"Parang awa mo na," nakaluhod na si Laura kay Bea. "Huwag nyo na idamay Ng anak ko." Patuloy ang pag dally ng luha ni Laura ngunit sadyang matigas si Bea at masama parin ang tingin sakanya.
"Laura hindi mo naman kaylangang gawin yan." Aalalayan na sana sya ni George upang tumayo ngunit mabilis nya itong pinigilan.
Anak ni Laura ang nakasalalay rito kaya naman nais niyang sya ang makiusap. Lahat ay gagawin nya para kay Travis. Kahit ano kaya niyang i-give up makuha lang ulit ang anak nya.
"Anak ko sya George at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa anak ko. Alam mong mahal kita, pero mas mahal ko ang anak ko. Sya ang buhay ko. Sya yung naging lakas ko kahit na sobrang impyerno na ang buhay ko. Naisip kong sumuko, pero sabi ko. Paano ang anak ko? Anong mangyayari sakanya? Kapag ba nag pa kamatay ako may manyayari ba? Wala," halos mahina na ang boses ni Laura. "Si Travis yung palaging nag sasabi sakin na magiging maayos din ang lahat. Sabi nya sakin hanggat wala daw yung prince charming ko sya daw muna ang prince ko. Kasi naniniwala pa sya dun. Naniniwala sya na may taong tutulong samin, at ikaw yun."
"Akala mo ba maniniwala ako sa drama mo?" Tanong ni Bea na hindi narin mapigilang maluha.
"Si Travis yung nag patatag ng pananampalataya ko. Palagi n'yang sinasabi sakin na. Mommy okay lang yan, mahal tayo ng Dios. Hindi nya tayo bibigyan ng pag subok na hindi natin malalampasan."
"Laura," sambit ni George sa pangalan nya.
Ngunit patuloy lang sa pagsasalita si Laura habang luhaan.
"Kaya parang awa mo na. Gusto ko lang matapos itong lahat. Gusto na namin manahimik, please Bea. Help us. Help me," hinawakan ni Laura ang kamay ni Bea. "Si George ba? Sya ba ang dahilan kaya ka ganyan? Sige, para sa ikakatahimik mo at para sa ikaliligtas ng anak ko mula sa demonyo niyang ama. Tinatapos ko na yung namamagitan saming dalawa. Wala ng kasal na magaganap."
Masakit para kay Laura ang binitawan niyang salit. Ngunit mas masakit na makitang nag durusa ang anak nya kahit na wala naman itong alam sa mga nangyayari sa buhay nya. Hindi deserve ni Travis na masaktan ng sobra. Ito ang palagi niyang itinatatak sa isip nya.
"Laura hindi mo naman kaylangang gawin yan."
"George kaylangan, para matigil na ang lahat ng ito. Lalayo na kami ng anak ko." Sagot ni Laura. Inalis nya ang singsing nya at lumuluhang ibinigay ito kay George.
"Anak natin," maging si George sya patuloy na ang pag daloy ng luha.
"Alam naman natin na hindi mo talaga sya anak. Iba talaga ang iisipin ng mga tao," hinaplos ni Laura ang pisnge ni George. "Baka nga kaylangan nating gawin 'to para sa ikatatahimik ng lahat."
"Ang drama," pagak na natawa si Bea.
"Tinutupad ko ang pangako ko. Kaya ituro mo kung saan dinala ni Justin ang anak ko."
Nakumbinsi ni Laura si Bea. Tahimik silang dalawa ngayon ni George na pauwi na ng apartment. Humingi na ng tulong si Laura sa pulis at plinano kung paano papasukin ang abandonadong lugar kung saan itinatago ni Justin ang anak nya.
"Kaylangan mo ba talaga akong iwan?"
Hindi agad nakasagot si Laura. Masakit din para sakanya ang naging desisyon nya. Nag dalawang isip sya, pero hinding hindi na kayang balewalain ang anak nya.
"Sanay na ako sa sakit na ipinaparanas sakin pero hindi ko sinabing hindi ako nasasaktan."
"Kaya naman natin gawan ng paraan. Huwag mo 'kong iwan Laura. Kayo ni Travis ang nakakapag pasaya sakin. Mahal na mahal ko kayo!" Tumaas ang boses ni George.
"I'm sorry. Alam kong madami kang ginawa para samin. Napakabuti ng puso mo, mahal ka namin. Alam mong mahal kita, pero paano si Travis?"
"Hindi ko naman kinakasama ng loob kung sino pipiliin mo samin o kung mas mahal mo si Travis. Laura naiintindihan ko yun, pero yung iiwan mo ako. Iyon ang hindi ko matatanggap."
"Sorry George, sa ngayon ito lang muna ang kaya kong sabihin sayo."
"Isuot mo 'to mag papakasal pa tayo. Gagawa ako ng paraan."
Hinatid lamang sya ni George. Umalis na ito at hindi na sya kinausap pa. Nag mamadali itong umalis at upang makikipag kita kay Leonel.
"Kaylangan ng back up mo hindi pwedeng pulis lang."
"Asahan mo ako pre," sagot ni Leonel.
Hinihintay na lamang ang tawag ni Bea para sabihan sila kung kaylan sila maaring tumungo sa lugar. Ngunit nakatanggap ng tawag si George mula kay Bea na nauna na daw pumunta si Laura. Kusa syang tinawagan ni Justin.
Kaya naman agad na nag panic si George. Mabilis silang umalis upang mag tungo sa abandonadong lugar.
"Kamusta na ang asawa ko?" Nakangising tanong ni Justin habang may hawak na baril sa isang kamay.
"Correction, ex-husband." Matapang na pag tatama ni Laura bago hinagilap ang anak niyang si Travis. "Nasaan ang anak ko? Hayop ka talaga, pati bata dinadamay mo sa kabaliwan nyo ng impokrita mong ina!"
"Malandi ka!" Nilapitan sya ni Justin at isinandal sa pader. Sinakal sya nito hanggang sa kapusin na sya ng pag hinga. "Haliparot, walang utang na loob."
"Bitawan mo ang Mommy ko!" Umiiyak na sigaw ni Travis.
"Travis anak!" Itinulak ni Laura si Justin kaya nakawala sya. Mabilis niyang nilapitan ang si Travis at niyakap ng mahigpit. "Nandito na si Mommy anak, sorry nahuli ako."
"Hindi ko po ba sya tunay na Daddy?"
"Anak paano mo nasabi yan? Ama mo sya, kahit gaano sya kasama. Sya parin ang Daddy mo, okay?"
"Bakit nya po tayo tinatrato ng ganito? Bakit nya po kayo binubugbog?"
Natigilan si Justin. Ngunit ang ina nya ay hindi makapapayag. Kaya naman nilapitan sya nito at sinampal. "Ituloy mo ang nasimulan mo!" Sigaw nya kay Justin. "Wala silang kwenta para sayo. Maari ka pang mag anak kaya kalimutan mo na sila. Hindi lang sya an magiging anak mo. Sundin mo ako, at mapapaayos ang buhay mo." Sulsol ng kaniyang ina.
"Bakit ba palagi mo nalang akong dinidiktahan Mommy? Hindi ko naranasan mabuhay bilang bata. Sa murang edad pinaramdam na agad sakin ang dapat na ginagawa ko. Hindi na ako nakapag enjoy."
"Sumasagot kana? Gusto mo bang sabihin ko lahat sa ama mo ang kapalpakan mo?!"
"Napakasama nyo ho pala talaga," si Laura ang sumagot. "Ina din ho ako, at naiintindihan ko kayo pero hindi pagiging ina ang ginagawa nyo ngayon. Hindi nyo sya itinuring na anak. Isa lang syang robot na utusan para sainyo. Kaya nga sya naging ganyan. Sa sobrang frustration nya samin nya binubunton ang lahat kasi hindi nya kayo malabanan. Dahil ginagalang nya kayo," paliwanag ni Laura. "Tao lang din po sya, napapagod. Nakakagawa ng kasalanan, at hindi po kayo ang nag bigay buhay sakanya o sa amin para tratuhin nyo kami ng ganito. Kayo ang nag turo sakanya maging adik hindi ba? Tinuturukan nyo sya bilang pampakalma sakanya hanggang sa hinanap na ng katawan nya yun."
"At sino ka para sabihin sakin yan? Wala kang karapatang ituro sakin kung paano maging ina, hampaslupa ka!"
"Hampaslupa nga ho kami. Sige lang, laitin mo lang ako, pero sainyo bumabalik yan. Habang nilalait nyo ako mas bumababa ang respeto ng tao sainyo."