Hindi sumagot si Laura. Hinayaan nya lang si Bea na mag salita ng masasama sakanya. Tinakpan lamang nya ang tenga ni Travis at inakyat ito sa kwarto bago binilinan na wag munang lalabas.
"Bea stop judging her!" Hinawakan ni George ng mahigpit si Bea sa braso. Maging sya ay hindi na mapigil ang yamot nya sa kaybigan na masyadong madada, wala pa namang alam.
"Sabihin na nating hindi nga sila okay, pero bakit ikaw pa? Hindi ko kasi maintindihan eh! Bakit sayo pa? Hindi ba pwedeng dumiretso na sya sa pulis, ireklamo yung asawa nya! Paawa ka masyado," dinuro sya ni Bea. "Kaya pala wala na syang time sakin kasi inuubos mo ng sampid ka!"
"Shut up!" Itinaboy ni George si Bea. Hinila nya ito palabas dahil masyado na itong namumuro.
"No! Gusto kong ipamukha sakanya na malandi sya at ginagamit ka nya para mag paawa!" Sigaw pa ni Bea bago akmang papasok pa sa loob ng si Laura na mismo ang lumabas.
Ngumiti sya kay Bea. Hindi sya nag pakita ng galit o lungkot, tanging ngiti lamang. "Babae ka rin, at alam kong maiintindihan mo ako kapag nalaman mo ang puno't dulo ng lahat ng ito. Hindi ko sinasabing kaawaan mo rin ako at tulungan tulad ni George. Hindi ko mapapakiusapan ang lahat na wag akong kamuhian. Opinion mo yan at inirerespeto ko yun, pero sana wag mo nalang idamay ang anak ko. Huwag mo ng dagdagan ang sakit na dinanas nya dahil sakin."
"Laura," nakatitig na sambit ni George sakanya.
"Ayos lang naiintindihan ko ang kaybigan mo. Sa totoo lang may karapatan sya, kaybigan mo sya. Concern lang sya sayo kaya sana ma-appreciate mo rin yun George." Nakangiti parin si Laura habang palipat lipat ang tingin sa dalawa.
"Nakita mo na ginawa mo?"
Hindi makapag salita si Bea. Tahimik lang sya na nakatingin kay George. Pumasok na si Laura kaya silang dalawa na lamang ang naiwan sa labas. Hiyang hiya si George kay Laura at hindi alam kung paano ito hihingin ng tawad sa eskandalong ginawa ng kaybigan nya.
"Kahit na," matigas parin talaga ang paninindigan ni Bea. "Prinoprotektahan lang kita," dagdag pa nya.
"Alam mo mas mabuti kung iwasan mo nalang muna siguro akong kausapin, kamustahin o bisitahin."
"Bakit? George matagal na akong nasa tabi mo, tapos sisirain mo lang friendship natin dahil sa babaeng yun? Ako na laging nasa tabi mo. Napaka manhid mo George," sinuntok sya ni Bea sa dibdib. "Mahal kita pero kahit kaylan hindi mo ako pinansin. Kaybigan lang turing mo sakin. Maganda naman ako," umiiyak na wika pa nito.
"I know," napabuntong hininga si George. "Maganda ka, maraming lalaking gusto ka kaya bakit ka nag titiyaga sa taong hindi ka naman gusto at hanggang kaybigan lang ang kayang ibigay sayo?"
"Kasi umaasa ako," pagak na tumawa si Bea. "Sinuportahan naman kita sa lahat ano pa bang hindi ko nagagawa? May anak na sya George. Asawa sya ng mayor, laspag na sya. E, ako? Dalaga ako, walang sabit."
"At wala ring respeto," nakuyom ni George ang kamao nya. "Umalis kana Bea bago pa ako makapag bitaw ng mga salitang mas makakasakit sayo."
"Hindi ako papayag na gamitin ka nya." Ito ang huling sinabi ni Bea bago sya tinalikuran at umalis na.
Napahilamos na lamang sya bago kaagad na bumalik sa loob. Hinanap nya si Laura ngunit nakaramdam sya ng takot ng hindi ito madatnan sa sala. Kumatok sya sa kwarto ngunit si Travis lamang ang nag bukas at wala rin si Laura.
"Sinabihan po nya ako na wag lalabas. Matulog na daw po ako."
Napatango naman sya at agad na ginulo ang buhok ni Travis. "Tulog kana," nakangiting wika nya rito bago isinara ang pinto.
Nakarinig na lamang sya ng mahinang pag hikbi ng magawi sya sa kusina. Pinakinggan nya ang tunog ng umiiyak na si Laura at natunton nya ito sa ilalim ng lamesa. Nakayuko ito at yakap ang tuhod habang mahinang umiiyak.
"Laura I'm so sorry," mabilis na sambit nya bago bumaba upang pumantay kay Laura.
"Ayos lang, tama naman sila. Nasasaktan lang talaga ako pero kaya ko naman, kaya pa."
Napansin ni George ang dugo na pumapatak sa sahig. Napakunot ang nuo nya at napansin na nang gagaling yun sa kamay ni Laura. Agad syang nataranta ngunit kinalma rin ang sarili dahil baka makatunog si Travis at makita pa ang kalagayan ng kanyang ina.
"Lumabas kana d'yan kukuha ako ng first aid kita. Pakiusap, wag mong hayaan na makita ng anak mong ganito."
Kinuha na ni George ang gamot. Pag balik nya ay nakaupo na si Laura habang ang kamay ay nakapatong sa lamesa. Mugto ang mata nito kaya hindi sya makapag concentrate. Gusto nyang punasan ang luhang umaagos sa mata nito ngunit kaylangan muna nyang unahing gamutin ang sugat nito sa kamay.
"Huwag mong uulitin ito Laura," basag nya sa katahimikan.
"Pasensya na," matamlay na sagot nito.
"Alam mo ayos lang namang umiyak, pero yung gagawin mo ito sa sarili mo. Hindi ito ang gusto kong manyari. Lalo lang nating pinatutunayan kay Justin na talo tayo. Kaya kaylangan mong maging matatag," payo nya habang nilalagyan ng Benda ang kamay ni Laura.
"Excited pa naman na si Travis na pumasok sa school, pero paano nalang kapag na bully sya dun? Itutukso sakanya na malandi ang Mommy nya."
"Hindi totoo yan," mahigpit na niyakap ni George si Laura. "Hindi ako papayag na may discrimination na mangyari. Ipapasok natin sya sa private at sa mahigpit na paaralan at para mabantayan mo sya pati ikaw ay dun mag wo-work. Nakausap ko na ang kaybigan ko na may-ari ng school. Hindi masisira ang future ni Travis dahil lang sa kagagawan ng demonyo nyang ama."
"Salamat," kumalas si Laura sa yakap at napatitig kay George. Hinaplos nya ang mukha ng binata bago ngumiti. "Napaka buti ng puso mo para sa lahat."
Mabilis na hinagkan ni George si Laura. Namulagat ang mata ni George at napatakbo palabas ng bahay. Imbis na si Laura ang magulat ay inunahan na nya ito.
Gusto nyang sapakin ang sarili sa ginawa nyang advantage. Kaagad nyang tinawagan ang kaybigan kahit na alam nyang busy ito. "Baliw na ba ako?" Wala sa sarili nyang tanong.
"Bakit?"
"Hinalikan ko sya," sagot ni George.
"Oo baliw ka nga," sang-ayon ng kaybigan nya na mas kinagulo ng isip niya.