MAY PLINANO NA DINNER SI GEORGE. Kasama ang pamilya nya sa mga naging katuwang nya upang maisa-ayos ang preparation para sa nalalapit nyang proposal kay Laura. Hindi nya maalis ang pag aalala at excitement sa tuwing maiisip kung ibibigay ba nito sakanya ang matamis na oo na kanyang inaasam asam.
Kahit anong maging desisyon ni Laura ay maayos nya itong tatanggapin. Hindi sya nag mamadali, pwedeng pumayag at pwede rin namang hindi pumayag si Laura. Ngunit taimtim parin ang panalangin nya araw-gabi para lang dinggin ang dasal nya.
Wala na syang ibang babaeng nais iharap sa altar kundi si Laura lamang. Hindi na sya makapag hintay na dalhin ng mag ina ang apelyido nya. Hinding hindi nya bibigyan ng pasakit at hirap ang ang mag ina.
Ito lang ang tanging itinatatak ni George sakanyang isipan.
"Balita ko mag tatapat kana? Aayain mo na sya ng kasal? Bilis mo naman, daig mo pa si Flash." Panunukso ni Leonel.
Palagi nalang syang inaasar ng kaybigan, at panay din ang tagpo nila kaya lately nawalan sya ng oras sa mag ina. May inaasikaso kasi sya, at sumabay na nga pati ang plano n'yang proposal.
"Nandito kana naman, bakit? Any updates?" Seryosong tanong nya bago inilapag ang bullpen na pinapaikot nya sa kanyang daliri.
"Yep, ayaw mo ba?"
"So, anong update?" Kaagad na tanong nya.
Napangisi ang kaybigan nya bago kumindat. "Wala lang, miss lang kita. Iniisip ko lang kung aagawin ba kita kay Laura."
"Siraulo ka talaga." Naiiling na saad nya bago natawa sa kalokohan ng kaybigan.
"Mag tanan na tayo, ano sama ka? Itatakas kita, trust me. Sabihin mo lang kung ayaw mo pang masakal este makasal."
"Satingin mo ba nag lolokohan lang kami? Do you think I'm joking? I'm sure about this. Mahal ko si Laura at Travis, at kahit kaybigan kita wala akong pake. Kapag hinadlangan mo kami hindi ako mag dadalawang isip na ipatumba ka." Banta ni George kay Leonel.
"Easy!" Itinaas ng kaybigan nya ang dalawang kamay nito. "Nakakatakot ka pala Doc George," humalakhak pa si Leonel. "Binibiro lang naman kita. Nakakasama ka ng loob," padadrama nito. "Ipag papalit mo talaga ako? Marami na tayong pinag samahan. Saksi ako kung paano ka dumede sa Mommy mo kahit sampong taong gulang kana."
"Natransfer ko na sa bank account mo yung pera kaya bakit binabanggit mo pa 'yan?" Masamang tingin ang pinukol ni George kay Leonel.
"Hi boys!" Bati ni Bea na bigla na lamang sumulpot.
Natigilan sa asaran ang dalawang mag kaybigan at sumeryoso. Dapat silang mag ingat sa pananalita at kilos sa harapan ng mga kahina-hinalang tao.
"Hi," bati ni George.
"Busy kayo? May Bromance palang nangyayari rito," kumindat si Bea kay George. "Anong meron? Parang sobrang saya mo."
"Yep, I'm getting married." Diretsahang panunupalpal nya kay Bea.
"Ow, really? When?" Ramdam ang pagiging peke ni Bea. Naging awkward ang paligid bigla kaya nag pasya ng mag paalam si Leonel.
"See you," kumindat si Leonel sa kaybigan. "Never," dagdag nya ng mabaling kay Bea.
"Kanino ka ikakasal?" Naiintirgang tanong ni Bea.
Nag hihinanakit ang kalooban nya. Nanginginig ang laman loob nya at timping-timpi. Kinuyom nya ang kamao bago pilit na ngumiti. "I'm happy for the both of you," bati pa nya.
"Thank you, but you're not invited."
"Why? Is there something wrong? Wala naman akong alam na pinag awayan natin," pagtataka ni Bea.
"Nothing. I just don't like to see you at my engagement party nor at wedding day." Malamig na sagot ni George.
Nawalan na sya ng tiwala kay Bea dahil sa nalaman nyang pakikipag tagpo nito sa ina ni Justin. Nawala na yung pagiging mag kaybigan nila ng kalabanin nito ang taong mahal nya.
"That's not fair," naiiyak na sambit ni Bea.
"Then be fair, mauna kang mag apply sa sarili mo. Be fair, wag kang titira ng patago o kapag hindi kami nakatingin. Kung naging totoo kalang sana, baka ayos pa tayo ngayon."
"Ano bang kasalanan ko? Tell me, para naman may clue ako. Well, kung ang tinutukoy mo ay ang pakikipag usap ko sa ina ni Justin. Wala lang yun, walang motibo 'yun. Maniwala ka sakin," hinawakan ni Bea ang kamay nya.
"Bitaw," malamig na utos nya kay Bea.
Ngunit mas hinigpitan nito ang pag kapit sa kamay nya. "I won't, you're mine. Ako ang naunang mag mahal sayo. Ako dapat ang pakakasalan mo!" Napahagulhol na si Bea.
"Sinabi ko na sayo una palang. Malabong maging tayo kasi hindi kita mahal. Hanggang kaybigan lang ang kaya kong ibigay sayo," si George na ang nag alis ng kamay ni Bea. "Itigil mo na ang kahibangan na 'to," pakiusap pa nya. "Habang may natitira pa akong awa at linilingon ko pa yung pagiging mag kaybigan natin."
"Binabantaan mo ba ako?" Pagak na tumawa si Bea. "I'm not scared, mas natatakot pa ako kapag nawala ka sakin. I can't, mababaliw ako. Mababaliw ako George!"
"Bea hindi lang ako ang lalaking pwede mong mahalin."
"Mag bibigti ako! I swear to you! At kayo ng babae mo ang sisisihin ko!" Dinuro ni Bea si George. "Hindi ako titigil, bago ako mamatay kaylangan kasama ko sya."
"Don't you dare," mahigpit na hinawakan ni George sa braso si Bea.
"Kaya ko, at oo George." Hinaplos nito ang mukha nya. "Gagawin ko lahat wag kalang mapunta sakanya."
"Kung ganun pala wala na talaga akong choice kundi putulin ang lahat ng kaugnayan ko sayo. Aalis na ako rito, siguro focus nalang muna ako sa future namin ni Laura at ng anak naming si Travis."
"Hindi ikaw ang ama nya wag kang t*nga!"
"Alam ko," napangiti si George ng maalala ang sinabi ni Travis na gusto syang maging ama nito.
"Ako nalang, please? Mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko. Lahat gagawin ko kahit maging ina ni Travis gagawin ko para lang sayo. Pakiusap, wag mo naman gawin sakin 'to."
"Lumabas kana Bea, bago pa ako tumawag ng guard na kakaladkad sayo. At kung gusto mong manatili sa trabaho mo ng hindi nadudungisan ang pangalan mo ay tumigil kana. This is my last warning, and to make it clear. Walang namamagitan satin. Sinayang mo yung pagiging mag kaybigan natin."
"Hindi ako papayag," pag mamatigas parin ni Bea bago tuluyan syang iniwan.
Napahilot sa sentido se George. Mas kaylangan pa niyang bantayan ng maigi ang mag ina.