Chapter 11

1028 Words
"Hayop ka! Sinong babae mo? Sino?!" Inundayan si Laura ng malakas na suntok ng asawa nya. Lasing na naman itong umiwi at bakas pa sa damit nito ang lipstick ng babae. Marahil ito ay ang kutob nyang totoong may kinakalantari nga ang kanyang asawa. "Ano bang pake mo? Binibigay ko sayo lahat wala kang karapatan na mag reklamo." "Utang na loob naman Justin! May magiging anak na tayo ngayon ka pa nag kaganyan? Bakit ngayon pa? Anong problema mo ha? Sabihin mo sakin hindi yung sinasarili mo!" Mabilis syang naisandal ng kanyang asawa sa pader at mariing hinawakan ang leeg nya. "Naririndi na ako sa bunganga mo," matalim ang titig sakanya nito. "Kapag hindi ka tumigil sasaktan na talaga kita." Hindi natakot si Laura sa banta ng kanyang asawa. "Kinain kana ng politika," naluluhang wika nya. "Sabi ko tumitigil kana!" Malakas na sampal ang tinamo nya. "Kaya ka iniinsulto ng pamilya ko kasi ugaling mahirap ka! Bungangera! Mababang uri ng pamilya ang pinang galingan. Sana pala nakinig na ako kay Mommy na wag kang pakasalan. Bulag pa kasi ako nun e," pagak itong tumawa. "Pero ngayong gising na gising na ako Laura. Mulat na ako sa katotohanan na isa kalang display. Kasi kapag basta nalang kita inalis sa buhay ko magiging sagabal kalang. Masisira imahe ko kaya pinag titiyagaan kita, itatak mo yan sa kokote mo." "Napakasama mo. Alam ko naman Justin na una palang ayaw na sakin ng pamilya mo," pinahid ni Laura ang kanyang luha. "Bakit nga ba kita iniiyakan? Sayang ang luha ko, at kahit sa libing mo wala ni isang luha ang papatak mula sa mata ko." "Ayos kalang?" Bumalik sa kasalukuyan si Laura. Nanumbalik kasi sakanyang isipan ang sagutan nila ni Justin. Kahit na ilang taon na ang nakalipas ay sariwa parin sa utak nya ang lahat ng yun. Hinding hindi nya basta malilimot ang lahat, pero pipilitin nya. "Kanina pa kasi ako nag sasalita pero parang ang lalim ng iniisip mo," dagdag pa ni Levi. Co-teacher nya si Levi. Mabait ito at sa unang araw palang nya sa eskwelahan ay ito na mismo ang nakipag kilala sakanya. Hinahayaan narin ni Laura ang mga magulang ng bata na pag usapan sya sa tuwing makikita sya ng mga ito. Kilala syang asawa ng mayor kaya hindi na sya mag tataka kung bakit sya pag u-usapan. "Pasensya na," ngumiti sya rito bago nag paalam na susunduin na si Travis. Maaga silang uuwi ngayon dahil may inihanda si George para sakanilang mag ina. "How's your day?" "Good," masayang sagot ni Travis habang si Laura ay tumango na lamang bilang pag sang-ayon sa anak. "May mga friends kana ba Travis?" "Opo! Ang babait nila, at wala silang sinasabing masama sakin. Tinanong nila kung sino ang Daddy ko at ang sabi ko ikaw ay may Papa George ako." Pag mamalaki ni Travis bago sumulyap sa ina. "Mommy may friends kana rin po ba?" "Yes anak," mabilis na sagot ni Laura bago napasulyap kay George. "Si sir Levi, mabait sya tulad ni Papa George." "Pero mas gusto ko po si Papa George." Tila ba lumaki ang ulo ni George sa narinig sa bata. "Kasi mas gwapo si Papa George," biro pa nya. "Kasi po ikaw ang hero namin! Ipinadala ka po ni God para i-save kami." Nag focus na lamang sa pagmamaneho si George. Hindi mawala ang ngiti sa labi nya at hanggang sa makarating ng bahay ay nakangiti parin sya. Nag paalam lang sya na maliligo. May iniwan narin syang bulaklak sa mesa, para kay Laura. Masayang naligo si George kinikilig pa nga sya ngunit mabilis ding iwinaksi ito sa isipan nya. "Kain na," nilagyan ni George ang plato ni Travis ng ulam. "Travis healthy ang gulay, kumain ka nitong patatas." "Thank you Papa G." "Papa G?" "Short term for Papa George," paliwanag ni Travis. "First day of school may natutuhan kana agad," naiiling na sabi ni George bago napasulyap kay Laura. "Nakita mo yung bulaklak?" "Saan?" Takang tanong ni Laura. "Nasa mesa lang yun." "Sorry, kay Mommy po ba yun? Nilagay ko po sa kwarto namin." Si Travis ang sumagot. "Gusto mo po ba si Mommy?" Dagdag na tanong pa ni Travis. Nasamid si George. "Ano k-kasi nakita ko lang sa tabing daan sayang naman kaya binili ko na." Palusot nya na sana lang ay makalusot. "Kasi po kapag binigyan ng isang lalaki ang babae ng bulaklak. Sumisimbolo daw po ito sa pagmamahal ng lalaki sa isang babae." "Hindi naman lahat anak ganun ang intensyon. Tulad ng Papa G mo," turi ni Laura sakanya. "Maswerte tayo kasi mabait ang Papa G mo. Hindi sya mapag samantala," mahinahong paliwanag ni Laura. Tinamaan ng husto si George. "Nandito lang ako palagi para sainyo," halos pabulong na lamang ang salita nya. "E, kaylan po kayo makakahanap ng pwede kong maging Daddy. Kasi po ayaw na satin ni Daddy Justin," napasibi si Travis. "Sa tamang panahon anak. For now may linalaban pa si Mommy, okay? Nandiyan naman si Papa G mo kaya bakit ka pa nalulungkot?" "Kasi po hindi ko naranasan kay Daddy Justin na mahalin ng isat ama. Palagi nya akong pinipingot kapag may mali akong pananalita." "Pero ngayon hindi kana nya masasaktan," mapanindigang wika ni George. NGAYON ANG ARAW NG HARAP NI LAURA AT JUSTIN. Huminga sya ng malalim bago naupo tabi ang abogado nya. Si George naman ay nasa kabila nya at pinapalakas ang loob nya. "Kamusta mahal kong asawa?" Nakangising tanong sakanya ni Justin. Agad na nakatutok sakanya ang mga camera man. "Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan Laura kasama ng lalaki mo, at pati sya mawawalan ng lisensya." Banta ni Justin, pasimple lang at sila lang anv nag kakarinigan. Pinuntahan talaga sya nito para pakunwareng may sinasabi sakanya. Magaling talaga umaarte si Justin na parang sya ang biktima. "Ikaw ang makukulong, kabahan kana." Banta ni Laura bago umirapa sa asawa. Bumalik na ito sa sarili nyang pwesto ngunit hindi parin maalis ang tingin sakanya. "I swear that the evidence that I shall give shall be the truth, the whole truth, and nothing but the truth, so help me God." Tinatagan ni Laura ang kanyang sarili. Kaylangan nyang maging malakas at matatag, para sakanila ng anak nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD