Nilagok ni George ang isang basonh puno ng matapang na alak. "Dapat ba pigilan ko sya?"
"So, anong point ng pag iinom?" Takang tanong ni Leonel.
"Nasasaktan ako na mawawala na sila sa poder ko," mapait na sambit ni George.
"Ang drama mo naman palang doctor ka." Tinapik ng kaybigan nya ang kanyang balikat. "Matagal silang pinag kaitan ng kalayaan so, bakit pati ikaw mukang ipag kakait sakanila yun?"
"Hindi ko naman sila ikukulong o pag kakaitan ng kalayaan Leonel. Gusto ko lang mapadama yung pagmamahal ko," paliwanag ni George.
Nasa bahay sya ngayon ng kaybigang at nag lalabas ng sama ng loob. Hindi nya magawang harapin si Travis dahil mas nalulungkot lamang sya. Ngunit iyon ang tamang gawin, tama si Laura. Mas lalo lang iisipin ng tao na may relasyon sila at dahilan lang ni Laura ang pambubugbog sakanya.
"Wala akong karapatan na pigilan sila, pero pre mahal na mahal ko si Travis. Nakikita ko yung sarili ko sa batang yun, pakiramdam ko nga ako yung tatay nun eh. Sana nga ako nalang," napatakip ng mukha si George.
"Umiiyak kaba? Gago, bakit?"
Tumitig sya sakanyang kaybigan. "Kasi ngayon lang ako nakaramdam ng ganito."
"Huwag kang mag pakalasing naku ka!" Saway ni Leonel sakanya ngunit hindi nya ito pinasin.
Para kay George ay pampalakas lamang iyon ng loob at celebration narin para sa tagumpay nila sa laban kay Justin.
Naiintindihan nya si Laura at gagawin nya lahat mapahilom lang ang sugat nito sa puso.
"Hindi nakukuha sa sapilitan ang lahat," ito ang katagang tumatak sakanya na sinabi ng kanyang kaybigan. "Kahit ako nasa kalagayan nung mag ina matatakot ako George," napabuntong hininga si Leonel. "Hindi biro ang pinag daanan nila at ngayon palang nila mararanasan ang mamuhay ng wala ng takot at pangamba."
"Alam mo yung pakiramdam na mas ako yung apektado at nasasaktan." Napahawak sa ulo si George. "Nasusuka na ako," bulong pa nya.
"Yak! Nag dadrama kalang tapos titirada ka ng ganyan, kaybigan ba talaga kita? Pwede sumuka pero bawal sumuko." Biro pa ni Leonel bago inalalayan ang kaybigan na hindi na kaya pang tumayo.
"Pinahirapan pa ako," reklamo ng kanyang kaybigan.
"Mahal ko sya pre."
"Manahimik ka na nga," sita sakanya ni Leonel.
"Mahal na mahal ko sila ni Travis!" Hindi sya nag paawat at isinigaw pa talaga.
"Kapag nasa bahay na tayo manahimik kana nakakahiya kay Laura," bilin ni Leonel na hindi pinasin ni George.
Mahina ang tolerance nya sa alak kaya naman ilang tagay lang ang lasing na sya. Hindi naman kasi sya palainom at wala ring bisyo. Tanging pagiging workaholic lamang ang bisyo nya na kahit sa hospital na matulog at hindi umuuwi ng ilang araw ay okay lang.
"Nasaan po si Papa G?"
Napalingon si Laura sa anak na nagising pa pala para lang tanungin si George. Busy sya sa pag huhugas ng pinag kainan nilang mag ina.
"May pinuntahan lang sya. Bukas pag gising mo nandito na sya kaya tulog kana, okay?"
Tumango ito sakanya bago umakyat ng hagdan pabalik sa kwarto nila. Matapos nyang mag hugas ay naupo na sya sa labas upang hintayin si George. Gabi na, hindi nya mapigilang mag alala lalo na't may pag babanta ang ina ni Justin.
Napatayo sya ng may humintong sasakyan sa tapat ng gate. Agad nya itong nilabas at napangiti sya ng makita ang kaybigan ni George. Ngunit si George ay halata na nyang lasing dahil sa maingay nitong boses at pagewang gewang na lakad.
"Laura pasensya na," agad na wika ni Leonel. "Hindi ko na napigil eh. Nakatatlong shot lang naman yan, mahina lang talagang uminom. Sabi nya nag sasaya lang daw sya kasi okay na yung kaso." Paliwanag nito sakanya.
"Nasaan si Laura? Kilala mo ba si Laura?" Tanong sakanya ni George na hindi na makakilala dahil sa kalasingan.
"Tignan mo nga kalokohan nito. Hindi ko kilala yan," tanggi ni Leonel. "Iinom inom alam ng mahina nga sya sa alak."
"Pasensya kana," wika ni Laura bago inakay si George. "Ako si Laura," wika pa nya rito.
"Hindi ikaw si Laura."
Lihim syang napangiti bago sumenyas kay Leonel na tulungan syang ipasok ito sa kwarto nito. Hirap na hirap silang inakya si George at ng makahiga na ito at dun palang sila nakaginhawa. Ngunit ilang segundo palang ay tumayo ulit ito.
"Aano ka pa?" Sya na ang nag tanong.
"Hahanapin si Laura at Travis. Kaylangan ko silang protektahan, baka may nanakit sakanila. Ayoko silang nalulungkot kasi ako yung--" Naputol ito sa pagsasalita. "Ako kasi yung mas nasasaktan kahit na wala naman akong karapatan."
"Napayuko si Laura upang itago ang nangingilid nyang luha.
"Sige Luara, alis na ako ha." Paalam ni Leonel bago marahang isinara ang pinto ng kwarto.
"Hinahanap ka ni Travis," bulong nya habang hinahaplos ang ulo ng binata.
"Sana ako nalang yung Daddy nya."
"George bakit mo ba 'to ginagawa sa sarili mo?" Napadukdok na sya sa dibdib nito.
Naramdaman nyang may humaplos sa buhok nya. "Kasi gustong gusto kong maging parte ng buhay nyo. At handa akong mag hintay, pangako. Hindi kita pipilitin pero pakiusap hayaan mo akong makapasok sa puso mo. Aalisin ko lahat ng bad memories at papalitan ng masasayang alaala."
Nakatulog na si George. Pinunasan na lamang ni Laura ito ng bimpo na binasa sa maligamgam na tubig. Pinalitan nya rin ito ng sando dahil basa ng pawis ang damit nito. Ang pang ibaba nito ay hinayaan na nya, inalis lamang nya ang sapatos nito at medyas.
Matapos mailigpit ang lahat at makumutan si George ay tumayo na sya. Hating gabi narin kaya matutulog na sya, at bago lumabas ay dumukwang sya sa binata upang gawaran ito ng isang halik.
Maingat nyang idinampi ang labi nya sa malambot nitong labi. Ngunit ng aalis na nya ito ay may humawak sa bewang nya at sinakop ng tuluyan ang labi nya.
Hindi nya alam kung paano nya mababawi ang nagawa nya ngunit ilang segundo pa ay tumigil sa pag galaw si George.
Nakatulog na pala ulit ito. Mabilis syang lumakad palabas ng kwarto at tinakbo ang kwarto nila ni Travis. Tinabihan nya ang anak nya at tinitigan ito. Ilang minuto syang nakatitig sa anak ng sa kisame naman matuon ang paningin nya. Nag flash back sakanya ang ginawa nya kaninang pag gagawad ng regalong halik kay George.
"Sana po hindi nya maalala," wish nya bago pumikit at tuluyang nakatulog ng may ngiti sa labi.