"Ang saya po rito!" Natutuwang sigaw ni Travis.
"Oo nga!" Sang-ayon naman ni George.
Masaya silang nag hahagis ng Bola sa ring. Pumunta kasi sila ng palaruan sa mall. After nilang mag laro ay napag pasyahan nilang kumain na dahil mukang napagod na si Travis kakalaro.
Hawak nya si Travis sa kamay habang si Laura naman ay nakahawak rin sa isang kamay. Kabilaan sila ng hawak sa bata, para silang isang masayang pamilya.
Nakatingin ang ibang tao marahil ay nakikilala si Laura. Ngunit hindi na lamang nila ito pinapansin hanggat walang lumalapit sakanila at pinag sasalitaan sila ng masama.
Matapos ang pag gagala ay sinamahan sila ni George na pumili ng apartment. Hindi rin pumayag ang binata na basta nalang sila tumira sa maliit na apartment. Inaalok pa nga sila ng doctor ng malaking bahay ngunit hindi na ito tinanggap ni Laura.
"Dito na ba agad kayo tutuloy?"
"Oo sana," napabuntong hininga si Laura. "Wala naman na kaming gamit na kukuhanin sayo. Wala naman kasi talaga kaming gamit."
"Ganun ba," malungkot na nangiti si George. "Palagi akong pupunta rito ayos lang ba? Mamimiss ko kasi kayo."
"Oo naman, palagi kang welcome."
Yinakap nya si Laura bago sumakay na sa sasakyan at umalis. May pasok narin sya bukas at magiging busy ngunit hindi nya kaylan man makakalimutan dalawin ang mag ina.
"Kamusta si Travis?"
"Okay naman," simpleng sagot nya kay Bea.
Napatango ito. Mainit ang ulo ni George dahil sa nalaman nya na pinapasundan parin pala ng Ina ni Justin sila Laura. Hindi sya makapag isip ng maayos dahil sa pag-aalala.
Imbis na kila Laura ang tungo nya ay si Leonel na lamang ang pinuntahan nya upang kausapin at pamanmanan din ang ina ni ina ni Justin.
"Natatakot ka para sakanila?"
"Sobra, takot na takot ako Loenel."
Tinapik ng kaybigan ang balikat nya. "Puntahan mo na, baka hinahanap kana ng mga yun. Payo ko lang din na wag mo na muna silang palabasin ng bahay. Kausapin mo si Laura na wag na munang mag trabaho. Mag papadala nalang ako ng pwedeng mag tutor sa bata."
"Sige, salamat."
Mabilis syang nag maneho patungo sa mga ina. Sinalubong sya ni Laura ng may ngiti sa labi. "Kamusta ang araw mo?"
"Masaya naman," pag-sisinungaling nya kay Laura. "Si Travis?"
"Tulog na, gabi na kasi ayoko ng napupuyat sya. Maaga pa ang pasok namin bukas."
"Laura may gusto sana akong sabihin sayo."
"Ano yun?"
"Delikado pa kasi na lumabas kayo kaya mas mabuti na sa bahay muna kayo ni Travis. Mag papadala naman si Leonel ng tutor ni Travis kaya matututukan parin naman sya."
Napatango si Laura. "Ganun ba," malungkot itong tumitig sakanya. "Salamat palagi kang nakaalalay samin."
Ngumiti si George. Naupo silang dalawa sa sofa habang nanunuod ng movie. Ito na yata ang matatawag na date nilang dalawa para kay George. Masaya na si George sa ganitong sitwasyon nila at least kahit paano ay naipapakita nya ang pagmamahal nya at naipadrama sa mag ina.
"Ganun mo ba talaga ako kagusto?" Basag ni Laura sa katahimikang namayani sakanila.
"Gustong gusto Laura. Gusto ko kayong protektahan at mahalin ni Travis. Ituturing ko sya na tunay kong anak kung hahayaan mo lamang ako, pero kung hindi ka parin handa dahil sariwa pa ang lahat ay ayos lang. Handa akong mag hintay," paliwanag ni George.
"George," bumaling sakanya si Laura. "May anak na ako. Hindi na ako basal o babaeng dalaga na walang karanasan. Mapait ang nakaraan ko at napag sawaan na nya ako."
"Laura wag mong isipin yan. Wala akong pake sa nakaraan mo. Hindi kita minahal dahil lang sa pisikal mong katawan hindi yun ang pakay ko. Kaylangan ba kapag nag mahal Tay may dahilan?"
Pinahid nya ang luha ni Laura.
"Ayoko ng maranasan yun George. Takot na takot ako na maulit na naman yun," halos pabulong na lamang ang salita ni Laura dahil sa malabis na pag iyak.
"Hindi ko kukunin sayo ang hindi mo kayang ibigay sa ngayon Laura."
NAPANGITI SI LAURA SA SINASABI NI GEORGE SAKANYA NGAYON. Masaya silang nanuod ng movie at natulog ng mag kayakap ngayong gabi katabi si Travis na mahimbing rin ang tulog.
"Uuwi na si Mom susunduin ko kayo mamaya," bilin ni George ng maihatid ang grocery kila Laura.
Ilang linggo ang lumipas at naging maayos naman sila. Mas sumaya ang bonding nila at palaging nag tatawanan.
Hanggang sa nakatanggap nga si George na uuwi na ang magulang nya. Excited na syang ipakilala ang mag ina kaya naman walang pag lagyan ang saya nya.
"George nag mamadali ka yata?" Kunot ang nuo ni Bea.
"Yep, may party kasi mamaya. Punta ka," anyaya nya sa dalaga.
"Sige, see you." Sagot ni Bea na masayang masaya dahil inanyayahan sya ni George.
Samantalang si Laura naman ay kinakabahan. Hindi nya pa sigurado kung anong sasabihin sakanya ng magulang ni George. Tiwala sya sa kasintahan. Sinagot nya si George hindi naman mahirap mahalin ang doctor at nakita nyang mahal na mahal nito ang anak nya.
Wala ng ibang hahanapin pa si Laura dahil full package na ang binata.
"Are you ready?"
Napatango sya bago ngumiti. Hawak kamay silang pumasok sa loob ng bahay ng pamilya ni George habang si Travis nauna na sakanila dahil maging ito ay excited narin.
"Mom," tawag ni George sa kanyang ina.
Maamo ang mukha ng ginang. Lumapit ito sakanila at nginitian si Laura. "Ikaw pala si Laura," malambing ang boses nito.
"Opo," nahihiyang sagot nya.
"Palagi kang naikwekwento ng anak ko." Nagulat na lamang sya ng bigyan sya nito ng yakap. "Alam mo iha hindi mo kaylangan matakot. Para sakin e, kung mahal ng anak ko ay mahahalin ko narin."
"Salamat po," hindi mapigilan ni Laura na maluha sa saya. "Akala ko po kasi hindi nyo po kami matatanggap."
"No iha, don't cry. Stand up straight at wag na wag mong ibababa ang sarili mo. The more na binababa ka nila ay lalo mo dapat itaas ang sarili mo. Huwag kang papa-apekto sakanila." Bulong ng ina ni George. "Nasaan nga pala si Travis? Kilala ko na ang batang yun dahil sa palaging pag kwekwento ni George sakin, kung alam mo lang iha. Matagal na nya akong kinukulit na umuwi." Naiiling na kwento ng Ina nito.
"Tita! Omg, your here na pala." Si Bea na bigla nalang sumulpot kung saan.
"Bea ikaw pala."
"Yes tita, maganda parin like you." Pambobola nito sa ina ni George. "Oh, Laura your here rin pala." Bahagya itong ngumiti sakanya.
"Excuse lang po hanapin ko lang si Travis." Paalam ni Laura.
"Laura, wait." Hinarang sya ni Bea.
"Bakit?"
"Ito ang bagay sayo." Binuhusan ni Bea ng juice si Laura. "Omg, I'm sorry." Mapang insultong sabi pa nito bago sya nginisihan.