IMBIS NA PREPARATION LANG NG PROPOSAL ang inaasikaso ni George ay nag dagdagan na naman ang pag aalala nya. Tinawagan nya si Laura at mabilis naman itong sumagot.
"Kamusta ang mahal ko? Kamusta ang anak natin? I miss you so much." Bungad nya bilang pag lalambing kay Laura.
Rinig nya ang hagikhik ni Travis. "Hi Papa G!" Masiglang bati ni Travis sakanya.
"Hi little boy. Alagaan mo ang Mommy mo para sakin, pwede ba? Hanggat wala ako protektahan mo muna sya." Bilin nya bago malungkot na ngumiti.
Gustong gusto na sana nyang puntahan ang mag Ina nya ngunit marami pa syang inaasikaso.
"We miss you," si Laura na ang nag salita. "I miss you George," halos pabulong na lamang ang boses nito.
"I love you," sambit nya.
"I love you too," sagot ng nobya niyang si Laura sa kabilang linya.
Sandali lang nakausap ni Laura si George. Nag paalam na agad sakanya ang binata na may gagawin kaya hinayaan na rin muna nya ito. Kanina pa talaga sya kinukulit ni Travis na tawagan si George ngunit nahihiya syang maistorbo ang doctor. Kaya naman sya nalang ang nag hintay rito na tumawag.
"Pupunta po ba sya rito sa bahay mamayang gabi?
Hinaplos ni Laura ang buhok ng anak. "Hindi pa sure ni Mommy, pero sabi susubukan nya." Paliwanag nya sa anak na palaging nag hahanap kay George.
Masyadong napalapit ang bata sa nobyo nya. Nag seselos na nga sya kung minsan dahil palagi nalang si George ang bukang bibig nito. Nalulungkot nga lang sya dahil hindi man lang ito naranasan ng anak nya kay Justin. Si Justin na may taglay ng dugo't laman ng bata ngunit kung itrato ay tila ba isa itong basura. Para silang isang malaking kasalanan na nagawa sa trato nito sakanila.
Ganun din naman ang pamilya ng Mayor. Masyadong mapag mataas, pero sa harapan ng ibang tao ay tila ba anghel. Dahil nga sa nasa politika si Justin ay kinakaylangan na walang makitang pintas sakanila.
At ang ama ni Justin. Natatandaan pa nya kung paano sya nito titigan ng may pagnanasa. Kaya ganun na lamang ang galit sakanya ng asawa nito. Isinumbong nya kay Justin ang pasimpleng ginagawa ng biyanan nyang lalaki. Pag hipo nito sakanya at pagnanasa gamit ang mata, pasimpleng paninilip at higit sa lahat ay ang pag pasok nito sa kwarto nilang mag asawa.
Mabuti nalang at may mga kasambahay pa silang nakakasama noon. Kaya naman agad na may nakarinig sakanya. Ngunit ng isumbong nya ito ay sya pa ang napasama. Walang naniwala sakanya, maging ang katulong nila ay natapalan ng malaking halaga.
Pinag bintangan sya ng Ina nito na nilalandi ang biyanan nyang lalaki kaya ito nagka motibo.
Winaksi na ito sa isipan ni Laura, tapos na ang pag dudasa nya sa pamilya ng ex husband nya. Hindi na sya magiging Martyr pa. Sa una ay inisip nya ang pamilya nila. Ayaw nyang lumaking walang kinikilalang ama ang anak nya, mahihirapan silang dalawa. Ngunit kaylangan nga bang pang hawakan ang ganung paniniwala? Kung sa tamang panahon ay maiintindihan rin ng anak nya, at pilit nyang ipapaliwanag. Kakayanin nya kahit na mahirapan pa, basta ang mahalaga ay makawala sila sa bayolente nyang asawa.
Naiintindihan ni Laura kung ang magiging tingin ng ibang tao sakanya ay malandi. Kagagaling lang sa pakikipag hiwalay ay nakipag relasyon na naman.
Ngunit para kay Laura ay hindi big deal yun. Nakita niya at naramdaman na mahal sila ni George at ganun din ang nararamdaman nya. Bakit ba nya pipiliing maging mag isa kung may isang tao naman na kayang mag bigay ng kasiyahan sakanila ng anak nya?
GABI NA NGUNIT WALA PA DIN SI GEORGE. Marahil ay talagang busy ito. Hindi na sya umaasang darating ang nobyong si George kaya naman matutulog na sana sya ng may kumatok sa pinto.
"George?" Gulat na napatitig sya sa nakangiting binata.
"Pasensya ngayon," mabilis syang niyakap nito. "Bihis kana," utos pa nito.
"Aalis tayo? Paano si Travis? Tulog na saya."
"Iiwan muna natin sya kila Mommy, saglit lang tayo. Ayaw ko rin talaga syang iwan ng matagal. Hindi na kami nakakapag bonding, babawi ako bukas sakanya."
Napatango sya at mabilis syang nag ayos. Hindi nya alam na may biglaang dinner date pala sila ni George. Mahilig talaga itong mansorpresa kaya naman nagugulat nalang sya kung minsan.
Inayos ni George ang upuan nya. Napangiti sya rito at agad na naupo. May mga pagkain ng nakahain sa table nila, at maliwanag ang lugar. Tila ba nasa isang tahimik na lugar sila habang sa hindi kalayuan ay may grupo ng mga tumutugtog ng instruments. May nag pi-piano at violin, habang may babaeng kumakanta.
"Hindi ko na gustong patagalin."
"Ang alin?" Takang tanong nya ng biglang mag salita si George.
"Hindi na ako makapag hintay na itanong at malaman ang sagot. Mababaliw na ako kakaisip," garalgal ang boses nito kaya naman nangilid na agad ang luha ni Laura.
"Ano bang problema? Hihiwalayan mo na ba ako?"
"No," mabilis na sagot nito. "Mahal na mahal kita. Hindi na kita pakakawalan pa, pero hindi karin masasakal sa pagmamahal ko."
"Napakasakit ng dinanas ko sa piling nya at ngayong nahanap na kita ay hin--"
Kaagad na pinutol ni George si Laura sa pagsasalita.
"Ako ang nakahanap sayo. Ako ang maswerte sainyo ni Travis. Salamat kasi binigyan nyo ako ng chance na makapasok sa puso nyo."
Natigilan si George at may inilabas na maliit na box, at dun nakalagay ang singsing. "Laura, will you marry me?"
"Akala ko sya na yung lalaking makakasama ko hanggang sa pag tanda naming dalawa. Alam yung feeling na kontento kana sana kasi mahal mo sya, pero yung pagmamahal ko para sakanya napalitan na ng takot. Naranasan kong painumin ng ihi nya, mab*gbog at mapahiya. Ngunit lahat yun napawi nung dumating ka." Huminga sya ng malalim habang ang luha ay patuloy lamang na umaagos. "Pakakasalan kita kahit saang simbahan George."
Nawala ang takot ni George na ilang araw ng nanatili sa puso nya. Ngayon ay sigurado na syang papakasalan sya ng taong pinakamamahal nya.