Chapter 17

1032 Words
PANAGINIP! Isang kahibangan ang napaginipan ni Luara. Akala nya'y totoong naibigay na nga kay George ang kanyang sarili. Ngunit nagising sya na nakatabi na sakanyang anak at wala ng George syang nasilayan. Kung ibigay man nya ang sarili nya ay kagustuhan nya na iyon. Ngunit sa kalagayan nila ngayon ay mabuting pigilin muna ang sarili. Laking pasalamat nya dahil hindi tulad ng ibang lalaki si George na sasamantalahin ang kahinaan ng isang babae. Hindi nya alam kung paano sya napunta sa kwarto nila ng kanyang anak. Dahil na tatandaan pa nya kagabi na katabi nya ang binata at kayakap. Sinalat nya ang kanyang labi at sinuri ang katawan kung may kakaibang nagalaw sa maseselang parte nya. Ngunit wala syang napansin. Napangiti sya at agad na kinuha ang phone bago nag dial ng numero ni George. Mabilis naman itong sinagot ni George. Kasalukuyan syang nasa hospital na at ginagawa ang duty ng mag ring ang kanyang cellphone. Alam na nyang itatanong ni Laura kung anong oras sya umuwi. Hindi kasi nito namalayan na nakatulog na pala sya habang mag kausap sila. Hindi narin nya ito ginising dahil alam nyang pagod ito sa party. "Anong oras ka umuwi?" Kahit wala naman dapat ikakilig sa tanong ni Laura ay nag huhumiyaw ang puso nya sa tuwa. Masarap sakanyang tenga na marinig ang malambing na boses ng taong mahal nya. "Hating gabi na din. Hindi na kita ginising kasi alam kong pagod ka. Hindi mo na nga namalayan na binuhat na kita patungo sa kwarto nyo ni Travis. Pasensya na hindi na ako nakapag paalam na uuwi ako," paliwanag nya. "Nanaginip ako." Napakunot ang nuo nya, bigla tuloy syang nabagabag. Pumasok sa isip nya na baka binabangungot na naman ito dahil sa madilim nilang nakaraan ni Travis. "Ano naman ang napaginipan mo?" Tanong niya. "Nahihiya akong sabihin," rinig pa nya ang buntong hininga ni Laura. "May katabi kaba? Huwag mong i-loudspeaker." Utos nito na agad naman nyang sinunod. "Okay na," aniya bago hinintay ang sasabihin ni Laura. Kinakabahan si George dahil baka hindi na naman matahimik ang nobya nya. Mapipilitan syang mag off ng maaga para mapuntahan agad si Laura at madamayan. "Kasi nanaginip ako wet dreams." Nasamid si George sa sariling laway sa sinabi ni Laura. Inilayo nya ang phone sakanya at umubo ng umubo. "Ayos kalang ba?" Napalitan ng pag aalala si Laura. Dapat yata ay hindi na nya sinabi kay George. Hindi naman big deal ang panaginip na yun. Panaginip lang naman ito. Alam nya sa sarili nyang darating sila sa punto na 'yun. Ngunit sa ngayon ay hindi pa dahil marami pa silang problemang haharapin. Tahimik ang kampo ni Justin ngunit handa si Laura. Tiyak na may pasabog ang mag ina para mapasama sya kaya ayaw nyang maging kampante. "Ayos lang ako." Wika ni George ng makarecover sya. "Ano nga ulit sabi mo?" "Kasi nanaginip ako. May nangyari na daw satin, wet dreams yun diba? Normal ba yun?" Tanong sakanya ni Laura. Napailing si George sa hiya. Bakit nga ba sya ang tinatanong ni Laura? Hindi rin naman nya alam ang ibig sabihin nun. "Baka sadyang pinag papantasyahan mo lang ako kasi gwapo ako," medyo naging mayabang ang tono nya. "Joker ka pala." Natigilan si George. Nabara tuloy sya ni Laura ng wala sa oras, napabuntong hininga sya. "Kasi mahal natin ang isat-isa kaya siguro ganun nalang ang tumatakbo sa isipan natin. Actually ako din may aaminin," tinatagan nya ang loob nya. "Minsan hindi ko rin maiwasang isipin na katalik kita hehe." "Ang bastos mo naman pala!" Sigaw ni Leonel kaya naman si George ay agad na pinatay ang tawag upang maputol ang pakikipag usap nya kay Laura. "Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa? May iba pa bang nakarinig?" Sunod-sunod na tanong nya. Humagalpak ng tawa ang kaybigan nya. "Kalma, ako lang 'to." Tinapik sya ng kaybigan sa balikat. "Nag bibinata na talaga ang pare ko," pang-aasar pa sakaya ni Leonel. "Bwiset ka talaga," napahilot sa sentido si George bago nag tipa upang padalhan ng mensahe si Laura. "Ang ganda na ng usapan namin istorbo ka masyado. Palibhasa walang jowa," balik na pang-aasar nya sa kaybigan. "Ayos lang, iwas sakit ng ulo." "Kaya ako ang pinapasakit mo ang ulo? Privacy namin yun, masyado kang marites. Kalalaki mong tao, kainis." "Ang sabihin mo nabitin kalang sa usapan mo. So, ano na real score between you and Luara?" Sinundot pa ni Leonel ang tagiliran nya. "Hintayin mo nalang kasal namin, bwiset ka." "By the way wala akong oras kaya bibilisan ko na," sumeryoso ang kaybigan nya. "Wala ka pang oras sa lagay na 'yan?" Napailing sya bago sumeryoso na rin. "Anong balita?" "Sa radyong sira." "Umayos kana!" Inis na sigaw ni George. "Oo na, kumalma ka Doctor George." Ngumiti pa ito sakanya ng nakakaloko. "Papa G pala," sinundot na naman nito ang tagiliran nya. "Sasapakin na kita," banta nya sa makalokohang si Leonel. "Kumalma ka nga muna kasi, masyado karin kasing high blood. Alam mo may kagaya kang artista," umakto pang nag iisip ang kanyang kaybigan. "Alam ko naman yun. Nakakapag taka pa ba sa gwapo kong ito?" "Sa pangalan lang feelingero karin masyado. Si Papa P, Piolo pascual." "Marami pa akong gagawin straight to the point." Utos nya bago sinamaan ng tingin si Leonel. "May nasagap akong balita na nakikipag tulungan si Bea sa ina ni Justin. Bantayan mo yang fake friend mo na yan, mahirap na." "Ganun ba," naging malamig ang timpla ni George. "Sige, ako na bahala, basta si Justin at yung ina bantayan mo." "Deposit ka muna pera sa bank account ko." Mandurugas din talaga ang kaybigan nya. Napailing na lamang sya. "Sige, bente pesos pang kwek-kwek mo." "Wala sa usapan yan! Sabi mo name your price ituturing ko 'to na utang mo." Nag daramdam na wika ng kaybigan nya. "Oo na, sige na alis na." "Kapag hindi ka nag bayad isisiwalat ko kay Laura yung madilim mong sekreto. Sasabihin ko sakanya at kay Travis na sampong taong gulang kana dumedede ka pa sa Mommy mo." Pag babanta ni Leonel sakanya. "Idedeposit ko na agad yung pera itikom mo lang yang bibig mo." Hindi na gusto ni George na malaman pa ng mag ina ang nakakahiyang bagay na yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD