan ko. But I don't have a choice anyway. I need to wear my high heels. Ito lang ang merooon ako. Pagkababa ko sumalubong agad sa akin si Manang Carmen na may malaki pa ring ngisi. "Ang ganda mo, Ma'am? Magandang umaga po pala? Kumain na kayo." "Magandang umaga din, Manang." Ngumiti ako sa kanya na agad siyang natuwa. Alam kong panget ang trato ko kay Manang kahapon kaya laking tuwa niya dahil nginitian ko siya nang hindi pilit. "Maganda yata ang tulog niyo kagabi, Ma'am. Ngumingiti na kayo. Pasensiya na kung na distorbo ang tulog niyo ngayon, maingay po sa bahay. Kailangan talaga namin gumamit ng grinder e," sabi noong lalaking matanda. Nasa kusina sila kasalukuyang nagtatrabaho. "Okay lang, Manong Manuel. Magtrabaho lang kayo ng mabuti." Ang dalawang lalaking kasama niya ay malaki ang ngiti sa akin na sa pagkakaalam ko mas matured sa akin ng konti. "Naalala niyo pala agad ang pangalan namin, Ma'am." Ngiti noong matanda. "Oo naman pati iyang kasama mo si Jonas at Totoy. Tama ba?" ngiti ko sa kanila. "Tama kayo, Ma'am." Ngumiti nang malawak ang tatlong lalaki. Kinausap naman sila ni manang Carmen na tumigil na sa pagkausap sa akin. "Respituhin niyo si Ma'am Grace, anak siya ni Don Mathias kaya iyang mga tingin niyo. Naku! Baka matanggal pa kayo sa trabaho. Wala kayong pambigas." "Ano bang ginawa namin Aling Carmen? Nakipagbiruan lang kami kay Ma'am Grace." Ngisi ni Jonas. "Che! Magtrabaho na nga kayo! Naku talaga! Isusumbong ko kayo kay ser... Halika na, iha sa terrace ka na muna kumain. May nagtatrabaho pa rito. Hindi na sila makapagtrabaho katitig sa kagandahan mo." Tumawa lang ako at sumunod na kay Manang. Hinila niya ang braso ko at dinala ako sa terrace kung saan meroong tatlong upuan roon at isang lamesa na sakto lang ang haba. Pagkaupo ko sa hagdanan iniwan naman ako ni Manang para kunin ang mga pagkain na hinanda niya sa akin. Gagamitin ko na sana ang ipad na kanina ko pa bibit nang makita ko sa unahan ang isang lalaking sa pagkakaalam ko may edad na. May kausap siyang matangkad na lalaki. Sa tabi nito ang isang multi-cab. Nasa gitna sila ng garden nag-uusap. Kumunot ang noo ko, hindi ko masiyadong klaro iyong lalaki sa pagkat nakatakip ang mukha nito gamit ang tela. Parang familiar sa akin ang ayos nito lalo na ang katangkaran niya. Nakapamewang iyong lalaki habang kausap ang matanda, panay tango siya nito... Hanggang sa tinapik siya noong matanda sa balikat at mukhang nagpaalam na ang lalaking matangkad. "Ito na ang pagkain mo, iha." Magiliw na saad ni Manang Carmen na kadarating lang galing kusina. "Manang sino 'yang dalawang lalaki na magkausap sa may hardin natin? Trabahador din ba ni Daddy iyan?" Tumingin din si Manang Carmen sa tinuro ko. "Ay! Siya ba, iha. Hardinero natin iyan. Matagal na siyang nanilbihan rito sa hacienda niyo. Nakikita niyo bawat trim ng taniman sa hardin niyo? Siya ang gumagawa niyan... Nagkakasakit na nga iyan si Arturo kakatatrabaho bilang hardinero. Ayaw pa rin tumigil talaga." Turo niya sa matanda. Kumunot ang noo ko. Bumaling ang mga mata ko sa kausap ng matanda. Familiar talaga sa akin ang tindig nito pati ang scarf sa kanyang mukha. "Ganoon ba... Iyang matangkad na lalaki po? Iyang kausap ni Arturo? Sino po siya? Parang nakita ko siya kahapon sa palengke. Siya iyong nasagasaan ng driver ko. May tulak-tulak na kariton." Matagal ang tingin ko doon sa lalaki na matangkad. Sumakay na siya sa dala niyang multi-cab. Parang may dala siyang mga plastic sa likod ng multi-cab nito. "Si Martin 'yan, iha. Siya ang taga kuha ng basura sa inyo tuwing umaga. Anak siya ni Arturo na kausap niyang matanda ngayon." Nagkasalubong ang aking kilay. Hindi ko akalain na sa umaga na ito makikita ko siya. Hindi ko klaro ang kanyang mukha sa pagkat nasa malayo sila isa pa kaalis lang din ng multicab na minamaneho nito. "Palagi ba siyang pumarito sa bahay, Manang?" kuryuso kong tanong. "Oo, iha... makikita mo siya tuwing umaga rito nangunguha ng basura. Siya ang isa sa pinagkakatiwalaan ng ama mo rito sa planta." "Kung ganoon araw-araw kaming magkikita ng lalaking 'yan?" Bigla akong nanlamig. Naalala ko bigla ang mga pang-iinsulto ko sa kanya kahapon. Masakit iyon lalo na't tinawag ko siyang pulubi. Hindi naman siguro siya magsusumbong kay Daddy? "Makikita mo siya araw-araw, tuwing umaga nga lang ang punta niya rito, kumukuha siya ng basura sa inyo. Kapitbahay ko lang ang batang 'yan. Maraming mga kapatid iyan na pinapaaral kaya kumakayod, kahit ano'ng trabaho kaya niyang gawin." "T-talaga p-po?" Biglang bumalik sa isipan ko ang pagtutulak niya ng kariton kahapon. Alam kong nahihirapan siya nun sa pagkat paika-ika pa ito kung maglakad. Pati din pala ang pagkakargador raket niya rin bukod sa pagbabasurero dito sa hacienda. Hindi ko nakita ang pagkabundol niya sa kotse kahapon pero ang alam ko malaki ang pinsala nito sa kanya. "Kayo pala ang nakabangga sa kanya kaya nasira ang kariton niya. Iyon pa naman ang isa sa hanapbuhay niya sa bayan para magkapera. Ngayon, mukhang kailangan niyang bumili ng bago. Sirang-sira na kasi hindi na puwedeng ayusin." "Puwede ko bang malaman manang kung ano'ng gagawin niya sa kariton na iyon? Importante ba talaga iyon sa kanya?" Dobleng seryoso na ang pagtatanong ko. Wala akong kaalam-alam kung ano'ng gagamitin niyang kariton kung sira na ito. "Sobrang importante, Maam. Nagdi-deliver siya ng mga gulay sa mga tindahan kapag wala na siyang trabaho rito sa planta ng ama mo... Bakit niyo pala tinatanong, Ma'am Grace?" Nag-iwas ako ng tingin. "Wala lang... Natanong ko lang." "Edi nagkita na kayong dalawa? Nakita ka na niya... Ang guwapong bata ni Martin, Ano?" humagikik si Manang Carmen na ikakunot ng aking noo. Kinikilig pa ito. "Maraming naghahabol na babae riyan dito sa bayan. Bagay sana kayo... Pero mas matanda nga lang siya." "Hindi ko nakita ang mukha niya kahapon. Hindi rin ako interesadong makita ito... Wala rin akong balak mag-boyfriend ng isang basurero at kargador na katulad niya. Higit sa lahat taga probinsiya pa siya? Hindi kami bagay." Kibit balikat ko pa at nagsimula ng kumain. Alam kong ma-o-offend ko si Manang pero wala siyang magawa kung iyon ang pananaw ko. Akala ko tatantanan na ako ni Manang pero nagpatuloy pa rin ito sa pagkukuwnento tungkol roon sa lalaki. "Kung sa bagay mayaman ka, Ma'am tapos mahirap lang sila Martin. Hindi talaga puwede pero kung magugustohan mo siya—" "Manang, hindi ko gusto iyang sinasabi mo." Hindi ko akalain na makulit pala itong si Manang Carmen. Hindi niya talaga ako tinantanan. "Alam niyo ba, Madame. Tinatanong nga siya ng ama niya kung bakit may sugat siya at bakit raw nasira ang kariton. Ang sabi niya'y nakasagasa lang daw siya ng aso kaya natumba. Iyon pala, nabangga niyo, Ma'am. Hindi niya sinabi ang totoong nangyari dahil mag-alala kasi ang ama niya. May sakit na kasi," pailing-iling sa akin si Mang Carmen. Ngumiti lang ako sa kanya ng hilaw. Hindi ko alam ang sasabihin sa pagkat kinakain na naman ako ng konsensiya. Gusto kong humingi ng paumanhin sa nangyari sa pagkat naging bastos pa ako kung magsalita sa kanya noong hindi nito tinanggap ang pera. Pero huli na ang lahat para gawin iyon. "Binigyan naman siya ng pera para mapagamot at maayos ang kariton pero hindi niya tinanggap." Pagtatanggol ko sa sarili. Dahil rin siguro guilty ako sa nangyari kaya ko agad nasabi iyon. "Ganyan talaga ang batang iyon, Ma'am. Ayaw niya ng pera na bigay lalo na't hindi niya pinaghirapan." Mahabang katahimikan ang bumalot sa akin bago ako tumango. "Ganoon po ba... Siguro mapapalitan ko ito sa iba pang paraan ang nangyari." Iyan na lang ang nasabi ko pagkatapos kong malaman ang lahat ng impormasyon tungkol sa lalaking nakabanggaan namin sa bayan. Martin? Is that his name. Ang tanong? Totoo kayang may itsura ito at habulin ng mga babae? Pinilig ko ang ulo. Bakit ko naman naisipan ang tungkol sa itsura niya. As I have said. Kuntento na ako na nalaman ko ang pangalan niya. Hindi ko akalain na may tao pa lang doble kung kumayod para magkapera lang pero kung gumastos ako ng pera kay Daddy balewala lang sa akin. Ganoon ba talaga kahirap humanap ng pera dito sa probinsiya? Nawala na si Manang Carmen sa tabi ko. Bumalik na sa loob pagkatapos niyang magkuwento tungkol sa lalaking na bangga namin. "Magandang umaga, Ma'am." Saktong dumaan si Manong Rico galing sa likod ng bahay. Nadaanan niya ako rito sa teresita na kasalukuyang kumakain ng agahan. "Magandang umaga rin po, Manong. Akala ko umalis na kayo?" "Hindi po, Ma'am. Sa makalawa pa ako aalis. Ihahatid kita mamaya sa planta. Tawagin niyo lang ako." Ngisi niya. Tumango lang ako. Tumalikod na si Manong Rico ngunit natigil siya nang tinawag ko ang pangalan niya. "Manong... Bumalik ka sa bayan. Bumili ka ng kariton." balewalang sabi ko. Nagtaka niya akong tiningnan. "Ano'ng gagawin niyo sa kariton, Ma'am?" "Basta bilhan niyo lang ako..." Pagkatapos kong sabihing ito tinuon ko na ang mga mata sa nilalaro ko sa ipad habang iniisip ko pa rin iyong lalaking nag ngangalang Martin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD