"Binubugbog nya po ako." Ito ang paunang salita na inilabas ng bibig. Nanginginig si Laura ngunit ng masilayan si George na nakangiti sakanya na parang sinasabi na magiging maayos na ang lahat ay nabubuhayan sya.
"Hindi totoo yan!" Galit na sigaw ni Justin kaya mabilis syang sinaway ng abogado nya at pati ng hukom.
"Mahal ko ang asawa ko at alam nya yan. Kahit pa hindi ako gusto ng pamilya nya," napasulyap sya sa biyanan nyang matalim na nakatitig sakanya. "Kasi pinang hawakan ko yung salitang mahal na mahal nya ako." Bumaling sya sakanyang asawa ng tingin napako ang tingin nya rito. Tingin na puno ng sakit at pagmamakaawa.
Umaasa sya na palalayain na sya ni Justin.
"Pero yung pagmamahal kasi napalitan ng sakit yun e," tuluyan na syang napahagulhol.
Gustong gusto syang lapitan ni George upang punasan ang luhang umaagos sa pisnge nya. Ngunit alam ni Laura na walang gagawa nun para sakanya kaya naman sya na ang mismong nag pahid ng luha nya. Matapang syang nag patuloy sa pagsasalaysay ng pangyayari.
"Iyong pagmamahal ko kasi nabalot ng takot. Bigla kang nag bago, parang hindi na ikaw yung Justin na nakilala ko. Never kang nag pakita ng pag aalala sa anak mo. Kahit sakanya nalang sana, pero maging sya pinag kaitan mo ng pagmamahal."
"Minahal kita! Napaka sinungaling mong babae! Palibhasa may sinasandalan ka kaya ganya ka katapang."
"Your Honor," abogado ni Justin. "Nadadala lamang sya ng kanyang emosyon dahil may mga katibayan kami na nag papatunay na may lalaki si Ms. Laura," napasulyap sakanya ang abogado.
"Your Honor, in my opinion. Kahit na nadadala sya ng emosyon ay hindi nya parin maaring pag salitaan at insultuhin si Ms. Laura. Masyado ng traumado ang biktima, at may mga katibayan kami na totoo ang aming mga ipinaparatang sakanyang asawa." Abagodo ni Laura ang nag salita para sakanya dahil sa hindi na sya nakapag salita pa.
"Objection Your Honor! Self defense lamang ang ginawa nya dahil sa pananakit mismo ni Ms. Laura. Sa katunayan ay sya ang biktima dahil sa pananakit at pag bubunganga ng kanyang asawa."
"Hindi totoo yan! Justin wala yang katotohanan! George? Attorney?"
"Objection overruled!"
Kaylangan sagutin ni Laura. "Hindi totoong sinasaktan ko sya. Saksi ang anak ko at si George," muling umagos ang luha ni Laura. "Wala kaming relasyon ni George. Sya yung tumulong samin kaya kami nakawala ng anak ko dahil ikinukulong ako ng demonyong yan."
MAY IPINAKITANG IBENDENSYA ANG KAMPO NI LAURA. Hindi makapaniwala ang karamihan na nasa korte sa mga isiniwalat nila. Si Justin naman ay panay ang tanggi at panindigan na hindi sya guilty ngunit matibay ang katibayan ni Laura.
"Congrats," nakangiting bulong ni George ng mahatulang guilty si Justin.
"Mom! Laura hindi mo pwede gawin sakin 'to!" Akmang sasaktan pa sya ni Justin ng pigilan ito ng mga pulis at tuluyang iposas.
Inakay na ni George palabas si Laura na patuloy parin sa pag iyak. Pasakay na sana ito ng sasakyan ng may humila rito.
"Ang kapal ng mukha mo!" Isang malakas na sampal ang natamo ni Laura sa ina ni Justin.
"Kaya po sya naging ganyan dahil sa pangungunsinte nyo ma'am."
"Wala kang karapatan hampas lupa ka! Hindi pa tapos Laura," dinuro sya nito kaya naman si George ay mabilis na humarang sa pagitan nila.
"Wala rin po kayong karapatan na tapakan at insultuhin si Laura. Kayo ang nakagawa ng masama sakanya kaya kayo ang dapat na humingi ng tawad imbis na mag mataas. Tamang edukado nga ho kayong tao ngunit wala kayong modo."
"At sino ka? Ikaw yung lalaki nya? Tandaan mong kasal kayo ng anak ko. At magagamit namin yan para dinggin ulit ng korte ang kaso nya. Hindi kayo matatahimik," banta pa nito sakanila.
"Tapos na po ma'am. Pirmado na po ang annulment paper dahil nasusuka akong gamitin pa ang apelyido ng demonyo mong anak." Tuluyan ng sumakay ng kotse si Laura at ganun din si George.
Natigilan si George sa pagmamaneho ng bigla na lamang humagulhol si Laura ng iyak.
"Why?"
"Malaya na ako," umiiyak na sambit nya.
Pinahid ni George ang kanyang luha at hinawakan ang kanyang kamay. "Laura proud na proud kami sayo ni Travis. Kinaya mo," nakangiting wika ni George.
"Dahil sa tulong mo."
"Kasi deserve mong maging masaya. At tandaan nyo ni Travis na palagi lang akong narito sa tabi nyo. Hindi ko kayo iiwan."
Masayang sinalubong ng yakap ni Travis ang kanyang Ina. Samantalang kalat naman ang balitang sibak na at kulong pa si Justin. Maraming tao ang gulat sa balita dahil sa nalaman nila.
Habang si Laura, George at Travis ay masayang nag sasalo-salo ng panghalian.
"Pauwi na sila Mom at gusto nya kayong makilala." Masayang balita ni George sa mag ina ngunit si Laura ay hindi sang- ayon. Hindi na nya gustong madatnan pa sila ng parents ni George kaya binabalak na nyang kumuha kahit na maliit lang na apartment.
Pinatapos nya muna ang masayang pagkain nila bago kinausap si George.
"Binabalak ko ng bukas na mag hanap kahit maliit na apartment lang para samin ni Travis." Basag nya sa katahimikang bumabalot sakinala ni George habang nakaupo sila sa sofa.
"Kaylangan ba talaga? Hindi ko naman kayo pinapaalis."
"Pero mas lalo lang nilang mapapatunayan na tama ang hinala nila. Malandi ako at pumatol sa iba para lang makalaya," paliwanag ni Laura.
"Bakit ba palagi nalang dapat iniintindi ang sasabihin ng ibang tao?" Pagak na tumawa si George. "Masaya ako para sainyo ni Travis, pero kaylangan ba talaga iwan nyo na agad ako? Napamahal na sakin yung bata," napaiwas ng tingin si George.
Hindi nya masabi ang totoo.
"Pwede mo naman kaming dalawin bukas ang pinto namin para sayo. Dahil ikaw ang anghel na ipinadala samin para iligtas kami mula kay Justin."
"Sana pati yung puso mo bukas din para sa taong ang gusto lang ay mahalin ka."
"George sa ngayon kasi hindi ko pa talaga kaya, pasensya na. Hindi sa nag iinarte ako o nag papakipot, pero kasi yung takot, sakit at trauma. Nandito parin kasi yun e," itinuro ni Laura ang puso nya. "Hindi pa nag hihilom."
"Handa akong maging antibiotic, o maging band aid para sayo."
"George ayoko."
Tumayo na si George at akmang lalakad palabas. "Ayoko na maging panakip butas ka lang. Gusto ko yung handa na ako, at sana kung totoo ka mahintay mo ako."