Hindi makapaniwala si Laura sa ginawa ng Doctor. Para sakanya wala syang nararamdaman na pag tingin kay George, baka nag-iisip lamang sya ng iba. Iyon lang siguro ang way ni George na pag comfort sakanya.
Ayaw nyang bigyan ng kahulugan ang ipinapakita nito sakanilang mag ina. Hindi pa sya handa sa kahit anong pag pasok muli sa isang relasyon kahit na sobrang bait at ganda pa ng pakikitungo ni George sakanilang mag ina. Takot na sya, dala na at may trauma na. Mabait rin naman kasi si Justin nung una sakanya. Tila ba anghel ang datingan nito lalo na nung nanliliyaw pa lamang ito sakanya.
Wala na syang magulang na nag papayo kaya naman biglaan ang desisyon nya.
Ang mga kamag anakan naman nya sa parte ng ama't ina ay hindi nya maasahan na makisimpatya sakanya. Hindi nya kinalakihan ang mga ito at wala syang masyadong kakilala na tiyahin. Dahil nga sa namuhay ang magulang nya na sila lang at walang nakakasamang kamag-anakan.
Matiwasay naman ang pamumuhay nila. Dalawa silang mag kapatid, ngunit lahat ay nag bago ng mamatay ang magulang nya. Ang kapatid naman nyang lalaki ay nauna pa sa magulang nya ng maaksidente ito. Namatay naman sa sakit ang kanyang ama at ina kaya ulilang lubos na si Laura.
Ganito kalungkot ang buhay nya. Saglit lamang nakaranas ng saya at pag tapos ay naging imperno na ang mga sumunod na taon.
Ang pinaka magandang dumating at nangyari na lamang sakanya ay si Travis. Si Travis ang anghel at gabay, at anak rin nya ang dahilan kung bakit matatag pa sya.
Siguro'y nabaliw na sya kung wala syang anak na nag papalakas ng loob nya at lumalambing sakanya.
May mga reporters na nakasunod sakanila ngunit deretso lang sa pagmamaneho si George. Ihahatid nya si Travis at Laura sa school. Binilin nya narin sa kaybigan na padagdagan ang mag babantay sa gate ng school para walang makapasok na spy o reporters.
Nangako naman ang kaybigan na safe ang mag ina.
Hindi sya kumikibo at hindi rin makatingin kay Laura dahil sa hiya ni hindi nga sya nakatulog kaya halatado ang eyebug nya.
"Papa George mag kaaway po ba kayo ni Mommy?" Takang tanong ni Travis sakanya.
Nasamid si George bago napailing. "Hindi, bakit mo naman naitanong?"
"Kasi po panay sya tingin sainyo pero kayo panay naman ang iwas ng tingin."
"Anak pagod lang ang Papa George mo wag mo syang kulitin," saway ni Laura sa anak.
Hindi na kumibo si George. Binilisan na lamang nya ang pagmamaneho kaya mabilis din silang nakarating sa school. Wala pang schedule ang pag haharap ng bawat kampo ni Laura at Justin kaya tahimik pa. Habang tahimik ang asawa ni Laura ay nag hahanda rin si George upang mas malamangan nila ang Mayor.
Pinag buksan ni George ang mag ina ng pinto ng mai-park nya ang kotse. Napasulyap sya sa uniform ni Laura. Hindi ito makapag palda dahil bakas pa ang pasa nito. Kaya naman mahaba ang ni-request nilang maging uniform.
Hindi maalis ni George ang titig nya kay Laura.
"Bakit? May problema ba sa suot ko?"
"W-wala," nautal pa sya. "Ang ganda mo lang kasi sa suot mo. Bagay na bagay sayo Ma'am Laura," nakangiting sagot nya.
Natawa si Laura. "Ma'am Laura agad? Ang weird mo talaga Doc," naiiling na wika nito bago kumaway sakanya at lumakad na.
"Oo nga ang weird ng pakiramdam ko," bulong ni George.
Nag decide na si George na bumalik sa hospital. Hindi sila okay ni Bea at hindi rin naman nya ito kinakausap. Ganun din ang dalaga na nakikipag mataasan ng pride sakanya kahit na mali naman talaga ito.
Hindi mapakali si George. Ilang text na ang nasend nya sa kaybigan upang mag bigay ng update sa kalagayan nila Laura ngunit wala itong sagot. Kaya naman naisipan na lamang nya itong puntahan upang makausap ng personal.
"Leonel," sambit nya sa pangalan ng nag bukas ng pinto sakanya.
"Ano na namang problema mo sa buhay George? Ngayon kalang naging balisa ng ganito. Kadalasan nababalisa kalang kapag may operation ka na delikado, pero bakit ngayon simpleng ginagawa lang nya kinababalisa mo na?" Natatawang tanong ng kaybigang si Leo.
Si Leo yung kaybigan nya na tumulong sakanya na is iblock ang cctv sa bahay ni Mayor Justin. Si Leo rin ang tumulong sa pag file ng kaso at may connection sa matataas na tao. Ito rin ang may ari ng paaralan.
"Marami kanang utang sakin," dagdag pa nito habang naiiling.
"Pakicheck nga kung kamusta sila." Utos nya sa kaybigan at hindi man lang pinansin ang sinabi nito.
"Ewan ko sayo," naiiling na sabi ni Leo bago pinag bigyan si George.
"May kausap syang lalaki!" Gulat na sigaw ni George bago napahawak sa ulo at napasabunot.
"E, ano naman? Ang OA mo naman masyado. Uso makipag friend wag kang seloso masyado wala namang kayo."
"Sakit mo manalita, kaybigan ba talaga kita?" Nag daramdam na tanong pa ni George.
"Ako din nag tataka paano kita naging kaybigan," naiiling na sagot ni Leo.
"Parang galit sya sakin," napabuga ng hangin si George dahil sa frustration.
"Hinalikan mo ba naman tapos ikaw pa nag walk out, medyo ang kapal ng mukha mo sa part na ikaw pa yung nagulat."
"Talaga?" Takang tanong nya sa kaybigan.
"Oo."
"So, dapat ba hindi ako umalis?" Tanong pa nya.
"Oo, para nasampal ka nya."
Napailing na lamang si George sa kalokohan ng kaybigan. "Bakit naman nya ako sasampalin?"
"Kasi ang feelingero mo at ang kapal ng muka mo."
"Nabigla lang naman ako! Wala akong intensyon na bastusin sya," depensa ni George. "Hindi ko lang mapigilan sarili ko kasi sobrang ganda nya Leo."
"Malala na tama mo," natatawang sabi ng kaybigan nya.
"Mali kayo ng iniisip ni Mommy. Nagagandahan lang naman ako that's all."
"Bigyan mo na kasi ng apo si Tita para hindi ka na pag-iisipan na bakla ka." Naiiling na payo ni Leo sakanya.
"Bahala na kung ano isipin nila." Napapikit na lamang si George bago hinilot ang kanyang nananakit na ulo.