Chapter 3

965 Words
CHAPTER 3 "Good morning Doc George!" "Good morning po." Balik na bati ni George sa pasyente nyang nag ilang araw sa hospital ngunit ngayon ay nakarecover at sinabihan na nyang maari ng umuwi. Pinirmahan nya lang ang release paper nito bago gumayak narin. Tanghali ang usapan ng pag punta nya sa bahay ng mayor para kamustahin ang anak nito ngunit mas inagahan na nya. "May iba kang duty? Sa labas ng hospital? Hulaan ko," umaktong nag iisip ang kaybigan nyang si Bea. Close nya ang Doctora at madalas makabiruan. "VIP yan noh?" Pangungulit pa nito. "Simpleng tao lang sya," nakangiting sagot ni George dahil sa na alala nya ang sinabi sakanya ni Laura. "Ah, okay. Akal ko VIP," kumindat sakanya si Bea. "Swerte nya at yung pinaka magaling na doctor pa talaga ng hospital na 'to ang gumagamot sakanya." Lumakad na palayo si Bea. Natawa na lamang si George bago bumyahe patungo sa bahay ng mayor. Tahimik syang nag dadrive habang iniisip ang kalagayan ng mag ina. Malambing ang boses ni Laura at hindi maalis sa isipan nya 'yun. Kaya naman maging sa panaginip ay dala nya ang imahe at malambing na boses nito. Napailing sya. May asawa na sya at mayor pa mali ang nararamdaman nya. Hindi dapat sya nag iisip ng kung ano ano na patungkol kay Laura. "Mamaya pa schedule mo diba?" Napatango si George kay Justin. "Inagahan ko na kasi aalis ako mamaya," palusot nya. "Okay," sumenyas si Justin sa tauhan. "Guide him," utos nito. Tahimik na nag lalakad si George. Ini-stop na nya ang dalawang bodyguard ng matapat sya sa pinto. Kumantok sya bago pumasok. Nadatnan nya si Travis na may malay na at mukang maayos na ang pakiramdam. "Hi," bati nya kay Travis. "Mommy mo?" Sunod na tanong nya. "I think nasa banyo po sya," turo ni Travis sa banyo nila na nasa loob mismo ng kwarto. "Ah, okay. Hintayin na ba natin sya? Kamusta na ba pakiramdam mo?" "Okay na po, malakas na." "Travis anak, pwede pakiabot ng napkin ko. Nandiyan sa ibabaw ng side table." Napangiwi si George ng makita nga ang napkin na may wings pa. Dinampot nya ito at nahihiyang ngumiti kay Travis. "Pahinga kana, ako na mag bibigay." Alok nya bago tumayo at kumatok sa pinto ng banyo. "Laura ito na yung napkin," napaiwas ng tingin si George. "Si Travis inutusan ko, pero sige s-salamat." Mabilis na isinara ni Laura ang pinto. Nakakahiyang si George pa pala ang nag abot ng napkin nya. Ang akala nya kasi ay tanghali pa ang punta nito kaya kampante sya. Madahan sayang lumabas ng pinto. Mabuti nalang at walang cctv yung gawi sa banyo nila. Kapag nakita ni Justin ang ginawa ni George ay mabubugbog na naman sya. "Ang aga mo," basag nya sa katahimikang namayani sa loob ng silid. "Kinamusta ko lang kayo at tsaka sabi mo mag dahilan ako sa asawa mo para maalagan ko pa anak mo." "Salamat," mahinahong wika ni Laura. Napako ang tingin ni George sa leeg ni Laura. "Ano yan? Sino may gawa nyan?" Sumeryoso sya. Napansin nya ang pasa ni Laura at kitang kita yun dahil sa maputing balat nito. Agad itong tinakpan ni Laura. Nakalimutan nyang pahidan ito ng creame at itago. "W-wala nakalmot ko lang. Kasalanan ko 'to," mabilis nyang sagot. "Patingin ako." Akmang hahawak sya ni George ng mapayakap sya sa sarili. "Huwag mo kaming saktan, pakiusap." Naluluhang sambit ni Laura. "Hahawakan ko lang pero wala akong intensyon na saktan ka," gulat na wika ni George. "Tigilan mo po si Mommy baka mag away na naman sila ni Daddy." Maging si Travis ay nag mamakaawa narin. "Travis," sita ni Laura sa anak. Napatingin si George sa cctv. Alam nyang may mali, nararamdaman nya yun. Kumuha sya ng papel at may isinulat. Ibinigay nya yun kay Laura bago tumayo upang lumabas. Siguro nga'y kaylangan na nya ng tulong ng isang kaybigan. Agad syang nag dial ng number ni Leo. Si Leo ay magaling pag dating sa technology, somputer, at sa pagiging hacker. Kaya nyang i-access ang lahat sa ilang segundo at minuto lang. Depende kung gaano kadali ang sitwasyon. "I need your help," agad na bungad ni George. "Kapag usapang pagiging doctor pass ako d'yan pre." "Tract my location and block the cctv cameras." Utos nya bago sana ibaba na ang tawag ng may ihabol na salita ang kaybigan nya. "Mahal bayad sakin," biro nito. "Name your price." Sagot nya bago pinatay ang tawag inopen nya ang location nya para mas madali syang mahanap, at bago sya makapasok sa kwarto ay nakatanggap sya ng text kay Leo na okay na. Nakablock na yung cctv at hindi na malalaman ang ano mang gagawin nila sa kwarto. "Pwede ko ng gawin gusto ko wala ng makaka alam." "Paano mo nagawa yun?" Takang tanong ni Laura. "Simple lang, connections." Nakangiting sagot nya bago ginulo ang buhok ni Travis. "Kumain na ba kayo?" Pag i-iba nya sa usapan. "Sigurado kabang wala ng makaka alam?" Paninigurado ni Laura. Kumunot ang nuo ni George bago tumango. Tumayo si Laura at napatitig sya rito. Napaiwas sya ng tingin ng mag hibud ito ng saplot sa itaas. "Ibalik mo ang saplot mo," utos ni George na hindi parin makatingin kay Laura. "Help us," umiiyak na wika ni Travis. Madahan syang tumingin kay Laura. Tumambad sakanya ang pasaan nitong katawan. "Pakiusap, tulungan mo kami." Hindi alam ni George ang magiging reaction nya. Nakuyom nya ang kamao nya. "Anong klaseng asawa ba ang meron ka?" Hindi mapigilan ni George na matanong si Laura. "H-halimaw," luhaang sagot nito sakanya. "Hindi ko na sya kilala. Ibang-iba na si Justin. Itakas mo kami rito, pakiusap Doctor George tulungan mo kami. Hindi ko na kayang manatili rito, baka mapatay na nya kami." Pinatahan nya si Laura at Travis. "Itatakas ko kayo, pangako yan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD