Chapter 20

862 Words
Masaya ang gabi ni George at Laura ngunit hindi nila inaasahang pangit pala ang bubungad na umaga sakanila. Nawawala si Travis. Sabi ng Ina ni George ay may pumasok na masasamang tao sa bahay at tinangay ang anak ni Laura. Ngayon ay sinisisi ni Laura ang kaniyang sarili. Sana ay hindi na nya iniwan ang kaniyang anak. Hindi sana ito nawala sa paningin nya, masyado syang nadala ng emosyon at nakaligtaan na si Travis. Hindi kasi sila nakauwi kaagad kagabi dahil natagalan sila. Mag u-umaga na ng makauwi sila at bumungad ang balitang wala na nga ang bata. Alam nila ni George na iisa lang ang maaring gumawa nito. Ang Ina ni Justin, ngunit mali sila. Dahil nakalaya na ang dating mayor. Tumakas ito sa kulungan, at pinaghahanap pa sa ngayon. Habang ang anak nya ay inireport narin nilang missing person, pero ayaw ilagay ng pulis na missing person si Travis dahil wala pang bente kwatro oras itong nawawala. Takot na takot si Laura. Hindi sya mapakali, wala syang maisip na matinong plano paano mahahanap at mababawi ang anak. "I'm sorry," basag ni George sa katahimikan. "For what?" "Dahil hindi ko sya nabantayan," nangingilid ang luha ni George. Ganun din si Laura na labis ang pag aalala. Ipinag darasal nya na sana'y maayos ang kalagayan ni Travis. Ama parin naman nito si Justin, naniniwala sya na iiral ang lukso ng dugo at hindi nito kakantiin ang anak nya. "Walang may kasalanan," pag papalakas nya sa loob ng nobyo. "Kapag may nangyaring masama sakanya hindi ko mapapatawad ang sarili ko." "George wala kang kasalanan, okay?" Mahigpit na niyakap ni Laura si George. "Mahahanap natin sya, tiwala lang." Walang silbi kung iiyak lang sya. Ito ang nasa isip ni Laura, mas mabuti kung hanapin nalang at umisip ng magiging plano kaysa umiyak. Pilit niyang pinapalakas ang loob ni George kahit na maging sya ay kung ano-ano na ang pumapasok sa isip. "Mahirap hanapin ang location, pero sinusubukan ko." Si Leonel na kanina pa nakaharap sa computer. "Please do everything," pakiusap ni Laura sa kaybigan ng nobyo nya. "I will," seryosong sagot nito. "Si Bea, baka alam nya." Napalingon si Leonel at Laura kay George. "Subukan mo kayang makipag kita?" Suggestion ni Leonel. "Hindi ba delikado? Baka mahuli tayo," si Laura na nakatitig pa kay George. "Basta kahit anong mangyari sisiguraduhin ko na mahahanap natin sya," hinagkan sya nito sa labi bago lumabas upang subukang makipag kita kay Bea. Kukumbisihin ni George na sumuko si Bea at wag idamay ang bata. Ito ang kinatatakutan nya. Kahit anong pag iingat nila ay nalusutan parin sila. Tumulong na ang magulang nya na mag kabit ng flyers para kay Travis. Nag bigay na din sila ng pabuya para agad na may mag sabi kung saan ang location na pinag tataguan ni Justin at ng demonyo nitong Ina. Tinawagan nya si Bea habang nag mamaneho. "Please pick-up the phone," gagad na sambit nya. Worth it naman ang pag hihintay nya sa sagot ni Bea. Mataray na tanong ang bumungad sakanya. "Bakit?" "Mag kita tayo," sagot nya bago ibinaba ang tawag. Ilang sandali pa ay narating na nya ang sinabi nyang lugar kung saan sila mag kikita. "I need your help," bungad ni George. Hindi na nya hinayaang maunang mag salita si Bea. "Huwag naman sana idamay ang bata," dagdag pa nya. "Gosh, iyan lang itatanong mo? Alam mo sinasayang mo lang ang oras ko." "Gagawin ko lahat. Masiguro ko lang na ligtas at mababawi ang bata," dagdga pa nya. "Really? Lahat-lahat?" Pagak na tumawa si Bea. "Cancel the wedding and marry me," malamig na utos nito. "And why would I do that?" "Kasi hawak namin ang buhay ng anak anakan mong iyakin. Gusto mo makita ang video nya?" Panunuya pa ng dalaga bago may ipinakitang video. Mahina lang ang sound, tamang naririnig nya lang ngunit alam nyang umiiyak si Travis. "Please lang, ilabas nyo na ang bata sa ginagawa nyo," pakiusap nya. "Itama mo pa habang may panahon pa. Tatanggapin kita, bilang kaybigan parin." Alok ni George sa dalaga ngunit sadyang matigas ang kalooban nito. "Kung minahal mo lang sana ako." "Bea, hindi ka naman ganito." "Pwes, ganito na ako ngayon." Madiing sagot ni Bea bago umirap. "Ano? Nakapag decide kana ba?" Malakas na tumawa si Bea. "Bahala na si Justin kung anong gagawin nya sa bata, basta ako ikaw ang priority ko." "Nasaan ang bata?" Pamimilit ni George. "Secret no clue," nang-aasar na sabi ng dalaga. "Kapag may nangyaring masama kay Travis. Siguraduhin mong mag tago ka. Dahil ha-hanapin talaga kita." Banta nya sa dalaga. "Paligayahin mo ako sa kama," bulong ni Bea. "At kapag nagustuhan ko baka sakaling sabihin ko pa." "Bea wag mong gawin ito sa sarili mo," malungkot na wika niya. "Bakit hindi ka pa tumawag ng pulis? Ipakulong mo ako," hamon nito habang nakangisi. Hindi maaaring gawin ni George agad 'yun. Dahil alam nyang ginagamit lang ni Justin si Bea. At tanging si Bea lang ang pwedeng makapag turo kung nasaan ang anak ni Laura. "Bea." Napalingon sila kay Laura na bigla nalang sumulpot. "Sabi ko sayo ako nalang," mahinahong sabi ni George. Ngunit desidido si Laura na makausap si Bea at mag makaawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD