Chapter 6

1081 Words
Maagang nagising si George upang mag luto ng almusal. Nag paalam narin sya at nag file ng leave para matutukan ang mag ina. Sadyang magaan ang loob nya lalo na kay Travis. Siguro nga'y na aawa talaga sya ng sobra sa sinapit ng mag ina sa piling ng malupit na si Justin. George contact his friends to help Laura and Travis. Hindi lang si Justin ang may connection kundi pati narin sya. Hindi lang halata sakanya ngunit marami rin syang maaring lapitan para maipanalo ang kaso na isasampa kay Justin. "Good morning!" Masiglang bati nya kay Laura ng masulyapan ito na pababa na ng hagdanan. "Magandang Umaga," balik na batin nito sakanya. Mahinahon ang boses ni Laura at napakasarap pakinggan sa tenga para kay George. Hindi sya dapat mahumaling sa dalaga. Ito ang itinatak nya sakanyang isipan. Gusto lamang nya itong tulungan na makapag simula ulit. Nadadala lamang siguro sya sa ganda nito. Hindi maipag kakaila na napaka ganda ni Laura. Simpleng suot man o wala mang make-up ay litaw na litaw ang ganda nito. "Tulog pa si Travis?" "Ah, oo. Napagod kaya hinayaan ko na munang makapag pahinga, okay lang ba?" Tanong ni Laura sakanya kaya bigla tuloy syang nag alala na baka iba ang isipin ni Laura sa tanong nya. "Ayos lang sakin, feel at home. Ituring nyong bahay ito wag kayong mahiya sakin. Para sa safety nyo mananatili muna tayo rito habang hinahanda ko ang mga ibedensya at maaring ipang laban kay Justin. Since mayor sya ay mahihirapan tayong basta sya sirain. Tiyak na malulusutan nya 'to kaya naman kaylangan nating isipin ng mabuti ang bawat hakbang natin." Paliwanag ni George. Napatango naman si Laura. "Salamat George. Mabuti nalang nakilala ka namin ni Travis, baka hanggang ngayon impyerno parin buhay namin kung hindi ka dumating." "Masaya akong makilala kayo ni Travis." Nilagyan ni George ng gulay ang plate ni Laura. "Kumain ka ng kumain para manumbalik ang lakas mo." Napatango si Laura bago nag simulang kumain. Inilipat ni George ang channel upang malaman ang nilalaman ng balita. Tiyak na pekeng mayor ang haharap sa media. Si Justin na walang alam gawin kundi maging anghel sa harapan ng ibang tao pero demonyo pag dating sa asawa't anak. Nanginginig na napasulyap si Laura ng marinig ang pangalan ng asawa sa balita. Hindi nya mapigilan ang takot at ang luha nyang gusto na namang umagos. Kaagad na pinatay ni George yung TV at hinawakan si Laura upang pakalmahin. Masyadong na trauma si Laura sa mga nangyari, maging ang anak nya ngunit mas labis ang trauma na natamo nya. Ang mga parusang ibinibigay sakanya ng asawa nya kahit na wala naman syang ginawang mali. Basta lasing kasi si Justin ay gagawa ito ng dahilan upang mag away sila. Kahit maliit na bagay ay bibigyan nito ng pansin at nagagawang palakihin. "Sa basement," nanginginig na wika ni Laura. Ang tuhod nya ay nangangatog. Malakas syang napahagulhol. "Ikinulong nya ako sa basement ng dalawang araw. Kahit inumin wala syang ibinigay sakin. Ang tanging iniisip ko nun ay ang anak kong dumedede sakin, si Travis. Gutom na gutom na sya pero wala ako para bigyan sya ng gatas na mula sakin. Kasi ikunulong ako ni Justin!" "Ssssh, tahan na." Hinaplos ni George ang buhok ni Laura upang mapakalma ito. "Wala na sya. Hindi na mauulit yun hindi na nya kayo magagalaw, pangako." "Binaboy nya ako, nakakadiri na ako. Wala syang puso George, halimaw sya. Asawa nya ako pero itinuring nya akong babaeng bayaran." Nag hihinagpis ang puso ni Laura sa sakit na nadarama nya. Nakaukit na sakanya ang mga ginawang kahayupan ni Justin. Hanggang ngayon nalalasahan parin nya ang ihi nito na halos ipainom na sakanya. "Hindi ko alam kung paano ako makakapag simula ulit." "Tutulungan kita. Papalikihin mo si Travis ng maayos at mabuting bata, at ako ay nakaalalay sainyo." Wika ni George bago pinahid ang luha ni Laura. "Good morning Doctor George," bati ni Travis na kinukusot pa ang mata. Mabilis na umayos si Laura at nag bigay ng ngiti sa anak. "Hi baby," bati nya. "Ang sarap ng ulam!" Napapalakpak pa sa tuwa si Travis bago matamis na ngumit kay George. "Ikaw po nag luto nito? Ang sarap po," nag thumbs up pa sakanya ang bata. "Call me tito or Papa George if you want, basta komportable ka." "Papa George nalang!" Natawa si Laura sa kukulitan ng anak nya. Napansin nyang natigilan si George at napatitig sakanya. "Bakit?" Takang tanong nya rito na hindi parin maalis ang titig sakanya. "Mas gumaganda ka kapag nakangiti." Hindi mapigilang wika ni George kay Laura. "At ang gwapo ni Travis!" Baling naman nya sa anak nito. Masaya silang nag salo sa almusal. Ito ang unang beses na naging masaya ang umaga ng mag ina. Naging maayos din ang tulog nila kagabi at gumising ng walang pangamba. "Masakit pa ba?" Tanong ni George habang sinusuri ang mga pasa ni Laura. Pinag laro muna nila si Travis sa kwarto para maisagawa nila ang pag suri ni George sa pasa ni Laura. Pinahidan nya ito ng ointment upang mas mabilis gumaling. "Hindi ba kami nakaka abala sayo? Baka magalit ang family mo kapag nalaman nilang kumuha ka pa ng pasanin. Hindi mo naman kami kaano-ano para maging mabait ka samin." "Don't say that," saway ni George. "Tungkulin kong tumulong sa na ngangaylangan kaya ko ito ginagawa. Hindi magagalit ang parents ko don't worry, magiging proud pa nga sila sakin." Sagot nya kay Laura. "Wala kabang girlfriend na magagalit? Mag hahanap na ako ng pwedeng pasukan na school malapit lang rito." "Hindi mo naman kaylangang gawin yun. Wala akong nobya, single ako." Natatawang sagot pa ni George. "Huwag kayong maiilang sakin ganito lang talaga ako." Napatango naman si Laura. Nag ring ang phone ni George kaya agad ito nag excuse sakanya para sagutin ang tawag. Isinuto na ni Luara ang damit nya dahil tapos naman na pahidan ni George ang pa pasa nya. "Wala ka sa condo mo," nayayamot ang boses ni Bea. "Busy ako tsaka ko nalang ipapaliwanag." "Doc George nag hihinala na ako sayo. Ano bang nangyayari? Nangako ka na ililibre mo ako ng dinner diba?" Nag mamaktol na tanong ni Bea. "Binaba na ni George ang tawag. "Pasensya na, co-doctor ko si Bea tumawag, sorry." Wika nya bago binulsa ang phoen nya. "Movie marathon tayo mamayang gabi." Excited na alok nya kay Laura na tumango lamang sa sinabi nya. Naisip ni George na baka sa masasayang bagay ay makalimutan ng mag ina ang sakit na dinanas nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD