ALAM NI LAURA ANG GUSTONG IPAHIWATIG NI BEA. Ayaw na lamang nya ng gulo kaya naman hindi na nya papatulan ito sa ginawa sakanya.
"Excuse me," mahinahong paalam nya rito ngunit hindi pa nakuntento si Bea. Tinapakan nito ang gown nya dahilan para matalisod sya.
Nakagawa sya ng eksena at sakanya natuon ang pansin ng mga tao.
"Omg, are you okay?!" Pakunwareng tanong ni Bea bago sya tinulungan tumayo at binulungan. "Subukan mong mag sumbong. Hindi ako mag dadalawang isip na ipahiya kayong mag ina." Banta nya bago nginitian si Laura.
"Laura!" Agad syang nilapitan ni George. "Are you okay? I'm sorry nalibang kasi ako hindi na kita nasamahan."
"Ayos lang." Pinilit itago ni Laura ang luha nya kaya nag iwas sya ng tingin. Hinanap nya si Travis at nasulyapan nya ito na kumakain habang nakikipag laro sa ibang mga bata. "Uwi na kami, pwede ba?" Nahihiyang tanong nya. "Huwag mo na kaming ihatid. Party 'to ng parents mo kaylangan ka rito."
Nahihiya kasi sya na nasa kanya na ang atensyon ng lahat. Wala man nag sasalita tiyak na iisa lang ang mga iniisip nito. Nahihiya sya sa parents ni George na nasira nya ang party. Mabait pa naman ang mga ito sakanya at walang panghuhusgang ginawa, pwera nalang kay Bea na sa umpisa palang alam naman nyang ayaw na talaga sakanya.
Lalo na ngayong sila na ni George. Mas mang gagalaite sakanya ang kaybigan ni George. Imbis kasi na si Bea ang maging girlfriend ni George ay sya ang nagustuhan ng dalaga.
"Uuwi na tayo," bulong ni George bago sya hinawakan sa kamay. "Travis anak," tawag pa nito sa anak nya kahit na naririnig ng mga bisita.
Hindi maalis ni Laura ang titig nya sa lay George. Lalo na ng tawagin pa nitong anak si Travis na mas ikinatuwa ng puso nya.
"Papa G ang dami pong foods!" Natutuwang wika ni Travis.
Napairap si Bea sa eksena na hindi sya nag tagumpay na mangyari. Ang nais nya ay mapahiya si Laura ngunit tila yata nakaagaw pansin pa ito at naging bida.
"Anak iuwi mo na si Laura. Okay na kami rito ang mahala ay nakita ko na kayo and I'm so happy for the both of you." Napabaling ang ina ni George kay Travis. "Hi little boy," bati nito sa anak nya.
"Hello po," balik na bati ni Travis.
Nag paalam na si Laura at Travis sa parents ni George bago sila tuluyang umuwi. Pagod na pagod si Travis kaya naman nakatulog na ito sa byahe palang. Agad naman itong ihiniga ni George sa kama bago nag hintay sa sofa habang si Laura ay nag bibihis.
Samantalang si Bea naman ay padabog na sumakay ng kotse. Wala na si George kaya wala ng dahilan para mag tagal sya sa party. Ang binata lang naman ang habol nya rito ngunit si Laura na naman ang sinamahan nito.
Hindi na nga sya masyadong napansin ay nag muka pang bida ang kinaiinisan nyang si Laura. Agad syang nag dial ng numero ng Ina ni Justin at tinawagan ito.
Ilang araw na ng makausap nya ito at inalok sya ng plano ngunit tinanggihan nya dahil sa may sarili syang plano.
At kayong hindi pala nya kayang mag isa ay handa na syang tanggapin ang alok nito na makipag tulungan sakanya.
"Napatawag ka," bungad nito ng sagutin ang tawag.
"Payag na ako mag kita tayo," walang emosyong sagot nya bago pinatay ang tawag.
KAAGAD SYANG NAG MANEHO PATUNGO SA LUGAR KUNG SAAN SILA UNANG NAG MEET. Yamot na naupo si Bea at tumitig sa ina ni Justin na nauna na sakanya.
"So, bakit nga ba nag bago ang isip mo?"
Napairap sya sa tanong ng matanda. "Wala kana dun," tinaasan nya ito ng kilay. "Basta gusto ko mawala sa landas ko ang Laura na yun para sakin na matuon ang atensyon ni George. Huwag mo ng idamay yung bata kasi gustong gusto sya ni George. Kaya naman gusto kong ako an kilalaning ina ni Travis."
"Fine, ayoko rin naman sa batang yun. Hindi ko sya itinuturing na anak dahil ayoko sa ina nya. Kahit na dugo't laman sya ni Justin ay wala akong amor sa batang yun."
"Good so, what's the plan?" Nakangising tanong nya bago uminom ng alak na nasa wine glass.
"Uunahin ko muna ang anak ko bago ang iba. Hintayin mo ang signal ko at ako ang mag uutos ng gagawin mo. Sa ngayon hayaan muna natin silang makampante."
Samantala si Laura at George naman ay hawak ang kamay. Nakasandal ang ulo ni Luara sa dibdib ni George. "Ayaw mo ba akong pauwiin?"
"Dito kana matulog," pakiusap nya sa nobyo.
Sa guestroom na sila nahiga ng binata. Habang si Travis ay nasa isang kwarto at mahimbing na ang tulog. Napalitan narin ni Laura ang anak at napunasan.
"Sorry nga pala kanina," malungkot na wika nya kay George.
"Hindi mo kasalanan yun."
Tinitigan nya ito at ngumiti. "Ang swerte namin sayo," sambit nya.
"Ako ang maswerte Laura."
Naramdaman nya ang pag gapang ng kamay ni George sa bewang nya.
"Pwede ba kitang halikan?"
Hindi na sya sumagot. Sya na ang kusang humalik kay George hanggang sa lumalim na nga ang halik. Walang kabang nadarama si Laura tanging t***k lamang ng puso nya ang naririnig nya.
Kumalas si George sa halik. "Sabi ko naman sayo hindi mo kaylangang ibigay agad ang bagay na hindi mo pa kayang ibigay."
Sinalat nya ang labi ni George. "Kaya ko na," nakangiting sagot nya bago hinubad ang saplot nya.
At masaya nga nilang pinag saluhan ang init na nararamdaman nilang dalawa.