Chapter 14

1019 Words
Masakit ang ulo ni George ng magising sya. Mukang napasobra talaga ang inom nya, hindi naman talaga napasobra. Sadyang mahina lang talaga sya sa alak. "Good morning Papa G!" Masiglang batin sakanya ni Travis. Iniyugyog pa sya ng bata dahilan para bumaliktad ang sikmura nya at mapatakbo sa banyo. Kaagad syang sumuka kaya naman napasibi si Travis. "Okay lang ako anak," wika nya rito habang habol ang hininga. Hinagod nito ang likod nya ngunit natigilan sya at muling napaharap rito. "Anak," muling sambit nya. "Po?" "Anak." "Po?" Sarap na sarap si George sa pag tawag nyang anak kay Travis. "Pwede ba kitang tawagin na anak?" "Oo naman po. Papa G naman po kita kaya anak mo narin po ako," masayang sagot ni Travi sakanya. Napatango sya bago kinarga ang limang taong gulang na si Travis. Bumaba sila at nadatnan sa kusina si Laura na nag luluto. Ngumiti ito bago nag lagay ng plato sa mesa. "Kain na para makainom kana ng gamot," wika nito bago bumalik sa pagluluto ng omelet. Nahihiya man si George ay nag lakas loob na syang tanungin si Laura kung may ginagawa ba syang pambabastos kagabi o masamang pananalitang nabitiwan dahil sa labis na kalasingan nya. "About nga pala kagabi anong ginawa ko, or may nasabi ba ako?" Napatitig sakanya si Laura kaya mas kinabahan sya. Napalunok sya dahil sa kaba bago nilagok ang isang basong tubig. "W-wala naman." Nautal pa ito kaya napakunot ang nuo nya. "Sabihin mo lang kung may ginawa ako para makahingi agad ako ng tawad." "Inalagaan ka po ni Mommy ko Papa G." Pagmamalaki ni Travis bago tinuloy ang kinakain. Napatango sya bago sumulyap kay Laura na hindi makatingin sakanya. "Salamat sayo, pasensya na." "Basta sa susunod wag kanang basta iinom kasi baka mahirapan ka huminga. Hindi ka pa naman sanay uminom," bilin nito sakanya kaya bigla syang nakaramdam ng hiya. Gusto nyang bumawi sa mag ina kaya naman naisipan nya itong ipasyal. After ng duty nya ay aayain nya ang dalawa para bago ito lumipat ay naipasyal na nya ang mag ina. "Mommy ang alat ng luto mo," reklamo ni Travis kaya napakunot nuo ni Laura. Napaiwas ng tingin si George bago napangiwi. Kanina pa talaga sya naalatan sa itlog kaso hindi sya umaangal. Mabilis nya itong inubos kahit na nag susumigaw na ang bato nya sa sobrang alat. "Masarap sya actually, medyo maalat lang pero for me masarap naman. Travis masarap naman diba?" Kumindat sya rito bilang tanda na wag ng sabihin si Mom nya. Mabilis naman nagets ni Travis ang gustong iparating ni George. "Wag nyo ng pilitin," nakangiting saway ni Laura. "Pag-aaralan ko pa para maging maayos ang lasa." "No need, kahit anong luto pa yan kakainin ko basta ikaw." Namula si George sa sinabi nya. "I mean, yung luto mo kakainin ko." Paliwanag nya para mas maintindihan ni Laura ang sinabi nya. Nag ring ang phone ni George kaya agad nya itong sinagot. "Napatawag ka Bea," umiba ang expression ni George. Ang kaninang masayang mukha nya ay napalitan ng pag tataka. "I'm here," sabi nito bago binaba ang tawag. May nag doorbell kaya naman binuksan nya ito ng pinto. "Hi," nakangiting bati nito sakanya. "Anong ginagawa mo rito?" "Welcome mo naman ako, kaybigan mo rin naman ako." Inis na sabi ni Bea bago ngumiti kay Travis. "Hi baby boy," bati nito sa bata. "Hello po," balik na bati ni Travis. "Here," may inabot na paper bag si Bea. "I bought this for you baby boy, cause your so cute." Pinisil pa ni Bea ang pisngi ni Travis ngunit hindi naman madiin. Napangiti si Laura. "Anong sasabihin Travis kapag binibigyan ka?" Tanong nya sa anak. "Salamat po, I love you." Nag flying kiss si Travis bago tumungo sa sala at binuksan ang regalo. "Sundan ko lang," bulong ni George bilang paalam kay Laura. Tumango si Laura. Muli nyang nginitian si Bea kahit silang dalawa na lamang. "Hirap maging plastic sayo, buti nalang cute anak mo, pero ikaw." Umismik ito sakanya. "Ayoko parin sayo para kay George. Ako ang nauna kaya matuto kang dumistansya," mataray na wika nito sakanya. "I know and I'm sorry kung iyan an tingin mo sakin. Huwag mo lang saktan anak ko," banta nya kay Bea bago ito iniwan. Sa kwarto nalang muna sya upang makagalaw ng maayos si Bea. Pakiramdam nya naiilang talaga ito dahil sa selos. Iiwas nalang sya dahil ayaw rin naman nyang makasagabal sa gusto ni Bea. Nag patulong narin sya sa co-teacher nya na mag hanap ng maliit lamang na apartment para sakanila ng anak nya. Bukas ay bibisitahin na lamang nila ito para kapag nagustuhan nya ay mabilis silang makalipat. "Pwede bang igala namin si Travis?" Bungad ni Bea kay Laura ng makita sya nitong patungo sa kusina para sana uminom. "May bonding na kaming nakaset," si George ang sumagot. Hindi alam ni Laura yun kaya napakunot na lamang ang kilay nya. Wala naman kasing nasabi sakanya si George na aalis sila. "Sad naman, sige next time nalang." Pakunwareng sabi ni Bea kahit na inis na inis na sya. HINDI NA NAG TAGAL SI BEA. Tuluyan na itong nainis kahit hindi nya ipinapahalata. Gusto nyang makuha ang loob ng bata at ni George para masiraan si Laura at sya na ang maging biological mother ni Travis. Ito ang plano nya na kahit malabo ay pipilitin nyang mangyari. Kaya naman nais nyang makipag sabwatan sa ex husband ni Laura. "Aalis pala tayo?" Takang tanong ni Laura. Ngunit imbis na sumagot ay napatulala lamang si George. "Ang ganda," bulong nya habang hindi maalis ang tingin kay Laura. Nag iwas ng tingin si Laura. Hindi nya inaakalang makakahanap sya ng kaybigan na kagaya ni George. Iyong mga hindi nya nararanasan ngayon ay mararanasan na nya. "Ang sarap mong titigan na may ngiti ka sa labi." Anas pa ni George. "Ayaw na kitang makitang umiiyak at nasasaktan kayong dalawa ni Travis." "Sana po ikaw nalang ang Daddy ko." Umiiyak na wika ni Travis bago niyakap si George. Soon anak, kapag kaya na ni Mommy. Wika ni Laura sa kanyang isipan. "Tahan na," kinarga ni George si Travis at sinakay sa sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD