Kanina pa humahanap si Laura ng pwedeng mahiraman ng phone para makitawag. Kahit kasi pisong duling ay wala sya ngayon dahil kahit naman masagana ang buhay ni Justin ay hindi sya kaylan man nakahawak ng pera nito.
"Dito kalang anak," bilin nya kay Travis.
"Why? Where are you going Mommy?"
Kita nya ang takot sa mata ng anak kaya mabilis nya itong niyakap. "Gagawa lang ng paraan si Mommy," malungkot syang ngumiti. Maga na ang mata ni Laura kakaiyak dahil sa kalagayan nila ngayong mag ina. Ito ang kinatatakutan nya na ngayon ay nangyayari na. Umalis sya sa poder ni Justin kaya wala syang malapitan, si George nalang ang pag-asa nya ngayon. Pinang hahawakan nya ang pangako ng doctor kaya naman lumalakas ang loob nya.
Hinding hindi na nya gugustuhing bumalik sa abusado nyang asawa. Mas gugustuhin nyang mag pakahirap kumayod kaysa manatili sa impyernong buhay kay Justin.
"Sige po."
Mabilis na tumawid si Laura sa kabila upang makitawag sa tindahan. Samantalang ang anak nyang si Travis ay hindi napigilang umiyak dahil sa takot. Traumado na ang anak nya kaya naman basta nalang ito umiiyak kapag walang nakaalalay dito.
Bata, ayos kalang ba? Bakit ka umiiyak? Naliligaw kaba?" Tanong ng isang dalaga na nakapansin kay Travis.
"Hindi po," ngumawa na naman ito.
"Tahan na," pinahid ng babae ang luha ng anak ni Laura.
"Kasi po yung Daddy ko hiniwalayan na sya ni Mom dahil may kabit si Daddy."
Natigilan ang babae sa sinabi ni Travis.
"Hindi na po kasi mahal ni Daddy ang Mommy ko kasi--" Ngumawa na naman si Travis at hindi na natuloy ang ikwinekwento.
"Pasensya na po," agad na hingi ng pasensya ni Laura sa babae. Napansin yata nito na matamlay sya kaya naman napaiwas sya ng tingin. Makilala kaya sya ng babae? Hindi sya pwedeng makilala, baka masundan sila ni Justin.
"Ayos kalang ba?"
Gumaan ang pakiramdam nya sa tanong ng babae. Ngayon nalang ulit sya nakaranas ng pag aalala mula sa ibang tao.
"Sa totoo lang hindi. Gusto ko nalang mawala sa mundo, pero hindi pwede." Malungkot syang mgumiti sakin. "May anak ako e, bawal sumuko." Hinawakan nya sa kamay ang anak nyang umiiyak parin. "Gusto ko nalang makalaya sa impyernong buhay ko." Wika ni Laura.
"Sinasaktan ng Daddy ko si Mom!"
Nanlaki ang mata ng babae. "Hindi totoo yun," mabilis na hinila ni Laura si Travis palayo sa babae. Natawagan na nya si George kaya magiging safe na sila. Kaylangan na lang nilang mag hintay at manatiling hindi nakikilala ng kahit na sino.
"Doc!" Sigaw ni Bea ng mapansing nag mamadali si George palabas ng hospital.
"Magagalit si Director baka tanggalin ka!" Pahabol na sigaw pa nito na hindi man lang nilingon ni George.
Ang mag ina ang tanging nasa isip nya. Hindi sya pwedeng mahuli dahil baka ilang sandali pa ay mahanap na ito ng demonyong asawa ni Laura at makuha na naman sila. Hindi na sya makapapayag na bumalik ang mag ina sa demonyong lalaki na yun.
Gagawin nya ang lahat mailayo lang ang mga ito. Poprotektahan nya si Laura at Travis ano man ang mangyari. Ito ang ipinangako ni George sa sarili nya nung araw palang na nalaman nya ang totoo.
Nag pasya na syang isali ang sarili nya sa gulo ng buhay ni Laura.
"Laura!" Mabilis syang lumabas ng sasakyan at niyakap ang mag ina. "Salamat naman at ligtas kayo." Hinaplos ni George ang buhok ng mga ina bago pinatahan ang mga ito na dinatnan nyang umiiyak.
"I'm here, safe na kayo. Wala na ang sino man na makakakuha sainyo at mananakit, pangako yan."
Kinarga ni George si Travis at ipinasok sa kotse. Pagod na pagod ang bata halatang kagagaling lang sa sakit. Napasulyap si George kay Laura na walang imik. Pansin nya ang natuyong mga luha nito sa pinsge habang ang ilong ay namumula.
"George salamat." Si Laura na mismo ang bumasag sa katahimikan na bumalot sa kotse.
"Hindi nyo sa deserve Laura. Hindi sya naging mabuting ama at asawa sayo."
"George hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan, pero sobrang laki ng naitulong mo samin ni Travis. Handa akong mag trabaho sayo makabawi lang."
Hindi nagustuhan ni George ang sinabi ni Laura sakanya. "Hindi ako na niningil Laura. Gagawin ko ito sa kahit na sino basta nakita kong kinaylangan nila ng tulong. Handa akong tumestigo at tumulong sayo sa magiging laban mo. Hindi mo dapat i-tolerate ang ginagawa ng asawa mo. Hindi lang sya sayo kayang gawin yan kundi sa iba pang mga babae," paliwanag ni George.
"Pero gusto ko nalang muna matahimik sa ngayon habang inaayos ang sarili ko at inihahanda sa pag laban kay Justin. Alam mo namang malakas ang kapit nya sa batas diba? Mahihirapan tayo."
"Gagawin ko ang lahat mabulok lang sya sa kulungan Laura. Simula sa araw na ito ay magiging masaya nalang kayo ni Travis," gumalaw ang kamay ni George at pinahid ang luha ni Laura.
Nag focus na sya sa pagmamaneho. Hindi na inuwi ni George sa condo nya ang mag ina. Humanap sya ng mas safe na lugar. Village na mahigpit ang security at tadtad ng cctv. Ito ang napili ni George na tunguhan. Sa kaybigan nya ang bahay ngunit mabilis itong inalok sakanila dahil wala rin namang nakatira rito.
Natitiyak kasi ni George na pupuntahan sya sa bahay ni Justin. Magiging desperado ito sa pag hahanap kay Laura at Travis, pero sya ang gagawa ng paraan para hindi ito matunton ni Justin. Walang malisya ang pag tulong nya sa mag ina, at wala syang pakay na kahit ano. Sadyang matulungin lang si George dahil ganun sya pinalaki ng kanyang magulang ang tumulong sa na ngangaylangan.
Kinarga ni George si Travis papasok sa bahay. Diniretso nya ito sa kwarto upang makapag pahinga ng matiwasay. Papasok narin sana si Laura ng pigilan nya ito.
"Pwede bang kuhanan ko ng litrato ang katawan mo? Magagamit nating ibidensya ito, o kung gusto mo ikaw nalang ang kumuha sa sarili mo tapos tawagin mo--"
Hindi na natapos si George sa ipinapaliwanag nya ng mabilis na hubarin ni Laura ang saplot nya. Tanging Underware at bra na lamang ang tumatakip sa maseselang parte nya.
"Gawin mo na," matapang na sambit ni Laura.
Habang kinukuhanan sya ni George ng litrato ay hindi nya napigilang mag salita. "Bawat pasa na tinatamo ko may kwento," wala sa sariling sambit nya.
Tumigil si George sa ginagawa nya. Dinampot nya ang tuwalya at itinakip sa katawan ni Laura. "Huwag mong pilitin ang sarili mo na ikwento ngayon. Kaylangan mo ng pahinga," ngumiti sya bago tinalikuran na si Laura.