Chapter 4

1019 Words
CHAPTER 4 Madaling umalis si George upang bumuo ng plano. Hindi nya akalaing ganito pala kalupit ang mapag balat kayong mayor sa lugar nila. Sa unang tingin ay walang mapapansin na kademonyohan ni Justin ngunit kung susuriin ay kakaiba talaga ang ikinikilos nito. Tahimik na inayos ni Laura ang gamit nila ng anak nyang si Travis. Inilagay nya ito sa ilalim ng kama upang hindi makita ng kahit na sino. Maingat na ulit sila sa pag kilos nila ni Travis dahil gumagana na ulit ang cctv. "Ipinatatawag po kayo ni Mayor." Kamuntik ng mapalundag sa gulat si Laura sa biglang pag sulpot ng lalaki. "Hindi kaba marunong kumatok?" Galit na tanong nya sa mayabang bodyguard ng asawa. "Bilisan nyo daw po." Wika pa nito at hindi man lang pinansin ang galit na tanong ni Laura. Maging ang mga utusan kasi ng asawa nya'y naging mayabang narin at lumakas na ang loob. Sino ba namang hindi lalaki ang ulo kung ang sinasandalan ay pader? Hindi nya masisisi ang mga ito na nabubulag dahil sa pera. Kahit na nakikita nila ang ginagawang pambubogbog ni Justin sakanya ay wala lang sa mga ito. Hindi sila pwedeng sumaway dahil tiyak na mamatay sila. Kabadong inayos ni Laura ang sarili nya. Nag suklay sya ng buhok at nag lagay ng lipstick. Ayaw kasi ni Justin na nakikita syang losyang o nagiging pangit sa paningin nito at ng lahat ng mga tao. Mahigpit si Justin sa lahat ng bagay maging sa pananalita at pag kilos ay dapat syang maging edukada. Bakit nga ba sya ginaganito ng asawa nya? Dahil ba sa teacher lang sya at galing sa mahirap na pamilya. Nanligaw si Justin sakanya na alam ang pamumuhay nya. Nakilala nya si Justin na ulilang lubos na sya at sarili na lamang ang tanging karamay. Maayos naman ang unang mga taon. Sweet, mabait at maintindihing asawa ang meron si Laura. Ngunit mabilis na lumipas ang panahon at pati ugali ni Justin ay nag bago na, lumala na ito ng lumala hanggang sa mapunta sya sa sitwasyong ito. Mahal nya ang asawa nya, minahal nya ito ng buong puso. Ito ang una nyang pinag alayan ng lahat-lahat. Ngunit naging isang bangungot at kalbaryo rin ang kinahinatnan ng mabilisan nyang pag papakasal. Nag laho na ang pagmamahal ni Laura, naubos na. "Pinatatawag mo daw ako?" Mahinahon nyang tanong bago tumitig sa asawa na prenteng nakaupo at sumisimsim ng kape. "I'm in the mood," malamig na sagot nito. Natuod si Laura sa kinatatayuan nya. Alam na nya ang ibig sabihin nito. Gusto nitong angkinin sya at mababoy na naman sa paraang gusto nito. Madaming kademonyohan ang asawa nya. Hindi ito simpleng pagtatalik lamang. "Iposas mo sarili mo." Hinagis ni Justin ang posas sa harap ni Laura. "No!" Matigas na tanggi ni Laura. Akmang tatalikod na sya para lumabas ng hablutin sya ni Justin sa buhok. "Justin bitawan mo ako parang awa mo na." Imbis na pakinggan ay nginisihan lamang sya nito. Napag tanto ni Laura na nakagamit na naman pala ang asawa ng ipinag babawal na gamot. Dr*g addict ang asawa nya, matagal na nyang alam. Ipinag bubuntis pa lamang nya si Travis ay alam na nyang may addiction ang asawa nya kaya siguro pati ang utak nito ay na aapektuhan na. Inamoy ni Justin ang leeg nya at matalim na tumitig sakanya. "Akala mo hindi ko alam plano mo? Iiwan mo na ako at sasama ka sa walang kwentang Doctor na yun!" Sinakal sya ni Justin. "Sabihin mong mahal mo ako na hindi mo ako iiwan! Mananatili ka sa tabi hanggang sa kamatayan Laura!" Nagawang manlaban ni Laura. Sinipa nya si Justin sa maselang parte nito kaya halos mawalan na ito ng malay. Mabilis syang tumakbo sa kwarto nila at nilocked ang pinto. Binukas nya ang bintana at mabilis na hinulog ang bag na nilalamnan ng damit nila. Maliit lamang ang bag kaya naman kayang kaya nya itong dalhin. Inayos nya ang sarili at lumabas na parang walang nangyari para hindi sya mahalata ng mga bantay. "Aano kayo?" Hinarang sila ng pinaka malaki sa mga bodyguard ni Justin. "S-si Justin kasi namamalipit sa sakit!" Palusot na lamang nya kaya naman ang mga bantay ay mabilis na tinungo ang kwarto. May pag kakataon na sila Laura ngunit may isang bantay ang natira. Kilala nya ang isang naiwan. Ito yung palaging nakangiti sakanilang mag ina. "Dalian nyo na umalis na po kayo." Ito na ang nag salita sakanya ng mapansing naluluha na sya sa takot na baka hindi sila makaalis. "S-salamat, tatanawin ko itong malaking utak na loob." Mabilis silang tumakbo ni Travis palabas ng makuha ang bag. Wala silang lingon na ginawa sa takot na baka mahabol sila. Hindi na rin nya matagal na napasalamatan ang lalaking tumulong sakanila dahil sa pinag mamadali narin sila nito. Malayo na ang naitakbo nila Laura. Mahihirapan narin silang mahanap ng asawa kaya kampante na syang huminto. Maging ang anak na kagagaling sa sakit ay hingal na hingal. Nag taklob sya upang hindi makilala ng tao. Asawa sya ng mayor kaya kahit paano ay may makakikilala sakanya. "May babae po ba ang Daddy kaya sya ganun?" Naiiyak na tanong ni Travis sakanya. "Anak masyado ka pang bata para intindihin ang lahat. Pasensya kana kung nasa mahirap na sitwasyon pa tayo. Pangako, simula sa araw na 'to malaya na tayo." Hindi napigilan ni Laura ang mapahagulgol ng masambit ang salitang malaya. Ito yung ipinag kait sakanila ni Justin. Ikinulong sila nito sa bahay at itinuring na isang ibong pinutulan ng pakpak kaya hindi na nakalipad. Inalisan sila ng kaligayan ng taong dapat sana ay nag bibigay sakanila nito. Haligi ng tahanan na mismong sumira sakanila. "Mommy proud ako sayo." Mahigpit syang niyakap ng anak nyang si Travis. "Salamat Mommy kasi kinaya mo lahat ng hirap para sakin." "Thank you din anak," nanghihinang sambit ni Laura. Matapos makapag pahinga ng ilang minuto ay nag pasya na ulit si Laura na mag patuloy sa pag lalakad. Kinapa nya yung papel sa bulsa nya. Papel na ibinigay ni George sakanila. Kaagad syang humanap ng pwedeng makitawagan para ipaalam kay George na tagumpay silang nakaalis ng ligtas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD