Suot ang heels nilakad ko ang lugar kung saan may malaking barn house na nakatayo sa gitna ng buong planta ni Daddy. Hinatid lang ako ni Mang Rico sa kalsada at ako na ang tumuloy rito sa barn.
Ang sabi ni Mang Rico dito ko raw hintayin ang mag-assist sa akin sa gagawin rito sa lupain. Wala rin naman akong alam sa buong lugar kaya iyong tao na raw na iyon ang magto-tour sa akin sa buong taniman ng Casa De Villamonte.
Iyan ang pangalan ng lupain ni Daddy. Which is ngayon ko lang din nalaman dahil sinabi sa akin ni Manong Rico.
Wala rin talaga akong alam sa pagnenegosyo at kung ano-ano'ng mga ginagawa ni Daddy sa buhay niya kaya wala talaga akong idea ngayon. Siguro, dinala ako ni Daddy rito para magkaroon din ako ng idea tungkol sa hacienda.
May nakita akong upuan sa ilalim ng malaking kahoy. Katabi lang ng barn house. Ayaw kong pumasok sa loob sa pagkat sobrang tahimik, isa pa nakakandado rin ito. Kaya dito na lang ako sa labas maghihintay.
Sobrang mahangin, inaanod nito ang buhok ko. Napapikit na nga lang ako. Sobrang payapa rito sa probinsiya, hindi polluted ang hangin.
Ilang sandali pa, may nakita akong paparating na off-roader car na kahit sa mabato na daanan ay puwede itong gamitin. It was silver and black color.
Siya na yata ang magtuturo sa akin sa mga gagawin rito sa planta.
Tumayo ako para salubungin ang pagdating nito.
Tumigil sa may hindi kalayuan ang sasakyan. Nagkasalubong ang aking kilay habang naghintay sa taong 'yon.
Walang bubong ang kotse, wala ring pintuan. Naka baba agad iyong lalaki na pormado sa suot nitong puting t-shirt na sinuotan niya ng black jacket, at isang maong pants. He is wearing his black shoes. Isang simpleng attire pero ang lakas ng dating lalo na't matangkad siya.
Papalapit na siya sa akin. Dahil pa sikat pa lang ang araw sa umaga. Nasisinagan ang mukha niya sa araw kaya hindi ko klaro ang pagmumukha nito. Ang alam ko lang matangkad siya, moreno ang balat. Matangos ang ilong.
Bawat hakbang niya sa kanyang paa palapit sa kinatatayuan ko. Parang bumibilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito sa isang tao na ngayon ko lang nasilayan.
Nang makapalapit na siya sa akin doon ko lang nakita ang pagmumukha nito. I was hypnotized by his pitch black eyes, lalo na ang makapal na kilay nito, those things are so familiar to me. Parang nakita ko na.
Sobrang matangos ang kanyang ilong, mapupula ang labi. Bagay sa kanya ang moreno nitong balat. Medyo magulo ang kanyang harapang buhok at mahaba rin abot hanggang kilay niya.
"Hi... Ikaw ba iyong assistant ko sa planta?" Ngiti kong tanong.
Matagal siyang tumitig sa mukha ko. Naisip ko na baka nagagandahan siya sa akin lalo na't ngiting-ngiti ako ngayon.
"Oo..."
Walang gana ang boses nito. Sobrang ikli lang din ng kanyang sagot. Nag-iwas siya ng tingin. Panay igting ang kanyang panga. Mas na depina ang kanyang ekspresyon sa tuwing tinatagilid niya ang ulo. Sobrang kinis ng kanyang leeg kahit medyo maitim ang kanyang balat.
"Nice to meet you. Can I introduce myself before we start?" Pinili ko pa ring maging masigla sa kabila ng kasungitan nito.
Himala yata at sa unang pagkakataon. Nakaramdam ako ng paghanga sa isang lalaki. Hindi mawala ang ngiti ko sa kanya.
"Lucas."
Nabalik ako sa ulirat nang maglahad siya ng kamay. At first naguguluhan ako pero nang nakuha ko na gusto niyang magpakilala. Nagtagal nang ilang sandali ang pagtitig ko sa kamay niya bago ko ito mahawakan.
Napangiwi ako sa gaspang ng mga kamay nito.. Hindi katulad sa ibang mga lalaking nakilala ko doon sa siyudad na ang lalambot ng kamay.
Ibang-iba ang mga kamay nito pero bakit ang lakas ng epekto nito sa akin. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko.
"Hi... I'm Grace," Iyan lang ang nasabi ko pagkatapos nagmadaling binitawan ang kanyang kamay.
Hindi mawala ang tingin ko sa kanyang mga mata. Para akong nalulunod sa bawat titig niya kahit wala pa siyang ginagawa.
"Ako ang assistant at tour guide niyo ngayon. Pinagkakatiwala kayo ng ama niyo sa akin kaya mas mabuting makinig kayo sa bawat sasabihin ko. Para matapos agad tayo."
Pansin kong hindi siya ngumingiti sa akin. Palaging magkasalubong ang kilay. Tikom nang mariin ang bibig kapag tapos na siyang magsalita...
Gusto ko pa naman makita ang mga ngiti nito. Pero bigo akong makita ito.
He's mysterious in my eyes. Ang hirap basahin kung ano'ng tingin niya sa akin. Nagagandahan ba siya or na yayabangan? Maganda naman ang ngiti ko, hindi ba?
Ngayon lang din ako na concious sa sarili ko kaya mabilis kong inayos ang suot sabay tikhim.
Hindi rin siya masiyadong tumitingin sa sa mga mata ko, nakatingin siya sa aking bandang tenga kaya nagkaroon ako pagkakataon na pagmasdan ang postura niya.
Tawag atensyon ang suot niyang kuwentas sa dibdib. Isang cross iyon. Bumagay sa suot niyang puting t-shirt tapos pinatungan ng itim jacket.
Ewan ko ba kung bakit ganito na lang ang epekto sa akin ang pagkikita namin. Sobrang lakas pa rin ng pagtibok ng puso ko habang kaharap siya ngayon.
Hindi na nga pumapasok sa isipan ko ang mga sinasabi niya dahil nakatitig na lang ako sa kanyang guwapong mukha. I wonder if he's living in here or were the same like me? Live in the City?
"Puwede ko bang malaman ang buong pangalan niyo? Bago tayo magsimulang maglibot-libot sa buong planta? Mas mabuting alam ko ang panga—"
"Lucas na lang," maikli niyang sagot. Para bang labag pa sa kanyang loob na sumagot.
Masiyado na ba akong makulit para tanongin pa ang buong pangalan nito? Obviously ayaw niyang sagutin.
Ilang beses akong kumurap. Siguro napapahiya na ako sa kanya. Halata niya rin siguro ang masiyadong pagtitig ko sa kanyang mukha.
Mukha siyang iritado sa akin o baka guni-guni ko lang iyon. Hindi man lang ito nagreklamo kahit halata na masiyado ang tinginan ko sa kanya.
"O-Okay...Uh... By the way. I'm Gracelyn Annastashia Villamonte...Just call me Grace." Nag-iwas ako ng tingin.
Tumango-tango siya. Hindi na pinahaba ang usapan.
Sa tuwing sumeryoso ang kanyang mukha tumataas ang balahibo ko. Sa tuwing nagkasalubong rin ang tingin namin agad akong nawawala sa sarili.
Mas mabuting aliwin ko ang sarili sa ibang bagay para hindi ako magmukhang tanga habang kausap siya. Kinakabahan pa naman ako ngayon. Bakit ang sungit naman yata niya sa akin.
Naglakad ako papunta sa barn house. Akala ko doon ang tungo namin.
"Sabihin mo lang sa akin kung ano'ng mga gagawin. Wala akong alam rito sa negosyo ni Daddy."
"Kailangan nating sumakay sa sasakyan. Malayo-layo bawat bodega sa planta. Iyon ang kailangan nating puntahan, hindi tayo papasok sa loob, Miss." tawag niya sa akin.
Miss? Nagpakilala na ako sa kanya, ah?
Bumaling ako sa kanya. Nakatayo na siya sa tabi ng kanyang dalang sasakyan. Bigla akong napahiya dahil akala ko papasok kami sa barn house pero hindi pala. Sa ibang lugar kami tutungo.
"Alright... Sure." Napapahiya kong sabi.
Bumalik ako sa dinaanan ko. Medyo malayo ang kotse niya. Dahil naka heels lang ako. Nahihirapan akong maglakad sa lupa na puno ng damuhan. Meroon pa akong mga bato na natatapakan.
Panay sulyap ako sa kanya nagbabakasali na tulungan niya ako pero nakatingin lang siya sa akin gamit ang walang gana nitong tingin.
Kamuntikan pa akong matapilok nang bumaon sa lupa ang takong mabuti na lang nakahawak ako sa malaking kahoy. Nabalanse ko rin ang katawan. Nahihiya ko siyang tiningnan. I was asking for his help.
Tinaasan niya lang ako ng kilay. Namulsa sa suot niyang maong pants. Hindi ko alam kung nagmamalikmata ba ako pero mukhang pinagtatawanan niya ako. Medyo umangat ang kanyang ibabaw na labi pero agad ring nawala.
"Sumakay na kayo," sabi niya nang makita niyang nanghingi ako ng tulong gamit ang mga tingin ko sa kanya.
Walang pasabi na sumakay siya sa kanyang dalang kotse. Hindi inaalintana ang paghihirap ko sa paglalakad dito sa putikan.
Bigla akong nainis. How rude!
Hindi ba siya tinubuan ng pagka gentleman? Nakikita niya ngang nahihirapan ako sa heels ko. Hindi man lang nito naisipang tumulong.
Pinaandar na niya ang kotse habang naghihintay pa rin sa akin.
Mabilis ko namang kinuha ang heels na nabaon sa lupa. Mabuti na lang hindi masiyadongbmaputik kaya nakuha ko agad ito, pagkatapos sumakay na ako sa kanyang sasakyan habang bitbit ang heels. Nag-aalburuto ako sa inis pero hindi ko ito mailabas. Baka iwan niya pa ako kung hindi ako magmamadali.
Tumingin siya sa kamay ko na may hawak na heels. Wala siyang sinabi ngunit sa mga tingin niya sa akin mukhang pinagtatawanan talaga niya ang itsura ko ngayon.
Nag-iwas na lang ako ng tingin.
Siguro namumula na ako sa kahihiyan. Hindi ko talaga lubos akalain na ganito ang mangyayari.
Sumenyas siya na kailangan kong magsuot ng seatbelt.
Mata niya lang ang pinapagana niya sa akin pero hindi ko makuha kung bakit nakuha ko bawat senyas nito. Nilagay ko ang seatbelt sa aking bewang habang nagpupuyos ng inis.
Ilang sandali pa pinaandar na niya ang sasakyan. Dumaan kami sa mabatong daanan kaya ilang beses nabagok ang ulo ko sa headboard.
Ewan ko kung napapansin niya ba iyon dahil wala siyang pakialam. Hindi rin humihingi ng pasensiya.
"Dahan-dahan naman sa pagmamaneho!" reklamo ko nang hindi ko na pigilan.
Isang pagkabagok pa sa ulo ko doon na niya niliko ang sasakyan at dumaan na kami sa maayos na kalsada.
Napatingin ako sa kanya. Pero para lang siyang walang pakialam. Seryoso lang itong nagmamaneho. Hindi rin siya palasalita. Maski sulyapan ako rito o tanongan man lang kung okay ba ako. Hindi ko iyon narinig galing sa kanya.
Gusto kong magalit sa kanya. Parang sinasadya niya kasi iyon para matamaan ang ulo ko sa dashboard. Mahigpit ang bawat kapit ko sa upuan lalo na't walang pintuan itong kotse. Wala ring bubong.
"Bukas huwag mo ng dalhin ang kotse na iyan. It's not safe! Kulang na lang matapon ako sa upuan pa labas." sabi ko nang makarating kami sa destinasyon.
"Ang daanan ang hindi safe hindi ang kotse," wika niya.
Nagkatinginan kami pero siya ang unang umiwas ng tingin.
Bago pa ako makapagsalita nilagpasan na niya ako. Dumiretso siya sa malaking barn house, mas malaki ito kay sa una naming nakita kanina, na sa pagkaalam ko ginawa ring bodega.
Sumunod na lang ako sa kanya kahit nanggalaiti na ako sa sobrang inis. I feel humilated. I swear isusumbong ko siya kay Daddy kapag maulit ito.
Binabawi ko na sa sarili ko na guwapo siya. Masama ang kanyang ugali. That's period. He's not a gentleman. Ang dami niyang kasalanan na ipinagsawalang bahala ko na lang.
Binuksan niya ang bodega. Bumungad sa amin ang mga makina.
"Ito ang pabrika ng mga hindi pa nagigiling na bigas at mais. Dito rin ginagawa ang asukal. Pero kailangan muna durugin ang mga tubo bago gawin ito, kahit ang bigas dito ginagawa..."
Patuloy siyang nagsasalita habang tinuturo bawat makenarya na hindi ko masiyadong naintindihan.
Tango lang ako nang tango. Nakikinig naman ako habang sumusunod sa kanya.
"Sinusulat mo ba ang mga pinagsasabi ko?"
Bigla siyang humarap sa akin. Nagulat pa ako sa pagkat busy ako sa pagtitingin ng mga palay na nakalatag sa isang makina nang bigla niya akong nilapitan.
"Hindi ko sinulat? Bakit? Kailangan ba iyon?" pagtataka ko.
Mariin niya akong tiningnan. Ilang segundo na naman kaming nagtitigan bago siya nag-iwas ng tingin. Dumaan sa kanyang mata ang iritasyon.
"Bukas magdala ka ng panulat at notebook. Kailangan mong maglista para pag-aaralan mo bawat gagawin dito sa planta niyo." Huminga siya ng malalim.
"Okay... Pero hindi naman siguro kailangan mag-take-down notes. Kaya ko naman siguro tandan lahat ng sinabi mo," pagdadahilan ko pa para lang hindi siya magalit sa akin.
"Spoiled na bata..."
Narinig ko ang pag-ingos niya. Natuod ako sa paraan ng kanyang pagbulong. Mahina lang iyon pero narinig ko.
"Ano'ng sabi mo?" Ako naman ngayon ang nairita.
Hinawakan ko ang manggas ng kanyang damit para humarap siya sa akin pero nagtagal muna ng ilang segundo bago siya bumaling pa harap.
"Magdala ka ng notebook bukas. Same spot, doon pa rin kita kukunin sa labas ng barn house. Sa ngayon, tama na muna ito. Puwede ka ng umuwi sa bahay niyo. Hindi na kita maihahatid."
Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. Nagtagal ang mga titig niya sa bandang tiyan ko na kita ang maputi kong bewang.
My hips and belly button is my greatest power to be a confident woman. Nang binukas nito ang bibig, agad akong nawalan ng kumpyansa sa sarili.
"Huwag mong kalimutan balutin ang sarili mo. Magsuot ka ng maong pants saka simpleng t-shirt puwede na. Hindi bagay sa edad mo ang masiyadong kita ang balat." He looked at my feet. "Magsuot ka na rin ng tsinelas. Walang tutulong sa'yo kung mabaon ulit sa lupa ang takong mo." He smirked at me.
Hindi ko makuha kung ano'ng maling nagawa ko sa kanya. Bakit sobrang naiirita siya sa akin kahit wala pa naman akong ginagawa.
Hindi na rin ako makapagtanong sa kanya. Pakiramdam ko minamaliit niya ako ngayon. I get insecure the way he told me what to wear.