bc

My Abusive Husband (Completed)

book_age18+
1.4K
FOLLOW
3.0K
READ
drama
tragedy
heavy
serious
kicking
abuse
cheating
like
intro-logo
Blurb

Si Laura Madrigal, ay may abusadong asawa. Hindi lang s'ya nito sinasaktan emosyonal ngunit pati narin sa physical.

Hindi naman ganito ang asawa niya nung una niya itong makilala. Magalang, mabait at responsableng asawa si Justin, at maging ang isa nilang anak ay nasasaktan rin mg asawa n'ya. Hindi na kayang manatili ni Laura sa relasyong wala ng kahihinatnan. Ngunit paano s'ya makakatakas sa kamay ng abusado niyang asawa kung bantay sarado sila nito, at kayang-kaya nitong baliktarin ang lahat dahil sa pagiging mayor nito at mapera?

At kung makatakas man sya'y sino nga ba ang maaring makatulong sakaniya? Paano n'ya ka-kalabanin ang asawa n'yang mataas ang katungkulan at malawak ang impluwensya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Where's my wife?" Nanlaki ang mata ni Laura at agad na nakaramdam ng takot. Madali nyang kinarga ang anak nyang si Travis, pumasok sila sa kwarto at mabilis itong isinarado. Lasing na naman ang asawa nyang si Justin at tiyak na mag wawala na naman ito. Sanay na si Laura ngunit yung takot at kaba na baka saktan na naman sila ng asawa nya'y 'yun ang hindi nya makakasanayan. Gusto nyang umalis, matagal na. Sawang-sawa na sya sa buhay nya. Gusto na nyang makawala sa kadenang itinali sakanya ni Justin. Ngunit paano nga ba nya matatakasan ang asawa nyang ni sinag ng araw ay hindi nila masilayan? "Mommy," umiiyak na sambit ng anak niyang si Travis. Mabilis nyang hinagkan ito at pinahid ang luha. Pinatahan nya rin ito upang hindi makagawa ng ingay at isipin ni Justin na tulog na silang mag ina. "Wife!" Hindi sumagot si Laura. Kapag sumagot sya ay mas matutuon lang ang pansin nito sakanya. "Laura come out!" Sigaw ng sigaw si Justin. Malinaw itong naririnig ni Laura. Natuptop nya ang kanyang bibig upang pigilan ang pag hagulgol. Hindi sya pwedeng umiyak, mas magagalit si Justin. "Give me the key," huminahon ang boses ni Justin. "Mayor tulog na po si Ma'am Laura at Travis." Boses ni Charlotte. Kasambahay nila na nais narin sanang umalis ngunit napapa kiusapan lang nya para kahit paano ay may kasama sila ng anak nya. "Sino ka para sabihin sakin ang hindi at dapat kung gawin? Gusto mong pulitin sa kangkongan?" Hindi na nakatiis si Laura. Lumabas na sya ng kwarto. Binilin nya kay Travis na mag behave at matuloy na, and she will be fine. Nag sinungaling sya sa anak nya na ipaghahanda lamang nya ang ama nito ng kape. Isang malakas na sampal ang iginawad ni Justin sakanya ng makalabas sya ng kwarto. "Bakit hindi ka sumasagot kanina pa? May pinaplano kaba? Iiwan mo na ako?!" Sinundan ni Justin ng suntok sa sikmura ang pananakit nito sakanya. "Alam mo namang mainipin ako diba?" Napapalatak ito. "T-tama n-na." Hirap na pakiusap ni Laura habang iniinda ang sakit ng sikmura nya. "Makikita ka ng anak mo Justin. Mayor ka, why are you doing this?" "Umiiyak ka?" Malamig na tanong nito sakanya. Nagawang pigilin ni Laura ang luha nya. "Asawa mo ako, may anak tayo. Ano bang ginawa namin sayo?" "Shut up!" Isang malakas na sampal ulit ang nakapag patigil kay Laura. "Sige, saktan mo ako. Iyan lang naman kaya mo diba? Nakakahiya ka," ngumisi si Laura. "Sinayang mo boto ng tao sayo. Kasi wala kang kwentang tao. Wala kang kwentang asawa at anak!" Hindi na napigilan ni Laura ang sigawan rin ang asawa. Hinablot nito ang buhok nya kaya napatili sya. "Hindi na kita mahal!" Sigaw pa ni Laura habang umiiyak. "Mamatay ka muna bago ka makuha ng iba." "Mayor wag nyo naman pong saktan si Ate Laura." "Get out!" Sigaw ni Justin kay Charlotte. Ipinasok sya ni Justin sakanilang kwarto at itinulak dahilan para mabalandra sya. "Binihisan kita, dinamitan, binigay ko ang lahat sayo. Pera, kasaganahan, masasarap na pagkain, mamahaling damit at alahas kaya bakit mo gustong iwan ako? Gusto mong sirain ako sa publiko?!" "Justin h-hindi. Wala akong pag sasabihan parang awa mo na hayaan mo nalang kami ng anak mo." Pag mamakaawa ni Laura na kahit kaylan naman hindi pinakinggan ng asawa nya. Paulit-ulit nalang. Gusto na nyang umalis. Ulilang lubos na sya. Walang magulang na mag-aalala, walang tiyahin na kakamusta. Dahil maging ang mga ito ay busy na sa kanya-kanya nitong mga buhay. Lagi na lamang syang sinusumbatan ni Justin. Ipinamumukha nito na ito ang nag papalamon sakanila at bumubuhay. Maayos naman ang una nilang mga taon, pero habang tumatagal ay nakikilala nya ng lubusan ang asawa nya. Mahilig itong uminom at kapag lasing na ay nawawala sa sarili at nasasaktan sya. Hindi nya pinansin nung una ang pasimpleng pag tulak, pagsasalita ng masakit at pamimilit nito sakanyang makipag talik. Ngunit namihasa ang asawa nya. Kada araw, buwan at taon ay lumalala ito sa pananakit. May anger issue ang asawa nya. Nawawala ito sa sarili kapag masyado itong nagagalit. May isang beses na nag away sila ay tinutukan sya ng kutsilyo ni Justin. Nakita ito ng anak nilang si Travis ngunit nagawa parin nyang pag takpan ang ginawa ng asawa nya. May trauma na sya at ayaw na niyang pati ang anak nya ay magaya sakanya. Ngunit kahit anong pag tatakip ang gawin nya ay matalino ang anak nya. Alam na nito ang ginagawa ng ama nya sakanya. Limang taon na si Travis, may isip na at nakakaintindi. Hindi na nya kayang itago yung pambubogbog sakanya ni Justin. Sinasabi na lamang nya sa anak nya na pagod lang ang ama kaya nito nagagawa ang mga bagay na masasama. Ipinapaalala nya na mahal parin sila ni Justin sa paraang nakakasakit. "Kinain kana ng selos!" "Bakit hindi ba totoo? Lalakero ka! Balak mo akong iwan at mag hanap ng iba at pagka tapos ay sisirain nyo reputasyon ko bilang maayos na mayor!" Sinipa sya ni Justin kaya namalipit na naman sya. Daragdag na naman ang pasa na ito sa mga pasang matagal na nyang itinatago. "Ikaw ang sumisira sa sarili mo Justin! Hindi ka kaylan man naging mabuting mayor dahil adik ka! Pati nga pagiging pamilyadong tao hindi mo magampanan. Nasusuka ako na pumayag pa akong makasal sa demonyong gaya mo! Sana pwedeng ulitin, pwedeng ibalik. Pipiliin ko na mabura ka sa landas ko." Hinawakan nya ako sa buhok at hinila yun. "Anong sabi mo?" Matalim ang titig nya sakin. "Mag sorry ka," malamig na utos nito. "Mag sorry ka Laura!" "Para saan?" Matapang na tanong ni Laura. "Bakit ako mag so-sorry sa taong walang ibang gawin kundi ang manakit?!" "Papatayin kita!" Sinuntok nya sa sikmura si Laura. Halos mawalan na sya ng ulirat ngunit nagawa parin nyang makatayo at tumakbo palabas ng kwarto. Kaagad syang pumasok sa kwarto ng anak na umiiyak narin. "Sinasaktan ka na naman po ba ni Daddy?" "Baby, ayos lang ang Mommy. Ayos lang anak, makakawala rin tayo. Unting tiis nalang may tutulong din satin." Umiiyak na niyakap ni Laura ang anak bago napahagulgol ng tuluyan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
85.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
133.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
175.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook