"Ano na naman ito, Gracelyn Annastashia Villamonte?" sigaw ng matandang lalaki na nasa couch.
"What about it, Dad?" kalmado kong sabi dahil alam ko na naman ang pambungad niya sa pagkarating ko sa bahay.
"What is it this time? Katatawag lang sa akin ng principal niyo sa school. May nakaaway ka na naman raw. Tinapunan mo ng juice ang bag niya?! Anak pa talaga ng Governor ang kaaway mo?!" bulyaw ni Daddy sa akin. He was fuming mad.
Hindi na ako nagulat sa pagkat buwan-buwan na lang sinesermonan ako ni Daddy sa pagkat hindi raw ako nagtitino sa pag-aaral ko.
When in fact, matataas ang mga grades ko, except Science subject. It's just... Hindi lang talaga ako maiwasan ng gulo. Sila na mismo ang lumalapit sa akin.
"Siya naman ang nanguna sa akin, Dad. Tinapunan niya ng softdrink ang palda ko. Gumanti lang ako," I rolled my eyes.
Napahilot siya sa kanyang noo.
"Puwede ba? Leave your badass side? I don't know what should I do to you. Every school year na lang, ilang beses akong napapatawag sa principal's office para lang resolbahin ang gulo mo... And what is that?"
Tinuro niya ang mga paperbags na pinapasok ng tatlong maids sa aking kuwarto. Meroon pa akong mamahaling paper bag na dala.
Pinaputok ko ang bubble gum sa bibig bago ko pinakita sa kanya ang kabago ko lang na pedicure.
"Look dad? Do you like the color of my nails?" ngiti ko pa para lang maiba ang usapan.
"Answer me, Grace! Nagwawaldas ka na naman ng pera sa account mo? Ilang beses ko bang sabihin sa'yo—"
"Huwag akong magsayang ng pera dahil maraming nagugutom..." Ako na ang tumapos sa sinabi nito. Inayos ko ang buhok na ka bago lang sa pagka-rebond. "Kapag ba tinago ko ang pera mabubusog sila? Come on, Daddy. Ito lang ang kaligayahan ko. Gusto ko mag-shopping, mag-pedicure, magpaganda. I'm your unica ija, right?" I smiled to him sweetly.
Kapag ganito na ako sa kanya. Alam kong pagbibigyan niya ako pero sa punting ito... Hindi pa rin nawawala ang galit niya.
"Hindi pinupulot ang pera, iha! Have discipline to yourself. Tell me... Magkano ang naubos mong pera ngayong araw?" Mas napahilot siya sa kanyang noo.
Nag-iisip naman ako ng mabuti kung gaano kalaki ang naubos ko. I smiled to him confidently.
"I think... Half a million. Don't worry. Binawasan ko na ang iba ko pang gustong bilhin... Hindi na masiyadong nilakihan ang nagasto—"
"For god sake! Sobrang laki pa rin nun. Noong nakaraan lang naubos mo ang 2 million sa pagbibili mo ng mga alahas. Tapos ngayon half million na naman ang nawala sa bangko mo?"
"At least dad, gold is a good investment. Isa pa, hindi naman siya umabot ng million ngayon. Kalahati lang—"
"But still... It's a money. You're waisting it without thinking. Kailangan mong pagtatrabahuin iyan!"
"What?!" gulat kong sabi. "How can I work? I'm still a student."
"Malapit ng matapos ang klase niyo, hindi ba? Kailangan mo ng magtrabaho. Kailangan mong ibalik ang perang nawaldas mo sa bangko sa loob ng dalawang buwan. And it will happens this upcoming summer vacation of yours."
Nanlaki ang mata ko.
"No way! Hindi ako magtatrabaho. It's summer vacation, na pagplanohan namin ng mga friends ko na pupunta kami ng Paris para doon mag-unwind. We will spent—"
"Hindi ka magbabakasyon sa Paris! Sa darating na summer. Sa planta ka magtatrabaho. Ikaw ang mag-ma-manage sa lupain natin sa hacienda Villamonte! Are we clear here?"
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Iyon pa naman ang lugar na pinakaayaw kong puntahan. Bakit doon niya pa ako pagtatrabahuin? Of all the places? Sa province pa talaga.
"My god! Ayaw ko doon! You know that I hate those place, Dad. Nasa probinsiya iyon, malayo rito sa siyudad! Hindi ako mabubuhay roon. Walang wifi. Walang malls, walang restaurant. Walang salon." Iniling ko ang ulo.
"That's the point, Grace. Kaya nga doon kita pagtatrabahuin dahil walang distractions doon. Seventeen ka pa lang pero ang dami mo ng binibigay na problema sa akin. Kailangan mo ng maturuan ng leksyon. Sa ayaw o sa gusto mo magtatrabaho ka sa lupain natin. Kailangan mo ng matuto sa negosyo dahil Ikaw lang ang nag-iisang anak ko. Ikaw ang magmamana sa lahat ng ari-arian namin ng Mommy mo."
Naiiyak na ako sa pagkat hindi ko talaga kayang manirahan sa bukid kung saan doon ang pinakamalaking lupain ni Daddy.
Isang beses lang akong pumunta roon pero hindi ko talaga kaya ang sobrang bored dahil walang restaurant, walang view, there's no wifi, I don't have friends there too, puro taniman at mga hayop ang makikita mo roon. Wala ng iba. That's why, sinusumpa ko talaga ang lugar na iyon.
Naiisip ko pa lang na doon ako itatapon ni Daddy para parusahan sa mga pasakit ulo ko sa kanya. Hindi ko na kaya.
"Magpapakabait na ako, Dad. I will try next year not to get you in touble again. Basta huwag mo lang akong dalhin sa probinsiya."
"No, iha. My decision is final. Madali lang ang two months. You can do it."
Para akong nawalan ng kalayaan sa nagiging decision niya. Hindi rin naman ako makapalag sa pagkat alam ko na ang kaya niyang gawin oras na hindi ako susunod sa gusto niya.
Mabilis lang lumipas ang mga araw at buwan. Namalayan ko na lang ang sarili na sakay ang malaking sasakyan. Papunta na ako ngayon sa probinsiya kung saan ako itatapon ni Daddy.
Buong gabi ko siyang pinaki-usapan tungkol rito dahil ayaw ko talaga pero buo pa rin ang desisyon niya na manatili ako probinsiya sa loob ng dalawang buwan.
How boring it is, it was like a hell to me. Two month lang naman pero para sa akin sampung taon na ang pananatili ko roon.
"I am super sure sobrang boring mo talaga. Imagine walang signal diyan? Try to convince your dad na magkaroon ng wifi so that we can still contact each other, right girls?" sabi ni Amara.
Kasalukuyan ko siyang kausap sa cellphone. Pati ang tatlo ko pang friends. They were my long time best friend in the City.
"Iyon na nga e! Ayaw niya raw magpalagay ng wifi. Gusto niya talaga akong pahirapan sa probinsiya. Ang boring ng summer vacation ko! Nakakainggit kayo papunta ng Paris. What about me? Nakakulong lang sa lupain kausap ang mga taniman ni Daddy." Nguso ko pa.
"That's fine girl, Wala ka rin namang magagawa. Nandiyan ka na e! Kapag may oras kami. We will go in that place. Kapag nakauwi na rin kami galing Paris dadalawin ka namin diyan," sabi naman ni Cecelia.
"Thanks... I hope so." Ngumiti ako ng pilit.
"By the way? What about your dad? Hindi ka ba niya sasamahan riyan sa province niyo?"
Malakas akong nagbuntong hininga.
"Susunod na lang daw si Daddy kapag natapos niya ang trabaho sa construction site. Alam mo na, my father is an engineer. Busy iyon... Siguro matatagalan pa ang ang pagsunod niya sa akin."
"Oh that's too bad. Sundin mo na lang ang gusto ng daddy and convince him na isang buwan ka lang riyan. Baka maawa pa. Your his unica ija. Takot iyon na mahirapan ka," ngiti ni Blaire.
Huminga ako ng malalim.
"I will try to convince— Ouch! Manong, ano'ng nangyari?" reklamo ko nang nabitawan ko ang cellphone sa lakas ng pagkabangga ng kotse sa bagay na hindi ko alam. Ang lakas ng impact ng pagka-alog sa sasakyan.
"Pasensiya na, Ma'am. May nabangga po tayong lalaki.May tulak-tulak na kariton. Hindi ko po nakit—"
"Lumabas ka. Settle it!" irita kong utos.
"Pasensiya na talaga, Ma'am. Kakausapin ko lang sa labas ang nabangga ko."
"Teka, Manong nasaan na ba tayo?" Tiningnan ko ang harapan. Pansin kong maraming tao sa paligid namin. Marami ding tinda sa mga nadadaanan namin.
Pinapalibutan nila ang kotse na sinasakyan ko. Nakikiusyuso ang iba sa nangyaring banggaan. I get shivers..I hope everything was alright.
"Nandito na po tayo sa probinsiya. Nasa bayan pa lang tayo."
"Ganoon ba. Malayo pa ba tayo sa planta ni Daddy?"
"Mga isang oras na byahe pa, Ma'am bago tayo makarating."
Pareho kaming natigil ni Manong nang may kumatok sa salamin ng driver seat kung saan nakaupo si Manong Rico. Sobrang lakas ng katok nito at sunod-sunod pa.
Pilit kong sinilip ang taong iyon pero hindi siya dumudungaw sa bintana..
May matangkad na lalaking nakatayo sa tabi ng sasakyan. He keep on knocking the window. Hindi ko makita ang kanyang itsura sa pagkat hanggang dibdib niya lang ang nakikita sa bintana.
Punit ang damit nito sa bandang leegan kaya nakikita ko ang moreno nitong balat. He's wearing a simple shirt. Marumi ito.
"Kausapin mo siya, Manong. Siya yata ang nabangga mo."
Kinakabahan man hindi na lang ako nagreklamo sa paraan ng pagkatok ng lalaki. Napapansin kong crowded masiyado ang daanan dito si bayan sa dami ng taong bumibili kaya siguro hindi maiiwasan ang banggaan.
Lumabas na si Manong. Kinausap na ang lalaking nakabangga niya. Napansin kong sobrang tangkad talaga noong lalaki dahil hanggang dibdib lang si Manong Rico.
Nagkibit-balikat na lamang ako. Kinuha ko ang cellphone sa sahig ng sasakyan. Natapon ito kanina noong nag-break si Manong ng malakas.
"Hey girls... I'm sorry nabitawan ko ang cellphone. May na bangga— s**t! Wala ng signal?"
Pinindot-pindot ko ang screen ng cellphone. Dahil hindi na talaga nag-connect ang signal. Nawala na rin sa video call ang mga kaibigan ko.
Gusto kong mangigil sa galit. Pakiramdam ko nagsisimula na talaga ang parusa ko. Hindi ko na makakausap ang mga kaibigan ko nito.
Tinapon ko na lang ang gadgets sa tabi. Pinapanood ko na lang si Manong na nakikipag-usap pa rin doon sa lalaki.
Kumunot ang noo ko nang maglabas ng pera si Manong para ibigay doon sa lalaki pero hindi nito tinanggap. Nakita ko talaga ang pagtaboy nito sa kamay ni Manong.
Hindi ko sila naririnig dito sa loob ng sasakyan dahil naka-close lahat ng salamin ng bintana.
Medyo naiinip na ako kahihintay na matapos silang mag-usap. Masiyado ng tawag atensyon itong kotse namin. Pinipilit nilang silipin ako sa loob. Buti na lang tinted ang salamin. They can't see me here.
Binuksan ko na ang bintana para silipin sila sa labas dahil ilang minuto ng kinausap ng driver ko Iyong lalaking binangga niya.
"May sugat ka, kailangan mo ng bumili ng gamot. Tanggapin mo na lang ito," Narinig kong wika ni Manong Rico doon sa lalaki.
"Huwag na ho. Okay lang ako... Kailangan ko lang kunin ang kariton na naipit sa ilalim ng sasakyan niyo. Maghahatid pa kasi ako ng gulay," magalang nitong wika.
His voice... are so sexy. Sobrang buo ng boses ng lalaki. Kapag naririnig mo, tataas talaga ang balahibo mo sa batok. Mas lalo tuloy akong na curious sa mukha nito.
Nilakihan ko ang pagbukas ng salamin para malabas ko ang ulo. Pagkasilip ko sa kanilang dalawa. Agad akong na-dissapoint dahil natatakpan ang bibig nito at ilong sa isang tela na pati leeg ay matatakpan. I don't know what you called that. It was covered on his face.
I only saw his eyes. It was so black and shinning.
Tanging makapal na kilay nito ang nasilayan ko at ang maitim niyang mga mata. Mahahaba ang kanyang pilik-mata. I can see that from here.
"Malaki ang pinsala sa'yo, iho. Kasalanan ko ang nangyari kaya tanggapin mo na ang pera. Naghintay na ang anak ng amo ko sa loob. Kailangan na naming makaalis, " still my driving keep on insisting to give the money on the man.
Dumadami ang taong nakikinig. Medyo nahihiya na ako lalo na't hindi ako sanay na masiyadong tawag atensyon.
Tiningnan ko ang suot ng lalaki. Kahit simpleng puting t-shirt na madumi at may mga punit hindi ko ipagkakailang bagay sa kanya. Kahit mukha siyang dugyot sa pagkat pawisan pa ang kanyang braso. It's still suit him.
Nakasuot lang din siya ng navy blue maong pants at may punit sa bandang tuhod. Nakasuot siya ng pulang tsinelas, madumi ang kanyang paa dahil na rin putikan ang kalsada.
Matangkad siya pero hindi ko gusto ang pananamit niya. Kahit bagay naman sa kanya. He's still not my type.
Halatang kargador lang ito sa bayan. Base on his dirty appearance.
Kung pagbabasehan lang din ang kanyang mga mata at kilay. He's handsome, but maybe... It's a scam. Baka kapag tinanggal na ang tela na nakatakip sa kanyang kalahating mukha. Baka ma-dissapoint lang ako.
It's better siguro na hindi niya tatanggalin ito. He's still attractive with a scarf on his mouth. Mas mabuting hindi na ako maging kuryuso pa sa kabuuan ng kanyang mukha. I need to stop checking on him. I really need to go now.
"Manong, matagal pa ba iyan? Itapon mo na lang ang pera sa kanya kung ayaw niyang tanggapin? You don't need to please him. Tara na. Stop waisting your time sa lalaking pulubi." Naiirta kong sabi dahil panay pilit na si Manong na tanggapin niya ang pera pero tumatanggi pa rin ito. Masiyadong pa-choosy.
Nakuha ko tuloy ang atensyon noong lalaki. Walang kabuhay-buhay ang kanyang mga mata nang dumapo ito sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay, naghihintay sa sasabihin niya pero nanatili siyang nakatitig sa akin gamit ang malamig nitong mga tingin. Inikotan ko siya ng mata.
"Pero ma'am nasira rin ang kariton—"
"I said give him the money. Masiyado na siyang tawag atensyon. Ang dami ng taong nakiusisa sa inyo."
"Pasensiya na ma'am. Ako na po ang bahalang makipag ayos sa kanya," hinging paumanhin ni Manong Rico.
Tiningnan ko iyong lalaki. He was still looked at me. Halatang hindi maka-imik. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Ngumiwi ako.
"Sa dugyot ba naman ng itsura niya. Tatanggihan niya pa ba ang pera? I know he needs that to buy a couple of shoes and shirt. So give it to him. Pare-pareho lang naman ang mahihirap. Uhaw sa pera para may pangkain sa kalam nilang bituka." I smiled irritatedly.
"Ma'am, ayaw niyang tanggapin kahit ano'ng pilit—"
"Dagdagan mo na lang para tanggapin niya! Baka kulang pa sa kanya. We really need to go, Manong!"
Pagkatapos kong sabibin ito, pinasok ko pabalik ang ulo sa loob ng kotse. I closed the window. Sumandal sa sasakyan. Pinakalma ang sarili.
Naging matabil talaga itong dila ko sa tuwing hindi ko na gugustuhan ang paligid.
Nag-usap pa ng ilang sandali ang dalawa sa labas ng kotse. Pinikit ko ang mga mata. Sa pagbukas ko nito...
Sinulyapan ko si Manong dahil akala ko papasok na siya sa kotse ngunit pumunta siya sa harapan ng kotse kasama iyong lalaking kausap niya. My tinitingnan sila roon.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon pero nakita ko talaga ang pagsulyap noong lalaki sa loob ng kotse kung saan ako nakaupo.
Tinted ang sinasakyan ko kaya alam kong hindi niya ako makikita sa backseat pero sa paraan niya ng pagtitig sa akin mula sa labas. Para bang nakikita niya ako. Tumatagos ang mga tingin niya.
Kunot noo ang kanyang ekspresyon. He's was pissed, the way he raised his eyebrows at me.
Matulis ang bawat titig niya sa akin dahilan para manginig ang kalamnan ko sa hindi ko malamang dahilan.
What's with him? It's weird the way he looked at me from the outside. Nakikita niya ba ako rito sa loob? That's impossible right?
Napapansin kong kinakausap niya si Manong Rico dahil gumagalaw ang tela sa may bandang bibig niya. Pero ang mga mata nito ay nasa loob ng sasakyan kung saan ako nakaupo. Diretso sa akin ang kanyang atensyon.
Nagtago na lang ako sa likod ng upuan para hindi ko na siya makita. Kahit mata niya lang ang nakikita ko, nakaramdam ako ng kakaibang takot. Kinikilabutan ako.
Ilang sandali pa pumasok na si Manong sa loob ng kotse. Nakahinga ako ng maluwag dahil makakalis na rin kami. Matatakasan ko na ang pamatay na titig noong lalaki.
"Okay na, Ma'am... Napunta sa ilalim ng kotse ang kariton niya. Tinulungan ko itong kunin."
"Okay...Tara na, Manong Rico. Sana binigay mo na lang agad ang pera sa lalaking iyon. Natagalan pa tuloy tayo." Nagkibit-balikat ako.
I looked at the man who has a scarf. Sa bintana ng salamin pinanood ko ulit iyong lalaki.
Tulak na niya ang kariton. Pansin ko ang braso niya na may sugat. Nakaramdam ako ng panlalamig. Siguro dahil sa pagkabangga sa kanya kaya nagkaroon siya ng sugat.
Pagtingin ko rin sa maliit na gulong ng kanyang kariton nasira nga ito. Pati na rin ang lalagyan sa ibabaw, nawasak ang kariton niyang dala.
"Hindi niya tinanggap ang pera, Ma'am. Kahit ano'ng pilit ko. Ayaw talaga. Ako pa naman ang nakabangga. Kasalanan ko ang nangyari kaya nasira ko pati kariton niya. Mabuti na lang mabait iyong bata, naintindihan ang nangyari."
Para na akong na bingi sa sinabi ni Manong dahil sinusundan ko pa rin ng tingin iyong lalaki.
Nakita ko maraming lumalapit sa kanya para magtanong kung ano'ng nangyari sa kanyang kariton at sa braso nito pero mukhang tinatawanan niya lang sabay kibit-balikat. Hindi na nag-abalang sumagot.
Sumulyap pa siya ng huling beses sa kotse na sinasakyan ko. Sobrang seryoso ng kanyang mga mata. Para bang may galit talaga.
What? Is he offended because I give him money? Dapat pa nga siyang sumaya e dahil nagkapera siya kay sa magtulak ng kanyang kariton. Siya pa itong ayaw ng grasya.
Iiwas na sana ako ng tingin ngunit nahagip ng mata ko ang babaeng biglang sumulpot sa kanyang harapan at bigla siyang niyakap kaya nakuha ng babae ang kanyang atensyon. Nginisihan niya ang babae ng malawak. Hinalikan niya ang noo nito at niyakap pa balik.
Nag-iwas ako ng tingin. Huminga ng malalim. May girlfriend pala siya. For sure, mag-alala iyon sa nangyari sa kanya. Sana kinuha na lang niya ang pera, para wala ng problema.