Chapter 8

1078 Words
Dahil sa trauma na dinanas ni Laura ay hinahabol parin sya ng bangungot kaya hirap syang makatulog. Takot din sya makipag salamuha sa iba dahil baka maulit na naman ang nangyari. Inaya kasi sya ni George para mamili ng mga kaylangan nila. Gusto man nyang tumanggi ay nahihiya sya kaya kahit puyat at puno ng pangamba ay sumama nalang sya. Pinang hahawakan nya ang pangako ng binata na safe silang mag ina. Nakiusap rin sya kay George na maiwan na lamang si Travis sa bahay dahil sa panganib na nakaabang sakanila. Hindi nya alam ang maaring mangyari sa bawat araw ng pananatili nila sa bahay ng doctor. Ito ang iniisip nya. Hanggat maaari ayaw nyang inilalabas ang anak dahil sa takot na maagaw ito ni Justin. Sa ngayon ay wala pang hakbang ang kampo ng asawa nya. Mas tumindi tuloy ang pag a-alala nya na baka may masamang pinaplano ito. Ito narin ang araw na pupunta sila sa pulis upang mag file ng warrant for arrest kay Justin. Mayor ng lugar nila na tiyak na ikagugulat ng karamihan. Kilalang mabait si Justin sa ibang tao. Madami itong proyekto ng pag papatayo ng bahayan para sa mahirap, school para sa mga bata at charity para sa mga inabandona. Ngunit nag tatago lamang si Justin sa pwesto nya at sa ganung gawain. Halimaw talaga ito at malupit pag dating sakanilang mag ina. Ito ang ikinatatakot nya umpisa palang. Paano nya kakalabanin ang asawang nakasandal sa pader? Nakasandal at may pinang hahawakan na pwesto. Ngunit desidido na si Laura. Manalo o matalo ay ilalaban nya ang kanyang kaso. Hindi lang sya ang nakaranas ng ganitong pag mamaltrato sa asawa. Marami ang kababaehan na takot mag salita at nanahimik nalang. Ang iba ay nag titiis para sa anak dahil sa ayaw makaranas ng broken family. Ngunit para kay Laura, tapos na ang pananahimik. Kaylangan nyang ilaban ang karapatan nya. Kaylangan niyang gamitin ang boses nya. Sakanya mag uumpisa ang laban, at tatapusin nya ito ng may luha sa ngiti at luha sa mata. Luha ng tagumpay. Mabigat ang bawat hakbang nya. Nasa tapat na sila ng presinto ngunit napatigil sya. Nag tatakang tumingin sakanya si George na para bang hinihintay syang mag salita. "Kaya ko ba?" Hinawakan nito ang kamay nya at tumango sakanya. "Kakayanin mo." Pag papalakas ni George sakanyang loob. Napabuntong hininga si Laura bago muling humakbang papasok. Pag pasok sa loob ay agad na may nag assist sakanilang pulis. Kinuha ang pangalan, edad at lahat ng kaylangan pati ang date ng pangyayari. May mga evidence din silang ipinakita tulad ng medical at litrato. Hindi makapaniwala ang pulis na nag re-record habang nag bibigay si Laura ng statement. "Hindi po kami makapaniwalang magagawa ito ni Mayor Justin." "Akala mo lang hindi nya kaya," seryosong sagot ni George. "Asawa nya po kayo diba? Nakita nyo na po ba ang news? Sana po matagal nyo ng isinumbong ito. Naunahan na po kayo ni Mayor na mag file ng kaso. Lumalabas na nakipag tanan daw po kayo sa isang doctor. Kay George, tama po ba? At isanama nyo po ang anak nyo. Ngayon ma'am magiging fair lang po kami. Both sides po ay aming papakinggan." Kaya pala tahimik ang hayop nyang asawa. Nakuyom ni Laura ang kamao nya bago tumango sa pulis. Inis na tinawagan ni George ang kaybigan nya. "Mahihirapan kami I need your help," bungad nya sa kaybigan. "So, when you make a complaint about domestic violence, you can expect that the police will arrest the suspect if they find the complaint valid. However, you should know that just arresting someone does not mean that they will go to jail." "Hindi kami papayag. Mag kita nalang sa korte, lalabas din ang baho ng mayor na yan." Pinatay na ni George ang tawag at mabilis na bumalik sa sasakyan. "Ayos kalang?" "Oo naman," ngumiti sakanya si Laura. Kita nya ang sakit sa mata nito kaya hindi nya maiwasang malungkot para sa mag ina. SAMANTALANG SI JUSTIN NAMAN AY ILANG ARAW NG BALISA. Natatakot na maging katapusan na ito ng career nya. "Don't worry son," niyakap ni Alison ang kanyang nag i-isang anak. "Minahal ko sya Mom." Nakuyom ni Justin ang kamao habang matalim ang titig sa litrato nila ng kanyang asawang si Laura. "Niloko nya ako! Iniputan nya ako sa ulo!" "Sisiguraduhin nating makukulong ang malanding babaeng yun. At si Travis ay mapapa satin ang custody." "And that st*pid doctor," napangisi sya. "Papatayin ko sya." "Ayusin mo ang sarili mo. Kinausap ko na ang abogado, at sumagot na ang kampo ni Laura kasama yung walang hiyang lalaki nya. Nag file sila ng kaso patungkol sa pambubugbog mo. Paano mo lulusutan yan?" Napangisi si Justin sa ama na kakasulpot lang. "Ako ng bahala at si attorney sa kaso don't worry Dad. I won't disappoint you. Trust me, hindi maa-apektuhan pagiging mayor ko. Kaya kong lusutan 'to Dad, mababaliktad ko ang sitwasyon." "Siguraduhin mo lang. Wala akong anak na mahina," tinalikuran na sya ng kanyang ama. Napahilot sa sentido si Justin. Hindi sya makapapayag na basta nalang maging masaya ang asawa nya. Natanggap narin nya ang balitang nakikipag annul na ito sakanya kaya mas lalo syang nag ngingitngit sa galit. "Wow!" Masayang sinukat ni Travis ang damit na binili ni George. "Si Papa George ang pumili niyan," masayang wika ni Laura. "Tinulungan ako ni Mommy mo," nahihiyang wika naman ni George. Napahalakhak si Travis. "Para pong nahihiya pa kayo e, Mommy mabait naman po si Papa George. Sana nga po sya nalang naging Papa ko." "Pwede naman," mabilis na sagot ni George. "I mean, pwede mo akong tawaging Papa." Napangiti si Laura. "Ikaw talagang bata ka. Huwag mong kinukulit si Doc George," saway ni Laura sa anak. Sasagot pa sana si George ng may mag doorbell. Agad syang nag paalam para pag buksan ito ng pinto. Tumambad sakanya ang co-doctors nyang si Bea. "Gulat na gulat? Dami mo na utang saking oras," natatawang wika nito sakanya. "Bea kasi ano," napakamot si George sa ulo. "Papa George sino po sya?" Nakangiting tanong ni Travis. "Travis," saway ni Laura bago hinawakan ang anak. "Sya ba yung asawa ni Mayor Justin? Are you out of your mind?! So, totoo nga na itinakas mo sya." Napairap si Bea kay Laura. "Girl, ang kati mo naman pala talaga. Ikiskis mo yan ng mawala wag yung nag papaawa ka." "Bea!" Galit na saway ni George. Ngunit hindi nag paawat si Bea sa pang-iinsulto sa mag ina, lalo na kay Laura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD