Chapter 7

1014 Words
Namili ng mga pagkain si George para sa mag ina. Bukas ay naisip naman nyang isama ang dalawa para sa pag bili ng mga gamit na kaylangan nito lalo na ang damit. Kulang kasi ang damit ni Laura at Travis dahil isang bag lang ang nagawa nilang dalhin. Nag mamadali sila kaya wala na silang oras makapag impake, at hindi narin naman nila kayang mag bitbit ng madami. "Hindi mo naman kaylangan mag luto. Ako nalang dapat," inagaw nya ang kutsilyo kay Laura. "Kaylangan mo ng pahinga Laura maging malakas ka muna, tapos sige papayagan na kita sa kahit anong gusto mo." "Kaya ko naman na George. Ayaw kong maging pabigat nalang basta rito hindi naman ako baldado," depensa ni Laura. "Hindi naman kayo pabigat sakin. Huwag mong isipin na pabigat ka, okay?" "Salamat George." "Ayan kana naman sa pasalamat mo. Ilang beses ko ng narinig yan," natatawang biro nya kay Laura. "Masaya ako na nakaalis na kayo sa poder nya. Susunod natin asikasuhin ay ang pag papataw ng annulment mo sa asawa mo. Gusto mo yun diba? Tutulungan ko kayo." Napatango si Laura. "Napakabait mo," hinawakan nya ang kamay ni George. "Kung kagaya mo lang sana sya baka maayos ang naging buhay namin. Napaka swerte ng babaeng magugustuhan mo. Dinadasal ko na sana mahalin ka nya ng tulad sa pag mamahal na ibinibigay mo bihira na ang kagaya mo." Napapaso ang pakiramdam ni George sa hawak ni Laura sakanya. "Iyong kamay mo," puna nya. "Hindi ako makafocus." "Pasensya na," agad na wika ni Laura. "Ayos lang," ngumiti si George. Namumutla sya kaya naman nag a-alala syang pinuna ni Laura. "Ayos kalang?" Hinipo pa nito ang leeg nya. Mas pinag pawisan tuloy sya dahil sa pag dampi ng kamay nito. Masama ang nararamdaman nya. Bawal, hindi nya kayang mag samantala sa kalagayan ng mag ina. "Pinag papawisan ka, ayos kalang ba talaga?" "Oo," sagot nya kahit na nahihirapan naman talaga sya. "Ako nalang kasi," hinawakan ni Laura ang uluhan ng kutsilyo para agawin sakanya. "Huwag na matigas ulo mo," sita pa nito. Wala ng nagawa si George kundi bumitaw. Nag paalam sya na lalabas lamang sandali upang mag pahangin. Agad syang nag tipa upang itext ang Mommy nya para mag tanong ng bigla na lamang itong tumawag. "May girlfriend kana? May magiging apo na ba kami ng Daddy mo?!" Natutuwang tanong ng kanyang ina kaya naman mas na frustrate lamang sya. Isa pa pala nya itong alalahanin. Palagi syang ina-update ng mga kamag anakan nya na mag asawa na, makipag blind date na o mag jowa na. Napag iiwanan na raw kasi sya ng mga pinsanin nya at kapatid. Iniisip rin ng mga ito na lalaki rin ang nais nya kaya wala pa syang nobya hanggang ngayon. Lagpas na sya sa kalendaryo ngunit bata pa naman sya kung tutuusin. Hindi pa nya na e-enjoy ang pagiging doctor nya na single sya kaya naman ayaw pa nyang pumasok sa komplikadong relasyon. "Mom, listen to me." Napabuntong hininga sya bago muling nag salita. "I was just asking kung ano ba yung pakiramdam na ganito. I mean, mainit sa pakiramdam kapag na damdampian ng balat nya ang balat ko. Normal pa ba ito?" "Syempre, buhay ka pa eh." Pamimilosopo ng kanyang ina. "Mag girlfriend kana kasi. Ipakilala mo samin ng Dad mo yung babaeng nag paparamdam sayo nyan." "Wala po akong girlfriend. Nag tanong lang po ako, salamat." Binaba na nya ang tawag bago pa sya dramahan ng kanyang ina na palagi nalang nag tatanong kung may apo na ba ang mga ito mula sakanya. Sya nalang kasi ang walang asawa o nobya sakanilang mag kakapatid. May dalawa pa syang kapatid na babae ngunit may mga asawa na ang mga ito. Muli syang nag pakawala ng malalim na buntong hininga bago bumalik sa kusina. "Ayos kana?" Tanong ni Laura. "Ayos lang ako, remember bawal kami mag kasakit kasi may mga taong umaasa samin." "Babalik kana ba sa work mo? Ayos lang kami rito. Binabalak ko naring bumalik sa pag tuturo once na makapag report tayo sa pulis." Hindi agad nakasagot si George. Ayaw pa talaga nya pabalikin si Laura dahil hindi pa magaling ang sugat at mga pasa nito. "Doctor mo narin ako kaya makinig ka," seryoso syang tumitig kay Laura. "Ako mismo mag sasabi kapag pwede kanang mag work, okay? But for now, enjoy your moment with Travis," paliwanag ni George. Napatango si Laura. Hindi naman sya mahirapan kausap o pakiusapan. Alam nyang bawal pa talaga dahil mas alam ni George ang kalagayan nya. Hindi nya makokontra ang isang doctor na mas mataas pa ang alam at pinag-aralan para kumpara sakanya. "Mommy I'm scared," bulong ni Travis. Akmang yayakapin pa lamang nya ito ng may mauna na sakanya. Inunahan na sya ni George kay Travis. "Papa George is here. Lalaki tayo dapat tayo ang nag tatanggol sa babae kapag may nangyari sakanila," wika pa nito. Sarap na sarap si Laura sa pagmamasid sa dalawa. Parang mag ama ang mga ito, at napalakas narin ni George ang loob ng kanyang anak. Hanggang sa makatulog na si Travis. Binuhat na ito ni George patungo sa kwarto nilang mag ina bago muling bumalik sa sofa. "Popcorn," alok ni Laura. Napatango naman si George bago ngumanga. Akala nya kasi ay susubuan sya ni Laura kaya medyo napahiya sya. "Nganga na," natatawang wika ni Laura bago sinubuan si George. Ito man lang magawa nya para sa labis na pag tulong ng binata sakilang mag ina. "Hindi ka takot sa movie?" Tanong ni George. "Hindi, wala ng mas nakakatakot pa sa sinapit namin." "Safe na kayo," mahinahong sagot ni George bago ngumiti kay Laura. Tinitigan nya lang si Laura hanggang sa madako ang paningin nya sa labi nito na nakakaakit. May bumubulong sa isip nya na halikan si Laura ngunit hindi nya ito pinapansin kahit na gustong gusto na ng kalooban nya. "Ang ganda mo," sambit na lamang nya bago napaiwas ng tingin. Sobrang nahihiya talaga sya sa mga ikinikilos nya ngayon. Hindi naman sya ganito dapat. Edukado syang tao walang malisya. Kaylangan nyang pigilin ang sarili nyang tuluyang mahulog kay Laura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD