Inayos ni Laura ang sarili nya. Sa tagal ng pananatili nya sa piling ng asawa nyang abusado ay natutuhan na nyang gamutin ang sarili nya at hindi nalang masyadong indahin ang pasa at sugat na tinatamo nya.
Hindi sya nakatulog. Binantayan na lamang nya si Travis dahil baka bulabugin na naman sila ni Justin. Nag suot sya ng mahabang dami na may manggas para matakpan ang pasa nya sa braso, maging sa leeg dahil sa pagkaka sakal sakanya ni Justin. Nag panjama rin sya dahil maging sa binti ay may pasa syang hindi pa nga gumagaling ay nadagdagan na naman.
Ayaw nya rin na nakikita ito ng anak nya kaya sya na ang gumagawa ng paraan matakpan lang ito. Binibilin din sya ni Justin dahil kadalasan ay may mga bisita ito sa bahay nila. Katukayo, kaybigan at kung minsan ay ang pamilya mismo ni Justin.
Ayaw sakanya ng pamilya nito kaya naman wala rin pake ang mga ito kahit na alam nilang sinasaktan sya ni Justin.
Tumingin sya sa orasan. Umaga na pala kaylangan na nyang bumaba upang ipaghain si Justin. Masisigawan na naman sya nito kapag hindi sya nasilayan nito pag mulat pa lamang ng mata nito.
"Anak," gising nya kay Travis.
Kinabahan sya ng mahipo nya ang anak. Mainit ito at inaapoy ng lagnat! Hindi alam ni Laura ang gagawin nya kaya agad na lamang syang nag tungo sa kwarto ni Justin.
Saktong tapos na itong mag hilamos at palabas na ng kwarto.
"Bakit?" Yamot na tanong nito.
"Ang anak natin, may lagnat sya. Inaapoy sya ng lagnat Justin." Umiiyak na wika nya sa asawa ngunit tumawa lamang ito.
"And so? Gusto mong lumabas kayo at dalhin sya sa hospital? Laura hindi mo ako mauuto," malamig na sagot ni Justin sakanya.
"Anak mo sya!"
"And so?"
Hindi sya makapaniwalang pati anak nila ay wala ng pake si Justin.
"Kahit na mag patawag ka nalang ng doctor rito, pakiusap." Nakaluhod na si Laura habang ang mata nya ay basa ng luha.
"Pag-iisipan ko pa." Nilampasan na sya ni Justin. Mabilis nya itong sinundan at minura habang galit na nakatingin dito.
"Malala kana!"
"Wala akong pake," sinakal sya nito. "Akin ka, laruan kita. Babae kalang, madaling palitan."
Nakangising tinalikuran sya nito. Nayakap na lamang ni Laura ang sarili nya. Muli syang nag dasal habang umiiyak. Palagi nyang hinihiling na sana ay makaalis na sila sa poder ni Justin. Sana makatakas sila ng anak nya ng hindi nahuhuli ng asawa nya.
Pero mukang malabo dahil sa madami nitong bantay na bodyguard.
Habang hinihintay kung maawa ang asawa nya sa anak nila ay pinunsan muna ni Laura ang anak ng basang bimpo.
"Pasensya na anak," hinaplos nya ang pisnge nito. "Mahina pa ang Mommy mo. May awa ang panginoon, makakaalis din tayo rito."
Kaagad syang nag punas ng luha ng bumukas ang pinto ng kwarto na kinalalagyan nila ng kanyang anak.
"Honey," malambing ang boses ni Justin.
Pakitang tao, magaling si Justin dun. Mabait ito sakanya kapag may ibang tao, pero napaka lupit nito kapag wala na.
"This is Doctor Cullen," pakilala ni Justin sa Doctor na titingin sa anak nya. "Pansamantala ay sya ang titingin kay Travis, treat him nicely." Bilin pa ni Justin bago sila iniwan. Ang titig nito ay nag babanta kaya alam na nya ang ibig nitong sabihin.
Kaylangan nyang mag panggap na masaya sila at maayos.
"Doctor Cullen, kamusta na sya? Mataas parin ba? Anong temperature nya?" Sunod-sunod na tanong Laura habang nag a-alalang nakatingin sa anak.
"George nalang," ngumiti sakanya ang doctor. "Hindi naman na mataas pero kaylangan paring obserbahan." Paliwanag nito sakanya. "Ikaw ba ayos kalang? Parang nanginginig ka at maputla?"
"Ayos lang," mabilis na sagot nya bago nag iwas ng tingin.
Napatango si George bago naupo sa tabi ng bata at sinuri pa ito. Si Laura naman ay todo tago sa leeg nya dahil bakat ang Sakal ng asawa nya rito. Nakalimutan nyang mag lagay ng cream para rito. Maputing babae kasi sya kaya simpleng sugat o pasa ay madaling makita.
"Totoo nga ang sabi nila."
Napatingin sya kay George na bigla na lamang nag salita.
"Ang alin po?" Magalang na tanong nya.
"Na maganda ang asawa ng mayor," ngumiti ito sakanya. "Akala ko bali-balita lang, at sabi nila masama daw ugali mo."
Sya pa pala ang binaliktad ng asawa nya? Napailing sya at hindi na natiis na mag salita "Simpleng tao lang ako tulad ng karamihan," seryosong sagot nya. "Nagagalit, naiinis at nakakagawa ng mali."
"Ang seryoso," natatawang wika ng doctor.
Hindi na kumibo pa si Laura. Iniiwasan nyang makipag usap kay George dahil big deal yun kay Justin. May cctv na nakabantay sa mga galaw nila kaya nag iingat sya sa ikikilos nya.
"Kamuka mo anak mo, Travis pangalan nya diba?"
Tumango sya bago bahagyang lumapit kay George. "Huwag mo na akong kausapin mag focus kana lang sa ginagawa mo."
"Bakit?" Nag tatakang tanong nito.
"Seloso asawa ko," simpleng sagot nya.
"Don't worry hindi ako--" Agad nya itong pinutol sa pagsasalita.
"Basta wag mo akong kausapin, please?" Nag mamakaawa sya habang naluluha.
Sasaktan na naman sya ni Justin kapag umiral ang pagiging seloso nito. May sakit ang anak nya at hindi pwedeng mabinat. Kapag kasi nalaman nitong sinaktan na naman sya sinasabayan rin sya nito sa pag iyak.
"Pwede bang alagaan mo ang anak ko. Sabihin mo sa asawa ko kaylangan pa nyang masuri." Pakiusap ni Laura.
"Oo naman."
"S-salamat." Nautal pa sya bago nag iwas ng tingin. Tinuon na lamang nya ang kanyang pansin kay Travis na mahimbing ang tulog.
"May papel ka?" Tanong ni George sakanya kaya sya naman ay agad na kumuha ng papel.
May isinulat ang Doctor rito at inabot sakanya. Hindi kasi talaga mapakali si George sa kinikilos ni Laura kaya naman sya na ang kusang gumawa ng paraan. Pansin nya rin ang kanina pa nitong pag tingin sa cctv at ang pag babawal na wag makipag usap.
Naiabot na nya ang papel kaya hindi na sya nag paalam. Umalis na sya at agad syang sinamahan ng bantay ni Justin na mga bodyguard.
"Pakisabi babalik ako bukas," bilin nya bago tuluyang sumakay ng kotse.
"Anong ibinigay nya sayo?" Galit na tanong ni Justin sakanya.
Mabuti nalang ay napunit na nya ang papel na sinulatan ni George. "Reseta lang ng gamot ni Travis, gusto mo bang makita?" Pag sisinungaling nya kahit na ang totoo ay phone number ang nakasulat sa papel.
"Siguraduhin mo lang." Hinawakan sya sa panga ni Justin at hinigpitan pa ang hawak dahilan para mapaiyak sya sa sakit. "Ayoko ng niloloko ako Laura."
Iniwan na sya nito. Lumuluhang tumabi na lamang sya kay Travis. Hindi sya tatabi kay Justin ngayon dahil may sakit ang anak nila. Alam na ni Justin yun kaya wala na itong maraming tanong sakanya.
"George," sambit nya sa pangalan ng Doctor. "Matutulungan mo kaya ako?" Wala sa sariling tanong ni Laura. Umaasa syang matutulungan sya nito kapag sinabi nya ang kalagayan nya at ng anak nya sa piling ng abusado nyang asawa.